Professional Documents
Culture Documents
Filipino Finals Reviewer
Filipino Finals Reviewer
SWS Survey (1993)- 18 porsiyento lamang ng mga Pilipino ang may ganap na kahusayan sa paggamit ng wikang
Ingles
SWS Survey (Disyembre 1995)- 2 sa bawat 3 Pilipino ang nagsabing mahalagang-mahalaga ang pagsasalita ng Filipino
(71 porsiyento ng nasa Luzon, 55 porsiyento sa Visayas, at 50 porsiynento sa Mindanao). 73 porsiyento ng nasa Class
ABC ang nagsabing mahalagang-mahalaga ang pagsasalita ng Filipino.
12 Reasons to Save the National Language- artikulong sinulat ni David Michael San Juan. Ayon dito, ang Filipino ay
sinasalita ng 99 porsiyento ng populasyon sa bansa. Ito ay isang epektibong wika ng pambansang pakikipagdiskuro.
Dagdag pa nito, ang wikang Filipino ay itinuturo sa mahigit 80 na paaralan at pamantasan sa ibang bansa. Ang Filipino
ay isang global na wika.
1. FlipTop
Ito ay pagtatalong oral na isinasagawa nang pa-rap. Nahahawig ito sa balagtasan dahil ang mga bersong nira-rap ay
magkakatugma bagamat sa FlipTop ay hindi nakalahad o walang malinaw na paksang pinagtatalunan.
Battle League- kompetisyong isinasagawa ng mga malalaking Samahan
Filipino Conference Battle
2. Pick-up Lines
Sinasabing ito ay makabagong bugtong kung saan may tanong na sinasagot ng isang bagay na madalas maiugnay sa
pag-ibig at iba pang aspekto ng buhay. Sinasabing nagmula ito sa boladas ng mga binatang nanliligaw na nagnanais
magpapansin, magpakilig, magpangiti, at magpa-ibig sa dalagang nililigawan.
Boy Pick-up- Ogie Alcasid sa Bubble Gang
Stupid is Forever- aklat ni Senadora Miriam Defensor Santiago
3. Hugot Lines
Ito ay tinatawag ding love lines o love quotes.
Web 2.0
Network- virtual community (Kaplan, 2009)
HTML- Hypertext Markup Language
FTP- File Transfer Protocol
Slacktivism- alone together (Kist, 2011). Unang ginamit ni Ozard at Clark noong 1995. Ayon kay Klafka (2010), ito ay
ang pag-aakala na may nagagawa sa social media ngunit wala naman talaga
Ingles- higit na ginagamit sa mga boardroom ng malalaking kompanya at korporasyon lalo na sa mga pag-aari o
pinamuhunan ng mga dayuhan at tinatawag na multinational companies.
BPO- Business Process Outsourcing. Kilala rin bilang call center. Wikang Ingles ang gamit
Filipino- nananatiling wika sa mga pagawaan o production line, mga mall, restoran, pamilihan, palengke, at direct
selling.
Atas Tagapagpaganap Blg. 335, serye ng 1988- nag-aatas sa lahat ng mga kagawaran, kawanihan, opisina, ahensiya, at
instrumentality ng pamhalaan na magsagawa ng mga hakbang na kailangan para sa layuning magamit ang Filipino sa
opisyal na mga transaksiyon, komunikasyon, at korespondiya.
Filipino- wikang ginamit ni Pangulong Benigno Aquino III sa kaniyang mga SONA.
Dell Hathaway Hymes- isang mahusay, kilala, at maimpluwensiyang lingguwista at anthropologist na maituturing na
higante sa dalawang larangan. Higit siyang nagging interesado sa tanong na “Paano ba nakikipagtalastasan ang isang
tao?” Ipinakilala niya ang konsepto ng kakayahang pangkomunikatibo o communicative competence. Siya ay isinilang
sa Portland, Oregon, United States noong Hunyo 7, 1927. Nagtapos siya ng Bachelor’s Degree in Literature and
Anthropology sa Reed College noong 1950 at ng Ph.D. in Linguistics noong 1955. Siya ay yumao noong Nobyembre
13, 2009 sa edad na 82 dahil sa mga komplikasyong dala ng sakit na Alzheimer’s.
