Batang Ina

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

“BATANG INA”

Isinulat ni: Axel Rosemarie Pleces BEED- 1A

Malandi, marumi, patapon sa bahuy at walang mararating,


Ilan lamang sa mga pangkukotyang aking naririnig.
Ngunit ang lahat ng ito ay aking tinanggap sapagkat ako'y naging isang, batang ina.
Masakit mang isipan ang aking naging kalagayan ngunit wala akong pinag- sisisihan.

Sa tuwing ako ay lalabas ng bahay mga mata'y sa aking lahat nakatingin.


Sigurado ako, ako na naman ang lamang ng usap- usapan.
Alam ko sa sarili ko, ako ay nagkamali,
Isang pagkakamali na kailan may hindi ko na mababago pero pwede ko pang maitama.

Kaya sa kabila ng aking pagkakadapa,


Pinili kong bumangon at lumaban.
Sa pagsilang ng isang magandang anghel, ngiti sa labi ay hindi maipinta, nang
masilayan ang isang biyayang ubod ng ganda.
Laking pasasalamat sa Puong Maykapal at sa akin ka ibiniyaya.

Mapupungay na mga mata, mapupulang labi, makinis na kutis at matangos na ilong na


sa akin bumibighani.
Mula ng dumating ka'y parang lahat ng bagay ay naging tama.

Ako'y naging matatag at labis na naging masaya.

Naging dahilan upang magpatuloy sa pag-aaral upang pangarap ay makamtan.


Sa landas na aking pinili, talagang masasabi kong hindi madaling maging isang batang
ina.
Pagod, puyat at mga problema ay aking ininda upang maalagaan at mapalaki ka ng
tama.
Totoo nga na ang pagiging ina ay isang napakalaki at mabigat na responsibilidad pero
kakaibang saya ang dala.
Sayang man kung sabihin ng ilan, pero hindi nila alam kung gaano kagandang
pakinggan ang tawagin kang INA.

You might also like