Arp Reviewer

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 25

ARP REVIEWER

YUNIT I
Isang napakalaking hamon para sa bawat Pilipino na bigyan ng isang kongkretong kahulugan ang Araling
Pilipino. Tumutukoy ito sa napakalawak na pag-aaral hinggil sa kultura, wika, panitikan, at lipunan ng mga
Pilipino gamit ang mga paraang interdisiplinarya sa kasaysayan, antropolohiya, arkitektura, araling sining,
lingguwistika, araling islam, ekonomiya, pilosopiya, musika, panitikan, sosyolohiya at iba pa.
Ngayon at higit kailanman, sa panahon na kinikitil ang Filipino at Panitikan sa ilalim ng CHED Memorandum
Order No. 20 Series of 2013.
Aralin 1 Araling Pilipino sa Panahon ng Neoliberal at Artipisyal na Pilipino ni Prof. Mykel
Andrada : Oryentasyon at Kasaysayan
Ipinapakita sa unang bahagi ng talumpati ni Dr. Bienvenido Lumbera na may pamagat “Bakit Hindi
Paksaing Filipino?” na may indibidwalismong kulturang namamayani; na higit iniisip ang pansariling
pag-unlad; at impluwensiya ng mga kolonyalista.
Re-edukasyon, hindi ito tumutukoy lamang sa pag-aaral muli. Ito ay pagsasaayos ng sistema ng
edukasyon. Kailangan ng re-edukasyon, kailangan ng paglalapat ng mga aralin sa tunay na
pangyayari sa buhay ng Pilipino.
Mga Hamon sa Pagtuturo Gamit ang Lente ng Araling Pilipino

Kultura
Isang komplikadong konsepto ang kultura na kayang makapagimpluwensya sa bawat aspeto ng ating
pamumuhay, lingid man ito sa ating kaalaman o hindi. Sa biswal na pagtingin ng kultura, mas nakikita
natin ang dulot nito sa paraan ng pagbati sa isa't isa; mga tradisyong sinusunod kapag may
pagdiriwang; mga pagkain at marami pang iba.
Ang kultura ay binubuo ng mga elemento tulad ng kasaysayan, relihiyon, wika, tradisyon, halaga,
paniniwala at kaugalian.
Ayon kay Gerard Hendrik Hofstede na isang psychologist, Propesor Emeritus ng Organizational
Anthropology and International Management sa Maastricht University sa Netherlands, at kilalang-
kilala sa kaniyang pangunguna sa pananaliksik tungkol sa cross-cultural na nagsabing, "Isang
kolektibong pagprograma ng isip kung saan nakikilala ang kasapi ng isang pangkat ng tao
mula sa isa pa".
Dagdag pa rito ang sinabi ni John Mole, isang makatang Ingles para sa mga bata, "Ang kultura ay
kung paano ginagawa ang mga bagay sa paligid nito."
Ayon naman kay Shalom Schwartz, "Ang kultura ay isang paniniwala, kasanayan, simbolo at
kaugaliang naganap sa mga tao sa isang lipunan"
Gayundin kay Alfonsus Trompenaars, ang kultura ay isang buhay na proseso ng paglutas ng mga
problema ng tao sa pamamagitan ng pakikipagugnay, oras, at kalikasan ng tao
Ang Kultura ay may tatlong gamit:
1. Upang makasanayan
2. Upang bigyan ng mataas na pagkilala
3. Upang pagyamanin
Hindi sa Pilipinas nagmula ang salitang “KULTURA”. Ang kultura ay nagmula sa salitang Colere na
nagmula sa salitang Latin. Ang katumbas nito sa Pilipinas ay kalinangan/linang o
kabihasnan/hasa
Kultura ay makikita sa ating mga:
* Gawi * Kumbensiyon * Kaisipan * Pananamit * Pagkilos * Paraan ng pamumuhay * Tradisyon *
Wika
* Panitikan
Ang tao ang lumilikha ng Wika, Panitikan at Kultura sapagkat siya ang nakikipag-ugnayan, sa
pakikipag-ugnayan ay kinakailangan ang komunikasyon na maaring makikita sa kilos o sa mga
tunog. Ang mga tunog ay siyang tinawag na ponolohiya na kapag pinagsama-sama ay nakakabuo ng
mga salita at/o nakabubuo ng wika.
Sa pamamagitan ng wika naipapahayag natin ang kaisipan at damdamin natin na maaring bumuo ng
isang Panitikan. Tao ang bumubuo ng kultura, siya ang nagtatakda ng mga dapat at hindi dapat, mga
bagay na tama o mali, mga pananaw at paniniwala sa buhay at marami pang iba.
Lumalago ang kultura sa mga paraang tulad nito:
● “Namamana” o naipapasa mula sa praktika (practice)
● Nababago at napapaunlad
● Nagagamit bilang kasangkapan ng nang-aapi at nagsasamantala o ‘di kaya ay bilang
kasangkapang panlaban ng inaapi at pinagsasamantalahan
● Hindi lamang instrumento kundi buhay na praktika at teorya ng pagbabagong panlipunan
Pagpapatuloy ng Kultura
Ideolohiya - Louis Althusser – “Ang isang ideolohiya ay laging umiiral sa isang patakaran ng
pamahalaan, at ang pagsasagawa nito, o mga kasanayan" (Lenin 112). Ang ideolohiya ay palaging
nagpapakita ng sarili sa pamamagitan ng mga aksiyon na "ipinasok sa mga kasanayan" (Lenin 114).
Halimbawa, mga ritwal, kaugalian, at iba pa.
Kultura - Michel Foucault - Ang mga metolohikal na hámon ni Foucault ay isa sa pinakasikat sa
kasaysayan: ang kaniyang mga gawa ay kumakatawan sa isang bagong kasaysayan ng sibilisasyong
kanluranin.
Habitus - Pierre Bourdieu – Sa sosyolohiya, ang Habitus ay isang konsepto na binuo ni Pierre
Bourdieu at tumutukoy sa mga pamantayan, halaga, saloobin at pag-uugali ng isang partikular na
pangkat ng lipunan (o klase sa lipunan).
Ideolohiya
Ang ideolohiya ay kalipunan ng mga prinsipyo, sistema ng paniniwala, tradisyon, kamalayan o
kaisipan na naglalayong magpaliwanag tungkol sa daigdig at pagbabago nito.

