Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

Kabanata 1

ANG SULIRANIN AT ANG SAKLAW

Rasyonal na Pag-aaral

Ang pagbasa ay isa sa makrong kasanayan na kailangang mahasa ng mga tao

partikular na sa mga kabataan na nag-aaral. Masasabing ang pagbasa ay isa sa

nakapagbibigay ng kaalaman at kasiyahan ng karamihan. Ang pagbabasa ng mga tula,

isasama na ang pagsusuri ay isa sa kasangkapan upang matamo ang pangkaisipang

karunungan. Napakahalaga sa modernong panahon ng kabataan ang magkaroon ng

kabatiran sa sarili upang ang interes sa pagbabasa at pagsusuri ng mga tula ay mas

mabilis pang-uusbong kasabay sa pag-usbong ng makabagong teknolohiya. Mas

mauunawaan nang mabuti ng mga kabilang sa akademya ang mga babasahing tula sa

pamamagitan ng pagkakaroon ng kritikal na pag-unawa.

“Ang panitikan ay nagpapahayg ng mga damdamin ng tao hinggil sa mga bagay

sa daigdig, sa pamumuhay, sa lipunan, at sa pamahalaan. Ang paraan ng

pagpapahayag ay inayos sa iba’t ibang naranasan at bagay sa kalooban at kaluluwa,

na nababalot ng pag-ibig at pagkapoot, ligaya at lungkot, pag-asa at pangamba”,

(Panganiban, Jose et al, Panitikan ng Pilipinas, p. 11). Sa isinulat ni Panganiban

tungkol sa kahulugan ng Panitikan nag-ugat ang mga genre ng panitikan katulad na

lamang ng tula na isa sa naging lunsaran ng mga mamamayang Pilipino upang

maipahayag ang hinanaing at maipalabas ang natatagong pagkapoot sa naranasan na

pang-aapi at pang-aalipusta ng mga dayuhang mananakop, hindi lamang sa mga

naranasan sa mga mananakop pati na rin sa naranasan sa pang- araw-araw na

pamumuhay.
Maituturing na mahalagang aspekto sa lipunan, komunidad, tahanan, at maging

sa paaralan ang tula. Ang tula ang sumasalamin sa nakaraan, na inihahatid sa

kasalukuyan at, magsisilbing susi sa panghinaharap. Sinasabing isa sa malalawak na

anyo ng panitikan ang tula na ginagamitan ng mga matatalinghagang mga salita na

sinamahan ng malikhaing pag-iisip ng tao. Sa tula, walang kupas na pagbibigay

katuturan ang maaaring palitawin ng sinumang nakadarama ng kagandahan nito.

Walang pagkapagod na pagkilala sa kadalisayan ng pagkakalikha at pagkakadibuho ng

mga salita.

Kadalasan, ang tula ay nagsasalaysay sa buhay, pamumuhay, lipunan,

personalidad, pananampalataya, at mga karanasang nagpapahiwatig sa iba’t ibang

damdamin ng isang indibidwal kawangis na lamang ng pag-ibig, kalungkutan,

kasiyahan, pagkapoot, at tagumpay kaya ito ay marapat lamang na pag-aaralan at ituro

sa mga institusyon at mga paaralan –mapribado o mapubliko man.

Ang pangunahing layunin at Gawain ng pag-aaral sa limang piling tula ng

iba’t ibang makata ay mahalaw ang mga salitang ginamit – makonotasyon o

denotasyon man dahil bawat salita ay may mahalagang gampanin upang mas

mapaganda ang isang pangungusap. Nilalayon din nito na mabigyang

importansya ang pagbabalangkas, istruktura, larawang diwa na nangingibabaw

sa limang piling tula ng iba’t ibang makata na susuriin ng mga mananaliksik na

tiyak na makapagbabago at huhubog sa pagkatao ng isang indibidwal at


mabigyan ng katuturan kung bakit ginawa ng mga makata ang tula, kung

magkakaroon ba ng saysay ang mga tulang nilikha, at kung paano nakaaapekto

ang limang piling tula sa mga tao sa lipunan.

