Tao Laban Sa Sarili

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

“Tao Laban Sa Sarili”

Taong dalawang libo’t dalampu, mga unang buwan ng nasabing taon ay may
lumaganap na balita sa buong mundo na may isang uri ng sakit na nagmula sa
lugar ng Wuhan sa bansang Tsina. Isang uri ng sakit na hindi pangkaraniwan na
tinawag na COVID-19. Ang sakit na ito ay nakuha ng tao sa pangangain ng paniki
sa nasabing lugar. Dahil sa bagsik ng nasabing sakit, madali itong kumalat sa
nasabing lugar, nahawa pati mga karatig probinsya hanggang sa naging buong
bansang Tsina at mabilis na kumalat sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Ito ay naging
isang pandemya.
Buwan ng Marso taong 2020, masaya ako sa kadahilanang ideneklara ng ating
pangulo ang walang pasok o lockdown ng ilang linggo para hindi lumaganap sa
ating bansa ang Covid. Subali’t ito ay naging isang buwan hanggang sa umabot na
ito ngayong taong 2021. Ngunit ang napagtanto ko habang tumatagal itong
pandemya ay hindi lang ang pandemya ang ikinukulong ako, pati ang aking isip ko
ay isang bilangguan, napansin ko na masyado kong pinapahalagaan ang aking
sarili, na ayaw ko aminin ang aking mga pagkakamali, sa halip isinisisi ko to sa
ibang tao kahit alam ko sa sarili ko na ako’y mali. Ito’y isang kalunos-lunos na
pangyayaring hindi inasaahan nating lahat, ngunit ito ay hindi kasinghirap ng mga
pinagdaanan ng mga Cambodians, masasabi ko na ito talaga ang panahon na
binigyan ako ng iba’t ibang mga pagsusubok at mga saloobin na hindi ko naisip na
mangyayari sa akin sa ngayon.

You might also like