Professional Documents
Culture Documents
Pagsulat Reviewer
Pagsulat Reviewer
AKADEMIKONG PAGSULAT________________________________________
Ang pagsulat ay isang pangangailangan. Nagsusulat ang tao upang tugunan ang mga personal
na pangangailangan. Nagsusulat ang tao hindi lamang upang magpahayag ng saloobin at bumuo at
magpatatag ng mga ugnayan, bagkus ay upang mapabuti ang sarili. Nagsusulat din ang tao upang
tugunan ang mga akademiko at propesyunal pangangailangan.
Magpabatid
Mang-aliw
Manghikayat
Ang impormatibong akademikong sulatin ay nagbibigay ng kaalaman at paliwanag.
Halimbawa ng sulating ito ay ang balita, encyclopedia at mga tesis.
Samantalang tanggap na sa kasalukuyan ang mga personal o malikhaing akda. Halimbawa
nito ay ang autobiography, diary, memoir, liham at iba pa.
Mayroong mga kritikal o akademikong akda na naisusulat sa paraang malikhain gaya ng rebyu,
pagsusuri o talang pangkasaysayan.
Ang sulating nanghihikayat ay may layuning kumbinsihin o impluwesyahan ang mambabasa na
pumanig sa isang paniniwala, opinion o katwiran. Halimbawa nito ay ang konseptong papel,
mangkahing saliksik, posisyonh papel, manifesto, editorial, talumpati at iba pa.
GAMIT NG AKADEMIKONG SULATIN________________________________
GAMIT KAHULUGAN
1. DEPINISYON Pagbibigay ng katuturan sa konsepto
o termino.
2. ENUMERASYON Pag-uuri o pagpapangkat ng mga
halimbawang nabibilang sa isang uri
o klasipikasyon.
3. ORDER Pagsusunod-sunod ng mga
pangyayari o proseso.
4. PAGHAHAMBING/ PAGTATAMBIS Pagtatanghal ng pagkakatulad o
pagakakaiba ng mga tao, lugar,
pangyaayri, konsepto at iba pa.
5. SANHI at BUNGA Paglalahad ng mga dahilan ng
pangyayari o bagay at ang kaugnay
na epekto nito.
6. PROBLEMA at SOLUSYON Paglalahad ng mga suliranin at
pagbibigay ng mga posibleng lunas
nito.
7. KALAKASAN at KAHINAAN Paglalahad ng positibo at negatibong
katangian ng isa o higit pang bagay,
sitwasyon o pangyayari.
Uri ng Abstrak
1. Basahing muli ang buong papel. Habang nagbabasa, isaalang-alang ang gagawing abstrak.
Hanapin ang mga bahaging ito: layunin, pamamaraan, sakop, resulta, kongklusyon,
rekomendasyon, o iba pang bahaging kailangan sa uri ng abstrak na isusulat.
2. Isulat ang unang draft ng papel. Huwag kopyahin ang mga pamngungusap. Ilahad ang
mga impormasyon gamit ang sariling salita.
3. Irebisa ang unang draft upang maiwasto ang anumang kahinaan sa organisasyon at
ugnayan ng mga salita o pangungusa, tanggalin ang mga hindi na kailangang
impormasyon.
4. I-proofread ang pinal na kopya.
DELA CRUZ, MAR ANTHONY SIMON., Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan: Akademik (MAKATI CITY, PHILIPPINES; 2016), p.16-20
PABATID
NG GURO
Ang abstrak ang karaniwang unang tinitignan ng mambabasa na
maituturing na mukha ng akademikong papel. Ang abstrak ay hindi masyadong
mahaba at ito ay hindi dapat lalagpas sa 500 na salita, ibig sabihin nito ay parang
buod lamang ng isang artikulo o pananaliksik. Kahit maiksi lamang ang abstrak
kinakailangan makapagbigay ng sapat na impormasyon o deskripsiyon tungkol sa
nilalaman ng papel na babasahin. Dahil sa abstrak natutukoy natin kung ano ang
siya pinapaksa ng akademikong sulatin. Mahalaga ang abstark nang sa gayo’y
mabigyan tayo na kaalaman kung ano ang nilalaman ng nais nating basahin.