Teoritikal at Konseptwal na Balangkas ng Pag-aaral

Ang pananaliksik ay nakatuon sa liman piling tula ng iba't ibang makata na kung

saan susuriin ng mga mananaliksik ang mga akda gamit ang iilang elemento ng tula.

Ang Figyur #1 ay tumatalakay at sumasalamin sa pagmamahal at

pagmamalasakit ng mga pilipino sa sariling tinubuan,pagpapahalaga sa nasyonalismo

at gawa ng mga ninuno, pagpapamalas ng pag-ibig sa kalikasan, pagmamahal sa

kapwa gamit ang teoryang Romantisismo pinapahalagan sa pag-aaral na ang limang

piling tula ng ibat ibang makata. Ang mga makata ay nakapagbibigay ng bagong anyo

gamit ang mga likha na nagawa. Susuriin ng mga mananaliksik ang limang piling tula

na pinamagatang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio , Bayan Ko ni Jose

Corazon De Jesus, kung Tuyo na ang Luha mo aking Bayan ni Gat. Jose Rizal, at Isang

Tula sa Bayan ni Marcelo H. Del Pilar. Pinagtutuunan ng pansin ng mga mananaliksik

sa pag-aaral na ito ang tatlong tiyak na suliranin; sukat at tugma ng mga piling tula,

Boses na nangingibabaw at mensahing ipinapabatid.

Mahalagang mabatid ang mga kaalamang ito ng sa ganoon bilang mga guron sa

hinaharasp na bukas ito ang magsisilbing gabay o lunsaran sa pagtuturo ng akdang

pampanitikan sa paaralan. sa pamamagitan ng pag-aaral na ito ang mga kabataan sa

modernong panahon ay magkakaroon ng bagong kaalaman na huhubog sa pagkatao at

magpapatibay at magiging sandata para sa magandang kinabukasan.


Ang pag-aaral sa limang piling tula ng iba’t ibang makata ay tumatalakay
sa pagmamahal at pagmamalasakit sa bayan ng mga mamamayang Pilipino sa
sariling tinubuan.

Teoryang Romantisismo

Pag-ibig sa Bayan Ko Kung Tuyo na Isang Alaala ng Isang Tula sa


tinubuang ang Luha mo Aking Bayan Bayan
Lupa Aking Bayan
ni: Jose
ni: Andres Corazon de ni: Amado V. ni: Gat. Jose ni: Marcelo H.
Bonifacio Jesus Hernandez Rizal Del Pilar

Sukat at Tugma Mensahing ipinapabatid Boses na nangingibabaw

Figyur 1: Iskematikong Dayagram ng Kaligirang Teoritikal sa Pag-aaral


Sa pahayag nina Angeles at Arrogante, ang tula noon pa mang unang panahon

hanggang sa kasalukuyan ay malinaw at ganap na katuturan ng kanilang pangarap.

hamggang ngayon sila ay mahalaga sa pagbuo nito sa daigdig ng mga makatang

puspos ng imahinasyon, matayog na damdamin at kaisipan" sinipi nina Rebamonte at

Montera (9). ang panulaan ay binuogamit ang karanasan at malikhang pag-iisip ng

indibidwal ng sa ganoon ay mailahad ng mga manunulat ang nadarama. sa pagdaan ng

panahon ang panitikan lalong-lalo na ang tula ay nagbabago ngunit ang tema o

mensahe ay katulad pa rin ng dati. (Balmaceda) ang tula ay isang kaisipang

naglalarawan ng kagandahan nang kariktan at kadakilaan(30). ang mga manunulat ay

gumagamit ng kasiningang tinataglay gamit ang mga salitang matatalinghaga na mas

nagbibigay ng kulay at buhay ng isang akda na humihikayat at pumupukaw sa interest

ng mga mambabasa.