Ang gahum o hegemonya ay pangingibabaw ng mga pamantayang kanluranin at/o banyaga. Ito ay
indirektang impluwensiya o pagkontrol ng isang makapangyarihang tao, pangkat o bansa sa iba pang
tao, pangkat o bansa.
Kung kaya may malaking pangangailangan para sa pagkakaroon ng kontragahum na bubuhay sa
ating sariling identidad. Kailangang wakasan ang mga pamantayang kanluranin at/o banyaga na
nagpapahirap sa bawat Pilipino.

Halimbawa ng kontra-gahum Memes

• Isang yunit ng impormasyon sa kultura bilang isang konsepto, paniniwala, o kasanayan na


kumakalat mula sa tao sa tao.

• Ideya o elemento ng pag-uugaling panlipunan na ipinasa sa mga henerasyon sa isang


kultura, sa pamamagitan ng imitasyon.

• Imahen o bidyo na kumakalat sa internet, na madalas binago ng mga nilalaman sa parang


nakakatawa.

IDEOLOGICAL STATE APPARATUS (ISA)

Ang ideological state apparatus ay isang terminong nabuo ni Marxist theorist Louis Althusser
na nagsasabing ang mga institusyon tulad ng paaralan, simbahan, pamilya at midya na nagsisilbing
tagalipat/tagasalin ng mga impormasyon ay makaaapekto upang kontrolin ang kamalayan ng tao.

● Estado ● Edukasyon ● Mass Media ● Pamilya ● Relihiyon

Mga Halimbawa ng Gahum

Kulturang Kolonyal / Imperyalista

Mga kaisipang nalinang sa ating mga Pilipino na dulot ng impluwensiya ng mga mananakop tulad na
lamang ng katagang “English is the Universal Language” tinitignan natin na ang wikang Ingles na
mas mataas kaysa iba pang wika. Kaya mahina o mababa ang tingin ng isang Pilipino kahit kapuwa
Pilipino kung hindi nito kayang makipag-usap sa Ingles.

Narito ang iba pang halimbawa:

● Superman atbp. Amerikanong Superheroes ● Skin Whitening Soaps

● White Christmas ● Blue Eyes, Blonde Hair

Kultura ng Represyon at Pasismo

Ito ay ideolohiya na naniniwalang napapailalim ang kapakanan ng mamamayan sa tunguhin at


interes nito. Ito’y nagtataguyod ng pamahalaang awtoritaryan. Pinamumunuan lamang ito ng isang
partido at hindi bukas sa anumang oposisyon.

Kagaya na lamang ng mga polisiya na “English Only Speaking Zone” sa eskuwelahan o trabaho.
Madalas ito sa eskuwelahan, may mga espesipikong lugar, oras at maging tao kung saan, kailan at
sino ang mga dapat kausapin mo sa wikang Ingles.

