Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Republic of the Philippines

PALAWAN STATE UNIVERSITY


Roxas, Palawan

ROXAS CAMPUS

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 5

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan kahalagahanat kagamitan, mga
kagamitan at konsepto ng pagmamay-ari ng lupa ng mga sinaunang Filipino.
B. Pamantayang Pagganap
Naisasagawa ang
C. Pamantayan sa Pagkatuto
1.1 Pagsusuri nang mabuti sa mga bagay na may kinalaman sa sarili, pangyayari
at pamilya.
Pagkatapos ng 60 minuto ang mga bata ay inaasahang magkaroon ng 85% o
higit pa na antas ng pagkatuto;
a. natutukoy ang mga hakbang na dapat isaalang-alang sa paggawa ng
mabuting pagpapasya.
b. naibibigay ang kahalagahan ng mga hakbang sa paggawa ng mabuting
pagpapasya, at;
c. maipakikita ang mga hakbang sa paggawa ng mabuting pagpapasya.
II. NILALAMAN
MGA HAKBANG TUNGO SA MABUTING PAGPAPASYA.
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. K to 12 Grade 6 Curriculum Guide
2. EsP6PKP-Ia-i-37
3. www.slideshare.net
B. Iba pang Kagamitang Panturo
Video Clips, Bond Paper, Mga Larawan, Meta-cards, Gunting, Glue, Colored
Paper.
C. Pang-prosesong Kasanayan
Pag-unawa, Mapanuri, Aktibo, Pakikisalamuha
D. Integrasyon
Music and Arts, Math

IV. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain

Maaring tumayo tayong lahat para sa ating


panalangin. Wendy maari bang pangunahan
mo ang ating panalangin?
(Pinangunahan ni Wendy ang Panalagin)

Magandang hapon mga bata!


Magandang hapon din po!

Bago umupo maaring pakipulot ang mga


basurang inyong makikita.

Nasisiyahan ako ngayong araw dahil walang


lumiban sa ating klase ngayong araw.
Palakpakan ang inyong mga sarili.
(Pumalakpak ang mga estudyante)

B. Balik-Aral sa nakaraang aralin


Sino kaya ang pwedeng magbahagi sa klase
ng ating tinalakay kahapon? Eunice. Ito po yung patungkol sa mga dapat gawin
upang maiwasan ang polusyon sa hangin at
tubig.

Magaling! Eunice.
Sino ang maaring magbigay ng halimbawa ng
mga gawain upang maiwasan ang polusyon
sa hangin at tubig? Alexandra. Upang maiwasan ang polusyon sa hangin at
tubig kailangan nating itapon an gating mga
basura sa wastong lalagyan.

Napakagaling Alexandra.
C. Pagganyak
Ngayon naman sino na dito ang nakaranas na
utusan ng magulang na bumili sa tindahan?

Magaling! Lahat kayo ay naranasan ng


mautusan ng magulang sa tindahan.
Alam niyo ba na mayroon akong kaibigan na
nakaranas na ring utusan ng magulang sa
tindahan, gusto niyo ba siyang makilala?
Opo Sir.
Ang pangalan ng aking kaibigan ay si Boboy.
Si Boboy ay isang malusog na bata lalaki at
napakahilig niyang kumain ng matatamis
tulad ng Ice cream, Lollipop maging mga
Junk foods. Isang araw inutusan si Boboy ng
kanya Ina na bumili sa tindihan ng 2 pirasong
itlog para sa kanilang hapunan. Habang
papunta ng tindahan si Boboy ay mayroong
Mamang dumaan na nagbebenta ng Ice
Cream at ng Makita ito ni Boboy agad niyang
tinawag ito at bumili ng ice cream gamit ang
pera na pambili sa itlog na hindi niya pinag-
iisipan. Pagbalik ni Boboy sa kanilang bahay
na may hawak na ice cream ay tinanong sya
ng kanyang Ina kung nasaan na ang itlog at
sinagot ni Boboy na pinangbili niya ito ng Ice
cream, at dahil dito pinagalitan si Boboy ng
kanyang Ina.