Ang tula ay nangangahulugang likha at ang makata ay tinatawag na manlilikha"

sinipi nina Rebamonte at Montera(9). ang tula ay isang pagbabagong hugis ng buhay

na kung saan nagsisilbing talaan ng mga manunulat ang tula sapagkat sa bawat

karanasan ay itinatala ngunit sa paraang binibigkas na may damdamin


Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral sa limang tula ng iba’t ibang makata ay tumatalakay sa

pagmamahal at pagmamalasakit sa bayan ng mga mamamayang Pilipino sa sariling

tinubuan.

Nilalayon din ng mga mananaliksik na masagot ang mga tiyak na konsepto.

1. Sukat at tugma;

2. Boses na nangingibabaw; at,

3. Mensaheng ipinapabatid.

Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay napatutungkol at nakatuon sa pagsusuri ng limang piling

tula ng iba’t ibang makata. Ang kalalabasan ng pag-aaral na ito ay magiging

makahulugan sa mga taong nagmamalasakit sa pagpapayaman ng tula bilang susi

pagkatuto sa karanasan sa nakaraan. Bukod dito, ang resulta ng pananaliksik na ito ay

magsisilbing gabay sa pagpapaliwanag na ang panitikan ay isa sa pinakamabisang

kasangkapan sa paghubog sa damdamin at kaisipan ng mga mambabasa.

Ito ay magsisilbing gabay sa mga tagapamahala sapagkat makatutulong ang

pag-aaral na ito sa paggawa at paglikha ng nararapat na hakbang upang makatulong

sa pag-unlad ng panitikan sa lahat ng aspekto sa lipunan at sa paaralan. Magsisilbing

instrumento ang pag-aaral na ito sa mag-aaral upang mas malinang ang kanilang

mapanuri at malikhaing pag-iisip. Mapapalawak din ang kanilang kaalaman sa

paglinang ng bokabularyo. Makatutulong sa mga guro ang pag-aaral na ito dahil

magagamit nila ito bilang karagdagang biswal sa pagtuturo ng panitikan at ang mga tula
ng iba’t ibang makata ay maaaring maging lunsaran sa pagtuturo ng aralin at sa iba

pang asignatura. Magagabayan ang mga magulang ukol sa karagdagang kaalaman na

dapat hubugin ng kanilang mga anak na dapat nilang maibigay upang higit na

mapalawak ang ating panitikan. At magsisilbi itong sanggunian sa mga mag-aaral na

mananaliksik sa hinaharap sakali man na magbalak din sila na makabuo ng ganitong

pag-aaral tungkol sa tula.

Katuturan ng mga Talakay

Boses ay nagpapahiwatig ng kabatiran sa kung sino ang nagsasalita sa limang

piling tula ng iba’t ibang makata. Masusuri kung ang may akda ba ang mismong

nagsasalita na nakaranas sa mga pangyayaring ipinaabot ng tula. Maaring iba ang

nakaranas subalit ito ay ibinahagi sa mismong boses na nangingibabaw sa tula.

Magagamit ito ng mga mambabasa lalo na sa mga mag-aaral sa pagtukoy sa persona

ng limang piling tula.

Sukat at Tugma ay mga sangkap ng tula na nakakapag-ingganyo sa bawat

mambabasa lalo na sa mga kabataan na nag-aaral ngayon na mahilig magbasa ng mga

babasahin. Sa pagitan ng sukat at tugma masusuri ng mga mambabasa na hindi

lamang ang pagbigkas ang kinakailangan sa pagsusuri; bagkus, kinakailangan ding

malaman ang paraan at estilo ng pagkakasulat sa mga tula ng iba’t ibang makata.

Mensahe ay nais ipabatid sa limang piling tula na nagdadala ng aral sa mga

mambabasa. Nasusuri at nasusukat ang kakayahang pag-unawa sa mensahe batay sa

may akda. Ang layunin ng mensahe sa pagsusuri ng pananaliksik ay dalhin at himukin


ang damdamin sa bawat mambabasa ng gintong aral partikular sa pagmamahal sa

lipunang tinitirahan.