Kultura ng Konsumerismo / Kapitalismo

Ang kapitalismo ay isang pang-ekonomiyang sistema batay sa pribadong pagmamay-ari ng mga


paraan ng produksiyon at ang kanilang operasyon para sa kita. Ang mga katangian ng gitnang
kapitalismo ay ang pribadong ari-arian, akumulasyon ng kapital, paggawa ng sahod,
boluntaryong palitan, isang sistema ng presyo, at mapagkumpitensiyang mga merkado.

● Reification ● Alienation ● Super-profit

Kultura ng Reaksyonaryo at Pangangayupapa/Sunodsunuran(Subservience)

May mga sitwasyon o pangyayari sa lipunan na nawawalan na tayo ng sarili pag-iisip o nawawala na
pagkakaroon ng kritikal na pagtingin sa mga bagay na ipinapagawa o inuutos sa atin nagiging bulag
na tayo sa pag sunod.

Kultura ng Machismo / Seksismo

Ito ay diskriminasyon sa isang tao o grupo ng mga tao batay sa kanilang seksuwal na oryentasyon
o seksuwal na pag-uugali. Karaniwang batay ito sa pagtanggap sa heteroseksuwal, tao na
nagkakagusto sa kasalungat na kasarian (lalaki sa babae, babae sa lalaki), na hindi katanggap-
tanggap sa mga tomboy, bakla, walang kasarian, at iba pa. Maaari ring hindi ito pabor sa mga
heteroseksuwal. Kaugnay rito ang tinatawag na sexual prejudice, o ang hindi mabuting pakikitungo
sa isang tao dahil sa kanyang seksuwal na oryentasyon.

Kontra-Kultura

● Kulturang Mapagpalaya ● Kulturang Siyentipiko ● Kulturang Makamasa

● Kulturang Transpormatibo ● Kultura ng Pagkapantay-pantay ● Kulturang Rebolusyonaryo

 Kulturang Makabayan
Ang kontra-kultura ay kulturang naghahanap ng katotohanan, katarungan at katuwiran. Kulturang
naghahangad at nagsusulong ng pagkakapantay-pantay ng tao sa uring panlipunan, lahi, at
kasarian. Ipinapakita ng kontra-kultura na mayroong high culture at low culture.

Ang atrasadong kultura ay kailangang wasakin at palitan. Kailangang lumikha ng bagong kulturang
mapagbago at mapagpalaya. Kailangang hanguin ang mga kulturang piyudal at atrasado at
pagpanibaguhin ito.

YUNIT II PILIPINOLOHIYA

Aralin 1: Tunguhin ng Araling Pilipino

Sa pagtalakay ay hinihikayat na basahin ang “Sariling Atin: Ang Nagsasariling Komunidad Na


Pangkomunikasyon Sa Disiplinang Araling Pilipino” ni Ramon Guillermo. Tinalakay niya sa
kaniyang introduksyon ang mga kilalang personalidad hindi lang sa Pilipinas at maging sa ibang
bansa, na may kaugnayan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sariling wika sa pagkakaroon ng
kasarinlan ng isang bansa.

Tulad na lamang ni Georg Wilhelm Friedrich Hegel, ayon sa kanya hindi maituturing ng isang
bayan na ganap na sa kaniya ang isang kahanga-hanga o dakilang bagay hangga’t hindi nito
nakikilala ang sariling wika.

Gayundin ang panawagan ni si Dr. Jose Rizal, mula sa kanyang isinulat na nobelang El
Filibusterismo. Nanawagan si Simoun na palaguin at palaganapin ang sariling wika dahil sa
paniniwalang ito ang magbibigay laya sa bansa.

Pagpopook ng “Pilipinolohiya/Pilipinisasyon” sa Araling Pilipino

● Mga ideolohiya ni Rizal bilang panimulang pagpopook sa Pilipinolohiya/Pilipinisasyon bilang


pag-aaral at pagkilala ng/sa sarili.

● 1861 – Panahon ni Rizal – 1863 Nagkaroon ng Educational Reform Decree.

● Naitatag ang edukasyong Primarya, Sekundarya (Ateneo, San Juan De Letran ) at Kolehiyong
antas.

● Practice of teaching (Needle work, Home Economics, Music) – para sa mga babae.

● Binabanggit ito sa Urbana at Feliza – Manual pattern para sa mga kababaihan

Lagda – counterpart para sa mga Bisaya

Las Doncellas – Sealed/ Virgin (Sikolohiya – Pagtitiis – Birhen)

Illustrado – pero walang Illustrada?

Illustrado – Mga nakapag-aaral sa ibang bansa gaya sa Europe at mga reserved na tao
● Pilipinolohiya bilang kalipunan ng kaisipan, kilusan at programang akademikong nagpupunyaging
bumalikwas o pumihit ng oryentasyon mula sa masyadong tuon sa kanluraning modelo, paradigma,
kaisipan at metodolohiya ng noo’y umiiral ng Philippine Studies (Rodriguez-Tatel 20015, 2).