Noam Chomsky- ang interes sap ag-aaral ay abstrakto o makadiwang paraan ng pagkatuto ng gramatika at iba pang
kakayahang pangwika.
Kakayahang Pangkomunikatibo- nagmula kay Dell Hymes noong 1966. Nilinang nila ng kasamahan niyang si John
J. Gumperz ang konseptong ito bilang reaksiyon sa kakayahang lingguwistika (linguistic competence) na ipinakilala
naman ni Noam Chomsky noong 1965.
Cantal-Pagkalinawan (2010)- isang propesor sa Hawaii, ayon sa kaniya, ang mahusay na klasrum pangwika ay yaong
may aktibong inter-aksiyon sa pagitan ng guro at ng estudyante, at estudyante sa kanyang kapwa estudyante.
Kakayahang Lingguwistiko – isang bahagi lamang ng kakayahang pangkomunikatibo. Tumutukoy ito sa natural o
likas na kakayahan ng isang tagapagsalita na malalimang gamitin at unawain ang isang wika (Chomsky, 1965).
Lingguwistika- sistematikong pamamaraan o kaalaman sa pag-aaral ng wika.
Canale at Swain (1980-1981)- nagmungkahi ng tatlong component: kakayahang gramatikal, sosyolingguwistiko, at
istratedyik. Sinabing ang kakayahang lingguwistiko ni Chomsky (1965) ay kapareho lamang ng kakayahang
gramatikal.
Canale- nagsalin ng ilang element mula sa kakayang sosyolingguwistiko para mabuo ang ikaapat na component, ang
kakayahang diskorsal.
Savignon (1983)- tumukoy sa kakayahang lingguwistiko bilang kakayahang gramatikal
Kakayahang Gramatikal- pag-unawa at paggamit sa kasanayan ng ponolohiya, morpolohiya, sintaks, semantika,
gayundin ang mga tuntuning pang-ortograpiya.
Celce-Murcia, Dornyei, at Thurell (1995)- nagmungkahi ng component ng kakayahang gramatika
1. Nominal
1.1 Pangngalan
1.2 Panghalip
2. Pandiwa
3. Mga Panuring
3.1 Pang-uri
3.2 Pang-abay
1. Mga Pang-ugnay
a. Pangatnig
b. Pang-angkop
c. Pang-ukol
2. Mga Pananda
a. Pantukoy- natatagpuan sa unahan ng pangungusap (si, ang, ang mga)’
b. Pangawil o Pangawing- “ay”
-pag-uugnay ng simuno at panaguri
KAKAYAHANG SOSYOLINGGUWISTIKO
Bordieu (Language and Symbolic Power)- hindi dapat natin kalimutan ang panlipunang papel ng wika
Dua (1990)- ilan sa mga dahilan sa hindi pagkakaunawaan ng dalawang taong nag-uusap ay puwedeng mag-ugat sa
tatlong posibilidad na maaaring nagmula sa taong nagsasalita tulad ng:
a. Hindi lubos na nauunawaan ng nagsasalita ang kaniyang intensiyon
b. Hindi maipahayag nang maayos ang intensiyon
c. Pinipiling huwag na lang sabihin kaniyang intensiyon
-ang hindi pagkakaunawaan ng dalawang nag-uusap ay maaari ring mag-ugat sa tagapakinig tulad ng sa
sumusunod na sitwasyon:
d. Narinig at naunawaan
Sannoniya (1987)- ang tagapakinig ay nakapagbibigay ng maling interpretasyon sa narinig kahit hindi naman ito ang
ibig sabihin ng kanyang kausap base sa kanyang inaasam, inaakala, kalagayang emosyonal, at personal na relasyon sa
nagsasalita.
Dell Hymes- magiging mabisa lamang ang komunikasyong kung ito ay isasaayos, at sa pagsasaayos ng komunikasyon,
may mga bagay ma dapat isaalang-alang
Setting- lugar
Participant- ang mga taong nakikipagtalastasan
Ends- layunin o pakay
Act sequence- takbo ng usapan
Keys- tono ng pakikipag-usap
Instrumentalities- tsanel o midyum na ginamit, pasalita o pasulat.
