Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A (CALABARZON)
Division of Rizal
CARDONA SUB-OFFICE

UNANG KWARTER NA PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 4


T.P. 2022 - 2023

Pangalan: ________________________________________ Iskor: ____________

A. Panuto : Basahin at unawaing mabuti ang bawat sitwasyon. Ikahon ang bilang ng
pahayag na nagpapakita ng katatagan ng loob sa pagsasabi ng katotohanan anuman ang
maging bunga nito.

1. Pagsusumbong sa magulang kahit hindi totoo.


2. Pagpilit sa sariling kagustuhan kahit hindi sumasang-ayon ang iba.
3. Pag-amin sa nagawang pagkakamali.
4. Pagtabi ng perang napulot sa daan dahil hindi naman nila alam na ikaw ang nakakuha.
5. Pakikinig sa suhestiyon ng nakatatanda.

B. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

6. Naglalaro kayo ng matalik mong kaibigan ng aksidenteng masira ang tsart na madalas gamitin
ng iyong guro sa pagpapabasa. Ano ang gagawin mo?

a. Hindi sasabihin sa guro dahil baka mapagalitan ang matalik na kaibigan.


b. Hihingi ng paumanhin sa guro at sasabihing aksidenteng nasira ang tsart ng matalik na
kaibigan.
c. Hindi sasabihin sa guro dahil magtatampo ang matalik na kaibigan.

7. Pag-uwi mo sa bahay, nagulat ka at nakita mo sa gilid ng bag mo ang magandang bolpen ng


iyong katabi. Ano ang dapat mong gawin?

a. Itabi na lang ang bolpen dahil baka mapagbintangan pa na nagnakaw nito.


b. Dadalhin sa paaralan at lihim na ibabalik sa bag ng katabi.
c. Dadalhin sa paaralan at sasabihin sa katabi ang totoong nangyari.

8. Bibigyan raw ako ng maraming kendi at pera ng aming kapitbahay basta huwag ko lamang
sasabihin kahit kanino ang iniuutos niya na magpakita ako maselang parte ng aking katawan.
Ano ang dapat kong gawin?

a. Sasabihin ko ang totoo sa aking nanay o sa taong may tunay na malasakit sa akin upang hindi
ako mabulid sa tiyak na kapahamakan.
b. Susundin ko na lang ang sasabihin ng kapitbahay para magkapera at magkaroon ng kendi at
hindi mapahiya kapag may nakaalam.
c. Sasabihin ko sa lahat ng makita ko ang totoo para pag-usapan ng lahat ng kapitbahay.

9. Nakita mo na nandaya sa pagsusulit ang isa mong kaklase kaya siya ang nakakuha ng
pinakamataas na marka. Ano ang iyong gagawin?
a. Ipo-post ko sa facebook ang ginawa niyang pandaraya upang mapahiya.
b. Sasabihin ko sa kanya na mali ang kanyang ginawa, na kailangan niyang ipaalam at humingi
ng paumanhin sa guro.
c. Hindi ko na lang siya pakikialaman para hindi kami mag-away.

10. Tama ba ang ganitong katwiran? “Ayos lang na maglihim paminsan-minsan basta huwag
palagi para walang gulo.”
a. tama b. mali c. marahil

6.
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
16.
17.
18.
19.
20.
21.
22.
23.
24.
25.
26.
27.
28.
29.
30.
31.
32.
33.
34.
35.
36.
37.
38.
39.
40.
41.
42.

C. Guhitan ng bituin ang patlang kung ang isinasaad ay nagpapakita ng tamang


pagsusuri ng katotohanan bago gumawa ng anumang
0 hakbangin sa mga impormasyon at
kalahating-buwan naman kung hindi. 0
0
11. Nakaantabay kami sa ulat panahon na mula sa PAG-ASA upang makapaghanda kung may
parating na bagyo. ______________________

12. Inaalam ko muna kung may katotohanan ang balita tungkol sa pagsabog ng Bulkang Mayon
bago ito sabihin sa aking kaibigan.

13. Lahat ng patalastas ay totoo kaya tatangkilikin ko ang mga produktong tinutukoy nito.
____________
0
14. Ikukumpara ko ang totoo at hindi totoo sa aking nabasa sa pahayagan. ________________

15. Gagayahin ko ang aking idolo sapagkat mahusay siyang bumaril ng kalaban nang hindi
namamatay. _______________.
0
16. Iniintindi ko munang mabuti ang Paunawa bago ko panoorin ang isang programang
pantelibisyon. ____________

17. Tinitimbang ko kung makatotohanan ang mga kababalaghan na aking napanood bago ito
paniwalaan. ___________

D. Lagyan ng tsek  kung alin sa mga sumusunod ang mabuting dulot ng pagsangguni
muna sa katotohanan sa taong kinauukulan bago gumawa ng anumang hakbangin.

