Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

JESUS IS LORD COLLEGES FOUNDATION, INC.

101 Bunlo, Bocaue, Bulacan

JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


S.Y. 2020-2021
KOMENTARYO/PAGSUSURI SA ISANG SANAYSAY
Pangalan: Certeza, Mark Jedrick L. Iskor:

Pangkat: 10 - Victorious Petsa: Marso 10, 2022

“Pilipinas sa loob ng Sandaang Taon”

Pamagat ng Sanaysay

Note: Tiyaking ang mga detalyeng itatala sa bawat bahagi ng Pagsusuri ay akma sa binasang

Sanaysay. Maari kayong magdugtong ng pahina hanggang 4 na pahina lamang.

I. INTRODUKSYON/PANIMULA

“Ang Pilipinas sa Loob ng Sandaang Taon” sanaysay na isinulat ni Gat José


Rizal. Ang orihinal nitong pamagat ay “Filipinas dentro de cien anos” na unang
inilathala sa pahayagan ng La Solidaridad. Sinimulan itong isulat ng ating
pambansang bayani noong Setyembre 30, 1889 at kanya itong natapos noong Pebrero
1, 1890. Gamit ang sanaysay na ito, layunin ni Rizal na mailathala ang mga maling
pamamahala ng Espanya, at kung ano ang dapat maging aksyon ng mga tao para
makamit ang patas na karapatan. Nais niyang maimulat ang mga mata ng kapwa niya
Pilipino sa mga pang-aapi at kasinungalingan ng mga Kastila. Sa gayon ay naisin din
ng bawat isa na maging bahagi ng kabayanihan- paghakbang patungo sa kalayaan.

Isang daang taon na ang nakalipas ng ito ay kanyang naisulat. Ang mga
prediksyon na kanyang inilagay sa kung ano ang mangyayari sa ating bansa sa
hinaharap ay siya ngayong nararanasan ng Pilipinas. Kaya naman, madiin na inihayag
ni Gat Jose Rizal sa mga Pilipino ang kahalagahan na bigyang pansin ang nakalipas,
kasalukuyan at hinaharap. Sapagkat mahalaga ang nakaraan higit lalo ang ngayon na
siyangkinabukasan.

II. BODY/KATAWAN

Madilim na nakaraan at masalimuot na kasaysayan. Ito ang Pilipinas sa kamay


ng mga mapang-abuso mga kastila. Ang tila mabulaklak na pangako ay unti-unting
nalanta dahil sa sariling kasakiman hanggang sa ito ay tuluyang mabulok na. Inilathala
ni Gat José Rizal ang mga pangako ng pag-unlad at kapayapaan ngunit ang naganap ay
karahasan at kamatayan. Ang mga maskara nga ng mga kastila ay tuluyang nalaglag at
ang kanilang tunay na kalooban ay naibunyag. Binulag tayo, pinaniwala sa mga
turong- ritwal at mga adhikaing hindi maka-tao. Ika nga ni Rizal, kinalimutan na ng
mga Pilipino ang sariling kultura at pilit na isinuot ng kasuotang hindi nauunawaan.
Naging sunod-sunoran na tila hayop na pang-gawa sa mga nais ng kastila. Dahil doon
unti-unting nawalan ng karapatan ang mga Pilipino. Tumaas ang mga obligasyon at
buwis. Subalit ang pribilehiyo at kalayaan ay nananatiling nakalugmok sa hukay.

Mula sa panahon ng nakaraan, hinihimok ni Gat Jose Rizal ang kasalukuyang


henerasyon na maging mulat at piliing maki-isa sa paghakbang nang pagkakaisa.
Sapagkat ang ating nagdaang nakaraan ay sumusunod na mistulang anino sa ating
kasalukuyang panahon.