SAKLAW AT LIMITASYON
Ang pag-aaral sa limang piling tula na pinamagatang Pag-ibig sa Tinubuang

Lupa ni Andres Bonifacio , Bayan ko ni Jose Corazon De Jesus, Kung Tuyo na

ang luha mo, Aking Bayan ni Amado V. Hernandez, Isang Alaala Ng Aking Bayan

ni Gat. Jose Rizal, at Isang Tula sa Bayan ni Marcelo H. Del Pilar ay tumatalakay sa

pagmamahal at pagmamalasakit sa bayan ng mga mamamayang Pilipino sa sariling

tinubuan.Pagtutuunan ng pansin sa pag-aaral ang sukat at tugma, boses na

nangingibabaw, at mensaheng ipinapabatid.


Kabanata 2
PAGBABALIK TANAW NG MGA KAUGNAY

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng mga muling sinuring literature at muling

sinuring pag-aaral na may kaugnayan at sumusuporta sa kasalukuyang pag-aaral ng

mga mananaliksik.

MULING SINURI NA LITERATURANG KAUGNAY

Mahalaga sa ginawang pag-aaral ng mga mananaliksik ang muling sinuri na

literaturaturang kaugnay dahil magsisilbi itong sandigan upang mas maging epektibo at

makatotohanan ang kasalukuyang pag-aaral. Makatutulong ito ng malaki sapagkat

maaari ito maging lunsaran upang maging matibay na batayan sa ginawang pag-aaral.

Ayon kay Balmaceda,"Ang tula ay kaisipang naglalarawan ng kagandahan ng

kariktan,ng kadakilaan:tatlong bagay na kailangang magtipon-tipon sa isang kaisipan

upang mag-angkin ng karapatang tawaging isang tula"(3).

Ang pahayag ni Balmaceda masasabi ay sumasaklaw na ang tula ay likha ng

malilikot na isip.Nabuo sa pamamagitan ng pag-tipon tipon ng mga kaisipan.Nailalahad

na naaayon sa kung ano ang mga pangyayari o isang huwaran sa ideyal na mundo.

Ayon naman kina Rebamonte at Montero mula kay Villafuerte,"Ang tula ay isang

pagbabagong hugis sa buhay na ipinaparating sa ating damdamin at ipinapahayag sa

pananalitang nag-aangkin ng tumpak na aliw-iw at lalong mainam sa mga may sukat na

taludtod.Ang kahulugan ng tula ay likha at ang makata ay isang manlilikha" (9).


Masasabi sa pahayag na Villafuerte na ang tula ay mahalagang aspekto sa

lipunan,komunidad at tahanan.Nililinang ang pag-unawa sa nilalaman at katuturan ng

isang tula sa buhay ng mga tao.Pinupukaw ang damdamin at panlasa ng mga

mambabasa.

Sa pahayag naman nina Ricafrente,Oreo et.al ,"Ang tula ay isang pagpapahayag

ng damdamin o saloobin ng may-akda upang maiparating ang isang mensahe sa

mensahe sa mambabasa.Ito ay karaniwanv naglalaman ng tuwa at saya o kaya ay

isang makasaysayang pangyayari ng buhay" (236).

Sa kabuuan,ang kahalagahan ng tula ay nakatutulong upang lubos na

maunawaan at maintindihan ng mga mambabasa ang kahalagahan at katuturan ng tula

na nilikha ng mga manlilikha.Mapahalagahan ang mga nakatagong mensahe na

gagabay sa pagpapatibay at pagpapabuti sa buhay ng bawat tao.

MULING SINURI NA PAG-AARAL NA KAUGNAY

Ang pagpaplano ay isa sa mabisang paraan upang maging epektibo ang

isang,bagay na gagawin. Kinakailangan na sa pagpaplano ay may mga layuning

kaagapay sa pagtuklas kung ano ang dapat na kahihinatnan at kung ito ba ay

magkakaroon ng silbi sa lipunang kinabibilangan.

