Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Macario Sakay

Si Macario Sakay y de León (1870 – 13 Setyembre 1907) ay


isang Pilipinong heneral na nakibahagi sa Himagsikang
Pilipino noong 1896 laban sa Espanya at sa Digmaang Pilipino-
Amerikano. Pagkatapos ihayag ang digmaan laban sa Estados
Unidos noong 1902, ipinagpatuloy ni Sakay ang paglaban at ang
sumunod na taon ay naging Pangulo ng Republikang Tagalog.
Tinatayang ipinanganak si Sakay sa pagitan ng 1870 at 1878 sa
Daang Tabora, Tondo.
 Unang nagtrabaho si Sakay bilang baguhay sa pagawaan ng
kalesa. Isa rin siyang mananahi at aktor, at lumalabas sa ilang
mga teatro kabilang ang Principe Baldovino, Doce Pares de
Francia, at Amante de la Corona. Orihinal siyang kasapi ng
kilusang Katipunan, na nilahukan niya noong 1894,
nakipaglaban siya kasama sina Andrés Bonifacio laban sa mga
Kastila sa kabuuan ng Himagsikang Pilipino.

You might also like