Professional Documents
Culture Documents
Filipino Lp.
Filipino Lp.
Unang Marakahan
Linggo:4
Araw:3
I. Layunin:
Nagagamit ang pangkalahatang sanggunian sa pagtatala ng mahalagang impormasyon
tungkol sa isang paksa.
II. Paksang- Aralin:
A. Paksa: Paggamit ng Pangkalahatang Sanggunian sa Pagtatala ng Mahalagang
Impormasyon
B. Sanggunian: Ugnayan 5, ph.124-125,134-135,205-206
C. Kagamitan: Ensyklopedya, globo,diksyunaryo,mapa at plaskard
D. Balyu: Pangangalaga sa aklat
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Pamukaw-Sigla:
(Magpapakita ng Iba’t ibang larawan ng pangkalahatang sanggunian at
ipatukoy ito.Tanungin ang mag aaral kong ano ang nasa larawan).
2. Balik-Aral:
•Pagsagot sa mga tanong sa binasa o napakinggang kuwento at tekstong
pang impormasyon.
3. Pagganyak:
Ipatukoy sa mga mag-aaral kong ano ang nasa larawan.
Panuto: Anu anong mga sanggunian ang mga nasa larawan?Hanapin ang
tamang sagot sa kahon.
Mapa Ensyklopedya
Globo Diksyunaryo
1.
2.
3.
4.
B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
(Ilahad sa mga bata ang gamit ng Ensyklopedya,mapa, globo, diksyunaryo).
4. Pagtatalakay:
Gusto mong malaman ang kahulugan ng mga salitang mahihirap.Alin
sa mga sanggunian ang gagamitin mo?
Sa susunod na buwan pupunta kayo ng nanay mo sa Hong Kong. Alin
sa mga sumusunod na Sanggunian ang makapahbibigay sa iyo ng
buong kaalaman tungkol sa Hong kong?
Ano- anong bansa ang malapit sa ekwador? Alin ang gagamitin mo?
Hindi mo alam ang mga lugar sa Maynila, Alin sa mga sanggunian
ang makakatulong sa iyo?
C. Pangkatang Gawain:
(Pangkat I)
Katwiran Halaman
Gantimpala Sumibol
(Pangkat II)
Hanapin sa mapa ang Negros Island at ang mga lalawigang sakop nito.
D. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Paano nagagamit ang pangkalahatang sanggunian sa pagtatala ng
mahalagang impormasyon tungkol sa isang paksa?
2. Paglalapat:
Binigyan ng sanggunian si Veronica.Ginamit niya ito para kumuha ng
mahalagang impormasyon.
Paano gagamitin ni Veronica ang aklat gaya ng Ensyklopedya, Diksyunaryo,
Globo at Mapa? Dapat ba niya itong pangalagaan ng mabuti? Bakit?
IV. Pagtataya:
Ml:
ID:
V. Takdang -Aralin:
Pumunta sa silid aklatan o mag surf sa internet at hanapin ang mga mahalagang
impormasyon tungkol sa ating bansa.