Ang mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ay naghanap din ng mga

impormasyon o datos na kaugnay sa iba pang mga mananaliksik para mas lalo pang

maunawaan at maintindihan nang mabuti ang mga mahahalagang diwa na itinalakay sa

limang piling tula ng iba’t ibang makata. Kaya masasabi na ang tula ay may
mahalagang tungkulin sa mga mambabasa dahil ito ay mga aral na tagos sa emosyon

ng taong nagbabasa ng mga tula at maaaring nadadaragdagan ang bokabularyo ng

isang indibidwal.

Ang mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ay naghanap din ng mga

impormasyon o datos na kaugnay sa iba pang mga mananaliksik para mas lalo pang

maunawaan at maintindihan nang mabuti ang mga mahahalagang diwa na itinalakay sa

limang piling tula ng iba’t ibang makata. Kaya masasabi na ang tula ay may

mahalagang tungkulin sa mga mambabasa dahil ito ay mga aral na tagos sa emosyon

ng taong nagbabasa ng mga tula at maaaring nadadaragdagan ang bokabularyo ng

isang indibidwal.

Sa sipi sa pag-aaral na ginawa nina Jessa Mae V. Dinoy et. al , mga mag-aaral

ng Lapu-Lapu City College na may paksang " Mga Piling Tula ng mga Makata "

nakasaad sa konklusyon nito na ang tula ay mabisang instrumento sa pagpapaunlad at

pagpapahayag ng wika. Sa pamamagitan nito ay mapapalawak ang kaisipan ng mga

mag-aaral sa pagbabahagi ng kanilang saloobin (7).

Malaki ang kaugnayan ng pag-aaral nina Dinoy et. al sa kasalukuyang pag-aaral

dahil ang binanggit na mga instrumento sa pagpapaunlad at pagpapahayag ng wika ay

hakbang sa pagpapalitaw ng kasagutan sa pag-aaral at ng iba pang elementong

tinataglay ng panitikan ng panulaan.

Pagkatapos ng pag-aaral inerekomenda na ang mga guro ay dapat gumamit ng

mga tula sa pagtatalakay bilang lunsaran sa pagtuturo. Ganyakin ang mga mag-aaral
na magbasa ng mga tula na lilinang sa kanilang kakayahan sa pag-unawa at

magsagawa ng ibat-ibang kasanayan na susukat sa sariling kakayahan.


KABANATA 3
PAMPANITIKANG PAMAMARAAN NG PAGSUSURI

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa pamamaraan at pinagmulan ng akdang

pampanitikan na sumasagot sa pangunahing suliranin ng pag-aaral.

Pamamaraan ng Pampanitikang Pananaliksik

Ang pag-aaral sa limang piling tula ng ibaa't ibang makata na pinamagatang

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio, Bayan ko ni Jose Corazon de Jesus,

Kung Tuyo na ang Luha mo, Aking Bayan ni Amado V. Hernandez, Isang Alaala ng

Aking Bayan ni Gat. Jose Rizal at Isang Tula sa Bayan ni Marcelo H. Del Pilar na

nakikitaa ng pagmamahal at pagmamalasakit sa bayan. Ganamitan ng kwalitatibong

pamamaraan ng pananaliksik. Gamit ang kwalitatibong pamamaraan ng pananaliksik

ginagabayan ng mga pangunahing suliranin na Sukat at Tugma, Boses na

nangingibabaw at Mensaheng ipinapabatid.

Pinagmulan ng Datos

Ang limang piling tula na pinamagatang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa (Bonifacio,

121), Bayan Ko (de Jesus ), Kung Tuyo na Ang Luha Mo, Aking Bayan (Hernandez,

210), Isang Alaala ng Aking Bayan (Rizal ) at Isang Tula sa Bayan (Del Pilar, 74) na

nakikitaan ng pagmamahal at pagmamalasakit sa bayan.

Sinusuri ang limang piling tula sa tulong ng teoryang Romantisismo sa mga tiyak

na suliranin: Sukat at Tugma, Boses na nangingibabaw at Mensaheng ipinapabatid.


