Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pangalan: Torrejos, Jan Angela D.

Block at Seksyon: 1st Year, BSA

Wikang Filipino, Wika ng Paglago


Sa mga nagdaang taon, makikita natin kung gaano nakatulong ang pagyabong ng iba’t
ibang wika sa mundo. Tulad na lamang ng salitang Ingles na tinaguriang wikang pandaigdig.
Ang pagkakaroon ng iisang lenggwahe na madaling maunawaan ng mga tao ay nagbigay-
paraan upang mapadali ang mga pandaigdigang transaksyon at mapayabong ang international
relations.
Alam nating lahat na ang ating bansa ay mayroong natatanging wika sa bawat rehiyon.
Ang bansang Pilipinas ay hindi lamang nabubuo ng mga isla, ito rin ay binubuo ng mga libo-
libong mga dialekto at wika. Napagdesisyunan lamang ng bansa na gamitin ang Tagalog
bilang pambansang wika dahil ito ang ginagamit ng gobyerno noon. Kahit na mayroong isyu
patungkol dito, lubos pa rin dapat nating ikagalak na patuloy pa rin natin itong nagagamit.
Ang pagkakaroon ng pambansang wika ay daan tungo sa pambansang pagkakaunawa at
pagkakaisa.
Kung ang wika ay ang paraan upang tayo ay magkaisa, bakit mayroon pa ring mga tao
na ninanais matanggal ito? Bago iyon, tignan muna natin ang kasalukuyang kalagayan ng
ating wika. Ngayo’y napapaloob tayo sa panahon ng globalisasyon. Malawakang pag-unlad,
pag-usbong ng teknolohiya at pagbilis ng daloy ng impormasyon—iilan lamang ito sa mga
katangian ng globalisasyon. Ang Ingles ay itinakda rin na wika ng globalisasyon at ginagamit
upang maging daluyan ng impormasyon.

Ang Ingles ay ang ikalawang wikang pambasa. Makikita ang malawakang kagamitan
nito sa pagsulong ng batas, sa mga kagawaran at departamento ng gobyerno, at sa edukasyon.
Ngayo’y isinusulong pa rin ang pagtanggal naman ng Filipino bilang asignatura sa kolehiyo.

Habang ito’y masasabi natin na para sa ikabubuti ng Pilipinas, kailangan pa rin nating
makita kung ano ang epekto nito sa pang matagalan. Sa bagay na sinasabing “short-term
effect,” magkakaroon ng oras ang mga estudyante sa kolehiyo upang mas lalong maging
maalam sa mga asignatura na may kinalaman sa kanilang kursong pinagaaralan (major subjects).
Ngunit, isa sa magiging pangmatagalang epekto nito ang kakulangan sa kaalaman sa paggamit
ng Filipino sa propesyonal na konteksto. Nawawalan rin ang pagpapahalaga sa Filipino
bilang wika ng instruksyon at pangunahing wikang pambansa.

Habang binibigyan natin ng pagpapahalaga ang wikang Ingles bilang wikang


pandaigdig at wika ng globalisasyon, hindi nararapat na nawawala ang pagpapahalaga para sa
wikang Filipino. Hindi nararapat na tanggalin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo dahil
ito’y magdudulot ng mas malalim na pag-intindi sa wikang ito at mas malalim na
pagmamahal at pagpapahalaga sa wika at sa nasyonalismo.

Sa pagpapahalaga sa wika at kultura ng Pilipinas tunay na makakamit ang pag-unlad at paglago.

You might also like