Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 28

ESTADONG KOLEHIYO POLETEKNIKO SA HILAGANG ILOILO

Estancia, Iloilo
School of Arts and Sciences

GE10-Panitikan ng Pilipinas

10
MODYUL

Panitikan Noong Panahon ng Bagong Kalayaan


Hanggang sa Kasalukuyang Panahon

Inihanda ni:
Bb. Darlyn Joy L. Opeña
Guro sa Filipino
Course/Section: BS Biology 2
Semester/ SY: First Semester, 2020
No. of Hours: 3 Hours
Teacher: Ms. Darlyn Joy L. Opeña
Panitikan Noong Panahon Ng Bagong Kalayaan Hanggang sa
Kasalukuyang Panahon

Panimula

Noong Setyembre 21, 1972 ay idineklara ni Pangulong Ferdinarnd E. Marcos ang Batas
Militar bunga ng nagaganap na malawakang protesta ng mga kabataan noong panahon ng
isinauling kalayaan. Ito ang nagpasimula ng pagpapakilala ng pangulo sa tunguhin ng kanyang
pamahalaan na pagkakamit ng bansa ng kaunlaran sa pamamagitan ng pagkakaroon n8 isang
Bagong Lipunan. Nilinang sa isipan ng mga mamamayan ang konsepto ng pakikibahagi sa
ikapagtatamo ng pambansang adhikain: Isang Bansa, Isang Diwa.

Bagaman maraming kathang nailathala sa panahon mula 1972-1986 na nauukol sa


pagtataguyod ng mga layunin ng Bagong Lipunan, may mga lathalain ding naglalarawan ng
tunay na nadarama ng marami sa mga Pilipino nang panahon iyon. Ang mga nasabing akda ay
nagpapahiwatig ng mapanghimagsik na damdaming namayani at pagtutol sa nadaramang
pagsupil sa ilang karapatang-pantao katulad ng kalayaan sa pagpapahayag at pamamahayag.
Palihim o pailalim na nalathala ang mga naturang akda. Nagwakas ang panahon ng bagong
Lipunan. Muling nanumbalik ang ganap na kalayaan ng mga mamamayang Pilipino.

Kaya sa pamamagitan ng modyul na ito, malalaman mo ang iba’t ibang nangyari sa


Pilipinas lalong-lalo na sa panitikan nito nang simulang magkaroon tayo ng kalayaan. Basahin
mo at unawaing mabuti ang bawat pahayag na makikita sa modyul na ito para masagutan ang
bawat katanungan.

Mga kinalabasang Natutunan:


Pagkatapos mong mabasa ang mga paksa sa Modyul 10:
1. Naisasalaysay mo ang buod ng mga Akdang Pampanitikan noong panahon ng Bagong
Kalayaan.
2. Nakasusulat ka ng buod ng mga Akdang Pampanitikan sa kasalukuyang panahon.
3. Nakakalikha ka ng mga sanaysay tungkol sa mga akdang pampanitikan noong panahon ng
Bagong Kalayaan.

1. Pagtalakay

Isa pang makulay na kabanata ng panitikang Pilipino ang kasalukuyang panahon. Dahil sa
unti-unting pagkamulat ng sambayanang Pilipino sa kahalagahan ng pagkakaroon ng isang
wikang pambansa, dili iba ang Filipino, mabilis na lumawak ang sakop at saklaw ng ating
panitikan. Maraming manunulat ang nagtangkang sumulat sa sarilin8 wika. Bunga ng mga
pagbabagong naganap at mga problemang umiiral, nagkaroon ng mayamang makapagkukunan
ng paksang isusulat ng ating mga manunulat. Karaniwan nilang layunin sa pagsulat ay
pagbabago, panghihikayat at pagpapaunlad sa iba't ibang larangan ng buhay-Pilipino.
Nabubuhay tayo sa makabagong panahon na pinaghaharian na Agham at
lekrolohiya. Narito tayo sa dekada ng elektroniko na nagsilbing daan patungo sa ganap na
pagbabago ng ating mga pagpapahalaga, saloobin, kaisipan at paniniwala.

ANG MAIKLING KUWENTO

Nagpatuloy pa rin sa pagsulat ng maikling kuwento ang mga manunulat noong panahon
ng pananakop ng mga Hapones. Sila'y sina Teodoro Agoncillo, Jose Villa Panganiban, N.V.M.
Gonzales, Buenaventura Medina Jr. at Andres Cristobal Cruz. Nagkaroon ng pagbabago sa paksa
at estilo. Sumunod sila sa mga makabagong pamamaraan ng mga banyagang manunulat katulad
ng mga Amerikano, Aleman, Pranses, Ruso at Ingles.

Nagtatag sila ng isang samahang tinatawag na "Panitikan" upang mapasigla ang mga
manunulat. Kabilang sa mga manunulat sina Teodoro Agocillo, Clodualdo del Mundo, Genoveva
Edroza-Matute, Alejandro Abadilla, Jesus Arceo, Liwayway Arceo, Macario Pineda, Antonio
Rosales at Pedro Dandan.

Madilim Ang Langit Sa Akin


ni Consolacion P. Sauco

Unang araw ng Nobyembre, Araw ng mga F'atay, punong-puno na ng mga tao ang
libingan sa nayon ng Bunga gayong ikalima pa lamang ng hapon. Hindi pansin ni Aling Daleng
ang mga tao yao't dito. Tahimik siyang nagbabantay sa puntod ng kanyang panganay na anak.

Kailan lamang ay buhay ang kanyang si Ruben, ang mabait niyang si Ruben.
Napabuntong-hininga si Aleng Daleng at matamang tinitigan ang kurus sa puntod ng anak. Sa
matagal niyangs pagkakatitig dito'y para niyang nakita ang maamong mukha ng yumaong anak.

"Inay, luluwas na po ako bukas ng Maynila. Kung ipagpapaliban ko pa po ang pag-alis ay


baka ako mahuli sa pagpapatala," ang wika ni Ruben nang gabing iyon nang magpaalam sa
kanya upang mag-aral sa Maynila. Katatapos lamang ng haiskul ng anak at ipagpapatuloy niyon
ang pag-aaral sa kolehiyo.

Hindi siya gaanong nag-alaala sa pagluwas ng anak sa Maynila sapagkat kilala niya ng
kabaitan ng binata. Sapul pa sa pagkabata ay hindi siya binigyan ng problema ng anak.
Masunurin iyon sa mga magulang at mapagmahal sa dalawang kapatid na babaeng nakababata.
Bantulot ang kanyang asawang si Mang Siso sa pagpapaaral sa anak sa lungsod.
"Daleng mabuti yata ay huwag mo na munang papag-aralin ang anak mo sa Maynila,
tandang-tanda niyang wika ng asawa. "Kow! Ikaw ang taong mahina ang loob, ang sagot niyang
sinabayan pa ng tapik sa balikat ni Mang Siso. "Mabait ang ating si Ruben at hindi katulad ng iba
riyan.

Madalas sumulat sa kanila ang anak. Panay ang pagbabalita niyon ng mga pagsisikap sa
pag-aaral. Pagkagaling daw sa paaralan ay diretso na siya sa bahay-pangaserahan at mula naman
sa bahay-pangaserahan ay tuloy-tuloy sa paaralan. Tiwalang-tiwala ang mag-asawang Siso at
Daleng na nasa mabuting kalagayan ang anak. Sa mga liham nila sa anak ay panay ang kanilang
pangangaral at paalaala. Isinulat din nila sa anak na huwag nang mag-uuwi sa lalawigan upang
huwag maabala sa pag-aaral.

Lumipas ang ilang buwan, napansin ng mag-asawa na napapadalas ang paghingi ng pera
ni Ruben; marami raw siyang mga pangangailangang dapat bilhin. Naisipan ni Aling Daleng na
lumuwas ng Maynila upang dalawin ang anak sa pinangangaseharan niyon.

Hapon nang dumating sa Maynila si Aling Daleng. Alam niyang ikalima at kalahati
lamang ng hapon ay tapos na ang klase ni Ruben ngunit tumugtog na ang ikawalo ng gabi ay
wala pa ang binata. Inusisa ni Aling Daleng ang kasera ng anak. "Malimit po bang ginagabi ng
uwi ang aking anak?" ang tanong ni Aling Daleng "Gabi-gabi po ay ikasiyam ang pinakamaaga
niyang uwi", sagot ng babae.

Nabahala si Aling Daleng ngunit hindi na siya kumibo. Binuo na lamang sa sarili na
usisain ang anak. Ikasiyam at kalahati na ng gabi nang dumating si Ruben. Nabigla ang binata
nang makita ang ina. Matapos humalik ng kamay ang anak ay kinausap ni Aling Daleng.

