Posisyong Papel Final

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

CONGREGATION OF DOMINICAN SISTERS OF ST.

CATHERINE OF SIENA
NOTRE DAME - SIENA COLLEGE OF GENERAL SANTOS CITY
NLSA Road Extension, Purok Masagana, San Isidro, General Santos City
SY 2022 – 2023

Mga Pangalan : Baitang at Pangkat : 12-OLGC


Cheska Atheena R. Dacua Asignatura: Filipino sa Piling Larangan
Casandra Nicole C. Dofredo
Ronsward G. Dela Rosa
Martin Angelo D. Paalam
Charmie Nyl C. Verra
Sherlin A. Marcilla
Matt Arron I. Arriesgado
Novie Jane D. Burga
POSISYONG PAPEL

Ano nga ba ang Posisyong Papel?

 Ito ay isang paglalahad ng may-akda ng kanyang opinion at paninindigan


patungkol sa isang mahalagang isyu na nakasulat ng pasanaysay.
 Pinagtitibay ang mga posisyong iniharap gamit ng pagsagawa ng pananaliksik at
paglalahad ng mga ebidensya mula sa malawak at obhetibong talakayan ng
naturang paksa nang walang eksperimentasyon.
 Hindi neutral ang posisyong papel bagkus may pinapanigan itong tindig na
maaaring makatulong sa pagkakaroon ng higit na linaw sa mahahalagang isyu o
problema.
 Ipinaliliwanag ng posisyong papel kung bakit mali ang kabilang panig at kung
ano ang magiging ganansya sa pagpanig sa posisyon ng sumulat ng posisyong
papel.
 Maaring patungkol ito sa batas, akademya, politika, at iba pang mga larangan na
mayroong mahalagang usapin.

Hakbang sa pagsulat ng Posisyong Papel


1. Pumili ng paksa batay sa iyong interes
CONGREGATION OF DOMINICAN SISTERS OF ST. CATHERINE OF SIENA
NOTRE DAME - SIENA COLLEGE OF GENERAL SANTOS CITY
NLSA Road Extension, Purok Masagana, San Isidro, General Santos City
SY 2022 – 2023

- ito ay magiging daan upang mas mapadali ang pagpapatibay ng iyong


paninindigan o posisyon
2. Ibigay ang posisyon at magsagawa ng paunang pananaliksik
- Ito ay kinakailangan upang matukoy kung ang katibayan ay magagamit
upang suportahan ang iyong paninindigan.
3. Hamunin ang iyong sariling paksa
- Alamin ang lahat ng posibleng mga hamon na maaari mong makuha
bilang suporta sa iyong mga pananaw. Dapat harapin at kilalanin sa
iyong posisyong papel ang mga kasalungat na posisyon at gumamit ng
mga kontra-argumento (datos, opinyon, estadistika, at iba pa) upang
pahinain ang tindig ng mga ito.
4. Mangolekta ng sumusuportang katibayan
- Manaliksik at maghanap ng mga katibayan upang suportahan ang
iyong paninindigan. Puwedeng gamitin ang mga datos, mga opinyon
galing sa isang dalubhasa o mga karanasan ng mga Iba’t ibang tao.
5. Lumikha ng balangkas
Sa paglikha nito, kailangang kunsiderahin ang mga bagay na ito:

- Ipakilala ang iyong paksa gamit ang maikling paglalahad ng


pangkaligirang impormasyon at gumawa ng pahayag ng tesis na
iginigiit ang iyong posisyon

