Get Uber It Script

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

Get Uber It

CHARACTERS:

        PONSO - a confused and heartbroken student who passed UP Law School

DRIVER - a middle-aged man who is a full-time UBER driver. He is very talkative but

tries his best to help Ponso with his problem

LOLO - a conservative and traditional 65-year-old

GIRL – a teenage girl who is a certified hopeless romantic. Especially loves Filipino

movies

SETTING: Uber Car

SET: Five chairs and a steering wheel

SYNOPSIS: A law student taking an UberPool talks to the driver and other passengers

about his life--whether or not he should continue law school after losing his girlfriend

who was his main reason for applying in the first place
ANG DULA:

[Pasok PONSO. Titingnan ni PONSO ang kayang telepono at maglalakad nang

pagewang-gewang patungo sa isa sa mga upuan sa gitna ng entablado]

DRIVER:     Good evening po! Sir Alfonso Trinidad? Start trip ko na po ah.

[Tutungo si PONSO habang sinasara ang pintuan ng kotse. Uupo siya, mapapatingin sa

labas ng bintana at mapapabuntung-hininga.]

DRIVER:     Ok lang po kayo, sir? Nahihilo po ba kayo? Meron akong candy at biscuits

rito.

PONSO:      Hindi ako susuka.

[Bubuksan ng DRIVER ang radyo. Tutugtog ang “God Gave Me You” ni Bryan White]

PONSO:      Pambihira.

DRIVER:     [Titingin sa “rear-view mirror” upang silipin si PONSO] Okay lang po ba

talaga kayo, sir?

PONSO:      Hindi okay ‘yang soundtrack mo, kuya.

DRIVER:     Bakit naman po, sir? Maganda po naman ah. Favorite ko nga po ‘yan eh.

Nakakakalma po siya. [Sasabay sa kanta]

PONSO:      Hindi. Hindi ‘yan nakakatulong. Hindi ka nakakatulong, kuya…

DRIVER:     Pasensya na kayo, sir. Sabi kasi nila “basta driver, sweet lover!” Eh hindi

lang ako sweet sa pamilya ko. Sweet rin ako sa mga pasahero!

PONSO:      [kakalma pero tatawa nang malakas at mapapahiga sa kotse] Sweet! Buti

ka pa, sweet at may pagpapahalaga sa akin!


[Natahimik si PONSO at ang DRIVER]

DRIVER:     Sir, hindi naman sa nakikitsismis ako ano, pero mukha po yatang malalim

ang pinaghuhugutan natin.

[Nanahimik muli si PONSO]

DRIVER:     Pero okay lang, sir kung hindi kayo magkuwento. Siyanga po pala, may

ka- uberpool ka po, sunduin lang natin sa may Mcdo dyan sa Katipunan. Ikot lang tayo

ng kaunti. Medyo matratrapik lang. Chill lang po kayo.

PONSO:      Haha. Mcdo. Mcdo diyan sa Katipunan ako sinagot ni Kate at diyan

ko rin sinabi sa kanya na nakapasa ako sa UP Law School.

DRIVER:     Naks, memorable pala ang Mcdo sa inyo sir. Ah Kate pala. Gandang

pangalan. Hulaan ko ang tawagan niyo sa isa’t-isa. Baby. Baby Kate mo siya. Baby

Ponso ka niya. Aww, ang sweet! Teka, UP Law School? Naks, Attorney (sisipatin ang

Uber app) Alfonso Trinidad pala kayo.

       

PONSO:        [Hihinga nang malalim] Baby… Hindi ko na baby.  Tsaka hindi pa ako

attorney. Papasok pa lang ako sa law school-- kami, dapat sa law school.

DRIVER:     Aww. [Kakantahin] Saaaad story always makes me cry. [Sisipatin si

Ponzo, walang reaksyon] Sir, hindi lang ako sweet lover, love ko rin po makinig sa mga

love story, sir.

