Aral Pan - Grade 4 - IMs. Ang Iskala

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

GRADE IV

ANG ISKALA

ALAMIN MO

Larawan ito ng isang pamayanan. Hindi ito ang aktwal na sukat nito.

Ang aktwal o totoong sukat ng pamayanan ay maaaring paliitin upang maipakita sa


isang plano o larawan.

Sa modyul na ito, matututuhan ang tungkol sa:

- Iskala
- Gamit ng iskala

1
PAGBALIK-ARALAN MO

Magsanay ka sa paggamit ng pangunahin at pangalawang direksyon sa paghanap ng


lokasyon ng isang lugar batay sa kinalalagyan ng iba pang lugar.

Narito ang Mapa ng Rehiyon III. Tingnan sa mapa ang mga lalawigang bumubuo rito
at pag-aralan ang lokasyon ng mga ito.

2
Punan ang mga patlang ng tamang sagot.

1. Ang Bulacan ay nasa _______________ng Nueva Ecija.

2. Sa Hilagang Silangan ng Zambales matatagpuan ang _______________.

3. Nasa Timog Silangan ng Pampanga ang _______________ at _______________.

4. Nasa Silangan ng Nueva Ecija ang lalawigang _______________.

5. Ang Bataan ay nasa _______________ ng Zambales at _______________ ng


Pampanga.

PAG-ARALAN MO

Kumuha ng mapa at suriin ito. Makikita sa isang panig ng mapa ang sukat na ginamit
upang ipakita ang lawak ng lupain sa pinalit na sukat nito. Maaari itong makita sa
gawing itaas o ibaba. Kung minsan, makikita ito sa gawing gitna malapit sa mapa.

3
Narito ang isang halimbawa ng iskala.

0 10 20 30 40 50

Sa iskalang ito, ang bawat isang sentimetro sa mapa ay katumbas ng 10 metro


sa lupa.

Iskala: 1 cm = 10 metro

Isa pa rin itong halimbawa

0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 cm

0 10 20 30 40 50 60 70 80 90 100 km

Ang sukat ng mga lugar na matatagpuan sa mapa at sa globo ay hindi ang tunay na
sukat, gayundin ang layo o distansya ng mga ito. Pinaliit ang mga ito upang maipakita
ang kabuuan ng mga lalawigan o mga bansa. Ang pagpapaliit o pagpapalaki ng mapa ay
ginagawa ng isang cartographer. Ito ang tawag sa gumagawa ng mapa.

Ang totoong sukat ng isang lugar ay ang tinatawag na sukat panlupa o ground
distance.

Ang pinaliit o pinalaking sukat batay sa tunay o aktwal na sukat ay tinatawag na


iskala. Ang iskala sa mapa ay ang kaugnayan ng sukat o distansya ng lugar sa mapa sa
tunay na sukat nito. Ito ay maaaring ipahayag sa iba’t ibang paraan.

4
Halimbawa:

Maaaring ang –
1 sentimetro = 1 kilometro
1 sentimetro = 10 kilometro
1 sentimetro = 100 kilometro

Iskala sa km
Ipinakikita nito na ang bawat
sentimetro ay katumbas ng 10
kilometro.
1 cm = 10 km

Kung ganitong iskala ang makikita mo sa mapa, ito ang magiging batayan o
sanggunian mo sa pagkuha ng tunay na sukat o layo ng mga lugar sa mapa.

Sagutin mo ang sumusunod. Gamitin ang iskala na 1 cm = 10 metro.

1. Ano ang sukat sa lupa kung 3 sentimetro ang sukat na mapa?


__________ metro

2. Ano ang sukat sa lupa kung ang sukat sa mapa ay 6 na sentimetro?


__________ metro

3. Kung ang aktwal na sukat ng lupa ay 90 metro, ilang sentimetro ito sa


mapa? __________ sentimetro

Ginagamit sa mapa ang iba’t ibang iskala. Kailangang kilalanin ang iskalang ginamit
sa pag-aaral ng mapa upang magamit ito nang wasto. Ang iskalang ito 1 cm: = 10
kilometro ay maipakikita sa iba’t ibang paraan.