Norms- paksa ng usapan
Genre- diskursong ginagamit
Savignon (1972)- propesor sa University of Illinois. Ang competence ay ang batayang kakayahan o kaalaman ng isang
tao sa wika. Ang performance ay ang paggamit ng tao sa wika.
Fantini (sa Pagkalinawan 2004)- isang propesor sa wika. Ayon sa kaniya, may mga salik-panlipunang dapat isaalang-
alang sa paggamit ng wika, ito ay ang ugnayan ng nag-uusap, ang paksa, lugar, at iba pa.
MODELO NG KOMUNIKASYON
1. MODELO NI ARISTOTLE
-isa sa mga pinakaunang modelo. Ito ay matatagpuan sa kaniyang aklat na Rhetoric
2. MODELO NI WILBUR SCHRAMM
- isang Amerikanong iskolar. Gumawa ng modelo ng komunikasyon na nagpapakita rito bilang dalwanag
patutunguhan. Ipinababatid ng modelo na ang mga kalahok sa komunikasyon ay tumatanggap din ng mensahe.
Pinahahalagahan ng modelo ni Schramm ang feedback o reaksiyon. Sapagkat sa pamamagitan nito ay mallaman ang
interpretasyon ng tumatanggap sa mensahe.
Pragmatik- kakayahan kung saan natutukoy ng isang tao ang kahulugan ng mensaheng sinasabi at di sinasabi batay sa ikinikilos
ng taong kausap.
Lightbown at Spada (2006)- Ang isang pahayag ay maaaring magbigay ng maraming kahulugan. Ang pragmatic ay paraan ng
pag-aaral sa paggamit ng wika sa isang particular na konteksto upang maipahayag nang diretsahan at may paggalang.
Speech Act- mula kay J.L. Austin (1962) na makikita sap ag-aaral ni Holf (2001), ayon sa kaniya, ang pakikipag-usap ay
paggawa ng mga bagay gamit ang mga salita.
1. Illocutionary- maaaring ito ay sadya o may intensiyonal na papel. Maaaring pakiusap, pag-uutos, o pangako, atbp.
2. Locution- gamit sa wika; anong anyong lingguwistiko ang ginamit. Maaaring pasalaysay, patanong, atbp. Nagiging
daluyan ito ng illocutionary patungo sa perlocution
3. Perlocution- resulta o epekto sa tagapakinig. Ito ay paraan ng pagtugon
Komunikasyon- proseso ng pagbabahagi ng ideya. Maaaring ito ay pasulat o pasalita o kaya naman ay digital. Nagmula ito sa
salitang Latin na communis na ang ibig sabihin ay karaniwan o panlahat. Maaaring ito ay verbal o di verbal. Ayon sap ag-aaral ni
Albert Mehrabian, propesor sa Clark University, na lumabas sa kanyang aklat na Silent Messages: Implicit Communication
of Emotions and Attitudes, 7% ng komunikasyon ay nanggaling sa mga salitang ating binibigkas, 38% mula sat ono ng ating
pagsasalita, at 55% mula sa galaw ng ating katawan.
URI NG KOMUNIKASYON
1. Komunikasyong Intrapersonal
-komunikasyong pansarili, pinakabatayan ng dalawa pang uri ng komunikasyon.
2. Komunikasyong Interpersonal
-nagaganap sa pagitan ng dalawang tao o sa pagitan ng isang tao at maliit na pangkat. Ito ay humuhubog ng ating
ugnayan o relasyon sa ating kapwa.
3. Komunikasyong Pampubliko
KATANGIAN NG KOMUNIKASYON
1. Ang Komunikasyon ay isang proseso
- ENCODING- ano ang mensahe, paano ipadadala, anu-anong salita ang gaagmitin, paano isasaayos, ano ang
daluyan
- DECODING- ano ang kahulugan ng mensahe, inaasahang reaksyon
2. Ang proseso ng wika ay dinamiko
- Nagbabago ang komunikasyon
3. Ang Komunikasyon ay komplikado
- Dahil sa persepsyon ng isa sa kanyang sarili, sa kausap, iniisip niyang persepsyon ng kaniyang kausap sa kanya at
ang tunay na persepsyon ng kanyang kausap sa kanya.
