Modyul 11

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES


BANSUD BRANCH
BANSUD, ORIENTAL MINDORO

KAGAMITANG PAMPAGTUTURO

PARA SA

INTELEKTWALISASYON NG/SA WIKANG


FILIPINO

(GEED 10123)
BINUO NI GENE D. GAYETA
PAGGAMIT NG INTELEKTWALISASYON SA TAGLINE NG ISANG PRODUKTO AT
KOMERSIYALISASYON
MODYUL 11

I. Panimula

Ang ang tagline? Ito ay isang kasangkapan sa pagmemerkado na napatunayang mabisa


sa pagsulong ng isang produkto. Ito ay natatanging kasangkapan sa marketing.. Ang isang
TAGLINE ay maaring isang maikling parirala, idyoma, kasabihan, o anumang pagpapahayag na
ginagamit sa marketing at advertising upang makatulong na itaguyod ang isang kompanya. Ang
pagiging Intelektwalisado sa tagline ng produkto ay ginagamit upang tukuyin ang isang produkto
o kumpanya. Ito ay tumatagal nang mahabang panahon at nakatuon sa pagawa ng isang
natatanging impresyon sa madla na nananatili sa memorya ng tao.

II. Layuni

Pagkatapos ang matagumpay mong pag-aaral sa modyul na ito, ikaw ay Inasahang

1. Natutukoy ang katuturan ng tagline bilang bahagi ng intelektwalisasyon ng


Wikang Filipino.
2. Naipapaliwanag ang tagline bilang bahagi ng intelektwalisasyon ng Wikang
Filipino.
3. Nasasabi ang kahalagahan ng tagline bilang bahagi ng intelektwalisasyon ng
Wikang Filipino.

III. Kagamitan/Nilalaman ng Kurso

Ang Tagline ay inilalarawan sa online bilang “isang catchphrase o slogan, lalo na gaya ng
ginagamit sa advertising o ang punch line ng joke”.

Rebisco - “Sarap ng piling mo”


Max`s - “Sarap to the bones”
Jolibee - “Dito sa Jolibee Beeda ang saya”
Mercury Drug - “Nakasisiguro, gamut ay lagging bago”
LBC - “Hari ng Padala”
St. Peter Life Plan - “ An expression of love and care”
Nescafe Classic – “Para kanino ka bumabangon”
Drink Coca Cola – “Things go Better with Coke”

KOMERSIYALISASYON

Ang komersyalismo ay makabagong kultura na mabilis ang pagkalat sa buong mundo


dala ng globalisasyon. Ito ang mga produkto ng paglipat ng merkado mula sa produksyon ng
mga bagay na sumasagot sa pangangailangan (needs) ng mamayan patungo sa kagustuhan
(wants) lamang.
Nakatutulong ang komersyalismo sa Intelektwalisasyon ng isang bansa na kung saan
ang habol ay ang pinakamalaking kikitain sa kanilang mga transaksyon. Dito naipapakita at
naipapamalas ng isang Pilipino ang kakayahang luminang ng mga bagong bagay na maaring
pumatok sa merkado.
Sa makatuwid, ang komersyalismo ay nakatuon sa layuning makuha ang
pinakamalaking kikitain ng mga kompanya. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng
Intelektwalisayon sa pagpatuloy ng komersyalismo sa ating bansa.
Ang pagkonsumo sa produkto at paggamit ng Intelektwalisadong kakayahan sa mass
media tulad ng radio, telebisyon, pahayagan – ay nagtatakda ng pagtangkilik sa kalakaran ng
oras o panahon. Ang mas media ay kinokonsumo hindi dahil ito ay mahalaga sa panahong
yugto, kundi nagbibigay ito ng tuluyang panagngailangan ng tao sa lahat ng yugto ng panahon.
Sabi ni Philip Abrahams: “Unique among the mass media, radio and television are given
opportunities by time, by the fact that they have the whole day, everyday, to dispose of, and that
they can break up the day” (Casty, 1973: 90).
Sinabi ni Tolentino na: “Makikita lamang ang produkto ng kulturang popular kung ito ay
pinapalaganap at iniintelektwalisa. Kinakailangan ng teknolohiya para maipaabot ito sa mga tao.
Ang teknolohiyang ito ay maaring media-print, broadcast, film, computer at iba pa. ito ay
maaring popular at higit sa lahat tinatangkiik ito dahil sa tao ang una at huling puntirya. Paano?
Ayon kay James Fuertes: “Ang unang hakbang upang maging maunlad ang isang bansa
sa aspeto ng Komersyalismo ay ang pagiging Intelektwalisadong Pilipino. Intelektwalisado sa
pag-iisip, gawa at pakikisalamuha sa ibang tao. Ito ay nakakakuha ng malaking respeto sayo
bilang isang tao at ganun din sa mga taong nakapaligid sa iyo.
IV. Pagtataya

1. Ipaliwanag ang katuturan ng tagline bilang bahagi ng intelektwalisasyon ng


Wikang Filipino.
2. Paano ang tagline ay bahagi ng intelektwalisasyon ng Wikang Filipino?
3. Bakit mahalaga ang tagline bilang bahagi ng intelektwalisasyon ng Wikang
Filipino?

You might also like