"Anak, bakit ka ginabi?", ang sabi ng kasera mo'y palaging gabi na raw kung umuwi ka.
"Mangyari po'y nag-aaral ako ng leksiyon sa bahay ng aking mga kaibigan. Humihiram na
lamang po ako ng mga aklat dahil napakamahal po ang mga aklat sa "Accounting'". Nasiyahan sa
sagot ng anak si Aling Daleng. Naisip niyang talagang masipag at matipid ang kanyang anak.
"Tila namamayat at namumutla ka yata, anak, ang pansin ni Aling Daleng. "Medyo nahihirapan
lamang po ako sa pag-aaral, ang paiwas na tugon ni Ruben. Binigyan ng pera ni Aling Daleng
ang anak at tiwasay ang kaloobang umuwi sa lalawigan.

Isang umaga, ang mga magulang ni Ruben ay ginimbal ng isang telegrama mula sa
kasera niya, "Ruben, patay, luwas agad."

Napahagulgol ng panangis si Aling Daleng nang sumapit siya sa bahaging iyon ng gunita.

Agad silang sumugod na mag-asawa sa Maynila. Sa kanilang pakikipag-usap sa mga


kaibigan at kakilala ni Ruben ay napag-alaman nilang nabarkada ang anak. Ang masasamang
barkada ring ito ang umakay kay Ruben upang maging sugapa sa opyo.

"Kaya pala napadalas ang hingi ng pera ng ating anak" ang lumuluhang wika ni Aling
Daleng sa asawa. "Bakit siya nagkaganoon? Siya'y dating mabait at masunuring anak?"
Ang kamatayan ni Ruben ay malagim. Isang gabing sumpungin siya ng pangangailangan
sa opyo at wala siyang salaping maibili nito ay nakaisip siyang magnakaw.

Nang-agaw siya ng bag ng isang babaeng naglalakad sa bangketa. Sumigaw ang babae at
humingi ng saklolo.

Isang pulis na nakadestino sa malapit sa pook na iyon ang sumaklolo at hinabol si Ruben.
Sa pag-iwas ni Ruben sa alagad ng batas ay biglang tumawid sa kalsada at hindi inalintana ang
dumarating na bus pampasahero. Hindi na umabot sa pagamutan si Ruben. Sa daan pa lamang ay
nalagutan na ng hininga ang binata.

Anim na buwan nang naililibing ang anak ngunit sariwang-sariwa pa ang sugat sa puso
ng ina.

"Bakit kaya may mga taong nakakaya ng budhing magpahamak ng kapwa tao?" ang
pahinagpis na bulong ni Aling Daleng. "Buhay pa sana ang aking anak kung hindi naging sugapa
sa opyo."

"Daleng, Daleng, tayo nang umuwi at gabi na, masyado kang malalamigan", ang wika ni
Mang Siso na nakalapit nang hindi niya namamalayan. Tumayo si Aling Daleng, hilam sa luha
ang mga matang tumingin sa puntod ng anak at marahang naiusal ang "Anak, madilim ang langit
sa akin sapagkat pinakamamahal kita."

Kuwento ni Mabuti
Genoveva Edroza-Matute
(Unang Gantimpala 1950-1951)

Hindi ko siya nakikita ngayon. Ngunit sinasabi nilang naroroon pa siya sa dating
pinagtuturuan, sa walang pintang paaralang una kong kinakitaan sa kanya. Sa isa sa mga lumang
silid sa ikalawang palapag, sa itaas ng lumang hagdang umingit sa bawat hakbang, doon sa kung
manunungaw ay matatanaw ang maitim na tubig ng isang estero. Naroon pa siya't nagtuturo ng
mga kaalamang pang-aklat, at bumubuhay ng isang uri ng karunungang sa kanya ko lamang
natutuhan.

Lagi ko siyang inuugnay sa kariktan ng buhay. Saan man sa kagandahan; sa tanawin, sa


isang isipan o sa isang tunog kaya, nakikita ko siya at ako'y lumiligaya. Ngunit walang anumang
maganda sa kanyang anyo at sa kanyang buhay.
Siya ay isa sa mga pangkaraniwang guro noon. Walang sinumang nag-ukol sa kanya ng
pansin. Mula sa pananamit hanggang sa paraan ng pagdadala niya ng mga pananagutan sa
paaralan, walang masasabing anumang pangkaraniwan sa kanya.

Siya'y tinatawag naming lahat na si kung siya'y nakatalikod. Ang salitang iyon ang
simula ng halos lahat ng kanyang pagsasalita. Iyon ang mga pumalit sa mga salitang hindi niya
maalala kung minsan, at nagiging pamuno sa mga sandaling pag-aalanganin. Sa isang paraang
lirip, iyon ay naging salamin ng uri ng paniniwala sa buhay.

"Mabuti" ang sasabihin niya, ngayo'y magsisimula tayo sa araling ito. Mabuti nama't
umabot tayo sa bahaging ito, Mabuti! Mabuti!"

Hindi ako kailanman magtatapat sa kanya ng anuman kung di lamang nahuli niya akong
lumuluha nang hapong iyon, iniluha ng bata kong puso ang pambata ring suliranin.

Noo'y nagtatakipsilim na at maliban sa pabugso-bugsong hiyawan ng mga nagsisipanood


sa pagsasanay ng mga manlalaro ng paaralan, ang buong paligid ay tahimik na. Sa isang tagorng
sulok ng silid-aklatan, pinilit kong lutasin ang aking suliranin sa pagluha. Doon niya ako
natagpuan.

Mabuti't may tao pala rito," wika niyang ikinukubli ang pag-aagam-agam sa narinig.
"Tila may suliranin, mabuti sana kung makakatulong ako."

Ibig kong tumakas sa kanya at huwag nang bumalik pa kailanman. Sa bata kong isipan,
ay ibinilang kong kahihiyan at kababaan ang pagkikita pa naming muli sa hinaharap, pagkikitang
magbabalik sa gunitang hapong iyon. Ngunit, hindi ako makakilos sa sinabi niya pagkatapos.
Napatda ako na napaupong bigla sa katapat na luklukan.

"Hindi ko alam na may tao rito, naparito ako upang umiyak din."

Hindi ako nakapangusap sa katapatang naulinig ko sa kanyang tinig. Nakababa ang


kanyang paningin sa aking kandungan. Maya-maya pa'y nakita ko ang bahagyang ngiti sa
kanyang labi.

Tinatangan niya ang aking mga kamay at narinig ko na lamang ang tinig sa pagtatapat sa
suliraning sa palagay ko noo'y siyang pinakamabigat. Nakinig siya sa akin, at ngayon sa
paglingon ko sa pangyayaring iyo'y nagtataka ako kundi paanong napigil niya ang paghalakhak
sa gayong kamusmos na bagay.

Ngunit siya y nakinig nang buong pagkaunawa, at alam ko na ang pagmamalasakit niya'y
tunay na matapat.

Lumabas kaming magkasabay sa paaralan. Ang panukalang naghihiwalay sa amin ay


natatanaw na ng bigla kong naalala.
Siyanga pala, Ma'am, kayo? Kayo nga pala? Ano ho iyong ipinunta niyo sa sulok na iyon
na iniiyakan ko?"

Tumawa siya nang marahan at inulit ang mga salitang iyon, "ang sulok na iyon na…
iniiyakan natin... nating dalawa." Nawala ang marahang halakhak sa kanyang tinig "Sana'y
masabi ko sa iyo, ngunit ang suliranin... kailanman. Ang ibig kong sabihin ay… maging higit na
mabuti sana sa iyo ang.. buhay."

Si Mabuti'y naging isang bagong nilikha sa akin mula nang araw na iyon. Sa pagsasalita
niya mula sa hapag, pagtatanong, sumagot, sa pagngiti niyang mabagal at mahihiyain niyang
mga ngiti sa amin, sa pagkalalim ng kunot sa noo niya sa kanyang pagkayamot, naririnig kong
muli ang mga yabag na palapit sa sulok na iyon ng silid-aklatan. Ang sulok na iyon.., "iniyakan
natin," ang sinabi niya nang hapong iyon. At habang tumataginting sa silid namin ang kanyang
tinig sa pagtuturo'y hinuhulaan ko ang dahilan o mga dahilan ng pagtungo niya sa sulok na iyon
ng silid-aklatan.

Hinuhulaan ko kung nagtutungo pa siya roon, sa aming sulok na iyong... aming dalawa.

