Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

1

SALIK NA NAKAAAPEKTO SA PAGKATUTO NG MGA MAG-AARAL


SA ASIGNATURANG FILIPINO

Isang Tesis na Ipinasa sa Kaguruan ng Davao Central College,


Rasay City Campus, Bilang Pagtupad sa Pangangailangan
sa Asignaturang

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO

(Filipino)

DECEMBER 2022
2

PANIMULA

Bawat galaw sa mundo ay may hatid na mensahe. Napakahalagang

talakayin ng bawat tao ang kakayahang umunawa at magpaunawa ng mensahe

sapagkat dito nakasalalay ang isang matatag at maunlad na pagkatuto. Ang

kasanayang ito ay dapat taglayin ng tao upang umunlad sa buhay at nang

maunawaan ng iba. Ang kakayahan sa pagkatuto ang isa sa mga

pinakamahalagang mithiin ng bawat isa. (ipagpatuloy ang daloy)

Layunin ng Pag- aaral

Sa kabuuan, ang layunin ng pag-aaral nito ay nagnanais na matugunan

ang mga Salik na Nakaaapekto sa Pagkatuto ng mga mag-aaral sa Asignaturang

Filipino. Ang sumusunod ay magsisilbing gabay sa pag-aaral na ito na

naglalayong masagutan ang sumusunod na katanungan:

1. Matukoy ang mga salik na nakaaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral

sa Asignaturang Filipino ayon sa mga salik na sumusunod:

1.1 Salik sa Guro

1.2 Kagamitang Pampagtuturo

1.3 Salik sa Sosyal

1.4 Salik sa Sarili

2. Malaman kung anong salik ang higit na nakaaapekto sa pagkatuto ng mga

mag-aaral sa Asignaturang Filipino.


3

Kahalagahan ng Pag- aaral

Sa mga mananaliksik, ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay

makatutulong sa kanilang pag-aaral kung saan makakukuha ng mga bagong

ideya tungkol sa mga salik na nakaaapekto sa pagkatuto sa asignaturang

Filipino. Ang wikang Filipino ay mahalaga at kinakailangan sa

pakikipagkomunikasyon, pakikipag-ugnayan at pakikipagtalastasan na dapat

pag-aralan.

Kaya, ang pag-aaral na ito ay magiging kapaki-pakinabang sa

sumusunod:

Sa pamamagitan ng resulta ng pag-aaral na ito ay maitataguyod ng

tagapamahala ang mga salik na nakaaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa

asignaturang Filipino na kung saan matutugunan ang matinding

pangangailangan ng mga mag-aaral.

Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga mag-aaral upang kanilang

malaman ang mga salik na nakaaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa

wikang Filipino at ang mga tamang paraan o salita na kanilang kailangang

gamitin na makatutulong din sa pagtatagumpay ng kanilang pag-aaral.

Para sa susunod na mga mananaliksik, ang kinalabasan ng pananaliksik

na ito ay maaaring gawing batayan o sandigan ng iba’t ibang pag-aaral tungkol

sa mga salik na nakaaapekto sa pagkatuto sa asignaturang Filipino sa larangan

ng edukasyon.

Nakatutulong din ang pag- aaral na ito sa mga guro upang gumawa ng

paraan at hakbang sa pagpapanatili at pagpapaunlad sa asignaturang Filipino at


4

sa wikang Filipino bilang isa sa mga kasangkapan sa pakikipagkomunikasyon

maging ito man ay pasulat o pasalita gamit ang mga makabagong teknolohiya at

estratehiya sa pagtuturo.

Sa mga Pilipino lalong-lalo na sa mga kabataan, ang pag- aaral na ito ay

sadyang makatutulong upang mamulat ang bawat isa sa katotohanan na hindi

lamang nakatuon ang pagkatuto ng mag-aaral sa guro gayundin ay dapat

isaalang-alang ang sarili.

Para sa komunidad at pamahalaan, mahalaga ang pananaliksik na ito

upang masolusyonan ang problema sa mga salik na nakaaapekto sa pagkatuto

sa asignaturang Filipino dahilan sa unti-unting pagkasira at pagkawala ng

asignaturang Filipino.

Saklaw at Delimitasyon ng Pag- aaral

Ang pag- aaral na ito ay nakatuon lamang sa pag-alam at pagsuri sa

(PAMAGAT) Limitado lamang ang pag- aaral na ito sa isandaang (100)

respondente. Ito ay sumasaklaw sa mga mag-aaral na kumukuha ng

(RESPONDENTE) sa unang taon sa antas tersarya taong panuruan 2015-2016.

Pagbibigay Katuturan

Upang lubos na maunawaan ng sinumang babasa ng pag- aaral na ito,

mahalagang bigyang katuturan ang mga terminong ginamit gaya ng sumusunod:


5

Pagkatuto- isang paglinang at pagpapalakas ng kasalukuyang kaalaman, gawi,

kakayahan.

CURRICULUM VITAE

PERSONAL NA DATOS

Pangalan: Lariza, Reynald P.

Petsa ng Kapanganakan: Agosto 6, 1993

Lugar ng Kapanganakan: Kisante, Makilala North Cotabato

Kasarian: Lalaki

Tirahan: Kisante, Makilala North Cotabato

Ama: G. Ananias G. Lariza

Ina: Gng. Irene P. Lariza

EDUKASYONG NAKAMIT
Halimbawa lang ito:

Elementarya: Dolo Elementary School


SY 2007-2008

Sekondarya: Kisante National High School


SY 2011-2012

Senior High School: Pamantasan ng Katimugang


Mindanao
Kolehiyo ng Industriya at Teknolohiya
Lungsod ng Kidapawan Kampus
SY 2015-2016

Kurso/Strand: Humanities and Social Sciences


HUMSS
6

You might also like