 18. Napatitibay ang isang katotohan.


19. Nagugulo ang isipan sa pagtukoy ng katotohanan.
 20. Nauunawaan ang tamang impormasyon.

E. Ihanay ang mga sumusunod na balita ayon sa uri nito. Isulat ang iyong kasagutan sa
angkop na hanay.

MAY KATOTOHANAN WALANG KATOTOHANAN

21. Mula ulat ng Cardona RHU, bilang ng mga 23. Sinabi ni Jellie Anne kay John David na
pasyenteng nakakarecover mula Covid-19 nabasa niya sa anunsyo o patalastas na pwede
patuloy na tumataas. ng lumabas ng gabi ang mga bata.
22. Ayon sa datos mula sa Cardona PNP, 24. Nakita sa patalastas na sa isang patak lang
dalawang traffic enforcer patay sa naganap na ng dishwashing liquid napakaraming plato na
barilan sa Cardona, Rizal. ang mahuhugasan.
25. Anunsyo hinggil sa Animal Welfare Act. 28. Ayon sa isang hindi kilalang source sa
facebook, magiging dalawa raw ang buwan.
26. The Atom Araullo Documentary Specials. 29. Nabasa ni Zeb sa facebook ng kanyang
kapatid na may gamot na raw sa Covid-19.
27. Mga balita sa 24 oras at TV Patrol.
30. Video sa facebook watch na galing sa DOH
ng kabutihang dulot ng pagpapabakuna laban
sa Covid-19.

21. Mula ulat ng Cardona RHU, bilang ng mga pasyenteng nakakarecover mula Covid-19
patuloy na tumataas.

22. Ayon sa datos mula sa Cardona PNP, dalawang traffic enforcer patay sa naganap na barilan
sa Cardona, Rizal.

23. Sinabi ni Jellie Anne kay John David na nabasa niya sa anunsyo o patalastas na pwede ng
lumabas ng gabi ang mga bata.

24. Nakita sa patalastas na sa isang patak lang ng dishwashing liquid napakaraming plato na ang
mahuhugasan.

25. Anunsyo hinggil sa Animal Welfare Act.


26. The Atom Araullo Documentary Specials.
27. Mga balita sa 24 oras at TV Patrol.
28. Ayon sa isang hindi kilalang source sa facebook, magiging dalawa raw ang buwan.
29. Nabasa ni Zeb sa facebook ng kanyang kapatid na may gamot na raw sa Covid-19.
30. Video sa facebook watch na galing sa DOH ng kabutihang dulot ng pagpapabakuna laban sa
Covid-19.

F. Isulat sa patlang ang Tama kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng mapanuring pag-iisip
ng tamang pamamaraan/pamatantayan sa pagtuklas ng katotohanan at Mali naman kung
hindi.

31. Tama Hindi kaagad nagbibintang si Marisol kung hindi siya sigurado.

32. Mali Agad bumili ng toothpaste si Sophia na nakakakapagpaganda raw ng ngipin.

33. Nakikipagtalo si Daniel kay Dreyk tungkol sa kung anong programa sa telibisyon ang mas
maganda. Mali

34. Kahit nabasa na ni Marian ang bilang ng nagpositibo sa Covid-19 ay naghanap pa rin siya ng
tiyak na datos sa internet. Tama

35. Higit na magiging makabuluhan ang nakalap na impormasyon, pagsusuri at pagninilay kung
ito ay gagamitin sa pagsasakilos. Tama

36. Mali Nakatanggap ng mensahe si Ryzen mula sa kanyang kaklase na wala silang pasok dahil
sa bagyo kaya’t agad siyang bumalik sa kanyang kama at natulog.

37. Tama Narinig mo ang balitang may masasamang loob na nakasakay sa van na nangunguha
ng bata upang ipagbili ang kanilang organs. Kinausap mo ang pulis na nakatalaga sa inyong
lugar upang malaman ang katotohanan tungkol dito. Kaya naman sobrang pag-iingat mo kapag
nasa labas ng bahay o ng paaralan.

38. Mali Masayang-masaya ka nang ibalita sa iyong nanay na nanalo ka ng Limampung libong
piso (P50,000.00) ayon sa natanggap mong text message mula sa hindi mo kilalang numero. Ang
kailangan mo lang gawin ay magpasa sa gcash ng halagang limang-daang piso (P500.00) upang
makuha ang iyong premyo.

39. Tama Binigyan si Makoy ng kanyang matalik na kaibigan ng isang sachet ng Wonder Juice.
Sinabihan siya na uminom nito upang tumalino siyang lalo. Ikinuwento niya ang pangayayaring
ito sa kanyang inq at pinayuhan siyang basahing mabuti ang nialalaman ng pakete. Wala siyang
kahit na anong detalye na makita kaya’t itinapon na lamang niya ito.

40. Mali May naglalako ng alahas sa lugar ninyo. Ang sabi ng tindera, tunay na ginto ang
kanyang ibinebenta kaya may kamahalan ito. Nawili ang nanay mo kaya bumili siya ng hindi
nagtatanong sa marunong kumilatis ng tunay nag into.

You might also like