At sapagkat natuklasan ko ang katotohanang iyon tungkol sa kanya, nagsimula akong


magmasid, maghintay ng mga bakas ng kapaitan sa kanyang mga sinasabi. Ngunit, sa tuwina,
kasiyahan, pananalig, pag-asa ang taglay niya sa aming silid-aralan. Pinuno nya ng maririkit na
guni-guni ang aming isipan at ng mga tunog ang aming mga pandinig at natutuhan naming unti-
unti ang kagandahan ng buhay. Bawat aralin naming sa panitikan ay naging isang pagtighaw sa
kauhawan naming sa kagandahan at ako'y humanga.

Wala iyon doon kanina, ang masasabi ko sa aking sarili pagkatapos na maipadama niya
sa amin ang kagandahan ng buhay. Bawat aralin naming sa panitikan ay naging akin ang
pagtuklas na ito sa kariktan kundi pagkatapos lamang ng pangyayaring iyon sa silid-aklatan. Ang
pananalig niya sa kalooban ng Maykapal, sa sangkatauhan, sa lahat na, isa sa mga pinakamatibay
na aking nakilala. Nakasasaling ng damdamin.

Marahil, ang pananalig niyang iyon ang nagpakita sa kanya ng kagandahan sa mga bagay
na karananiwan na lamang sa amin ay walang kabuluhan.

Hindi siya bumabanggit ng anuman tungkol sa kanyang sarili buong panahon ng pag-
aaral sa kanya. Ngunit bumabanggit siya tungkol sa kanyang anak na babae, sa tangi niyang
anak... nang paulit-ulit. Hindi rin siya bumabanggit sa ama ng batang iyon. Ngunit, dalawa sa
mga kamag-aral naming ang nakababatid na siya'y hindi balo.

Walang pag-aalinlangan ang lahat ng bagay at pangarap niyang maririkit ay nakapangid


sa batang iyon. Isinalaysay niya sa amin ang katabilan niyon. Ang paglaki ng mga pangarap
niyon, ang nabubuong layunin niyon niyang baka siya ay hindi umabot sa matatayog na
pangarap ng kanyang anak. Maliban sa iilan sa aming pangkat, paulit-ulit niyang pagbanggit sa
kanyang anak ay isa lamang sa mga bagay na “pinagtitiisang" pakinggan sapagkat walang
paraang maiwasan iyon. Sa akin, ang bawat pagbanggit niyon ay nagkakaroon ng kahulugan
sapagkat noon pa man ay
nabubuo na sa aking isipan ang isang hinala.

Sa kanyang magandang salaysay ay nalalaman ko ang tungkol sa kaarawan ng kanyang


anak, ang bagong kasuotan niyong may malaking lasong pula sa baywang, ang mga kaibigan
niyong mga bata rin, ang kanilang mga handog. Ang anak niya’y anim na taong gulang na sa
susunod na taon niya'y magsisimula na iyong mag-aral. At ibig ng guro naming maging
manggagamot ang kanyang anak at isang mabuting manggagamot. Nasa bahaging iyon ang
pagsasalita ng aming guro nang isang bata sa aking likuran ang bumulong: "Gaya ng kanyang
ama!”

Narinig ng aming guro ang sinabing iyon ng batang lalaki. At siya'y nagsalita.

"Oo, gaya ng kanyang ama.” ang wika niya. Ngunit tumakas ang dugo sa kanyang mukha
habang sumisilay ang isang pilit na ngiti sa kanyang labi. Iyon ang una at huling pagbanggit sa
aming klase ang tungkol sa ama ng batang may kaarawan. Matitiyak ko na may isang bagay
ngang mali sa buhay niya. Mali siya nang ganoon na lamang. At habang nakaupo ako sa aking
luklukan, may dalawang dipa lamang ang layo sa kanya, kumirot ang puso ko sa pagnanasang
lumapit sa kanya, tanganan ang kanyang mga kamay gaya ng ginawa niya nang hapong iyon sa
sulok ng silid-aklatan, at hiniling magbukas ng dibdib sa akin.

Marahil, makagagaan sa kanyang damdamin kung may mapagtatapatan siyang isang tao
man lamang. Ngunit, ito ang sumupil sa pagnanasa kong yaon; ang mga kamag-aral kong
nakikinig ng walang anumang malasakit sa kanyang sinabing,

"Oo gaya ng kanyang ama,” habang tumatakas ang dugo sa kanyang mukha.

Pagkatapos, may sinabi siyang hindi ko makakalimutan kailanman. Tiningnan niya ako
ng buong tapang na pinipigil ang panginginig ng mga labi at sinabi ang ganito: "Mabuti…
mabuti gaya ng sasabihin nitong si Fe…iyon lamang nakaranas ng mga lihim na kalungkutan ang
maaaring makakilala ng mga lihim na kaligayahan. Mabuti, at ngayon, magsimula sa ating
aralin.

Natiyak ko noon, gaya ng pagkakatiyak ko ngayon na hindi akin ang pangungusap na


iyon, nadama kong sıya at ako ay iisa. At kami ay bahagi ng mga lihim na kaligayahan. At
minsan pa, nang umagang iyon, habang unti-unting bumabalik ang dating kulay ng mukha niya,
muli niyang ipinamalas sa amin ang mga natatagong kagandahan sa aralin namin sa Panitikan.
Ang kariktan katapangan: ang kariktan ng pagpapatuloy anuman ang kulay ng buhay.

At ngayon, ilang araw lamang ang nakaraan buhat nang mabalitaan ko ang tungkol sa
pagpanaw ng manggagamot na iyon. Ang ama ng batang iyon marahil ay magiging isang
manggagamot din balang araw, ay namatay at naburol dalawang gabi at dalawang araw sa isang
bahay na hindi siyang tirahan ni Mabuti at ng kanyang anak. At naunawaàn ko ang lahat. Sa
hubad na katotohanan niyon at sa buong kalupitan niyon ay naunawaan ko ang lahat.
Impong Sela
Epifanio G. Matute

Buong kataimtiman minalas ni Impong Sela ang kanyang lalabing animing taong apong
lalaki sa pagkakahigang walang katinag-tinag. Sa ilalim ng maputing kumot, ang kanyang apong
nakatihaya ay matuwid na matuwid na katulad ng isang bangkay, walang kakilus-kilos maliban,
marahil, sa maminsan-minsang pagkibot ng mga labing nanunuyo at halos kasimputla na ng
isperma. Maya-maya'y marahang dinarama ng kanyang palad ang noong nahihimlay na
maysakit. Sa gayong pagkakadantay ang nakanga ay napakislot na animo'y biglang nagulat
ngunit hindi rin nabalino sa pagkakahimbing.

Maria Santisima! Ang nahihitakutang bulong ni Impong Sela sa kanyang sarili


samantalang iniaangat ang kanyang kamay mula sa pagkakadantay sa noong apo. Nagbalik na
naman ang kanyang lagnat.

Ang matanda'y nakaramdam ng isang bugso ng lungkot sa kanyang dibdib. Ang lagnat ng
bata ay nawala na, dalawang araw ang nakararaan, salamat sa kanyang antong kalagyo, ngunit
ngayo'y Mahal Ina ng Awa!

Ito'y kanyang ikinabalisa. Nalalaman niyang ang lagnat na nagbabalik ay lubhang


mapanganib. Ano kaya kung ang kanyang apo, ang kanyang pinakamamahal na si Pepe'y..
Maawaing langit!

Bakit, hindi ba siya ang maituturing na nagpalaki sa kanyang apong ito! Kauna-unahan
niyang apong lalaki sa kanyang kaisa-isang anak na lalaki, sa katauhan ni Pepe ay ibinuhos ni
Impong Sela ang lahat na pagmamahal at pag-aaruga ng isang impo.

Hindi halos nalalaman ng mga magulang nito kung paano siya lumaki. Laki sa nuno ang
tawag sa kanya. At tapat sa kasabihang iyon, si Pepe'y lumaki sa malabis na pagpapalayaw.
Siya ang naging dahilan ng malimit na pagkagalit ni Conrado at ni Impong Sela. May
mga pagkakataong ang anak at ang ina ay nagkakapalitan ng maiinit na sagutan, ngunit
kailanman, palaging ang matanda ang nagtatagumpay. Hindi niya mapapayagang masaling man
lamang ng ama ang kanyang si Pepe.

At saka ngayo'y...

Si Impong Sela'y nagsimulang mag-isip nang malalim. Kailangang si Pepe'y maligtas sa


kuko ng kamatayan. Sa kanyang pagkalito ay pumasok sa diwa ang gunita ng mga santo, panata,
debosyon. ..A.. "Mahal na Hesus Nasareno!" ang kanyang marahang bulong kasabay ang
pagtitirik ng mga mata, "Para Mo nang awa! Iligtas Mo po ang aking apo at magsisimba kami ng
siyam na biyernes sa Quiapo. Huwag Mo po siyang kukunin." Natatandaan pa niyang ang panata
ring yaon ang nagligtas sa kanyang anak na ama ni Pepe nang ito'y pitong taon pa lamang.
Kahimanwari ay ito rin ang magligtas naman sa kanyang apo! Maya-maya, ang maysakit ay
kumilos.