4. Mensahe: Hindi kahulugan ang naipadadala at natatanggap sa komunikasyon
- Ang pagpapakahulugan ay depende sa tumatanggap nito.
5. Hindi tayo maaaring umiwas sa komunikasyon
6. May dalawang uri ng mensahe sa proseso ng komunikasyon:
a. Relasyunal- di verbal
b. Panglingguwistika- pasalita, gamit ang wika
1. Kinesika (Kinesics)- pag-aaral ng kilos at galaw ng katawan. Madalas itong nakikita sa paggamit ng kamay.
2. Ekspresyon ng Mukha (Pictics)- kadalasan ay nagpapakita ng emosyon kahit hindi man ito sinasabi
3. Galaw ng Mata (Oculesics)- pag-aaral ng galaw ng mata. Nakikita sa galaw ng mata ang nararamdaman natin.
Sinasabing ang mata ang durungawan ng ating kaluluwa, nagungusap ito.
4. Vocalics- pag-aaral ng mga di lingguwistikong tunog na may kaugnayan sa pagsasalita. (pagsutsot, buntonghininga).
Tumutukoy rin sat ono, lakas, bilis, o bagal ng pananalitang nagbibigay linaw sa verbal na komunikasyon,
5. Pandama o Paghawak (Haptics)- pag-aaral sa mga paghawak o pandama na naghahatid ng mensahe. Isa raw ito sa
mga naunang uri ng komunikasyon. Maaaring yakap, pakikipagkamay, fist bump, atbp.
6. Proksemika (Proxemics)- pag-aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo, isang katawagang binuo ng antropologong
si Edward T. Hall (1963). Tumutukoy sa layo ng kausap sa kinakausap. Ang magkausap ay may iba’t ibang uri ng
proxemic distance na ginagamit sa iba’t ibang pagkakataon.
a. Intimate- 0 to 1.5 ft
b. Personal- 1.5 to 4 ft
c. Social Distance- 4 to 12 ft
d. Public- 12 ft
7. Chronemics- tumutukoy kung paanong ang oras ay nakaaapekto sa komunikasyon.
8. Katahimikan
9. Kapaligiran
Kakayahang Istratedyik- ito ay ang kakayahang magamit ang verbal at di verbal na mga hudyat upang maipabatid nang mas
malinaw ang mensahe at maiwasan o maisaayos ang mga hindi pagkakaunawaan o mga puwang (gaps) sa komunikasyon.
KAKAYAHANG DISKORSAL
- Ito ay may kinalaman sa serye o pagkakasunod-sunod ng mga salita upang maghatid ng mensahe. Ito ay ang
kakayahang umunawa at magpahayag ng isang tiyak na wika. Kakayahan din ito na magpalawak ng pangungusap.
Diskurso- pag-uusap at palitan ng kuro (UP Dictionary, 2010)
Kakayahang Tekstuwal- kakayahan sap ag-unawa ng mga akdang pampanitikan at iba pang pasulat na komunikasyon
Kakayahang Retorikal- kakayahan na magsalita at humarap sa mga tao.
Bagari et al. (2007)- Ang taong may kakayahan sa wika ay dapat magtaglay hindi lamang ng kaalaman tungkol
dito kundi ng kahusayan, kasanayan, at galing sa paggamit ng wikang angkop sa mga sitwasyong
pangkomunikatibo
1. Pakikibagay (Adaptability)- kakayahang mabago ang pag-uugali at layunin upang maisakatuparam ang pakikipag-
ugnayan
2. Paglahok sa Pag-uusap (Conversational Involvement)- kakayahang gamitin ang kaalaman tungkol sa anumang
paksa sa pakikisalamuha sa iba
3. Pamamahala sa Pag-uusap (Conversational Management)
4. Pagkapukaw-damdamin (Empathy)- kakayahang mailagay ang damdamin sa katauhan ng ibang tao
5. Bisa (Effectiveness)
6. Kaangkupan (Appropriateness)