Walang Kapantay

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Walang Kapantay

Kung ako man ay papipiliin,


walang iba pang tatangkilikin,
pagkat sa puso’y di aalisin,
walang kapareho na pagtingin.

Sa bukang-liwayway, siya ang hanap.


Kalinga niya ang aking hagilap.
Ang gabing madilim hindi sapat,
magwala ng ‘king pagkamatapat.

Sa kanya lamang, sa kanya lamang


ako kailanman manunumbalik.
Kahit ano pa man ang hahadlang,
hindi kailanman ipagpapalit.

Pag-ibig na tunay kanyang alay,


pag-ibig na tunay ang siyang gabay.
Siya lang nagmahal ng walang humpay.
Diyos ng pag-ibig siya ngang tunay.

You might also like