Paraan ng Pagkalap ng Datos

Sa tulong ng Teoryang Romantisismo ay susuriin ng maayos at pagtitiyak ang

limang piling tula na pinamagatang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa, Bayan Ko, Kung Tuyo

na Ang Luha mo, Aking Bayan, Isang Alaala ng Aking Bayan at Isang Tula sa Bayan sa

ginawang pag-aaral. Ang pag-aaral ay may tatlong hakbang na sumasagot sa

pangunahing suliranin ng pag-aaral; Unang hakbang Sukat at Tugma, pangalawa ang

Boses na nangingibabaw at ang panghuling hakbang ay ang Mensaheng Ipinapabatid

ng tula.

Unang Hakbang : Pagsusuri sa sukat at tugma.Nakakaakit sa mga mambabasa ang

tradisyonal na pagkasulat ng isang tula sapagkat binibigyang halaga sa sukat at tugma

ng tula ang magiging angkin nitong himig o indayog na tatatak sa teynga ng

nagbabasa .Ito ang unang suliraning kinahaharap ng mga mananaliksik mula sa limang

piling tula na pawang sumasalamin sa pagmamahal at pagmamalasakit ng mga pilipino

sa bayan.

Kakikitaan ng koneksyon na makatutulong sa pagpapaganda ng pagbabasa ng

tula at nagpapalantad sa emosyon ng bawat saknong .

MGA TULA SUKAT AT TUGMA PAGTITIYAK

Pag- ibig sa Tinubuang


Lupa
Bayan ko

Kung Tuyo na ang luha


mo, Aking Bayan
Isang Alaala Ng Aking
Bayan
Isang Tula sa Bayan

kalawang Hakbang : Pagsusuri sa boses. Ito ang ikalawang suliranin ng mga

mananaliksik na dapat magampanan sa limang piling ng tula nila Andres

Bonifacio'Jose Corazon De Jesus, Amado V. Hernandes 'Gat Jose Rizal, at Marcelo H.

Del Pilar na sumasalamin sa pag mamahal at pagmamalasakit ng mga Pilipino sa

bayan.

Isinaalang -alang sa mananaliksik ang boses na nangingibabaw sa tula upang

tuklasin kung paano nagkaroon ng masalimoot na pangyayari noon sa lipunang

ginagalawan.

MGA TULA SUKAT AT TUGMA PAGTITIYAK

Pag- ibig sa Tinubuang


Lupa
Bayan ko

Kung Tuyo na ang luha


mo, Aking Bayan
Isang Alaala Ng Aking
Bayan
Isang Tula sa Bayan

Ikatlong Hakbang : Pagsusuri sa Mensahi. Pinagtibay sa ikatlong suliranin ng

mananaliksik kung ano ang nais ipabatid ng limang piling tula nina Andres Bonifacio,

Jose Corazon De Jesus,Amado V. Hernandes , Gat. Jose Rizal, at Marcelo H. Del Pilar

na sumasalamin sa pagmamahal at pagmamalasakit ng mga pilipino sa bayan.

Magiging daan ang suliraning ito para sa mga mananaliksik upang palitawin ang

kagandahang ipinapahiwatig ng limang piling tula.


MGA TULA SUKAT AT TUGMA PAGTITIYAK

Pag- ibig sa Tinubuang


Lupa
Bayan ko

Kung Tuyo na ang luha


mo, Aking Bayan
Isang Alaala Ng Aking
Bayan
Isang Tula sa Bayan

Sa pangkalahatan, ang talahanayan sa gagawing pag-aaral ay napakahalagang

susi upang mabigyan ng tiyak na pag-unawa ang sukat at tugma, boses, at mensahe sa

ginagawang pag-aaral gamit ang limang piling tula ng iba’t ibang makata na

pinamagatang Pag- ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio , Bayan ko ni Jose

Corazon De Jesus, Kung Tuyo na ang luha mo, Aking Bayan ni Amado V. Hernandez,

Isang Alaala Ng Aking Bayan ni Gat. Jose Rizal, at Isang Tula sa Bayan ni Marcelo H.

Del Pilar ay sumasalamin sa pagmamahal at pagmamalasakit sa bayan ng mga

Pilipinong maituturing na bayani sa bansa at mga Pilipino sa lipunan.

You might also like