1. 1 cm. = 10 km.

0 10 20 30 40 50 60

2. 1 cm: 50 kilometro

0 10 20 30 40 50 60

5
1 cm
3.
50 km

Higit mong mauunawaan ang aralin kung susundin mo ito.

Gumawa ng panukat na papel o karton.

Narito ang isang halimbawa ng iskala.

0 10 20 30 40 50 60 70 80
KILOMETRO

Kumuha ng isang papel o karton


Itupi ito ng tatlong beses.

Ganito ang kalalabasan.

Itapat ito sa iskala tulad ng nasa ibaba.

6
Lagyan ng tanda ang papel. Sa tulong nito malalaman ang distansiya o layo ng lugar
sa ibang lugar.

Narito ang isang mapa.

7
0 10 20 30 40 50 60 km.

Kunin ang iyong ginawang panukat.


Itapat ang iyong panukat sa A at B
Tulad ng nakikita sa larawan.

Ilang sentimetro ang layo ng A at B? 6 hindi ba?


Kung ang isang hati o isang sentimetro ay katumbas ng 10 kilometro, ilang
kilometro ang layo ng A sa B? 60 kilometro

Gaano naman ang layo ng B sa D?


Ganito ang iyong gawin.
Una, itapat ang panukat sa B at C?
Ilang sentimetro ang layo ng B sa C? 5 cm

Sa tunay na sukat ang 5 cm. ay 50 kilometro.

Ikalawa, itapat ang panukat sa C at D?


Ilang sentimetro ang layo ng C sa D?
Ilang sentimetro ang katumbas nito sa aktwal o tunay na sukat?
Ikatlo, pagsamahin ang sukat ng B at C at D.

Layo ng B sa C = 5 cm. o 50 kilometro


Layo ng C sa D = 4 cm. o 40 kilometro
Layo ng B sa D = 9 cm. o 90 kilometro

Ang pagsukat ng distansiya o layo ng isang lugar ay ayon sa hugis ng daan.

Halimbawa:

Tuwid ang pagsukat kung ang nakikitang guhit sa mapa ay tuwid.

Kung nakaliko kailangang nakaliko rin ang pagsukat rito upang makuha ang wastong
sukat.

8
Gawin ang sumusunod:

Ilarawan ang iskala.

Ipaliwanag ang kahalagahan nito.

Paano ito ginagamit?

Paano ang pagsukat ng distansiya o layo ng isang lugar.

ISKALA: 1 CM = 2 METRO

Suriin mo ang mga larawan sa itaas.

Kinunan ng larawan ang paaralang ito. Ipinakikita rito ang iba’t ibang gusali at
ang hugis ng bawat isa. Ang sukat ng mga gusali at lupa sa larawan at mapa ay maliit
kaysa aktwal na laki nito.

Sa pamamagitan ng iskala, masasabi ang tiyak na sukat o layo ng isang lugar.

9
Ang sukat na ito ay isang sentimetro. Ang bawat isang sentimetro sa
mapa ay katumbas ng 2 metro (1cm = 2 metro) sa sukat sa lupa. Ang dalawang
sentimetro o ganitong kahaba sa mapa ay katumbas ng 4 metro sa lupa
(2 cm = 4 metro)

Gaano ang sukat ng silid aralan A. Gamitin ang iyong panukat. Sukatin mo ang
haba at luwang nito.

Ganito rin ang gawin sa B, C at D.

PAGSANAYAN MO

Pagsanayan mo ang wastong pagsukat ng distansiya ng mga bagay o lugar.