Dahan-dahang idinilat niya ang kanyang mga mata wari ay nananaginip at saka tingin-
tingin sa kanyang paligid. Hindi naglaon at namataan niya ang kanyang impo sa kanyang tabi.
Inilabas niya ang kanyang kamay sa kumot at saka iniabot ang kamay sa matanda.

"Lola" ang mahinang tawag.

“Oy, ano iyon, iho?" ang tugon ni Impong Sela sabay pihit at yumukod nang danagya
upang mapakinggan niyang mabuti ang sasabihin ni Pepe.

"Nagugutom ako."

"Ikukuha kita ng gatas."

Ang matanda ay nag-atubili. Gatas, sabaw ng karne, katas ng dalandan, tsaa, at wala na.

Ang mga ito na lamang ang maaaring ipakain sa kanya ayon sa bilin ng doktor.

"Ibig mo ng kaldo, anak?"

"ayoko!"

"Katas ng dalandan?" kanina lamang umaga'y itinulak niya at natapon tuloy ang idinulot
ng matanda. At si Pepe'y ayaw na ayaw ng tsaa, noon pa mang siya'y malakas.

"Lola, nagugutom ako!" ang tinig ni Pepe'y may kahalo nang pagkainip.

"Sandali lang, Iho," sabay tindig ng matanda at lumabas sa silid.


Pagkaraan ng ilang sandali, Si Impong Sela'y nagbalik na taglay na kanyang kamay ang
isang pinggan ng kaning sinabawan ng sinigang na karne at isang kutsara. "Eto, anak, ngunit
huwag kang kakain ng marami, hane?" Pagkakita sa pagkain, si Pepe'y nagpilit na makaupo
ngunit pabagsak na napahigang muli sa unan. Ang matanda'y nagmamadaling lumapit sa apong
nanghihina.

"Huwag kang pabigla-bigla, iho," aniya, samantalang inaayos ang mga unan sa tabi ng
dingding. "O, dito ka sumandal.” Sa tulong ng kanyang lola, si Pepe'y nakasandal din sa unan. At
siya'y sinimulan ng pakainin ni lmpong Sela. Isang kutsara. Dalawang kutsara. Tatlo. Apat.
Katulad ng isang hayok na hayok sa gutom ay halos sakmalin ni Pepe ang bawat subo ng
kanyang lola.

"Nanay! Ano ang… ", si Conrado'y patakbong pumasok sa silid at tinangkang agawin
mula kay Impong Sela ang pinggan ng kanin ngunit huli na! Ang pinggan ay halos wala ng
laman.

"Nanay! Wala ba kayong isip?" ang sa pagkabigla ay naibulalas ni Conrado.

"Hindi ba ninyo nalalaman ang bilin ng doctor na...

"Ow, hayaan mo ako!" ang madaling putol sa kanya ng matanda. "Nalalaman ko kung
ano ang aking ginagawa. Paano lalakas ang bata kung papatayin ninyo sa gutom? Hindi siya
mamatay sa kaunting kanin. Bayaan mo siyang mamatay na nakapikit ang mata at huwag
nakadilat. Totoooooy! Neneeeee!

Ang dalawang maliliit na kapatid ni Pepe'y tumatakbong pumasok sa loob ng silid.


"Huwag kayong tumakbo! Hindi ba ninyo nalalamang may sakit ang inyong kapatid?”

“O kanin ninyo ito," at idinulot ni Impong Sela sa mga bata ang natirang pagkain ni Pepe,
"sayang kung itatapon itong grasya ng Diyos."

"Huwag!" ang halos na sigaw ni Conrado. "Inay, hindi ba ninyo nalalamang si Pepe'y
may tipus?"

“E, ano ngayon? Ang mga e ay mahahawa, hindi ba?" anang matanda sa tinignan
naghahamon. "Ang sa inyo'y paniniwalaan ninyong lahat ang dala rito ng mga Amerikano. May
mikorobyo kuno ang sakit ni Pepe na siyang makakain ng mga bata. Tse! Bakit noong
kapanahunan naming, walang paku-pakulo ng tubig poso-artesyano, at nanggagaling lamang sa
balon ang aming iniinom na kung minsan ay may liya pa. Tingnan mo ako. Gaano na ako
katanda ngayon? Kung ang mikorobyong iyang pinagsasabi ninyo ay totoo, bakit hindi ako
namamatay? At kayong mga tubo sa panahong ito na masyadong delikado sa lahat ng bagay, ilan
sa inyo ang umaabot sa edad namin? Kaululang lahat iyang pinagsasasabi ninyo. Kung ibig ng
Diyos na ika'y ay mamatay ay mamatay ka, magpapagamot ka man sa libong doktor. Sa kanya ka
umasa at huwag sa kalokohan. "Kanin niyo ito" ang baling sa mga apo, " at huwag kayong
parang tuod sa pagkakatayo!"
Si Totoy at si Nene ay nag-atubili at tinapunan ng tingin ang kanilang amang pagkatapos
ng mahabang "sermon" ng kanilang lola ay walang nagawa kundi ang magsasawalang-kibo na
lamang.

"Bakit, natatakot ba kayo?" ang tanong ni Impong Sela sa kanyang mga apo. Hinagisan
pa man din ng isang irap ang kanyang anak, at saka hinugot ang tsinelas mula sa kanyang paa.
"Tingnan natin kung sino ang masusunod sa bahay na ito! Kanin ninyo ito, kung hindï'y…”
Nanginginig na sumunod ang mga bata, samantala ang kanilang ama'y tumatanaw na lamang sa
labas ng durungawan.

Kinabukasan, si Pepe'y nahibang sa lagnat. Nagbalik ito sa isang matinding bugso na


siyang hindi ikapalagay ng may sakit. Tila siya iniihaw, pabiling-biling sa hinihigaan, at
nakalulunos kung humahalinghing. Sa mga mata ni Sinang na kanyang ina ay nalalarawan ang
isang paghihirap ng kaloobang isang ina lamang ang maaaring makadama sa gayong mga
sandali, samantalang minamalas niya ang kahambal-hamabal na ayos ng kanyang anak. Naroon
din si Impong Sela. "Masama ang kanyang lagay."

Hindi nagkamali ang doktor. Sa loob ng sumunod na oras ay pabali-balikwas si Pepe sa


kanyang higaan at naghihiyaw ng kung ano-anong kinakagat ng labi ng mga nakamamalas. Ang
mga luha ni sinang ay tila walang-lagot na tanikala. Walang patid. Walang tila. Ang mga ngipin
ni Corando'y nagtitiim.

Samantalang si Impong Sela'y bumubulong ng walang katapusang mga panalangin.

“Sinang,” ang marahang tawag ng lalaki sa kanyang asawa, "huwag kang umiyak. Ang
mabuti kaya'y dalhin natin siya sa ospital."

“Ospital? At nang siya'y pabayaang mamatay roon? Hindi! Huwag ninyong madala-dala
si Pepe sa ospital. Kung kayo'y nagsasawa nang mag-alaga sa kanya ay bayaan ninyo kaming
maglola. Maaalagaan ko rin siyang mag-isa. Mabuti ka ngang ama! Noong ikaw ay maliit pa, sa
tuwi kang magkakasakit, ako ang nagtitiyaga sa’yo at hindi kita inihihiwalay sa aking mga
paningin. Kung ito'y hindi mo magagawa sa sarili mong anak ngayon - hayaan mo't ako ang
gagawa!

"Ngunit, Nanay!" nasa tinig ni Conrado ang pagsusumamo at pag- mamakaawa.

"Ano ang ating magagawa rito? Kulang tayo sa mga kagamitan. Samantalang sa ospital.. .
"

"Samantalng sa ospital," kapag si Impong Sela'y nagsimulang manggagad, siya'y handang


makipaglaban, "lalo na't ikaw ay nasa walang bayad, ay titingnan ka lamang nila kung kailangan
ka nila ibig tingnan. Ano ang kwenta sa kanila ng isang may sakit na hindi naman kaano-ano?
Mamatay ka kung mamatay ano ang halaga sa kanila niyon? Tingnan mo ang nangyari kay
kumareng Paula, isang araw lamang sa ospital at Ave Maria Purisima! Huwag ninyong
gagalawin ang apo ko! Hindi maaari"

Sa mukha ni Conrado ay biglang sumukal ang dugo! Ibig niyang humiyaw, ibig niyang
maghimagsik, ibig niyang magtaklob na ang langit at lupa!

