Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

The Kingmaker

Simula noon hanggang ngayon, patuloy pa rin ang usapin kung ano ang ginawa at
ginagawa ng mga Marcos sa taong bayan. At mas nabuhay at lumaki pa ang usapin na ito dahil
sa dokumentaryo na isinulat at idinirekta ni Laureen Greenfield, na ang pamagat ay “The
Kingmaker.” Ang the Kingmaker ay isang dokumentaryo na ipinalabas sa taong 2019 na
nagtatampok ng karera ng pamamahala ng mga Marcos noong taong 1965 hanggang 1986.
Patuloy pa ring pinagdidibatihan ngayon, kung naging mabuti nga ba ang pamumuno ng mga
Marcos sa ating bayan at sa mga Pilipino. Sa makatuwid, isa ako sa mga hindi sumasang-ayon sa
naging paraan ng pamumuno ng mga Marcos noon o sa madaling sabi ako ay isang anti-Marcos.
Isa sa magpapatunay na hindi maganda ang paglukluk ng mga Marcos sa bansang
Pilipinas ay ang dokumentaryong “The Kingmaker” na kung saan isinaliksik dito ang
nakakagambalang pamana ng rehiming Marcos at isinalaysay ang pagtulak ni Imelda na
tulungan ang kanyang anak na si Bongbong na manalo sa pagka-bise presidente noong 2016. Sa
layuning ito, kumpiyansa na muling isinulat ni Imelda ang kasaysayan ng katiwalian ng kanyang
pamilya, na pinalitan ito ng salaysay ng labis na pagmamahal ng isang matriarch sa kanyang
bansa. Ipinapakita rin dito ang pagsisikap ni Imelda Marcos para linisin ang nadungisang
pangalan ng kanilang pamilya. Isa pang tinampok dito ang mga naranasan ng mga tao, noong
panahong nakaupo pa si dating pangulong Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos Sr. Ayon kay
Pete Lacaba, “When Martial Law is declared a lot of journalists who were critical of the
government had been arrested.”
Una sa lahat, ang mga Marcos ay corrupt at magnanakaw. Ayon kay Andy Bautista,
dating Chair of the Presidential Commision on Good Government, Sa sampung (10) taong
kapangyarihan ng mga Marcos, humigit kumulang 5-10 bilyong dolyar o 500 bilyong piso ang
ninakaw nila noong 1986. Ibig sabihin nito, ang mga mamahaling gamit ng mga Marcos
partikular na si Imelda Marcos ay galing lahat sa pera ng taong bayan tulad ng sapatos, alahas,
damit, at iba pang sosyal na gamit na kanilang nabili. Dagdag pa rito, ayon kay Sandro Marcos
(anak ni Ferdinand “BongBong” Marcos Jr.) mahilig daw si BongBong sa science partikular ang
biology ngunit sabi ni Marcos Sr. kay BongBong “there is no money in that, switch to politics”.
Mula na sa kanilang mga bibig, hindi nila gustong mamuno upang tulungan mapaunlad at iangat
ang bansang Pilipinas, kundi magkaroon ng kapangyarihan at mas palawakin ang kanilang
yaman.
Bukod doon, ang mga Marcos ay sinungaling. Mapapansin sa dokumentaryong
napanood kung gaano ka-peke ang mga luha o iyak ni Imelda Marcos noong binanggit niya ang
kanyang mga pinagdaanan noong siya ay first lady ng bansa. Ayon kay Greenfield, direktor ng
the Kingmaker, naisip nyang maaaring kinukunan niya ang isang kuwento ng magbibigay ng
puwang kay Marcos na pagnilayan ang kalupitan ng rehimen ng kanyang asawa at itanggi ang
ilan sa mga pinakamasamang pagmamalabis ng pagsasamantala. Sa halip ang lumabas ay isang
salaysay ng kasaysayan na ganap na sumasalungat sa makatotohanang tala. Dagdag pa nya na,
habang mas lumalalim ang kanilang napag-usapan, ang pananaw ni Imelda Marcos sa
kasaysayan at mga kontribusyon ng Marcos ay hindi naaayon sa mga salaysay ng kasaysayan.
Ikinuwento rin ni Greenfield ang pag-iisip na si Imelda ay "nakakagulat na tapat" sa kanyang
unang panayam. Napagtanto lamang ni Greenfield na ang ilan sa mga pahayag ni Marcos ay
"malinaw na hindi totoo" sa sandaling gumawa siya ng karagdagang pananaliksik. Sa mga
susunod na panayam, ang mga paksa ay napunta sa "talagang mga kakila-kilabot na bagay," na
sinabi ni Greenfield na ginawang "talagang malinaw" na nagsisinungaling si Marcos.
Samantala, mas pinili ng mga Marcos ang mga hayop kaysa sa mga tao. Mayroong isang
isla ng mga namamatay na hayop sa Pilipinas na pinangalanang Calauit na umiiral sa
kasalukuyang estado nito dahil sa hindi napigilang kasaganaan ni Imelda Marcos. Gusto niya ng
mga hayop sa Pilipinas na hindi katutubong sa bansa, at sinuhulan ang mga opisyal para
mangyari iyon. Ito ay isang perpektong simbolo para sa kanyang mapanlinlang, egocentric,
nakakabulag na kasakiman. Dahil rito, dalawang daan at limang pu’t apat (254) na pamilya ang
pinaalis sa Calauit upang magbigay ng lugar ang kanilang safari park. Ayon kay Remedios Tradio,
residente ng Calauit, pinilit silang paalisin sa kanilang mga tahanan nang dinala ng mga Marcos
ang mga hayop mula sa Kenya. Mga hayop ang pinili ni president Marcos kaysa sa mga taong
naninirahan sa Caluit.
Maraming beses na tayong nabulag sa paraan ng pamumuno ng mga Marcos sa ating
bansa ngunit bakit patuloy parin tayong nagpapabulag sa ganitong paraan. Kung ninais natin ng
mabuting pamamahala, huwag lang tayong basta-basta maniwala sa mga naririnig natin sa
ibang tao at sa social media. Dahil, kung hindi natin matutunan kung paano mag saliksik sa mga
mapagkakatiwalaan datos, mas lalong maraming pamilya ang maghihirap sa ating bansa.
Samakatuwid, pahalagahan natin ang mga taong nakasaksi sa mga ginawa ng mga Marcos sa
ating bayan sapagkat isa ito sa rason para maging bukas ang ating mga isipan kung karapat
dapat ba silang tawaging isang bayani. Sa kadahilanang ito, wag na nating ipilit pa na nasa
mabuting kamay tayo kung nuon palang ay nagdusa na tayo at nabigo. Hindi kailanman sapat
na rason na Marcos sila kung kaya't takot ang mga tao sa kanila kaya sumusunod ang mga ito.
Kaya naman, bakit tayo matatakot sa kanila? Kung mayroon tayong panindigan, hindi na
mauulit pa ang madilim na kasaysayang ating naranasan. Kaya naman, dapat na nating simulang
buksan ang ating mga kaisipan at mga mata sa mga ginawa at ginagawa ng mga Marcos sa ating
bansa.

Reference:
EVERGREEN PICTURES. (2022, March 19). The Kingmaker [Video]. YouTube. Retrieved from
https://www.youtube.com/watch?v=5gNujHs-Gho
Curry, T. (2019, November 28). AnOther. The Kingmaker: Inside the Bizarre World of Imelda
Marcos. Retrieved from https://www.anothermag.com/design-living/12118/the-kingmaker-
imelda-marcos-lauren-greenfield-documentary-interview

You might also like