Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang aking Sarili (Komposisyong Deskriptib)

Ako ay isang simpleng tao. Oo, ganun ang turing ko sa sarili ko.
Dalawampung taong gulang na ako ngayon. Ito ang aking ipinagmamalaking
edad habang sinusulat ko ang akdang ito. Kung sa mukha’t mukha lang ang
pagbabasehan ng aking katauhan ay palagay ko hindi naman ako pahuhuli.
Ang ibig kong sabihin ay hindi naman ako panget. Sa madaling salita ay
katamtamang itsura. Medyo payat din ako, nasa 5’0 ang taas at mapusyaw
ang aking balat. Itim ang buhok ko, may brown at singkit na mga mata. Isa ko
pang katangian ay ang maganda kong mga ngipin. Alagang-alaga ko ba
naman. Bukod dito ‘yung labi ko naman ay tama lang at mamula mula. Hindi
siya makapal at hindi rin namang gaanong kanipis. Sa pangkalahatan, ang
lahat naman ay naaayon sa hubog ng aking mukha at katawan. ‘Yun nga
lang, hindi lahat ay perpekto, hindi lahat ay kanais-nais at hindi lahat ay
magaan na dalhin sa katawan. Kung anu ‘yon, tiyak na maisusulat ko sa
pagdaan ng mga panahon.

Kung ugali naman ang pag-uusapan, marami ako nyan. Sabi ng iba mabait
daw ako. Oo, tama naman sila. Mabait ako sa taong mabait sa akin. Kung
mabait ang isang tao sa’yo dapat ganun ding kabaitan ang ipakita mo sa
kanya.
Madami din akong kaibigan dahil ng pala-kaibigan ako. Matulungin ako sa
aking mga kapatid at magulang. At higit sa lahat ay mapagmahal akong anak.
Marami pa siguro akong ugali na hindi ko pa nababanggit sa akdang ito.
Siguro mababanggit ko rin yon sa ibang mga pagkakataon. Kung talent
naman ang pag-uusapan, masasabi kong mayroon din naman ako. Ang
pagkanta ay itinuturing kong isang talento na galling sa Diyos. Sa mga
talentong pinasabog sa mundo, nasubukan ko na rin namang sumayaw lalo
na kapag may kasiyahan sa aming angkan.

Ito ay isa lamang maikling pagpapakilala ng sarili ko. Sa pagdaan ng mga


panahon, madadagdagan pa ang maisusulat ko tungkol sa sarili ko at sa
aking paglalakbay. Mahaba pa ang buhay. Ngunit kung ito na ang huling
akdang magagawa ko, at least naranasan kong magsulat. Naranasan kong
magkwento ng aking buhay.

Sanaysay tungkol sa sariling karanasan mula sa


judyannwordpresscom.wordpress.com.

You might also like