B Wika1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

KOMUNIKASYON AT

PANANALIKSIK
SA WIKA AT KU LT U R A NG P ILIP INO

GINA M. CORTEZ
Guro sa Filipino
Mga Daluyan ng
Pagpapakahulugan

2
Ang lahat ng wika ng tao ay nagsimula sa tunog. Mga
tunog ito mula sa paligid, kalikasan, at mula mismo sa tunog
na likha ng pagbigkas ng tao. Kung kaya’t lumutang ang
konseptong “ponosentrismo” (phonocentrism) na
nangangahulugang “una ang bigkas bago ang sulat” ayon kay
Ferdinand de Saussaure. Ibig sabihin nakasandig sa sistema
ng mga tunog ang pundasyon ng anomang wika ng tao.

3
Ang simbolo ay binubuo ng mga biswal na
larawan, guhit, o hugis na kumakatawan sa isa o
maraming kahulugan. Halimbawa nito ang simbolo ng
krus, araw, ahas, elemento ng kalikasan (lupa, tubig,
apoy, hangin) at marami pang iba na sumasalamin sa
unibersal at iba’t ibang kahulugan mula sa sinaunang
sibilisasyon hanggang ngayon.
4
Kodipikasyong pagsulat ang sistema ng pagsulat tulad
ng paggamit ng cuneiform o tablet ng mga Sumerian,
papyrus ng mga Egyptian, at ang paglitaw ng mga
hieroglyph sa sinaunang Ehipto at ng alpabetong
Phoenician, Griyego, at Romano. Sa ating bansa,
nandiyan ang baybayin ng mga Tagalog at Buhid ng mga
Mangyan sa Mindoro.
5
Ang galaw ay tumutukoy sa ekspresyon ng mukha,
kumpas ng kamay, at galaw ng katawan o bahagi ng katawan
na nagpapahiwatig ng kahulugan o mensahe. Halimbawa nito
ang pagkunot ng noo, pagsasalubong ng mga kilay, pagkaway,
at iba pa.
Ang kilos ay tumutukoy sa kung ano ang ipinahihiwatig
ng isang ganap na kilos ng tao tulad ng pag-awit, pagtulong
sa tumatawid sa daan, at iba pa
6
GAMIT NG WIKA
1. Gamit sa talastasan
2. Lumilinang ng pagkatuto
3. Saksi sa panlipunang pagkilos
4. Lalagyan o imbakan
5. Tagapagsiwalat ng damdamin
6. Gamit sa imahinatibong pagsulat
7
1. Gamit sa talastasan
Pasalita man o pasulat, ang wika ay pangunahing
kasangkapan ng tao sa pagpapahayag ng kaisipan at damdamin.
2. Lumilinang ng pagkatuto
Ang mga naisulat nang akda ay patuloy na pinag-aaralan ng
bawat henerasyon, tulad ng mga panitikan at kasaysayan ng
Pilipinas na nililinang at sinusuri upang mapaunlad ang kaisipan.

8
3. Saksi sa panlipunang pagkilos
Sa panahon ng rebolusyon, mga wika ng mga
rebolusyonaryo ang nagpalaya sa mga Pilipino. Ito ang
nagbuklod sa mga mamamayan na lumaban para sa ating
kasarinlan sa tulong ng kanilang panulat, talumpati, at mga
akda.
4. Lalagyan o imbakan
Ang wika ay hulugan, taguan, imbakan, o deposito ng
kaalaman ng isang bansa.
9
5. Tagapagsiwalat ng damdamin
Ginagamit ang wika sa pagpapahayag ng nararamdaman.
Maaari itong pag-ibig, pagkagalit, o pagkapoot.

6. Gamit sa imahinatibong pagsulat


Ginagamit ang wika sa paglikha ng mga tula, kuwento, at iba
pang akdang pampanitikan na nangangailangan ng malikhaing
imahinasyon.
10

You might also like