PONSO:      Mahabang kwento, kuya.


DRIVER:     Alam niyo, sir, ang kwento ng buhay parang trapik lang ‘yan. Matagal

bago makamove-on pero kapag nakaluwag-luwag na sa kalsada, magaan na. Kailangang

ilabas kung anuman ang nagpapabigat sa loob para lumuwag ang puso.

PONSO:      [mapapaisip at tatayo mula sa pagkahiga] Gusto niyo ba talagang

marinig? Walang echos? Sige, kuya! Pagbibigyan kita. Pero kailangan mo ng tissue, baka

hindi mo kayanin.

DRIVER:     [kukunin ang tissue sa compartment at itataas ito] Ready!

PONSO:      So ayun nga po - may girlfriend ako, 5 years na kam—

DRIVER:     —Ang sakit! Sobrang sakit sir, damang-dama ko na! [hihikbi na para

bang umiiyak]

PONSO:      Kuya, ako lang ang may karapatang maging OA rito. Pambihira, moment

ko ‘to eh. Excited naman kayo masyado. Itutuloy ko pa ba?

DRIVER:     Sir, I’m a sweet driver who knows how to listen.

PONSO:      Nasaan na nga ulit ako? Ahh. Si Kate. Akalain niyo ‘yun, for a few

seconds nakalimutan ko siya? 5 years. Tumagal kami ng 5 years. 5 years na tinapos in 5

seconds nang ganun-ganun lang! ANG SAKIT SAKIT

DRIVER:     Eh, ano po bang dahilan? Naku, sir, hindi naman ho siguro dahil sa babae

no?

PONSO:      Ako?! Mambababae?! Stick to one yata to. Nasobrahan nga sa stick to one

eh!

Siya lang ang naging mundo ko.


DRIVER:     Loyal. Tuloy lang ang kwento, sir.

PONSO:      Alam mo bang dati pa eh gusto na ni Kate maging lawyer. At dahil nga

mahal ko siya, gusto ko na rin mag-law school after naming grumadweyt sa college.

Ganun nga talaga siguro ‘yun no, kuya, kapag mahal mo ang isang tao, ‘yung mga gusto

at pangarap niya, nagiging gusto at pangarap mo na rin. Gusto ko siyang makasama

araw-araw habang-buhay.

DRIVER:     Habang-buhay as in forever, sir? Uso pa ba ‘yang forever na ‘yan?

PONSO:      Uso pa rin sa taong nagmamahal.

DRIVER:     Kunsabagay. Alam mo, sir, di kita masisisi kung puro puso ang pinairal

mo.

Di ba nga may kasabihan tayo na “follow your heart.”

PONSO:      Nasobrahan ako diyan sa “follow your heart” na yan! Kahit heart ng iba

finallow ko na rin. Pero kasi mahal ko si Kate eh kaya ayun sinabayan ko siyang

mag-aral bago mag-entrance exam sa law school. Kahit hirap ako ‘non, kasi di naman

ako familiar sa mga inaaral ko ayos lang. Masayang mag-aral kasama si Kate. Ayun last

week, lumabas ‘yung results—

DRIVER:     —Ops! Break muna! Mcdo na. Katipunan. Uy sir may naalala ako. Break.

Mcdo. Katipunan? Joke lang! Ka-pool niyo po si Sir Francisco.

[Hihiga ulit si PONSO. Papasok si LOLO at uupo sa upuan sa tabi ng DRIVER]


LOLO:         [Magagalit] Alam mo, I’m confused kasi sabi rito arriving ka in 5 minutes

pero namuti na’ng buhok ko’ lahat, wala ka pa rin. Tsk. Tsk.

DRIVER:     Eh Lo, pasensya na po, umikot pa po kami at natrapik.

LOLO:         Never mind that, hijo basta bilisan natin at naghihintay na si Irog sa

medical city

DRIVER:     [Paparinggan si PONSO] Naks, buti pa si Lolo may Irog. Kainggit no,

sir?

