Film Review Not Done

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

TRASONA, JOEL A.

UNIVERSITY OF
BATANGAS
AB COMM3-1 FIL2

PAGSULAT NG REPLEKSYONG PAPEL BATAY SA PINANOOD NA PELIKULA


FILM VIEWING ACTIVITY

PAG-ASA

Kung mapapansin sa tatlong Film at sa pag-uugnay nito sa pinag-aralan sa General


Education lalo na sa Filipino2 at Litera1. Malinaw na ang pangunahing hanapbuhay ng mga
Pilipino ay Pagsasaka. Isa sa mga problema ay ang kahirapan o usapin ng pera. Dahil sa
kahirapan, dito nagsisimula ang problema ng isang tao o pamilya. Una, sa pelikulang What
home feels like, hindi maikakaila na dahil sa mababang sahod sa ating bansa maraming Pilipino
ang lumalayo para magtrabaho at handang magsakripisyo para mabigyan ng magandang
buhay ang kanilang pamilya sa kabila ng distansya. Pangalawa, ipinakita ng Film na Sol
Searching ang tungkol sa lupa, kakulangan, at kasakiman sa pera. Tulad ng maraming Pilipino
na nakakaranas ng ganitong sitwasyon, hindi mailibing kaagad o mabigyan ng magandang
burol ang isang tao dahil sa kahirapan o kakulangan sa pananalapi. Isang pagtatalo sa lupa na
nagsisimula sa gulo.at Pangangaliwa ng asawa na nagsisimula sa pagkawasak ng pamilya na
nagdudulot ng hindi magandang samahan. Gagawin ng iba ang lahat para maging gahaman sa
pera, Lalo na ang mga nangungurakot na matataas ang posisyon kung saan isa sa nagpapalala
ng kahirapan ay ang Korupsyon. Ang pangatlo ay ang Instalado. Sa pelikulang ito, makikita rin
natin ang tungkol sa Edukasyon at kahirapan. Isang ordinaryong tao na gustong yumaman at
mapadali ang kanyang pagtatapos sa pag-aaral nang sa gayon ay magkaroon ng magandang
buhay at sapat na pangangailangan ang kanyang pamilya.

Maraming suliranin ang hinarap ng bawat karakter at gaya sa tunay na buhay. Ang
bawat isa ay may tungkulin at papel sa lipunan. Masasalamin ang agwat ng mayaman at
mahirap, agwat ng mahina at malakas lalo na ang Diskriminasyon at maling paniniwala.
Ordinaryong tao, Guro, Opisyal ng gobyerno, kapitan ng barko, Negosyante, Mag-aaral, OFW,
at Propesyunal na tao. Sa tatlong film na ito ay nagpakita ng hindi pagkakapantay-pantay ng
babae at lalaki o sa kanila mang kapwa. Makikita ang pananakit, panglalait, panggagahasa,
pagnanakaw at pang-aabuso sa kahinaan at kapangyarihan. Iba na ang panahon ngayon, hindi
na katulad ng dati na masyadong partikular lamang ang pwedeng gampanang papel ng mga
babae at lalaki, ibang-iba na talaga ngayon, mas bukas na ang isip ng mga tao sa buong
mundo – lalong-lalo na sa Pilipinas.
Sa tatlong Film na aking napuod marami at puno ng aral aking natutuhan. Maraming
pagkatanto ang aking nabatid sa ibat ibang usapin o problema na kinakaharap ng bawat isa.
Dahil isa sa problema sa ating bansa at nating mga Pilipino ay kahirapan at kakapusan sa pera.
Gayunpaman, kahit na sa pinaka-mahirap na sitwasyon ay may tao parin na handang tumulong
sa kanilang kapwa kahit na walang hinihinging kapalit. Kahit mahirap ang buhay ay hindi parin
dapat mawala ang pagtitiwala sa sarili, pagmamahal, pagrespeto, komunikasyon at pagtulong
sa kapwa. Sa bagay na ito, kailangan nating magsumikap sa buhay nang sa gayon ay
matamasa natin ang maayos at masarap na buhay. At ang pagmamahal na ibinibigay ng
pamilya ay hindi masusukat sa layo na mayroon. Ito ay sa pamamagitan ng suporta at
pagmamahal na ibinibigay kahit na wala ka sa tabi nila. Kung ganap na mayaman ay huwag
kalimutan o tumunaw ng utang ng loob sa mga taong tinulungan ka noon.

You might also like