Ngunit mula sa kanyang nangangatal na mga labi ay walang namutawi kundi ang impit
na "Diyos ko!!! "Sa gitna ng kanyang pagluha, ang mabait na si Sinang ay lumapit sa asawa at
tinapunan iyon ng isang "hayaan-mo-na-ang-nanay" na tingin. Kasabay ang isang malalim na
buntong-hininga si Conrado'y nalugmok sa isang likmuan. Ang salitaan ay napinid na.

Umagang-umaga kinabukasan, nagtaka na lamang sila't natagpuan nila sa isang sulok si


Impong Selang nananangis, umiiyak na nag-iisa. Siya'y hindi man lamang tinuluan ng luha nang
si Pepe'y naghihirap at baka ngayon pang si Pepe'y matiwasay na, salamat sa swerong tinusok sa
kanya ng manggagamot ay saka. ..

Bakit, Nanay?" ang namamanghang tanong ni Conrado.

"Naiisip-isip ko," (ang kanyang hikbi), "ang anak ng dalagita ni Juan ay kamamatay
lamang noong isang lingo!"

"O, ay ano?", lalo namang namanghang tanong ng anak na hindi malugpong ang
pagkamatay ng anak ni Mang Juan sa mga luha ng kanyang ina.

"Iya'y totoo! Huwag mong pagtatawanan ang matandang pamahiin. Marami na akong
nakita. lya'y hindi nagkakabula.”

“Pawang nagkataon lamang ang nakita ninyo. Huwag ninyong guluhin ang isip ninyo sa
kaululang iyan."

"Ang isa pa," ang patuloy ng matandang hindi siya pinapansin, "kagabi, ang mga manok
ay nagputakan. Nang ang nasira mong ama ay namatay ay ganyan din ang nangyari noong huling
gabi bago siya pumanaw. Kaawa-awang Pepe kooo!

At…

Kataka-taka o hindi kataka-taka, ang luha ni Impong Sela ay nagpatuloy nang pagdaloy
hanggang ang mga luntiang damo sa ibabaw ng puntod ng pinakamamahal niyang apo ay halos
isang dangkal na ang angat sa lupa.
Utos Ng Hari
ni Jun Cruz Reyes

"See you in my cubicle after lunch." Pahabol sa akin ni Mrs. Moral Character kaninang
matapos ang klase. Si Mrs. Character ang teacher namin sa Social Science. Siya rin ang adviser
namin.

Para naman akong si gago na isip nang isip kung ano na naman ang sasabihin nito sa
akin. Nawalan tuloy ako ng ganang mananghalian. Halos tiyak ko nang sermunan umaatikabo na
naman ito. Kamakalawa lamang ay halos ilabas niya ang kanyang calculator para ipakita kung
gaano ako "katanga" at kung gaano katama ang kanyang pagsuma sa aking mga 5. Hindi naman
maikatwirang "paano ko masi-5 kung kalian ako absent ay saka ka magbibigay ng quiz. Kung
kelan tinatamad mag-recite saka mamimilit. Saka pag sinabi ko naman ang gusto kong sabihin
kakapain yung pulang ballpen.

Pero tipong maganda naman ang kanyang mood sa klase kanina. Katunaya'y ‘yung
kanyang paboritong paksa ang pinag-uusapan namin. "Yung kanyang dazzling Malaysian at ang
kanyang paboritong pabango. Nagtsismis din siya (tulad ng dati). Kesyo si Mr. Espejo raw, kaya
tumandang binata, dahil dalawang beses niyang binasted noong dalaga pa siya. Si Miss Kuwan
daw kaya wala sa eskwelahan hindi dahil nag-study leave, nagpa-abort sa Amerika. Magbi-bell
na nang maalala niya ang leksyon naming, ang normalization process sa gobyerno. Sabi niya
kanina at higit sa lahat, kailangang maging westernized ang ating pamantayan.

By so doing, hindi tayo magiging uncivilized western standards. Nang tanungin niya ako,
sabi ko'y mas basic ang dapat na pamamaraan sa pagtingin sa problema. Halimbawa'y bakit hindi
umpisahan sa economic condition ng bansa. Kung kuntento ang mga tao, normal ang takbo ng
pamahalaan. Pero kurng maraming dissatisfied, natural na abnormal ang sistema. Hindi basta
effective communication process, hindi rin basta mataas na literacy rate. Mga manipestasyon lang
ito ng talagang problema. Nabigla siya. Doon na kami inabutan ng bell. Ay, konsumisyon sa
buhay, gusto kong lagnatin. Kay layo ng kahapon sa kasalukuyan. "Pag nasa bahay ako, ako ang
bida. ‘Pag ang kababayan ko ang magkukwento, ako ang sikat. Pero dito sa iskwelahan, walang
isko-scholar ng bayan.

Talagang gusto kong huminto, pero ayaw ni tatay. Kung sabagay sino ba naming ama ang
matutuwang ng drop out? Talagang sawa na akong mag-aral. Kay ganda sanang isiping hindi ako
nakatali sa sintas ng sapatos ng teacher ko na kasama ko sa bawat hakbang. Ipaling kung saan
sulok ko gustong puntahan, ilakad-kaladkarin kahit gustong mamahinga. At isiping kahit ako ang
masaktan.
Ay, buhay estudyante. Maka-uno lang, kahit lulunin ang sariling dila. Kumuntra sa
kanila, singkong maliwanag. Tumango-tango ka naman para makauno, ibig sabihin noo'y sarili
mo na ang kailangang lokohin. Pakisama lang talaga. Kahit teacher niya hindi alam ang theory
niya sa relativity. Kung sabagay hindi ako si Recto at si Eistein. Si Jojo lang ako, kung ang
walang sinabi kung teacher ang tatanungin. Sa mga kapitbahay namin, pambihira daw ako, biro
mong sa probinsya namin ay ako lang ang nakarating ng Maynila para mag-aral ng libre. Kung
nalalaman lang nila.

Aral nang aral. Aral sa umaga, aral sa tanghali at aral pa ulit sa gabi. Hindi ko naman
naintindihan kung para ano ang pinag-aaralan. Hindi na naubusan ng ipari-research. Walang
alam itanong kung hindi "What is our lesson for today?" Parang mga Diyos na sila lamang ang
may monopoly ng tama. Kaya hindi pwedeng tanungin at lalong hindi pwedeng pagsabihan ng
mali.

Ay, mga teacher sa mundo, bakit ba ginawa pa? Tulad ni Mrs. Moral Character, Dago
mag-umpisa ang leksyon, magsesermon muna ng virtue of honesty, kesyo masamang mandaya,
kasalanang mortal ang magturo sa kaeskwelang nakalimutan ang sagot dahil sa pagkataranta,
krimen ang magkodigo at kung ano-ano pa, lahat na yata ng masama at bawal sa mundo ay alam.
Pero ang kanyang lihim ay buking na namin. Noon daw nakaraang referendum ang teacher
naming morally uprignt ay biglang nabulag at nabobo. Nang mag-watcher daw ito sa presinto,
tatlong letra lang daw ang kayang basahin. Katwiran nito'y "Anóng sama doon, kahit matalo,
panalo
parin. Bakit, me magagawa ka ba?" Kaya naman ngayon hindi na siya si Mrs. Moral Character sa
amin, Mrs. Eraser na lang.

Tapos magtataka pa siya kung kanino kami nagmana sa mundo. E sino naman kaya sa
kanila ang pwedeng gawing idolo? "Yung teacher ko sa English, walang pakialaman sa mundo.
Basta magamit lang niya 'yung nalalaman niya sa voice at diction, maligaya na siya sa buhay.

Basta kami ang papel lang namin, tagapakinig sa kanyang mga asides. Para tuloy kaming
pang-therapy niya lang, at ang kanyang paboritong paksa, 'yung kanyang ninuno na purong
Kastila raw na nagpatayo ng simbahan sa kanilang bayan. Antique syempre 'yung simbahan
(tulad niya at ang kanyang lolo). Ibig lang niyang palabasin ay may dugong bughaw siya. Sarap
naman bukuhin na ang kastilang napunta rito noong araw ay mga butangero at kriminal sa
Espanya. Kesa nga naman maging problema sila ng gobyerno nila, di Pilipinas na ang bahalang
magtiis ng konsumisyon. Yung ganoong sistema ang namana niya sa kanyang lolo, ang
mangunsumi ng mapagtiis. ‘Pag nabuko mong hindi nag-aral, lagot ka. Pagsasabihan ka ng
"What?" Íyon lang di
mo pa alam hanggang ngayon? O.K. thať's your assignment for tomorrow." Saka niya sasabayan
ng bura ng maling nakasulat sa blackboard.
Kunsumihin ka ba naman ng araw-araw, pag naging gago ka nagtataka pa. Hindi ka pa
nga pwedeng magwala, hindi ka pa rin pwedeng maglibang. Kung sa pagtitiis ng kunsumi ay
sigarilyo at beer ang mapiling mapagbuntunan ng sama ng loob. Ayun at, "Sinasabi ko na nga
bang masama sa pag-aaral ang bisyo," ang agad ikakatwiran ng mga ito.