LOLO:         [magugulat at sisilip sa likod] Teka, bakit may ibang pasahero rito?

Anong klaseng modus ito? Mag-isa lang dapat akong pasahero ah.

PONSO:      Ako ang mag-isa! Ako ang mag-isa sa buhay! Walang nakakaintindi sa

’kin.

[Sabay labas ng ulo sa may bintana ng kotse]

[Titigil ang kotse]

DRIVER:     Sir, sir! Ipasok niyo po ‘yung ulo niyo. Baka mahagip po ‘yan. Sayang

din.

PONSO:      [Pasigaw] Nagso-soul searching lang ako!! Wooo!!

LOLO:         Bakit may lasing? I have a bad feeling about this. Bababa na lang kaya

ako.

PONSO:      Ako, Lo, ang feelings ko mas masahol pa sa bad!

DRIVER:     Ah, lo! Wag kayong mag-alala ako na po bahala. [Ipapasok ni DRIVER

ang ulo ni PONSO] Uberpool po kasi itong nasakyan niyo. May isa pa po tayong

susunduin sa Libis.
PONSO:      [tatapikin ang balikat ni LOLO] Lolo! Nagmahal at iniwan na rin ho ba

kayo?

LOLO:         [tatawa na lang at pagpapasensyahan si PONSO] Oo naman, hijo.

Natural lang ‘yan. Lahat ng nagmamahal ay naiiwan at some point. ‘Yung sinasabi

niyong walang poreber na ‘yan, totoo ‘yan. Sabi ko nga kay Irog, una-unahan lang naman

rito sa mundo eh. Tanggap na naming dalawa ‘yun.

[Susulyap ang DRIVER kay PONSO]

LOLO:         Bakit, ikaw ba ay sawi sa pag-ibig? Kung ikukuwento mo, baka maaari

akong makapagbigay ng love advice. Hindi mo naitatanong, magaling ako diyan.

DRIVER:     Ay, Lo, kailangan niya ‘yan. Sir Alfonso Trinidad, take it away.

PONSO:      Kasi Lo, dati pang gusto ni Kate maging lawyer. At dahil nga mahal ko

siya, gusto ko na rin mag-law school after naming grumadweyt sa college. Ganun nga

talaga siguro ‘yun no, Lo, kapag mahal mo ang isang tao, ‘yung mga gusto at pangarap

niya, nagiging gusto at pangarap mo na rin. Gusto ko siyang makasama araw-araw

habang-buhay.

DRIVER:     Galing niyo magmemorize, sir!

LOLO:         Kayo talagang mga kabataan, big deal sa inyo ang forever. Puro puso lang

ang iniisip. Kayo ba, iniisip niyo rin ang pamilya niyo?

PONSO:      Mahal na mahal ko si Kate, Lo. Hindi pa ba sapat ‘yun? Eh last week,

lumabas na yung results—


DRIVER:     — hulaan ko. Nakapasa ka, siya hindi. At hindi niya ‘yun masikmura kaya

nakipag-break siya sa ‘yo!

PONSO:      [Magigitla] What the??? Bakit moa lam???

DRIVER: Hala, nagbibiro lang ako, sir.

PONSO: Stalker ka siguro, kuya. You stalked my FB kaya alam mo!

DRIVER: Hinulaan ko lang yun, sir.

PONSO: (Iiyak nang malakas) Badtrip ‘tong tadhana, pinaglalaruan kami. Si Kate

‘tong gustong maging lawyer pero tama ka, kuya ako ang nakapasa. Deym!

DRIVER:     Totoo nga, sir? ‘Yung hindi niya pagkapasa at pagkapasa mo ang dahilan

kung bakit kayo hindi na kayo?

PONSO:      Ganun na nga! Sabay naming pinasok ang giyera at heto, iniwan niya ako

sa gitna ng laban! Limang taon! Nawala sa isang iglap! Dahil hindi lang natupad ang

gusto niya! Hindi niya yata talaga ako minahal!