Opo
Nagustuhan ba ninyo ang kwento?

Magaling kung ganun.

D. Paghahabi sa Layunin Mahilig sa matatamis isang malusog na


Ayon sa ating kwento, sino si Boboy? batang lalaki.
Alexandra.

Tama! Ano ang ginawa ni Boboy sa Kwento? Inutusan po siyang bumili sa tindahan.
Daren.
Ibinili niya po ng ice cream na dapat pambili
Magaling! Ano pa? Jillian. ng itlog ng hindi pinagiisipan.

Tama! Tama ba ang ginawa ni Boboy na di


niya pinag-isipan ang kaniyang gagawin? Hindi po?

Kasi po kapag hindi pinag-isipan an gating


Bakit hindi? Mary Jane. mga desisyon maarin po tayong
mapahamak katulad ng nangyari kay Boboy.

Napakagaling! Mary Jane.


Ayon sa ating kwento, patungkol saan kaya Patungkol po siguro ito sa pagkakaroon ng
an gating tataakayin ngayong gabi? Gino. mabuting pagpapasya.

Magaling Gino.
Bakit kailangan natin ng mabuting Kailangan po nating ng mabuting
pagpapasya? Analie pagpapasya para po di natin pagsisihan an
gating mga gagawing desisyon.

Magaling Analie. Kailangan natin magkaroon


ng mabuting pagpapasya upang ag mga
gagawin nating desisyon ay angkop at di
nating pagsisisihan.

E. Pag-uugnay ng Halimbawa sa
Bagong Aralin.
Sino na ang nakakain ng apple sa inyo?
Magaling!
Ngayon mayroon akong ibibigay sa inyo.
Isang “Green Apple Smiling Face ” at isang
“Green Apple Sad Face”. May mga ibibigay
ako na iba’t-ibang sitwasyon kung sa tingin
niyo na nagkaroon ito ng mabuting
pagpapasya itaas ang Smiling Face at kung
hindi naman ang Sad Face naman ang inyong
itaas. Naintindihan ba?
Opo Sir.
1. Mas pinili ni Mark na mag-laro kaysa
sa pumasok sa paaralan.

Magaling!
2. Ginawa muna ni Ana ang kanyang
takdang-aralin bago nanuod ng
kanyang paboritong pelikula.

Mahusay mga bata.


3. Nag-aral si Juan ng kanyang aralin
upang makakuha ng mataas na marka.

Magaling!
4. Naglaro ng video games si Arnold sa
halip na tulungan ang kanyang ina sa
mga gawaing bahay.

Mahusay!
5. Sa halip na suntukin ni Pedro ang
kanyang kaklase dahil sa panunukso
nito, sinumbong niya na lamang ito sa
kanilang guro.

Napakagaling mga bata. Nasagutan niyo ang


lahat ng tama.
F. Pagtatalakay ng Bagong Konsepto
at Paglalahad ng Bagong
Kasanayan. Malalaman po natin kung ito ay mabuting
Ayon sa ating mga halimbawa, paano ninyo pagpapasya kung ito ay nagdulot ng mabuti
nalalaman kung ito ba ay mabuting at wala kang nasaktan na ibang tao.
pagpapasya o hindi? Mary Joy.
Opo.
Magaling! Mary Joy. May isinaalang-alang ba
kayo na mga hakbangin upang malaman ang Kailangan po nating isaalang-alang ang
mabuting pagpapasya? magiging resulta.

Ano ito? Reyna. Kailangan din po naing isaalang-alang kung


ano ang sitwasyon.

Magaling! Ano pa? Jesrelle. Kailangan din po nating isaalang-alang ang


mga taong kasangkot sa gagawin nating
pagpapasya.
Tama! Ano pa? Dapz.

