Professional Documents
Culture Documents
Sanaysay - Pagbasa
Sanaysay - Pagbasa
May pag-ibig na handang isuko ang lahat sumaya lang ang taong mahal niya.
Kaya tayo nagpaparaya ay dahil ayaw natin ikulong ang isang tao sa pag-ibig
natin. Pagdating kasi sa love, hangga’t hindi ka niya matutuhang mahalin ay hindi
siya sasaya sa piling mo. Ano ba ang mas gusto natin? Yung katabi nga natin siya,
ngunit hindi siya masaya, o yung malayo man siya sa piling mo alam mong
masaya na siya kahit sa piling ng iba?
May pag-ibig na mali sa mata ng marami. Yung pag-ibig na tama pero nasa
maling pagkakataon. Dito pumapasok ang pagiging 2 timer. Maaaring may gusto
ka sa kanya pero may iba na siya, o ikaw naman ang may iba, pero gusto niyo pa
rin ang isa’t isa. Ikaw ay nasa maling pagkakataon. Lagi mong isipin na may
girlfriend o boyfriend kana, bago pumatol sa iba.
Masayang Pamilya
Ang aking pamilya ang aking inspirasyon. Sila ang nagbigay sa akin ng
pagmamahal. Masayang masaya ako dahil sila ang naging pamilya ko. Ang aking
tatay at ang aking nanay ang mga taong mahalaga sa akin at ang aking mga
kapatid ay ang mga taong nagpapasaya sa akin. Sa pamilya, nakararanas tayo ng
mga pagsubok sa buhay ngunit kapag tayo ay buo hindi tayo susuko dahil alam
natin sa pamilya tayo humuhugot ng lakas ng loob upang malampasan ang sakit
at pagsubok na ating nararamdaman
Mamahaling gamit? Salapi? Luho? Wala ako niyan. Pero nag-iisa lang ang
itunuturing kong kayamanan, ang aking pamilya. Kaagapay, kasalo at kadamay sa
lahat ng oras o bagay. Sa lahat ng nararanasan ko, ang aking pamilya ang siyang
aking nagiging sandigan. Ako ay ako dahil sa aking pamilya.
Paraan ng Pagbasa: Madamdaming Pagbigkas (Grupo 2)
Ang kalikasan ang isa sa mga pinakamagandang regalo ng Diyos sa atin kaya
dapat natin itong pangalagaan. Subalit sa halip na pangalagaan, kapabayaan ang
aking nakikita. ‘Di ba kaya nga nilikha ang tao para pangalagaan ito?
Ngunit ano ang nangyayari, bakit parang nasisira ang lahat ng ito? Nawawala ang
mga yaman nating ipinagmamalaki sa buong mundo. Hahayaan na lang ba natin
ang walang habas na pagsira ng mga ating mga kayamanang ipinagmamalaki?
Ano pang ipagmamalaki natin kung wala na lahat nang ito. Maraming yaman ang
ibinigay ng Diyos sa ating inang bayan, ngunit sa kasamaang palad unti-unti na
itong nauuubos. Halos nasira ng lahat dahil sa landslide, flashflood, tagtuyot, at
pagbaha, ito ang mga resulta ng ating mga ginagawa sa paligid na nakaaapekto
naman sa yaman ng Inang Bayan.
Bilang isang mamamayan ng ating bayan, may magagawa pa tayo para mapigil
pa ang mga masasamang epekto nito. Hindi pa huli ang lahat upang mapigil ito.
Ngunit kung papairalin natin ang ating kapabayaan, patuloy na masisira ang
ating kalikasan at wag tayong mabibigla kung may dumating sa ating ganti ng
kalikasan. Laging Tandaan: Nasa Huli ang Pagsisisi.
Ikaw, bilang mamamayan, Ano ang magiging hakbang mo upang mapigilan ang
ganitong sitwasyon? Paano mo ito sisimulan?
Paraan ng Pagbasa: Masining na Pagbigkas (Grupo 1)
Sa latest Pulse Asia survey, 40 percent ng mga Pilipino ang nagsabing hindi sila
satisfied sa ginagawa ng gobyerno kung paano malulutas ang kahirapan ng
buhay. Wala pa ring pagbabago sa buhay ng mga dukha at lalo pa umanong
nalulubog sa kumunoy ng kahirapan. May ginagawang paraan ang gobyerno
gaya ng pagbibigay ng financial na tulong sa mga mahihirap na pamilya pero ito
ay hindi garantiya na magpapabago sa buhay ng mga dukha, sa halip tinuturuan
lamang na umasa at maging depende sa pamahalaan. Hindi na nagnanais
magsikap at bagkus naghihintay na lamang ng babagsak sa kanilang bunganga.
Tunay na Kaibigan?
Marami diyan akala mo ay kaibigang tunay, nung lumaon malalaman mo may iba
palang pakay,
Personal na dahilan ang kanyang mithiin, mag-ingat ka baka ika’y kanya lamang
gagamitin.
Meron din naman akala mo’y kakampi, siya ay kakampi kapag ika’y may
katunggali, pero wag ka sanang minsan ay magkamali baka isang araw wala na sa
iyong tabi.
Mag-ingat din tayo sa mga mapagkunwari kapag kaharap ka’y maganda ang
sinasabi,
Pero kapag nakatalikod ka sa ganitong uri ng tao, sa likod mo ay kahol ng kahol
na parang aso.
Ang isang kaibigan ay malawak ang tanaw, suporta ay nariyan, laging nag-
uumapaw,
Gagabayan ka at hindi pababayaan, ikaw ay aakayin, kasama mong tutungo sa
paroroonan.
Ito’y ilan lamang na aspeto, para malaman kung ang kaibigan ay totoo,
Di tulad ng anino na nariyan lang kapag may araw ngunit bigla ring naglalaho!