LOLO:         Am I missing something here? Magiging lawyer ka, matutupad mo ang

pangarap mo at mabibigyan mo ng magandang buhay ang pamilya mo. Ano’ng

problema?

PONSO:      Eh, Lo, you’re not paying attention. ‘Di ko nga po ‘to ginusto! Pangarap

ko talagang maging isang guro! Pinaglaban ko pa nga sa magulang ko na ipasok ako sa

law school, dahil kay Kate. Dahil mahal ko siya…

LOLO:         Alam mo, hijo, you’re lucky to have supportive parents. Ang alam ko

expensive ang law school at hindi lang basta-basta pinupulot ang pera.
PONSO:      Eh akala ko nga po kasi tama ‘tong ginawa ko kasi makakasama ko siya.

Akala ko—

LOLO:         —ah si Akala pala ang dapat nating sisihin.

[Titigil magmaneho ang DRIVER dahil isasakay na ang isa pang pasahero. Pasok GIRL]

PONSO:      Oo na, Lo. Maling inakala kong mahal niya ako na kahit anong mangyari

hindi niya ako iiwan.

LOLO: Alam mo, madali lang naman ang buhay eh. Kailangan mo lang ipaglaban

yung mga bagay na alam mong makakabuti sa’yo, hindi ‘yung puro lovelife ka na lang.

PONSO: Bakit?! Di mo rin ba pinaglaban ‘yung mahal mo ngayon? LOVE IS

ABOUT

TAKING RISKS! [Ilalabas ang ulo sa binatana at sisigaw] Minahal ko

lang naman siya—

[Papasok si GIRL ng kotse at uupo sa kanan ni PONSO]

GIRL:           —at minahal ko rin siya… He had me at my best but he chose to break my

heart...

[Mananahimik ang LAHAT at titingin LAHAT kay GIRL]

DRIVER:     [tatawa] Grabs popcorn.

LOLO:         Saan ang pop corn?

PONSO:      [nakatingin kay GIRL] Who you?

GIRL:           Ako ang magmamahal sa ‘yo at hindi mang-iiwan. No matter what.

[Mananahimik ulit ang LAHAT at titingin si PONSO kay GIRL]


GIRL:           Char lang, mga bes. Ang seseryoso niyo namang lahat. Ano bang meron?

DRIVER:     Iku-kwento mo ba o huhulaan na lang niya? [kausap si PONSO]

GIRL:           [kausap ang DRIVER] Ay bet! [sabay palakpak] Lloydies ka rin pala

kuya!

PONSO:      Alam mo... hindi ka nakakatulong!

GIRL:           Ikwento mo kasi sa’kin para makatulong ako. Wala man akong experience

sa lovelife, napanuod ko naman lahat ng movies ni John Lloyd. Pweds na yun!

LOLO:         Sasakit lang ulo mo kapag kinuwento niya ‘yan.

GIRL:           Sayang! Cute ka pa naman. Hawig nang slight kay John Lloyd. Slight.

Kaso lang

para kang simangot na tinubuan ng mukha! Ano ba kasi ‘yan? Kwento mo

na.

DRIVER:     Mga da-moves ni Ate Girl oh. Ako na ang magkukuwento, sir. Magaling

rin akong magmemorize. Itong bida natin ay mayroong Kate na pangarap maging lawyer.

PONSO:      — at dahil nga mahal ko siya, ginusto ko na rin mag-law school after

naming grumadweyt sa college. [Iiyak nang malakas]

DRIVER:     [Iaabot ang tissue kay PONSO at kakamot ulit ng ulo] Teka, may kulang

sa script.

