Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

MGA OBRA

NI
LUNA AT
AMORSOLO
Ulat nina: Myannmar Sinatad
Rose Chelsea Victoriano
Patricia Aquino Yniguez
John Carlo Zabala
JUAN LUNA
Si Juan Luna y Novicio (23 Oktubre 1857-7 Disyembre 1899) ay
isang Pilipinong pintor at bayani.
Nagkainteres si Luna sa pagpipinta dahil sa impluwensya ng
kanyang kuya Manuel, na magaling na pintor.
Nag-aral si Luna sa Ateneo de Manila, at pagkatapos sa Escuela
Nautica. Naging manlalakbay-dagat siya. Kapag nasa Maynila
siya nagpapaturo pa rin siya kay Lorenzo Guerrero ng pagpipinta.
Noong 1877, sa rekomendasyon ni Guerrero, pinaaral siya ng
kanyang magulang sa Escuela de Bella Artes sa Madrid. Subalit,
hindi niya nagustuhan ang paraan ng pagturo rito.
Noong nakilala niya ang pintor na si Don Alejo Vera, umalis siya
sa eskwela upang maging aprentis niya.
THE DEATH OF CLEOPATRA (La Muerte de Cleopatra)
Ang tanyag na obra ay isang silver
medalist sa 1881 National Exposition
of Fine Arts sa Madrid.
Ito ay may sukat na 8x11 feet at i-
dinisplay lamang sa unang
pagkakataon sa loob ng 131 taon.
Naibenta ni Luna ang pinta sa
halagang 5,000 Spanish pesetas, na
pinakamahal na presyo para sa isang
pinta.
SPOLIARIUM (often mispelled Spolarium)
Ang Spoliarium ay mula sa salitang
Latin na tumutukoy sa Roman
Colosseum basement kung saan
itinapon ang mga dying gladiators.
Ito ay naging entry sa prestihiyosong
Exposicion de Bellas Artes kung saan
nakuha ni Juan ang kanyang unang
gold medal.
Ito ay kasalukuyang nakadisplay sa main gallery ng ground floor sa
National Museum of the Philippines na unang bumubungad sa mga
bisita pagpasok ng museyo.
Espana y Filipinas (Spain and the Philippines)
Ito ay isang oil on wood painting na isang alegorikong
paglalarawan ng dalawang babae ; isang
representasyon ng Espanya at ang isa naman ay
Pilipinas.
Ito ay inasahan upang magkaroon ng malapit na
pagsasama ang Espanya at Pilipinas sa pamamagitan
ng pambabaeng pigyor.
Ito ay isang propagandang pinta na nagpahayag ng
tunay na pag-asa at hangad ng mga Filipino
propagandists noong 19th-millenia.
LAS DAMAS ROMANAS (The Roman Dames)
Kilala rin bilang The Roman
Maidens, The Roman Women,
o The Roman Ladies. Ito ay
isang oil on canvas painting ni
Luna noong siya ay isang
estudyante sa School of
painting sa Madrid.
May dalawang romana na naglilibang kasama ang kanilang
hunting dogs, ang mga kalapati naman ay simbolo ng kabanalan.
Ang obra ay isang paglalarawan ng saganang kayamanan ng
buhay, kasama ang sangkatauhan na kaisa sa kalikasan.
El Pacto de Sangre (The Blood Compact)
Inilalarawan ang 1565 Sandugo (blood
compact ritual) sa pagitan nina Datu
Sikatuna ng Bohol at Miguel López de
Legazpi, na napapaligiran ng ibang mga
conquistador
Tinulungan nina Jose Rizal at Trinidad H.
Pardo de Tavera si Luna sa pagkumpleto
ng pinta sa pagbibigay ng
1904, nanalo ang pinta ng first makasaysayang payo at pagkukunwari;
prize sa Paris, France at sa St.
Rizal bilang Sikatuna at Pardo de Tavera
Louis Exposition sa United
bilang Legazpi.
States.
Interior d' Un Café (The Parisian Life)
Kilala rin bilang Interior d' Un Café o sa loob
ng isang kapehan o literal na isang tao na
mas mababa sa isang kalapating mababa
ang lipad (prostitute) na ipininta ni Luna.
Kilala si Luna na gumagamit ng mga
prostitute bilang kanyang modelo dahil
mura ang bayad sa mga ito.
Ipinapakita ang isang babae na may maulaklak na sumbrero, pranses na
bistida na may mahabang manggas, malukot na dulo at haba na lagpas sa
kanyang bukung-bukong. Sa hindi nalalayo ay tatlong lalaki na nakabihis
pang-Europa; mula sa kaliwa ay si Luna, Jose Rizal, at Ariston Bautista Lin.
FERNANDO AMORSOLO
Si Fernando Amorsolo y Cueto ay anak nina Pedro
Amorsolo at Bonifacia Cueto. Ipinanganak noong
Mayo 30, 1892 at namatay noong Abril 21, 1972 dahil
sa pagpalya ng puso.
Iginugol niya ang kaniyang panahon ng pagkabata sa
Daet, Camarines Norte kung saan ang kanyang
pangkabukiran na buhay ang naging pundasyon ng
kanyang masining na pananaw.
Kilala rin bilang "The Grand Old Man of Philippine
Art"
Ang mga paborito niyang tema ay ang pangbukid na
tanawin at ang kanayunan na tanawin ng Pilipinas.
El Ciego (The Blind Man)
Ang El Ciego ay isang obra maestra na
nagpapakita ng tunay na kultura ng mga Pilipino.
Si Amorsolo ay makabansa na nagsumikap na
panatilihing buhay ang mga pinakamagandang
aspeto ng kaniyang bansa sa dramatikong paraan
at ang El Ciego ay isang halimbawa nito.
Ang obra ay kinomisyon ng isang naval
intelligence officer na tumulong sa liberasyon ng
Maynila noong World War II.
The Making of the Philippine Flag
Ipinapakita sa painting ang tatlong babae
na pinangalanang Marcela Marino de
Agoncillo (sa kanan) kilala rin bilang Ina
ng Watawat ng Pilipinas, at sa tulong
nina Lorenza at Delfina Herbosa de
Natividad na mga anak ni Marcela.