Mahalagang tandaan na sa pamamagitan ng abstrak, malalaman na ng
mambabasa ang kabuoang nitalaman ng teksto. Kinakailangan lamang ang
maingat na pag-extract o pagkuha ng mahahalagang impormasyon sa. teksto
upang makabuo ng buod na siyang magiging abstrak.
Ang bionote ay impormatibong talata na nagpapaalam sa mga mambabasa kung sino ka o anu-ano
na ang mga nagawa mo bilang propesyonal.
Nagsusulat tayo ng bionote upang ipaalam sa iba hindi lamang ang ating lkarakter kundi
maging ang ating kredibilidad sa larangang kinabibilangan.
Isa itong paraan upang ipakilala ang sarili sa mga mambabasa.
Halimbawa:
Hindi tatangkilikin ang isang batayang aklat sa accountancy kung makikita sa author’s
profile na wala naman talagang background ang awtor sa larangang ito.
DELA CRUZ, MAR ANTHONY SIMON., Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan: Akademik (MAKATI CITY, PHILIPPINES; 2016), p.21-25
PABATID
NG GURO
Mula sa pag-aaral nina Di Stefano, Gino, Pisano, at Staats (2004) Magiging mas
mabisa ang pagkatuto mula sa sariling karanasan kung lalangkapan ito ng repleksyon. Sinang-
ayunan ni John Dewey na isang Amerikanong Pilosopo, sikologo, at edukador. “Hindi tayo natututo
sa karanasan…natuto tayo sa pagbubulay sa ating karanasan.”
KATANGIAN NG REPLEKSIBONG SANAYSAY
Personal ang repleksibong sanaysay
Sinasagot ng manunulat ang mga repleksibong tanong na naglalayong ipakita ang ugnayan ng
manunulat sa kaniyang paksa.
Hindi lamang limitado sa paglalarawan o paglalahad ng kuwento, nangangailangan din ito ng mas
mataas na kasanayan sa pag-iisip, gaya ng mapanuring kamalayan at mapagmuning diwa.
PAANO ANG PAGSULAT NG REPLEKSIBONG SANAYSAY?
Bago ito simula, tanungin muna ang sarili:
Ano ang pakiramdam sa paksa?
Ano ang magiging epekto nito sa iyo? Kung maaapektuhan ka, bakit? Kung hindi man, bakit?
Tanungin ang sarili ng mga personal na katanungan. Magtanong nang magtanong. Huwag
limitahan ang mga tanong.
Kapag nasagot ang mga ito, maaari mo nang simulant ang pagsusulat.
DELA CRUZ, MAR ANTHONY SIMON., Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan: Akademik (MAKATI CITY, PHILIPPINES; 2016), p.35-39
PABATID
NG GURO
Ang replektibong sanaysay ay pumapaksa sa mga pangkaraniwang isyu,
pangyayari, o karanasan na hindi na nangangailangan pa ng mahabang pag-aaral.
May kalayaan ang pagtalakay sa mga puntong nilalaman nito na karaniwan ay
mula sa karanasan ng manunulat o pangyayaring kanyang nasaksihan. Kaiba sa
pagsulat ng talambuhay na tumatalakay sa buhay ng isang tao, ang pagsulat ng
replektibong sanaysay ay naglalayong bigyang-katwiran, ipaliwanag, o suriin ang
partikular na salaysay at palutangin ang halaga nito o ang maidudulot nito,
depende sa layon ng manunulat, sa buhay ng tao, at sa lipunan.
Kung kronolohikal ang pagkukwento, sa sanaysay, kailangang kronolohikal din ang ayos ng
mga larawan.