Kung bisyo naman ang pag-uusapan, masama sa katawan ng tao ang alcoholat nikotina.
Para na rin sinabing, pag teacher ka na ay pwede. Dahil estudyante ka pa lang, tiis. Itanong mo
kay Mr. Discipline at alam na alam niya ang sagot. Huwag mo nang itanong kung nagdaan din
siya sa pagkabata, kung noong araw ay gago rin siya, dahil sa isasagot nito'y, "Kaya nga ayaw
niyong matutuhan niyo ang bisyo dahil pinagdaanan ko na yan. Sa amin sa barkada, dalawa lang
kaming mag-gugoodbye my school goodbye. Kick-out ako sa kagaguhan daw. Si Minyong
nama'y sa kabobohan daw. Kung paano nila natiyak na dapat kaming palayasin sa
pinakamamahal naming paaralan, ganito raw ang naging takbo ng usapin nina Mrs. Moral
Character (Eraser), Mrs. Gles-ing, Mr. Mathematician, Miss Spermatozoa at Mr. Discipline.

"Hindi naman kurom, say quorum, wow, quorum. That's correct, that Jojo boy has no
sense of dequorum. I feel though he is brilliant, only my reservation is that." "Only he is
stubborn. Papasok yan sa klase ko nang nakainom, para pang nang-iinis na lalapitan ka.
Ipapaamoy sa iyo ang hininga."

"How true, how true, I swear to God that's true."

"Hindi lang yan, minsan gusto pa mandin akong kulitin sa klase na akala mo'y mahuhuli
niya akong hindi prepared sa lesson ko. Tambakan ko nga ng research work, di atras siya."

"And he is always absent. Sometimes I don't want to give him an excuse slip anymore."

"So what is the verdict of the group?"

"I could not pass him."

"Ako rin."

"God will punish his naughtiness."

"I will report the matter to his parents immediately."

Ang masama ay ang akusasyon nila kay Minyong. Nababaliw daw. Tuwang-tuwa silang
pagtsismisan ito. Kinuha-kuha nila sa bundok, tapos pilit nilang pinaniwalang makakasabay ito
sa standard ng exclusive school, pinaniwalang dito nito matutunan ang paghango sa kahirapan
ang kanilang tribo, saka ngayon, basta nalang sisipain. Bobo, ang sabi nila. Binigyan ng isang
pagkakataon. Pinagsalita nang pinagsalita, para raw mahasa nang sa gayo'y mawala ang
inferiority complex nito. 'Ayun, nang matutong magsalita ang tao, na-shock silang marinig ang
katotohanan.

Sabi ng pangkat ng mga Hari.

"I find him kind weird lately."

"So what shall we do with him."

"Definitely I could not pass him."

"Oo nga naman. Gagawa tayo ng masamang precedent. Mauuso ang bobo sa eskwelahan.
Remember, Philippine-School for Science and Technology ito. Tapos magpapasa tayo ng
estudyanteng so-so? Hindi pwede."

"Pero cultural minority 'yan."

"And so what?"

"Kailangan babaan natin ang standard sa kanya.

Excuse me, mayroon lamang isang standard at excellence, wala nang excepton pa."

"What now?"

"Ano pa, edi ibagsak."

Saka sila nagkorus ng "Ibagsak."

Kung sabagay nang mabalita ang kaso ni Minyong sa eskwelahan, humigit kumulang ay
nakapagpasya na sila na maging dulo ng istorya. Ganito raw iyon.

"Have you considered his case lately?"

“Anong gagawin natin sa kanya? Meron ba tayong policy sa ganyang kaso?”

"Mabuti pa siguro'y pauwiin na natin sa kanilang tribo."

"Dapat nga, baka manakit pa yan ay maraming madamay."

"Oh, how I abhor violence."

"Baka kamo manununog pa yan. Uso pa naman sa Maynila ang sunog ngayon."
"E kung ipa-confine natin sa mental?"

"At sinong magsu-shoulder ng bill?"

Tapos ang kaso ni Minyong bago pa man masimulan ang deliberasyon.

Hindi naman sila parating ganoon kabilis magbaba ng hatol. Paminsan-minsan nama'y
"humane" sila ika nga. Tulad halimbawa ng kaso ni Osias at Armando, mga kaiskwela rin namin.

"Ipasa na natin si Osias."

"Pero mababa yan sa physics."

"Sus, naman ito, e talaga naman mahirap ‘yang klase mo."

"Thoughtful yang batang yan. Kahit saan ka makita ay panay ang good
morning"

"Talaga. At prisintado agad ‘yan pag nakasalubong ka na maraming dala."

"How about Armando? Another cultural minority?"

“Excuse me. He is nót a thoroughbred cultural minority it is only the mother. The father
is an llocano who migrated to Mountain Province."

"Ang sweet-sweet ng batang yan. Manang-mana sa tatay niya."

"Pogi talaga."

"Ipapasa ko yan. Kaya lang naman yan mababa, kasi matagal umabsent.
Nagkasakit kasi."

"Ano pasado na rin ang dalawa?

"Approved."

Mahirap talaga sa mundo ang hindi pogi at walang amang doktor.

"Come on in. Sit down.",sabi ni Mrs. Moral Character matapos akong kumatok at
papasukin sa kanyang cubicle. Inabutan ko siyang nagsasalansan ng mga libro.

"Called you for two reasons. Regarding our lesson and your attitude in class" idiniin niya
yung your attitude. Heto na naman kami sa loob-loob ko. Kung bakit kasi hindi na lang ako
nagkasakit. Sana'y natuloy na ang lagnat ko para wala nang sermunang naghihintay.
"Jojo, ang tao'y hindi pulos tiyan tulad ng gusto mong palabasin", sabi niya habang
nakataas ang isang kilay.

Huwag kang kikibo, paalala ko sa aking sarili. Konting tiis. Mahirap makipagtalo sa
teacher. Ngiti kang basta. Titigil din yan pag nagsawa. Pero tipong wala siyang balak mag-short
cut ng sermon.

"Walang essence ang pinagsasabi mo kanina. Iyon ay isang halimbawa ng prior


statement. Do you get me?" Tumango naman ako. "Good. Now, alam mo sigurong wala kang
pinanghahawakang data, which I happen to have. Panay speculation lang ang pinagsasabi mo at
walang katuturan ito sa scientific world. Our lesson is more complicated than you thought. What
you mean probably is the role of economic determinism in contemporary philosophssssssssssy,
which is all together wrong. Bakit hindi ka makigaya?" Huwag mong pansinin, ngiti lang paalala
ko ulit sa sarili ko. Hayaan mo lang siya ng magsalita ng magsalita. Pasasaan ba't mauubusan din
‘yan ng sasabihin. Pasok sa kanyang tenga, labas sa kaliwa. Siya ang teacher kaya ang
pakiramdam niya'y siya lang ang pwedeng tama.

"Do you get me?"

Tango pa rin ako. At ngayon, ang part I ng kanyang sermon.

"To be honest about it, I don't like your attitude in class. Smart aleck!" Yuko na lang ako.
Saka ako bumulong ng "ľ'm sorry, Ma'm."

Kahit hindi ko siya tingnan alam kung tatangu-tango siya sa tuwa. Lihim na naman
pumalakpak ang kanyang tenga sa tuwa. Napaamo niya ang suwail ng eskwelahan. Sana'y kasing
"honest" din niya ako, di sana'y nasabi ko ng "The feeling is mutual. I also don't like you, Ma'm."
Sa halip ang nasabi ko na lang ay "Can I go now, Ma'm?"

"Im not yet through." Ibig pa lang sabihin ay may part II pa tong usapang ito.

"They saw you in the chapel last night."

Diyos me, pati pala personal life ko'y pinakikialaman na rin nila ngayon sa loob-loob ko.
Nararamdaman ko ang init ng kanyang titig sa aking mukha.

"How young are you, Jojo? Speak up."

Wala akong dapat ipaliwanag sa kanya. Hindi ako sasagot.

"Speak up I said."
"15, Ma'm.

"15, and already you are.." Saka niya dinugtungan ng "I’ll let your mother know about
this," bago ako tuluyang lumabas ng kanyang cubicle.