Narito ang mapa ng Purok Sta. Ines

10
Gamitin ang panukat na ginawa mo. Isulat ang sulat nito sa sentimetro at ang
katumbas ng sukat ng lupa sa metro.

1. Ilang sentimetro ang layo ng bahay ni R kay C? _____


2. Ilang sentimetro ang layo ng paaralan sa park? _____
3. Ilang sentimetro ang layo ng simbahan sa park? _____
4. Ilang sentimetro ang layo ng bahay ni L sa palengke? _____
5. Ilan ang aktwal o totoong distansiya ng bahay ni L sa palengke? _____
6. Ilang sentimetro ang distansiya ng paaralan sa munisipyo? _____
7. Ilan ang aktwal o totoong distansiya ng paaralan sa munisipyo? _____

TANDAAN MO

 Ang iskala ay ginagamit na panukat sa distansiya ng lugar

 Maaaring paliitin ang aktwal na sukat ng lugar sa tulong ng iskala

 Ang pagsukat ng distansiya o layo ng isang lugar ay ayon sa hugis ng daan

ISAPUSO MO

Basahin mong mabuti ang mga tanong. Buong katapatan mong sagutin ang mga ito.

A. Ano ang kahalagahan para sa iyo ng pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa iskala?

B. Paano mo magagamit ang kaalaman tungkol sa iskala sa iyong pang-araw-araw na


buhay?

11
GAWIN MO

Narito ang krokis ng pinaliit na mapa na ginamit ang sentimetro.


Gamitin mo ang 1 cm = 2 decimetro sa pagpapalaki ng mapa.
Gawin ito sa isang “manila paper.

12
SAGUTIN MO

Sagutin mo ngayon ang mga pagtataya upang masukat ang iyong kaalaman tungkol sa
modyul na ito. Isulat mo ang iyong sagot sa kuwadernong sagutan.

Pag-aralan ang iskala at sasagutin ang mga kasunod na tanong.

A.

1 cm: 10 metro

1. Ano ang tawag dito?

0 10 20 30 40 50 60 70 80

2. Ilan ang sukat ng bawat bahagi? __________

3. Ilang metro ang sukat sa lupa ng isang sentimetro? __________

4. Ilang sentimetro sa mapa ang 50 metrong sukat ng lupa? __________

5. Sa iskalang ito, ilang metro sa mapa ang 4 na sentimetro? __________

6. Ilang metro ang sukat sa lupa ng 6 na sentimetro? __________

7. Ilang metro sa mapa ang 8 sentimetro? __________

13
B. Narito ang road map ng pamayanan ng Santa Clara. Sa pagsusukat gamitin ang
panukat at iskala ng mapa.

0 1 2 3 4 5 6 7

1 cm = 1 km

1. Ilang sentimetro ang layo ng A sa B? __________

2. Ilan ang aktwal na sukat ng layo ng A sa B? __________

3. Ilang kilometro ang distansiya ng B sa C? __________

4. Gaano kalayo ang D sa E? __________

5. Ilang sentimetro ang layo ng F sa G? __________

6. Ilang kilometro ang totoong sukat ng distansiya ng F sa G? __________

14
C. Piliin ang tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Alin ang ginagamit sa paggawa ng mapa upang mapaliit ang sukat ng isang lugar?

a. iskala b. ruler c. kilometro

2. Alin ang panukat na ginagamit sa iskala?

a. sentimetro b. pulgada c. piye

D. Narito ang isang mapa ng pulo ng Panay. Gamitin ang iskala sa pagsagot sa mga
tanong.

15
1. Distansiya ng Passi City sa Iloilo City __________.

2. Layo ng Oton sa Iloilo City __________.

3. Layo ng Roxas City sa Dumalag __________.

4. Layo ng New Lucena sa Passi City__________.

5. Layo ng Iloilo City sa Guimaras __________.

6. Layo ng San Jose City sa Bugasong __________.

7. Layo ng Kalibo sa Valderama __________.

8. Layo ng Bugsong sa Valderama __________.

9. Layo ng New Lucena sa Oton __________.

10. Layo ng Passi City sa Oton __________.

Binabati kita at matagumpay mong natapos ang


modyul na ito! Maaari mo na ngayong simulan ang
susunod na modyul.

16

You might also like