Siguro po kailangan nating alamin kung ano


Magaling! Upang magkaroon ng mabuting ang problema.
pagpapasya mayroon tayong mga hakbangin.
Ano sa tingin ninyo ang pinakauna? Daren.

Kasi po pag-alam natin ang suliranin


Tama! Ang pinakaunang hakbangin ay ang makakaisip po tayo ng angkop na solusyon
alamin ang suliranin. Bakit kaya kailangan para dito.
muna nating alamin ang suliranin? Queenie.

Magaling! Importanteng malaman natin ang


suliranin dahil ito ang nais nating
masolusyunan.
Pagkatapos nating malaman ang suliranin
ano naman kaya ang susunod na hakbang? Mag-iisip po ng mga solusyon na angkop sa

Daren. suliranin.

Magaling! Ang susunod naman ay kailangan


nating mag-isip ng mga solusyon na aangkop
Ang susunod po ay kailangan nating pag-
sa suliranin. Ano naman kaya ang susunod na
aralan ang bawat solusyon na ating naiisip.
hakbang? Mary Jane.
Magaling! Bakit kaya natin kailangan pag-
aralan ang bawat solusyon na ating naiisip?
Hindi ba pwedeng pumili nalang tayo ng isa? Kailangan po natin itong pag-aralan para po

Mary Joy. malaman natin kung magiging tama ba ito


sa ating suliranin at kung alin ang pinaka-
angkop upang sa huli po ay di tayo magsisi
sa ating ginawang pagpapasya.

Napakahusay! Mary Joy. Kailangan nating


pag-aralan ang mga naisip nating solusyon
upang malaman natin ang pinaka-angkop sa
suliranin.
Ano naman kaya ang Ikaapat na hakbangin? Pumili ng isa sa mga solusyon na naaangkop

Jesrelle. sa suliranin.

Magaling! Piliin ang pinaka-angkop na


solusyon para sa suliranin kung saan at
makakabuti sa lahat.
Ang huling hakbangin po ay isagawa ang
At ano naman kaya ang pinakahuling
pagpapasya ayon sa kung ano tama.
hakbangin? Chenny.

Magaling! Ang pinakahuli ay isagawa na natin


ang pagpapasya sa kung ano ang tama
upang magkaroon ito ng magandang resulta.
Naintindihan ba ng lahat an gating mga Opo sir.
hakbangin sa pagbuo ng mabuting
pagpapasya?

Kung ganun, sino ang maaring magbigay sa Alamin ang suliranin.


aking unang hakbang sa mabubuting
pagpapasya? Daren.
Mag-isip ng mga solusyon para sa suliranin.
Magaling! Ang Ikalawang hakbang naman.
Beverly. Pag-aralang mabuti ang bawat solusyon.

Magaling! At ang pangatlo? Mary Jane.


Pumili ng solusyon na naaangkop sa
Mahusay! Ano naming kaya ang Ikaapat? suliranin at makakabuti para sa lahat.
Veah.
Isagawa ang pagpapasya ng naaayon sa
kung ano ang tama.
Napakagaling Veah. At ang huling hakbang?

Mahusay mga bata! Laging tandaan ang mga Opo sir.


hakbangin na yan sa paggawa ng
pagpapasya. Naintindihan ba?

G. Paglinang ng Kabihasaan
Natutuwa ako at lahat kayo ang naiintindahan
ang ating talakayan ngayong gabi upang mas
lalo niyo pang maintindihan ito mayroon
akong inihandang gawain para sa inyo.
Hahatiin ko ang ating klase sa apat, simula
kay Daren hanggang ay Dapz ang Unang
Grupo, simula naman kay Beverly hanggang
kay Julmathia ang Ikalawang Grupo, simula
naman kay Emannuel hanggang kay Jillian
ang Ikatlong grupo at simula naman kay
Syriel hanggang kay Gino ang Ikaapat na
grupo.
May mga kaibigan ako na lumapit sa akin
upang magpatulong sa kanilang mga
suliranin, sila ay sina Dave, Stephanie, Meljun
at si James at nais ko na tulungan ninyo ako
dito.
Bawat Grupo ay tutulong sa aking mga
kaibigan batay sa kung sino ang napunta sa
inyo. Bibigyan ko ng isang sitwasyon na kung
saan kailangan ninyong magkaroon ng
mabuting pagpapasya sa pamamagitan ng
pagsunod sa mga hakbangin na tinalakay Opo sir.