Bagamat hindi man tayo hawak sa leeg ng mga dayuhan at hindi na tayo
nakakulong sa rehas ng dugo at kasakiman. Ngunit patuloy pa rin tayong alipin ng
ating sariling ambisyon at pagiging makasarili. Kagaya nga ng wika ni Rizal sa
kanyang sanaysay, hawak ng mga mayayaman ang bansa, at maraming mga Pilipinong
makapangyarihan nang dahil sa pera, ang tumalikod sa rebolusyon at naki-alyansa sa
kalaban para sa sariling kapakanan at ika-yayaman. Ang nakakalungkot na
katotohanan, hanggang sa ngayon, dumadaloy sa Pilipinas, ang serbesa samantalang
ang tubig ay nananatiling uhaw para sa katarungan at kalayaan.

Subalit ayon nga kay Doktor Jose Rizal "Ang kabataan ang Pag-asa ng Bayan".
Naniniwala akong edukasyon ang susi para ang isang tao ay umunlad sa kanyang sarili
at sa kanyang tatahakin karera sa buhay. Ngunit bakit hindi lahat ng kabataang tulad
ko ay hindi maaring makamtan ito? Bakit tinuturing parin itong pribelihiyo, kung
gayon ang bawat isa ay may karapatang maangkin ito! Kung ang bawat kabataan na
dapat sana ay nasa silid-aralan ngunit laman ng kalsada upang kumayod para sa
pamilya. Kaliwa’t kanan ang mga protestang iisa ang sigaw-ang pantay na karapatan.
Ito pa din ang hindi nagbabagong pakikibaka ng mga manggagawa mula sa pang-aapi
at hindi tamang pa-sweldo. Ang suliranin sa edukasyon at paggawa, sa mga nakalipas
na panahon ay siya pa ring nakakalason na katotohanan ng kasalukuyang henerasyon.

Mula sa napakahusay na pang uudyok ni Rizal, ang lahat ng katotohanan ng


nakaraan, maging ang nagniningning niyang layuning maimulat ang kapwa
mamamayan mula sa nakaraan, ngayon at kinakabukasan ay magliwanag nawa sa
ating pusong madilim na puno ng kasakiman at maging ng mga dayuhan. Habang ito
ay aking binabasa, namangha ako kay Gat José Rizal dahil sa kanyang tapang at galing
sa larangan ng pagsulat. Ang mga simpleng kataga na ito ay magbubukas pala ng
malalalim na kahulugan at liwanag sa aking kaisipan, sagayon matutunan kong
maging mapanuri bilang mambabasa. Sa sanaysay na ito pinalalaya ng may akda ang
mambabasa na pumili ng desisyon na makamit at maipasa ang layunin sa iba.

III. CONCLUSION/PAGKUKURO

Hangarin ni Rizal na gisingin ang diwa ng lahat ng tao upang bigyang


pagpapahalaga ang pagtupad ng layon sa buhay. Nabigyang diin ng sanaysay na ito
ang pagpahahalaga sa desisyon na pumili. Piliin makamtan ang iyong layunin para sa
bayan at higit sa lahat ang piliin na makita ang kahalagahan ng panahon. Dahil ang
ating nakaraan, kasalukuyan at hinaharap ang bubuo ng ating sariling pagkakakilanlan
at magpapatibay ng ating paniniwala na sa susunod na sandaang taon, ang Pilipinas ay
mag-ningning sa globo ng daigdig!

At bilang bahagi ng henerasyong ngayon, pinipili ko na maging kaisa sa


paghakbang tungo sa kabayanihan nang mapayapang kinabukasan. Dahil naniniwala
ako na tayo ang haharap sa pag-asam sa ating hinaharap. Tayo bilang mga kabataan ay
magpatuloy sa paghawak sa pag-asa ng pagbabago. Gayundin hindi natin makakamtan
ito kung ang sarili nating mga puso ay walang pagbabago. Paulit ulit man ang
nakabibinging tik-tak ng orasan at malagas man ang ilang mga pahina ng kalendaryo.
Kung magpapatuloy tayong maging bingi sa lahat ng nangyari sa nakaraan at
magpapadala sa ating mga maling pagpili sa kasalukuyan, ay magdudulot lamang ito
ng paulit ulit na pagkakamali. Kaya naman kung ano man tayo ngayon, ito ay ating
bukas! Ako, isang kabataan, nananalangin na magising ang bawat pusong nabulag ng
madilim na nakaraan upang kumilos, magbago at mag-alab para sa perlas ng silangan!

You might also like