PONSO:      Gusto ko talagang maging titser pero dahil gusto ni Kate maging lawyer,

gusto ko na rin so sabay kaming nag-apply sa law school. Gusto ko ng forever sa kanya.
GIRL:           Eh anong problema. Di ba nga LOVE CONQUERS ALL? Oo, may

struggles along the way pero isipin mo si Basha at Popoy. Naghiwalay sila di ba, pero sa

huli, they’re back into each other’s arms again.

PONSO:      Lumabas yung results last week.

GIRL:           Ay hulaan ko. Ikaw ang nakapasa tapos ‘yung ex mo, bagsak presyo.

Tapos ayaw mo na mag-law kasi wala na rin ex mo? Sus, typical na story. Narinig ko na

‘yan!

PONSO:      Kulit niyo naman. Di ko nga ito ginusto. Alam mo ba ha, Ate Gurl,

pinaglaban ko sa magulang ko na ipasok ako sa law school. Tapos ano? Paano ko

sasabihin sa kanila na ayaw ko na mag-law kasi wala na rin si Kate?

GIRL:           Anong problema ‘don? Kung mahal mo talaga si Kate, ipaglaban mo!

Habulin

mo! At yung mga magulang mo? Maiintindihan ka nun! Di ka itatakwil ng mga ‘yon!

LOLO:         Sa tingin mo ganon lang kadali ‘yun para sa mga magulang? Oo,

maiintindihan ka nila pero isipin mo matutuwa ba sila sa desisyon mong ‘yan pagkatapos

ka nilang suportahan at intindihin? Parents get hurt too, you know.

DRIVER:     [Coughs] Mukha yatang nagmalfunction aircon. Parang uminit bigla eh.

[Ngingiti at mapapabuntung-hininga] A sweet driver knows how to feel.

GIRL:           Sus kaya naman ayusin ‘yan! Eto kuya ha, pwede kang mag-quit diyan sa

law school at magturo ka! Follow your heart. Tapos habulin mo si Kate! Oh di ba,

win-win situation!
LOLO:         Iha! Hindi nga ganun kadali ‘yon! Dapat matuto tayong panindigan ang

mga desisyon natin! Isipin natin ang ating pamilya! Maraming nasasayang na oras at pera

dahil sa maling akala at desisyon. Isa pa, there are a lot fish in the sea.

PONSO:      [Bubuksan ulit ang bintana] Ayoko na! Bakit kailangan kong pumili?!

GIRL:           [Hihilain si PONSO] Lolo, sa panahon ngayon dapat inuuna ang puso!

Naniniwala ako kay John Lloyd!

LOLO:         Iha, pasensya na at sasabihin ko ‘to sa’yo. Hindi yun totoo dahil pelikula

lang ‘yun. Puso, puso! Pamilya muna! Gamitin ang utak.

GIRL:           Bakit, Lo? Hindi ba katotohanan ang pagmamahal?

LOLO:         Katotohanan. Pero hindi lahat ng pag-ibig ay totoo.

[Dadating na sa Kaliwanan St. at mag-aalert ang Waze: “You have arrived at your

destination”]

DRIVER:     Sir Ponso, nandito na tayo sa Kalinawan St.!

[Maghahanda nang lumabas si PONSO ngunit may sasabihin ang DRIVER]

DRIVER:     Alam mo... yung asawa ko, tumigil sa pagtratrabaho kasi kailangan niyang

alagaan mga anak namin. Pero ginusto niya yun, kasi doon siya magiging masaya. Ang

punuin ng pagmamahal ang mga anak namin. Kaya kung ako sa’yo, piliin

mo kung ano magpapasaya sa’yo. After all, madami kang pagdadaanan na

ruta sa buhay mo pero sa huli, ikaw lang makakapagsabi kung paano mo

aabutin ang pinned destination sa buhay mo.


PONSO:      Tatahakin ko ang landas kung saan una pa lang... alam kong doon na ako

sasaya.

[Tutungo at ngingiti si PONSO. Labas PONSO. Tatahimik silang LAHAT]

GIRL:           Okay, kuya! My turn!

[DILIM]

You might also like