Gom Bur Za

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

GNED 04: Mga Babasahin Hinggil sa Kasaysayan ng Pilipinas

Dino, Johanna Marie BSCS 2-1

a. Bakit naging marubdob ang damdamin ng GomBurZa sa pagtulong sa mga


mamamayang Pilipino, samantalang sila ay pari?

Bilang Pilipino, nais kong tumulong sa aking kapwa kahit na ano man ang posisyon
o estado ko sa buhay. Ganun din panigurado ang GomBurZa, sila ay walang pag-
aalinlangan na tutulong sa mamamayang Pilipino, pari man sila o hindi. Kahit sino ay
maaaring tumulong ano man ang kanilang edad, kulay, may pera man sila o wala. Ang
kaunting pagtulong sa kapwa ay isa na ring malaking tulong kung marami ang
magtutulungan.

b. Kung kayo ay magiging isang pari sa ngayon, at mayroong pag-aaklas na


nangyayari, sasama ba kayo at makikiisa sa pag-aaklas?

Bilang isang mamamayan na may malasakit sa bayan, maging pari man, ako ay
makikiisa sa pag-aaklas. Sapagkat, hindi lang sila nag-aklas para sa sarili nilang
kapakanan, kungdi para na rin ito sa ikabubuti ng mga tao. Saludo ako sa tatlong paring
martir sa pagiging matapang na pagharap sa parusa sakanila, kaya ako ay makikiisa
dahil sa malasakit ko sa aking bayan at alam ko ano ang aking ipaglalaban.

c. Sa inyong pananaw, sa pagkamatay ng GomBurZa, naipakita ba nila ang kanilang


pagiging makabayan?

Opo, sapagkat ipinaglaban nila ang kanilang paniniwala at dahil sa katapangan na


ipinakita nila upang patunayan ang kanilang prinsipyo, sila ay naging inspirasyon ng ating
bayani na si Jose P. Rizal, upang masulat nito ang kaniyang mga nobela. Bukod dito,
nagbigay ito ng lakas sa mga Pilipino na magkaroon ng reporma sa pamamahala ng
sariling bayan.

d. Gumuhit ng isang bagay o representasyon kung saan maipapakita o


maihahantulad ang nangyari sa tatlong pari. Bigyan ito ng isang maikling talata
bilang pagpapaliwanag.

Maihahalintulad ko ang GomBurZa sa isang libro.


Ang libro ay isang bagay na maraming nilalaman. Ito ay
maaaring maging tiket upang mapag-aralan ang lahat ng
bagay na nais nating matutuhan. Sa mga oras na nais natin
itong buksan at basahin, may mga bagong kaalaman tayong
nakukuha. Ngunit sa oras na atin itong isasara, tumitigil dito
ang ating paraan upang matuto. Ganoon rin sa GomBurZa,
sila ay ang mga librong isinara sapagkat hindi nila gustong
matuto mula sa tatlong pari na ito.

References

GomBurZa: Mga Bayaning Pari | Bayani. (2022, April 10). Retrieved from YouTube:
https://www.youtube.com/watch?v=oO3NMYbXh3w&feature=youtu.be

Talambuhay ng GomBurZa. (2022, September 23). Retrieved from Talambuhay ng mga


Bayani ng Pilipinas: https://bayaningfilipino.blogspot.com/2017/08/talambuhay-
ng-GomBurZa.html

You might also like