natin kanina. Bibigyan ko ang bawat ng grupo


ng 10 minuto upang gawin ito at kung kayo Unang Pangkat: Si James isang masigasig

ay tapos na gumawa kayo ng isang yell. na bata, isang araw ay tumulong siya sa

Naintindihan ba? Clean and Green Program sa kanilang


barangay at habang pauwi sa kanilang

Maari ng magsimula ang lahat. bahay ay nakaramdam si James ng gutom


at hindi na niya matiis ito dahil malayo pa
ang kanila bahay. Huminto si James sa
harap ng isang tindahan na may bentang
Tsampurado, Salad, Nilagang Mais at Cake
at dumukot si James sa kanya bulsa at 20
pesos nalang ang natitirang pera niya.
Tulungan natin si James upang
pagpasyahan ang pagkain na kanyang
mabibili at sya ay mabubusog.
1 Cup Tsampurado- 10
2 pcs. Nilagang Mais- 20
1 Cup Salad- 20
1 kapirasong Cake- 20
Sagot- 2 Cup ng Tsamporado

IKalawang Grupo- Si Meljun ay isang


magaling na manlalaro sa kanilang paaralan
ng basketball, isang araw ay magkakaroon
sila ng laro sa paaralan at habang sinusuot
ni Meljun ang kanyang paboritong sapatos
ay biglang humiwalay ag talampakan nito sa
sapatos. Agad- agad naman na nagtungo si
Meljun sa isang pamilihan habang
naglalakad nakakita si Meljun ng isang
sapatos, isang shoes glue at ang pera ni
meljun ay 100 pesos. Tulungan natin si
Meljun na magpasya.
Bagong Sapatos- 150 pesos.
Shoes Glue- 60 pesos.
Di na Maglalaro.

Sagot: Shoes Glue

Ikatlong Pangkat- Si Ana ay isang mabait na


bata, ngunit lagging abala ang kaniyang ina
sa trabaho at madalas na umuuwi ng gabi
dahil di namamalayan nito ang oras.
Dumating ang kaarawan ng kanyang Ina
nais niya itong regaluhan at may ipon si Ana
na nagkakahalagang 150 pesos. Pumunta
siya sa isang pamilihan nakakita siya ng
Relo, Pitaka at Lollipop. Tulungan natin si
Ana sa pagpili ng magiging regalo niya sa
kanyang ina.
Relo- 150 pesos
Wallet- 110 pesos
Lollipop- 20 pesos

Sagot: Relo

Ikaapat na grupo- Si Dave ay isang


masunurin na bata. Isang araw ay
kinailanga na umalis ng kanyang ga
magulang dahil sa kanilang trabaho at
naiwan sa kanya ang kayang kapatid ng
isang araw. May iniwan na panggastos sa
kanya ang kanyang mga magulang ito ay
nagkakahalaga ng 150 pesos. Hinati ni Dave
ito sa 3, para sa almusal, pananghalian at
hapuna. Bawat isa ay mayroon siya 50
pesos. Sa kanilang almusal ano ang maaring
bilhin ni Dave para sa kanilang magkapatid?
Itlog ng manok- 10 pesos kada-isa
Hotdog- 15 pesos kada-isa
Chichirya- 5 pesos kada-isa
Spaghetti- 50 pesos isang mangkok.