- Itala ang mga posibleng kasalungat na pananaw ng iyong posisyon

- Ipakita rin ang mga sumusuportang punto ng mga kasalungat na


pananaw ng iyong posisyon

- Kailangang pangatwiranang mabuti ang iyong posisyon sa kabila ng


mga inilahad na mga kontra-argumento

- Ibuod ang iyong argumento at muling igiit ang iyong posisyon.  Sa
pagsulat ng posisyong papel, ipahayag ang iyong opinyon nang may
paninindigan at kasinupan sa impormasyon.
I. Panimula
A. Ilahad ang paksa
B. Magbigay ng maikling paunang paliwanagtungkol sa paksa at kung bakit mahalaga
itongpagusapan.
C. Ipakilala ang tesis ng posisyong papel o iyong paninindigan o posisyon tungkol sa
isyu.
CONGREGATION OF DOMINICAN SISTERS OF ST. CATHERINE OF SIENA
NOTRE DAME - SIENA COLLEGE OF GENERAL SANTOS CITY
NLSA Road Extension, Purok Masagana, San Isidro, General Santos City
SY 2022 – 2023

II. Paglalahad ng Counter Argument o mga Argumentong Tumututol o Kumukontra sa


Iyong Tesis
A. Ilahad ang mga argumentong tutol sa iyong tesis.
B. Ilahad ang mga kinakailangang impormasyon para mapasubalian ang binanggit na
counterargument.
C. Patunayang mali o walang katotohananang mga counter arugumentong iyong
inilahad.
D. Magbigay ng mga patunay para mapagtibay ang iyong giinawang panunuligsa.
III. Paglalahad ng Iyong Posisyon o Pangangatwiran Tungkol sa Isyu
A. Ipahayag o ilahad and unang punto ng iyong posisyon o paliwanag
Ilahad ang iyong matalinong pananaw tungkol sa unang punto. Maglahad ng mga
patunay at ebidensya na hinango sa mapagkakatiwalang sanggunian.
B. Ipahayag o ilahad ang ikalawang punto ng iyong posisyon o paliwanag.
C. Ipahayag o ilahad ang ikatlong punto ng iyong posisyon opaliwanag.
Upang higit na maging matibay ang iyong pangangatwiran oposisyon, sikaping
maglahad ng tatlo o higit pang mga puntos tungkol sa isyu.
IV. Kongklusyon
A. Ilahad muli ang iyong argumento o tesis.
B. Magbigay ng mga plano ng gawain o namakakatulong sa pagpapabuti ng kaso o
isyu.
Ang pinakamabisa at pinakasimpleng paraan ng pagwawakas ng posisyong papel ay sa
pamamagitan ng muling pagbanggit sa tesis sa ibang paraan ng paglalahad nito at ang
pagtalakay sa mga magiging implikasyon nito.
Bahagi ng Posisyong Papel
Introduksyon

- Pagbanggit ng isyung tatalakayin

- Pagpapahayag ng iyong posisyon

Katawan
CONGREGATION OF DOMINICAN SISTERS OF ST. CATHERINE OF SIENA
NOTRE DAME - SIENA COLLEGE OF GENERAL SANTOS CITY
NLSA Road Extension, Purok Masagana, San Isidro, General Santos City
SY 2022 – 2023

- Pagbibigay ng impormasyong may kaugnayan sa paksang tatalakayin

- Pagbibigay ng impormasyon na magsisilbing ebidensya upang


masuportahan ang napiling panig

- Pagtatalakay sa magkaibang panig ng isyu

Konklusyon

- Suhestiyon na aksyon

- Posibleng solusyon

Haba ng Posisyong Papel

- Karaniwang may limang daan hanggang pitong daang salita ang isang posiyong
papel.
- Makabubuti kung maikli at malinaw ang akda upang agad na nalalaman ng
mambabasa ang mga punto nito.
- May mga pagkakataon ding mahirap paikliin ang posisyong papel lalo kung
maraming masalimuot nausaping kailangang panindigan

Halaga ng Posiyong Papel


Sa pamamagitan nito, maidedetalye ang halaga ng isang posisyon upang
makapagpasya ang mga wala pang alam o matibay na kaalaman ukol sa isyu lalo na at
apektado ang marami sa mga isyung ito. Nabibigyang halaga rin ng posisyong papel
ang pagtindig o pagpapasya.
Hindi nakabubuti kapag walang kaalaman sa mga usaping panlipunan kung kaya’t
dapat lang na mayroong mga sulating nagpapahayag ng paninidigan na naglalaman din
ng mga tiyak na impormasyon.
CONGREGATION OF DOMINICAN SISTERS OF ST. CATHERINE OF SIENA
NOTRE DAME - SIENA COLLEGE OF GENERAL SANTOS CITY
NLSA Road Extension, Purok Masagana, San Isidro, General Santos City
SY 2022 – 2023

