Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Pangalan: _______________________________ Iskor: _______________

Grado: ________________

EPP 5
Pangalawang Lagumang Pagsusulit

Panuto: Piliin ang tamang sagot ayon sa mga dapat isaalang-alang sa paggamit ng computer.
1. Pagpasok sa computer laboratory, ang dapat kong gawin ay:
A. Buksan ang computer, at maglaro ng online games.
B. Tahimik na umupo sa upuang itinalaga para sa akin.
C.Kumain at uminom
D.Wala lang
2. May nagpapadala sa iyo ng hindi naaangkop na “online message,” ano and dapat mong gawin?
A. Panatilihin itong isang lihim.
B. Tumugon at hilingin sa nagpadala sa iyo na huwag ka na niyang padalhan ng hindi naaangkop
na mensahe.
C.Sabihin sa mga magulang upang alertuhin nila ang Internet Service Provider.
D.Pagalitan
3. Sa paggamit ng internet sa computer laboratory, alin sa mga ito ang dapat gawin?
A. Maaari kong i-check ang aking email sa anumang oras na naisin ko.
B. Maaari akong pumunta sa chat rooms o gamitin ang instant messaging para makipagugnayan
sa aking mga kaibigan.
C.Maaari ko lamang gamitin ang internet at magpunta sa aprobado o mga pinayagang websites kung
may pahintulot ng guro.
D.Kumain sa loob.
4. Kapag may humingi ng personal na impormasyon tulad ng mga numero ng telepono o address, dapat
mong:
A. Ibigay ang hinihinging impormasyon at galang na gawin ito.
B. I-post ang impormasyon sa anumang pampublikong websites tulad ng facebook, upang makita
ninuman.
C.Iwasang ibigay ang personal na impormasyon online, dahil hindi mo batid kung kanino ka
nakikipag-ugnayan.
D.Ibigay kaagad.

5. Nakakita ka na impormasyon o lathalain sa computer na sa iyong palagay ay hindi naaangkop, ano


ang dapat mong gawin?
A. Huwag pansinin, balewalain.
B. I-off ang computer at sabihin ito sa iyong kaibigan.
C.Ipaalam agad sa nakatatanda.
D.Ipost din
6. Ang netiquette ay makakatutulong sa iyo upang ______.
A. maiwasan ang mga hindi kanais-nais na pag-uugali (online)
B. maging mas mahusay sa iyong mga kaibigan
C. maging mas mahusay sa mga pagsusulit
D. gumaling sa paggamit ng internet
7. Dapat sumagot sa lahat ng email ______.
A. nang mabils hangga’t maaari
B. pagkatapos ng tamang agwat
C.kapag may nakuhang pagkakataon
D.pagkatapos maghintay ng pitong araw
8. Ang pag-type ng isang mensaheng email na lahat ng nasa malaking titik ay nangangahulugang
_________________.
A. wala
B. ikaw ay naninigaw
C.ang mensaheng ito ay nakapahalaga
D.okay na ipasa ang mensaheng ito sa iba
9. Ang paggamit ng smiley-faces sa isang mensahe ay __________.
A. ganap na katanggap-tanggap
B. pampalibang sa makakatanggap ng email
C.parang bata at hindi kailanman dapat gawin
D.gumamit lang nito kung kailangan o angkop sa pinag-usapan
10.Sa kasalukuyan, maaari ka lang magpadala ng file na hanggang _____ MB ang laki gamit ang email.
A. 40 B. 30 C. 25 D. 50
__________________________________ __________________________
Lagda ng Magulang Petsa

You might also like