May iba naming inaayos ang mga larawan ayon sa damdaming maaaring pukawin nito. Ang
larawang nagtatagalay ng pinakamataas na emosyon ay karaniwang inilalagay sa gitna o
sa bandang hulihan. Ngunit kadalsan, ang pag-aayos ng mga larawan ay nakabatay sa
kung paano nauugnay ang isang larawan sa isa pa.
PAGBUO NG PHOTO ESSAY
PABATID
NG GURO
PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY
PABATID
NG GURO
LAYUNIN AT BAHAGI
Ang talumpati ay maaaring maghatid ng tuwa o sigla, nagdaragdag ng kaalaman o
impormasyon, magpahayag ng katuwiran, magbigay paliwanag o mang-akit o mang-hikayat sa isang
kilusan o paniniwala. Maaari din namang magbigay papuri ang isang talumpati. Maaaring
pagpasyahan ang layunin ng anumang uri ng talumpati ayon sa pagkakataon, aksiyon ng
pagdiriwang o okasyon.
Nahahati sa tatlong bahagi ang talumpati:
1. Pamagat - inilalahad ang layunin ng talumpati, kaagapay na ang istratehiya upang kunin ang
atensiyon ng madla.
2. Katawan - nakasaad dito ang paksang tatalakayin ng mananalumpati.
3. Katapusan - ang pagwawakas ang pinakasukdol ng buod ng isang talumpati. Dito nakalahad
ang pinakamalakas na katibayan, paniniwala at katuwiran upang makahikayat ng pagkilos sa
mga tao ayon sa layunin ng talumpati.
PROSESO
May sinusundang pormula sa pagsulat ng talumpati. Isipin mo na ang talumpati ay
paglalakbay paakyat at pababa ng bundok.
PAGHAHANDA
Mahalagang mapukaw ang atensiyon ng tagapakinig sa unang pangungusap pa lamang. Kaya
sa pagsulat ng introduksiyon, kailangang malaman ang pupuntahan, kung interesante ba nag
paglalakbay, at kung bakit kailangan nilang sumama.
PAG-UNLAD
Huwag iiwan o bibitawan ang tagapakinig sa kalagitnaan ng paglalakbay. Sa pagsulat,
siguraduhing nakatutok ang atensiyon nila. Lumikha ng tensiyon, magkuwento, magbigay ng
mga halimbawa, maghambing at magtambis, o gumamit ng mga tayutayat mga talinghagang
bukambibig. Sa paraang ito, hindi aalis ang tagapakinig.
KASUKDULAN
Ito ang pagkakataong narrating na kasama ang tagapakinig ang tuktok ng bundok. Sa
bahaging ito, inilalahad ang pinakamahalagang mensahe ng talumpati. Ito rin ay bahaging
pinakamatindi na ang emosyon.
PAGBABA
Isa ito sa pinakamahirap na bahagi ng pagsulat ng talumpati. Paano ba ito tatapusin?
Maaaring ibuod ang mahahalagang puntong tinalakay sa talumpati. Maaari ding mag-iwan ng
mga tanong. Anumang paraan ang pipiliin sa pagtatapos, kailangang mahuli ng kongklusiyon
ang diwa ng talumpati.
TUON
TAGAPAKINIG
Sino ang aking mga tagapakinig?
Bakit sila makikinig sa talumpati?
Anong mahahalagang bagay ang nais kong bauinin ng tagapakinig?
PAGSULAT
Paano ko pupukawin ang atensiyon ng tagapakinig?
Anong lengguwahe ang gagamitin ko?
Ano ang tono ng aking talumpati?
Ano ang estilong ilalapat ko sa pagsulat ng talumpati?
Paano ko aayusin ang organisasyon ng talumpati?
DELA CRUZ, MAR ANTHONY SIMON., Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan: Akademik (MAKATI CITY, PHILIPPINES; 2016), p.26-34
PABATID
NG GURO