Halimbawa ng isang posisyong papel:


Posisyong Papel
Pangalan: Ranz Christian Naquila
Paksa: Teknolohiya(Limitadong paggamit ng internet sa mga mag-aaral)
Pamagat: Internet dapat limitahan sa mga mag-aaral
Bilang isang mag-aaral pribilehiyo naming mag-aral sa isang maayang
kapaligiran. Nakung saan magiging epektibo ang paraan ng pagkatuto. Alinsunod
madaliang paglawak atpagbabago ng teknolohiya, hindi maipagkakaila na ito ay lubos
na makakatulong sa pagkuha ngmga makabagongimpormasyon. Mula sa lumang
konsepto na nasa libro nagbago ito sa mgakagamita

ng mas makapagpapadali ng pagkalap ng impormasyon sa isang click. Isa ang Internet


sapangunahing dahilan ukol dito. Kasabay sa aking nalalaman, ang mag-aaral na
walang personal nagadgets upang makapag-internet ay magsisislbing hadlang sa
epektibong pagturo sa panahon ngayon.
Hindi natin maitatangi na lubos na makakatulong ang Internet sa pakalap ng
nilalamanngunit aking lubos na isusulong ang paglimita nito sa mga mag-aaral. Ang
dahilan kung bakitdapat limitahan ang paggamit ng Internet ay upang magkaroon
ng patas at sabay-sabay napagkatuto at mas lalong mapupukaw ang pansariling
kaalaman at hindi binabase sa internet. Ang internet ang dahilan kung bakit tinatamad
ang mga estudyante sa pagbuo ng sariling konsepto. Angpagkakaroon ng
hindi limitadong internet ang magdudulot ng pangongopya ng ideya sa ibang awtor.
Mas pinagtutuunan din nila ng halaga ang mga ideya sa internet kaysa sa kanilang
sariling kaalaman at kakayahan.
Ang paglimita ng internet sa mga mag-aaral ang makakatulong upang
makapaglikha atmakabuo ng bagong epektibo na mga lider na may paniniwala sa sarili
at hindi theoretical-based na katalinuhan. Hindi man tayo makakagawa ng makabagong
CONGREGATION OF DOMINICAN SISTERS OF ST. CATHERINE OF SIENA
NOTRE DAME - SIENA COLLEGE OF GENERAL SANTOS CITY
NLSA Road Extension, Purok Masagana, San Isidro, General Santos City
SY 2022 – 2023

Einstein, Hawking, Galileo at ibapa ngunit sa maiging pag-aaral at pagtitiwala sa sariling


ideya makakabuo tayo na mas magandangkonsepto na walang internet. Ang paglilimita
ng internet ay makakatulong sa mga mag-aaralupang maging dynamic at sistematiko sa
pagbuo at pagtuklas ng kakayahan upang panatilihan angkapayapaan at kaunlaran sa
bansa.

Mga Napagkunan:

Carabuds. (2018, October 14). Posisyong Papel. Akademikong Pagsulat. Mula sa:
https://akademikongpagsulat.wordpress.com/2018/08/01/posisyong-papel/

Jeska. (2022, May 8). Posisyong Papel. Aralin Philippines. Mula sa:
https://aralinph.com/posisyong-papel/

Elcomblus. (2020, February 2). Pagsulat ng Posisyong Papel. ELCOMBLUS. Mula sa:
https://www.elcomblus.com/pagsulat-ng-posisyong-papel/

Magboo, L. (2017, August 1). Posisyong Papel. Mula sa: https://prezi.com/rx-


pnu6yequ5/posisyong-papel/

Marie, A. (2021, January 13). Posisyong Papel. Scribd. Mula sa:


https://www.scribd.com/presentation/490604878/Posisyong-Papel-PPT

You might also like