Gusto ko na talagang magwala. Gusto ko siyang balikan. Gusto kung isambulat sa mukha
niya ang lahat ng hinanakit ko sa mundo. Sana’y kasing tapang ako ng gusto kong mangyari.
Ano ba'ng masama ang ginawa ko sa chapel?

Magkahawak lang kami ng kamay ni Tess. Masama ba yon? Siguro ang masama'y kung
bakit biglang napasyal si Mrs. Gles-ing sa chapel ng ganoong oras ng gabi. Kawawang Tess.
Halos natitiyak ko nang gagawin na naman itong halimbawa ng mga Mrs. Moral Character ng
kung anong hindi dapat maging ang isang babaeng estudyante. Si Mrs. Gles-ing, tiyak na halos
pumasok ang dila sa pagbabando ng kanyang scoop.

Ano pa ang magagawa ko, di suntok na lang ulit sa hangin at magbubulong ng "balang
araw." Kung mababaliw ako tulad ni Minyong, siguro'y hindi nila ikatutuwa, pero natitiyak
kong, ipagtataka nila kung bakit.

Nasa lobby ang mga kabarkada kong alaskador.

"Jo, balita nami'y bida ka na naman."

Hayaan mo na ang mga ya't magsasawa di yan." Sagot ko naman

"Kung nagmu-motel kayo, di wala sana silang alam."

"Tigil", sabi ko.

"Ano ba talaga ang ginawa nyo't nagpuputok ang butsi ni Mrs. Gles-ing sa klase namin
kanina?"

Isa pa to, anong magagawa ko sa chapel? Kahit ka may madyik, walang


himalang mangyayari doon", sabi ko.

"Ligawan mo kaya si Mrs. Gles-ing."

"Isa ka pa. Buwisit na buhay ito, alaskado na naman ako."

"Malay mo baka lalong malahing Mrs. Robinson yon", saka sila nagtawanan.

"Tara na lang sa Cubao", yaya ko sa kanila.

‘Yun isang round ng beer ay nasundan ng isa pa nga at isa pa ulit. Saka pinabuntutan ng
one for the round. Kung gaano kabilis ang bote ng beer ay ganoon din kabilis ang oras.
"Ano ba talaga ang ginawa mo sa chapel?

"Ano ba, ‘di holding hands. Masama ba 'yon? Para nagsusumpaan lang kami sa harap ng
altar na hindi maghihiwalay kahit ako ay ma-kick out. Kabastusan na ba ‘yon? Bakit kasi ang
dudumi ng isip nila. Akala mo'y hindi nakipag-holding hands noong mga bata."

"Sila kaya paano naging tao?

"Nagtinginan lang nabuntis na."

Saka sila nagtawanan. Buti pa sila, kahit paano'y masaya. Ako yata, kahit sa paglilibang
ay mga teacher ko pa rin ang nakakakita. Sobra na to. Bakit ba ayaw nilang makakita ng
katotohanang iba kaysa kinagisnan nila? Bakit ba kasi gusto nilang maging kamukha nilang lahat
ang tao sa mundo. Dahil ba sa kanilang palagay ay sila ang nakadiskubre ng mina ng talino at
tama, kaya wala nang natira para sa amin, para diskubrihin? Pero hindi ba yung tinatawag
nilang expertise yung dalawampung taon?

Ngayon ko lang naisip, kung buhay siguro si Beethoven at kukuha ng eksamen sa


eskwela kahit bilang estudyante o teacher ay tiyak na hindi siya tatanggapin. Philippine School
of Science and Technology ito, ang eskwelahan ng mga magiging scientists balang araw, tapos
pakikitunguhan at ituturing na tao ang isang kung sinong bukod sa tamad magbihis ay madalang
pang maligo?

Si Eistein kaya? Henyo 'yon, kaya lang hindi nagsusuklay. Kick-out din siya.
Bawal sa school ang mahabang buhok. Tiyak na pagsasabihan siya ni Mr. Discipline ng:
"Comply with school requirements. Maximum tolerable haircut please." Ibig sabihin noon ay
ahitan ang buhok.

Si Hemingway kaya? Hindi rin pwede, mabisyong tao yan. Bawal ang lasernggo sa klase.
E si Maxim Gorky kaya, ang Greatest Russian Writer para kay Chekhov at Tolstoy, pwede
kayang magturo ng comparative literature dito? Sa palagay ko'y hindi rin. Bukod sa wala siyang
unit sa English ay wala rin siyang diploma sa education.

Si Kristo kaya kung mabuhay ulit at magpunta sa Science? Maestro daw siya kahit
walang M.A. at Ph.D. papasukin kaya sa gate pa lang? Hindi pwede kung makasalubong siya
roon ni Mrs. Moral Character o si Mrs. English, baka ma-shock pa ang mga ito. Palagay ko ito
ang sasabihin nila: "Imagine, kay lakas ng loob ang bastos naman ng appearance. Long hair,
hindi nag-aahit, tapos nakasandalyas pa, maano kung anak siya ng Diyos, wala naman siyang
sense of decorum." Saka kung magsermon dito si Kristo, baka mabuko lang siya ng "Who is
your authority, where is your data, behavioralism na ang trend ngayon sa west bakit di ka
makigaya…”, siguro kaya sa sabsaban na lang ang napiling birthplace niya, dahil kung sa
science siya pinanganak, mababago ang kasaysayan ng kristyanismo sa mundo. Ay, Sense of
priority at decorum talagang nakakataranta. Clean cut (pagsuklayin mo s1 Eistein), white polo
shirt at black pants (pagdisentihin mo si Kristo).

Naisip ko tuloy kung priority ‘di yung tawag sa mga teacher kung nakadamit civilian sila
pag-Miyerkules. Yan bang parang aatend sila ng party. Yun bang ang tipong tela ay mapapansin
agad at mapagsasabihan "Ay, ang ganda, saan mo nabili? Siguro ang mahal ano?" na sasagutin
naman ng kausap ng "Mura lang yan, siento isang yarda. Christian Dior, original yan, hindi
gawan Rustan." At para talagang mapapansin, kailangang di humahalimuyak sila sa bango. Yung
parang walking pharmacist. Saka kukulayan ang mukha na parang painting (pa-surreal) At saka
tatambakan ng brilyante ang tenga, leeg, dibdib, braso, at mga daliri. sa kanilang ganda ay
ningning, para kang nakakita ng X-mas tree sa isang mahal na araw. Yun ang proper sa kanila.

Kung sabagay, hindi nila maaanino yon. Noong gabing mahuli kami ni Tess ni Mrs.
English, noon ko lang napansin ang ayos ni Kristo. Ininsulto raw ito ng mga Hudyo kaya ipinako
ng hubo sa krus. Pero naiinsulto sa hubo ang mga Mrs. Moral Character, Mrs. English, Miss
Spermatozoa, Mr. Mathematician, Mr. Discipline at kanilang mga katribo. Kaya siguro nila
tinakpan ang kahubadan ni Kristo ng pelus na nangingintab sa dami ng borloloy. Si Virgin Mary
ay asawa daw ng isang hamak na karpintero, pero sa bigkas niya ngayong ay mistulang peacock
X-mas tree na rin siya. Pati nga kanyang luha ay ginawang perlas.

Ang hindi nila naging kamukha ay agad nilang napapansin. Ang taong naniniwala sa
sarili ang gusto nilang lapastangin. Sino nga ba naman si Jojo sa kanila na "isang kung sino
lang." Noon kayang mga estudyante pa sila, nakapasa kaya sila sa Science? Scholar din kaya
sila? Pero bakit naging teacher sila sa loob ng mahabang panahong? Iyon lang kaya ang alam
nila sa kanilang buhay, ang magturo? Para silang hindi naging bata. Para bang nang ipinanganak
sila'y alam na nila ang lahat ng bagay. Baka akala nila'y biru-biro ang maging estudyante. Yun
kayang conduct nila sa klase noong araw, panay uno? Kung talagang hindi sila nagkakamali,
dapat itong i-report agad sa Santo Papa ng Roma. Nasa Pilipinas lang pala ang mga living saints.

Alin nalang kaya ang pwedeng pakialaman? Saan kaya pwedeng maging bida sa mundo?
Buti sa referendum kasali kami. Alin kaya ang mahalaga, ang kapalaran ng Pilipinas o ang moral
character? Yung kapalaran ng Pilipinas, pwedeng isugal, pero kung sino ang mas seksi, si Alma
Moreno o Si Elizabeth Oropesa ay hindi naming pwedeng pagpasyahan, "for adults" lang kasi
yon.

Ops, nakadi-jingle mag-isip. Yung barkada iba na ang usapan.

"Lagyan kaya natin ng thumbtacks yung upuan ni Mrs. English?"

"Di aaray yun!"


"Hi-hi-hi."