Nais ipakita ng obra sa mga mamamayan ng Pilipinas kung paano


ginawa ang Watawat ng Pilipinas at ipaalala sa kanila ang tradisyon
at impwesto na hindi natin napagtatanto ay tuluyan nang
nakakalimutan.
Planting Rice with Mayon Volcano
Masasayang pilipinong taganayon sa
kanilang matitingkad na kasuotan at
salakot na sama-samang nagtatrabaho sa
isang berde na magandang tanawin. Sa
kanilang likuran ay ang Bulkang Mayon na
na naglalabas ng usok sa payapang paraan.

Ang pagsabog ng Bulkang Mayon ay kilala bilang mapanganib at


mapaninsala ngunit dito sa obra ay ipinakita bilang positibo, masagana, at
magkaayon ang relasyon sa pagitan ng bulkan at ng mga nakapalibot na
tanawin dito.
Fruit Gatherer
Ang obrang ito ay isang halimbawa
ng konsepto ni Amorsolo ng isang
tunay na gandang pilipina.
Ang mensahe ng Fruit Gatherer ni
Fernando Amorsolo ay ang
siguraduhin ang pagkilala at
pagpapahalaga sa maliliit na bagay.
Nirerepresenta nito ang isang
masipag na tao ngunit madalas ay
hindi pinahahalagahan.
Afternoon Meal of the Rice Workers
Ang Afternoon Meal of the Rice Workers
ni Fernando Amorsolo ay isang 1951 oil in
canvas painting. Ito ay nanalo ng first
prize sa New York World's Fair.
Ito ay may mahusay na kombinasyon ng
mga kulay lalo na ng mga magaan na
kulay.

Ipinakita sa obra kung gaano kasimple ngunit masaya ang buhay ng


ating mga dakilang magsaska.
REFERENCES
https://www.scribd.com/presentation/445228648/Pai
ntings-of-Juan-Luna-and-Amorsolo

https://bayaningfilipino.blogspot.com/2009/09/talamb
uhay-ni-juan-luna-y-novicio.html

https://ateneoartgallery.com/artist/fernando-amorsolo

You might also like