Sagot: 2 pirasong itlog- 20


2 pirasong Hotdog- 30
Total- 50

Napakahusay ng inyong ginawa mga bata.


1, ang galling
Bigyan ng “Ang Galing Clap” ang inyong sarili.
2, ang galling galling
3, ang galling galling galing

H. Paglalapat ng Aralin sa Pang-


araw-araw na Buhay.
Sa inyong palagay araw-araw ba tayong
gumagawa ng pagpapasya?
Opo sir.

Magaling! Sa papasok sa paaralan ano ang


mga pinagpapasyahan ninyo bago kayo
pumasok? Daren. Kailangan po na maligo kahit po maginaw
kasi po ang batang di naliligo ay mabaho.

Magaling! Ano pa? Mary jane. Sa oras po ng paggising, upang makapasok


po ng tama sa paaralan at makatulong sa
gawaing bahay kailangang gumising ng mas
maaga.

Napakagaling Mary Jane. Naisaalang-alang ba


ninyo ang mga hakbangin na ating tinalakay
sa inyong pagpapasya?
Opo sir.

Sa paanong paraan? Mary Joy.


Katulad po ng sinabi ni Daren sa paliligo po
bago pumasok. Kapag di po naligo mabaho
po sa school at madaling kapitan ng sakit,
ayon po ang suliranin, at mas mabuti pong
maligo ahit maginaw upang makaiwas sa
sakit at maging presentable, yun po yung
pagsasagawa ng tamang pagpapasya.

Magaling! Mary joy.


I. Paglalahat ng Aralin
May ilang hakbangin na nga para magkaroon
ng mabuting pagpapasya? Daren. 5 po.

Magaling! Importante baa ng mga hakbangin


na ito sa paggawa ng ng pagpapasya?
Jesrelle. Opo upang magpag-isipan po natin an
gating mga pasya at di natin ito pagsisihan
sa huli.

Mahusay Jesrelle. Ano pa? Beverly. Malaman po ang mga hakbangin na ito ay
upang mayroon tayong sinusundan sa
tuwing gagawa tayo ng pagpapasya upang
di tayo mawala sa tamang solusyon.

Napakagaling! May iba pa ba? Jillian. Mahalaga po ito dahil po dito mas
malalaman natin ang mga angkop na
solusyon sa ating mga suliranin.

Magaling Jillian.
Natutuwa ako na naintindihan na ninyo an
gating talakayan.

V. Pagtataya
Ating subukin ang inyong natutunan
ngayong gabi, kumuha ng isa bahagi ng
papel at sagutan ito. Basahin ang Panuto.

Panuto: Ayusin ang pagkakasunod ng mga


hakbang sa pagbuo ng mabuting
pagpapasya. Kumuha ng sagot sa kahon at
ilagay ito sa tamang patlang sa
pamamagitan ng flow chart. Mayroon
kayong 5 minuto upang sagutan ito.
-Mag-isip ng mga posibleng solusyon
para sa suliranin.
-Alamin ang suliranin.
-Pag-aralan ang bawat posibleng
solusyon para sa suliranin.
-Piliin ang pinaka-angkop na
solusyon para sa suliranin.
-Isagawa ang pagpapasaya na ayon
sa tama.

1.

2.

3.

4.

5.
Tapos na ba mga bata? Opo sir.

Magaling!
Makipagpalitan ng papel. Sa hanay na ito
makipagpalitan kayo sa hanay na ito, kayo
naman ay makipagpalitan sa hanay na ito at
kayo din ay makipagpalitan sa hanay na ito.

Opo sir
Nakapagpalit na ba?

Ngayon nais ko na ipaalala sa inyo an gating


golden rule, “HONESTY IS THE BEST
Opo Sir.
POLICY”. Naintindihan ba?

Sinong maaring sumagot unang patlang?


-Alamin ang suliranin.
Daren.
Opo.
Inihanda ni:
DIETHER G. SILVERIO

You might also like