Buti pa sila nakukuhang ngumisngis. Ako kaya, kanino pwedeng magreklamo? Sulatan
ko kaya si Valencia? Baka naman sagutin ako nito ng "Uminom ka na lang ng kape." Si Marcos
kaya? Santambak ang problema nito sa buhay, biro mo problemahin nito pati kapalaran ng
Pilipinas, tapos ipasasagot pa ito sa kanya sa kasaysayan, paano ako nito mapapansin? Mag-
report kaya ako kay Carter, issue rin ito ng human rights, ang kapalarang ng mga sinasadistang
estudyante, pero mahirap naming umingels.
Saka interesado lang ito sa giyera na naluluma sila.

Sa Diyos na lang kaya ako susulat? Pero nasa lahat ng lugar at sulok daw ito, kaya tiyak
alam na niya ang problema ko. Bakit nga pala sa sermon on the mount of sinawala yung.
"Blessed are the poor students for they shall inherit... " Siguro dahil wala na siyang langit o
lupang pwede pang ipamana sa iba. Ayaw kung maging Minyong. Kailangan magsalita na ako
baka ako mabaliw. Ayaw kung maging bato. Hindi baling drop-out, basta tao lang ako. Maliit
ang comfort room kung doon ko isusulat ang aking sumbong. Marami na roong nauna. "What
you're holding now is the future of the fatherland." "If you can reach this high, you shall be
great." "Ibagsak ang pasismo." "LABAN." "Alpha Phi Omega." "Wanted pen-pal."

Magrereklamo rin ako sa pader kung kailangan, hanggang may makabasa at makarinig ng
aking sumbong. Pero sa ngayo'y idi-jingle ko na lang muna ang sama ko ng loob.

Ang Pelikula, Radyo at Telebisyon

Nakatulong ng pagpapaunlad ng pelikula ang tamang pagdaraos ng Manila Film Festival.


Sa loob ng isang linggo, tanging mga pelikulang Pilipino lamang ang inilalabas sa mga teatro sa
ganitong paraan, nahuli na ng pelikula ang panlasa ng mga manood na Pilipino at nagsimula ang
malawakang pagtangkilik sa pelikulang Pilipino. Maidaragdag na nakatutulong din nang malaki
ang pagsibol sa bansa ng mga dakilang direktor na ang kakayahan ay kinikilala hindi lamang sa
bansa kundi maging sa ibayong dagat. Kabilang sa mga magagandang pelikulang ipinalabas ng
panahon ng Batas Militar ang “Maynila sa Kuko ng Liwanag", isang nobelang isinulat ni
Edgardo Reyes, "Minsa'y Isang Gamu-gamo", "Ganito Kami Noon... Paano kayo Ngayon?",
"Insiang" at " Aguila".

Sa radyo at telebisyon, sinubaybayan ang mga dugtungang dula. Kabilang sa naging


tanyag sa radyo ang "Si Matar", " Mr. Lonely" at "Ito ang Palad Ko". Sa telebisyon naman ay
tinangkilil ang "Gulong ng Palad", "Yagit", "Flor de Luna" at "Anna Liza".

Pahayagan at magasin

Nangapinid ang mga pahayagan at lingguhang babasahin sa simula ng pag-iral ng Batas


Militar. Sa simula ay pinayagang malathala ang Bulletin Today, ngunit ito ay nasa mahigpit na
pamamahala ng Ministri ng kabatirang pangmadla. Nagpatuloy sa paglathala ang Liwayway.
Nang lumaon, ang mga babasahing ito ay unti-unting nadagdagan. Sa mga pahayagang nasa
sirkulasyon noong panahong iyon ay kabilang ang mga sumusunod: Philippine Daily Inquarer,
Times Journal, Balita at Pilipino Express.

Higit na dumarami ang mga babasahing magasin hangang sa kasalukuyan tulad ng:
Tabloid, Abante, at iba pang mga magasin na sumulpot sa panahong ito. Ang mga ito ay nang-
aaliw sa mga mambabasa upang sa ganoon ay magkaroon ng maraming kaalaman at makakalap
ng mga bagong impormasyon na nangyayari sa ating bansa at sa buong daigdig.

Buod

Malayo na ang narating ng midya na siyang pinakamabisang daluyan ng panitikang


pasuiat at pasalita. Maging ang antas ng wikang ginamit sa midya ay nagbago na rin. Kasama na
rito ang mga pahayagan, magasin, telebisyon, radyo at pulitika. Hindi lamang ang wikang
pampanitikan ang ginagaàmit ng mga manunulat kundi pati na ang antas balbal, kolonyal at
lalawiganin, kung ito ang hinihingi ng Pagkakataon at naaangkop sa sitwasyon.

Hindi lamang sa paggamit ng wika na naging malaya ang mga manunulat kundi pati sa
paksa at estilo ng pagsulat. Nanalasak sa panahong ito ang mga kathang nanunuligsa, pumupuri
at nanghihikayat.
Kasalungat ng panahon ng Batas Militar, walang gaanong sensurang ginawa ang
pamahalaan sa kasalukuyan. Malayang naipapahayag ng mga manunulat ang kanilang kaisipan at
damdamin.

Buhay pa rin sa panahong ito ang ating mga katutubong salawikain at kasabihan, bagamat
makabago na ang paksa at aliw-iw nito. Patuloy na namamayani ang tula, sanaysay, nobela,
maikling kuwento at pelikula. Bahagyang nanlamig ang dula, ngunit muling sumigla ito sa
pamamagitan ng mga dulang itinatanghal sa telebisyon. Anupa't sa kabila ng modernisasyon ng
buhay nanatili parin ang mahalagang sangkap ng kulturang Pilipino sa panitikan.

Pagsasanay
Pangalan: Petsa:
Kurso at Seksyon:

A. I. Mula sa binasang maikling kuwento na, “Madilim Ang Langit Sa Akin”, isulat ang
hinihinging kasagutan ng graphic organizer sa ibaba.

Kahulugan ng Pamagat Nilalaman (Paksa)

Kalagayan ng Maikling

Nasasalaming Kultura Kuwento noong panahong iyon


II. Pagpapaliwanag

1. Kung sa iyo nangyari ang kapalaran ni Ruben, gagawin mo rin ba ang kanyang ginawa?
Bakit?

2. Sino ang dapat sisihin sa pagkamatay ni Ruben? Pangatwiranan.

B. I. Pagpapalawak ng Talasalitaan: Ibigay ang kasingkahulugan ng mga sumusunod na mga


salita.

1. Malirip-
2. Napatda-
3. Naulinigan-
4. Guni-guni-
5. Sumupil-
6. Nalisya-
7. Pananalig-
8. Pantighan-
9. Pasaring-
10. Magmasid-

II. Pagsusuring Pampanitikan. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa


maikling kuwentong, “Kuwento ni Mabuti”.

1. Bakit mabuti ang tawag sa pangunahing tauhan?


2. Bakit nasabi ni Fe na siya at ang kanyang guro ay iisa?

3. Ano sa iyong palagay, bakit sa halip na kakitaan ng kapaitan ay naging matapang ang
guro na pagpapatuloy kung ano man ang mga pagsubok sa buhay?

C. I. Pag-unawa sa binasa: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa maikling


kuwentong, “Impong Sela”.

1. Ilarawan ang katauhan ni Impong Sela

2. Sa anong paraan pinalaki ni Impong Sela ang apo niyang si Pepe?

3. Ano-anong mga pamahiin ang matutunghayan sa makiling kuwento ni Impong Sela?

D. Paglikha. (Sa Utos ng Hari)

1. Umisip ng naiibang wakas ng kuwento. Pangatwiranan ito kung bakit ito ang gusto
mo.

2. Ano-anong mga katangian ng isang guro ang inilarawan ni Jojo sa kuwento? Isa-
isahin ang mga ito.

3. Pumili ng isang pangyayari sa kuwento na naibigan mo at pangatwiranan kung bakit


mo ito naibigan.

Mga Sanggunian:

Bernales, Rolando A. Panitikan ng Pilipinas, Mutya Publishing House Inc., Araneta


University Village, Portero, Mlabon City, 2009.

Buenaventura, Sergio M. Panitikan ng Pilipinas, Libro Filipino Enterprises, Claro M.


Recto. Manila, 2010.

Landa, Jocano F. Myths and Legends of the Filipinos Quezon City.


Reyes, Juvy Jane S. et. al., Panitikan ng Pilipinas, Unlimited Books Library Services &
Publishing Inc., Cabildo corner Recoletos Street, Intramuros, Manila, 2019.

Sauco, Consolacion P. et al., Panitikang Filipino Pandalubhasaan, katha Publishing


Co., INC. Quezon City 1997.

You might also like