Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

KOMFIL

MODYUL 1 – GAWAIN 2

Bilang isang mag-aarral sang-ayon ka ba na nararapat lamang na alisin ang asignaturang Filipino bilang
bahagi ng asignatura sa kolehiyo? Bakit Oo, Bakit Hindi? Pangatwiran.

~ Bilang isang mag-aaral hindi ako sang-ayon na alisin ang asignaturang Filipino bilang bahagi ng
asignatura sa kolehiyo sapagkat ito ay importante sa mga dapat pag-aralan ng bawat estudyante kahit
na nasa kolehiyo na. Ito ay importante upang ipakita ang pagkilala at pagpapahalaga sa asignaturang
Filipino. Halimbawa na lamang sa aming klase, mayroon kaming kaklase na isang international student
na nangangahulugan na nanggaling ito sa ibang bansa kung kaya’t hindi niya alam ang mga kultura at
mga wika dito sa ating bansa. Kaya maganda na mayroon pa ring asignaturang Filipino sapagkat mas
napapahalaga natin ito sa pamamagitan ng pag-aaraln nito.

Wikang Filipino

~Ang Wikang Filipino ay ang wika na ginagamit ng mga nakatira rito sa bansa natin. Ito ay ang
karaniwang na ginagamit lalo na sa mga syudad na lugar. Ito ay nararapat din na patuloy pang ituro sa
mga paaralan sapagkat mas kinakailangan natin ito na linangin kaysa ang mga banyaga na wika.

Pangulong Manuel Luis M. Quezon

~Siya ang ikalawang pangulo ng Pilipinas at pangulo ng Commonwealth of the Philippines magmula 1935
hanggang sa siya ay mamatay noong 1944. Siya rin ang tinuturing na ama ng Wikang Pambansa. Si
Manuel Luis Quezon ang nagsulong na gawing Wikang Pambansa ang Filipino kaya siya ang naging ama
ng Wikang Pambansa.

You might also like