● Pamamayagpag ng Araling Pilipino bilang kasangkapang “neo-kolonyal” sa akademya.

● Kinilala/kinikilala ang Araling Pilipino bilang araling panlarangan o area studies – tinitignan ang
bansang Pilipinas bilang isang larang lamang ng “unibersal”.

● Noong dekada 1970, ipinakita ng mga Pilipinong iskolar ang kakanyahang sumalungat sa agos ng
umiiral na kanluraning oryentasyon sa akademya. Mula Pagpopook tungong Pagdadalumat: Mga
Muhon ng Pilipinisasyon

● Ang “Triumvirate” (lupon ng 3 tao na may kapangyarihan) ng Pagsasakatutubo at Pilipinisasyon


ng Agham Panlipunan.

● Virgilio Enriquez (Ama ng Sikolohiyang Pilipino)

Dalawang tunguhin ng pagdadalumat:

1. Indihenisasyon mula sa loob (paggamit ng sariling kultura bilang bukal ng kaalaman at mga
konseptong katutubo na matapat na naglalarawan ng pananaw-sa-daigdig ng mga Pilipino)

2. Indihenisasyon mula sa labas (pag-aangkin ng mga konseptong mula sa banyaga sa


pamamagitan ng pagsasalin, pag-aandukha at kultural na asimilasyon ng mga ito sa karanasan ng
mga Pilipino)

Prospero Covar (Ama ng Pilipinolohiya)

Sistematikong pag-aaral ng Kapilipinuhan sa tatlong larangan:

1. Kaisipan

2. Kultura (kasama ang wika, iba’t ibang larang ng sining, pilosopiya at relihiyon)

3. Lipunang Pilipino,

 Zeus Salazar (Ama ng Pantayong Pananaw/Ama ng Bagong Histograpiyang Pilipino

Pangkayong Pananaw

Kapag nakikipag-usap mula sa labas tungo sa mga tagaloob ng isang partikular na kalinangan.
Halimbawa:

“Kayo ay mga Indio lamang, at lahat ng nalalaman ninyo ay utang ninyo sa amin, sapagkat ang
kasaysayan ng inyong bayan aymay dalawang bahagi lamang: una, ang panahon nang hindi pa kayo
Kristiyano at sibilisado kung kailan lugmok pa kayo sa karimlan; pangalawa, nang dumating ang mga
Espanyol, upang idulot sa inyo ang liwanag ng aming sibilisasyon at relihiyon Kristiyano.” Dilim -
Liwanag
Pangkaming Pananaw

Patungo sa labas o banyaga ang pagpapaliwanag. Ang pagpapaliwanag dito ay tungkol sa sariling
kalinangan-at-lipunan. Halimbawa: Lingua Franca

Ipinatutungkol ng mga Propagandista sa mga nang-aalipustang Espanyol ang pagpapawalang


katuturan ng mga ito tungkol sa kawalan ng “sibilisasyon” ng Indio, kinailangan nilang sabihin at
ikalat na rin ito sa wikang Espanyol .

Pangkaming Pananaw sa Kasalukuyan

Nang dumating ang mga Amerikano inatupag naman ng mga Ilustrado ay ang ipakita sa bagong
banyaga na ang Pilipino ay pwedeng-pwede maging doctor, abogado, inhinyero, at sa huli, pati na
artista at beauty contest winner (hindi pala pangit!).

Iskizofrenyang Pangkalinangan

Lagi na lamang dapat ikumpara ang sarili at ang sariling hiram na kultura sa mga dayuhan:
Sumusulat sa wikang banyaga (upang maipakita na puwede pala, kaya pala!) kailangan munang
humiwalay sila sa (at iiwan nila ang) katutubong kalinangan mamaya-maya ay babalik lamang dito
para gamitin ang ilang elemento nito sa kanilang paglikha.

Kulturang Nasyonal:

Umiinog ito sa konsepto ng “nasyong Pilipino” na sa simula’y binuo sa wikang Espanyol ng mga
Propagandista at Rebolusyonista, pagkatapos ay sinulong ng mga inapo nito: Quezonà Osmenà
Roxasà Laurelà Rectoà Magsaysayà, Marcosà, Aquino sa pakikipagtulungan sa mga Amerikano
kung kaya’t sa wikang Ingles ang pagkahulma ng estado sa ngayon.

Ang Kulturang Nasyonal na pinalalaganap ng elite, samakatuwid, ay instrumento ng dominasasyon


sa taumbayan. Ito ay isang halimbawa ng representasyon ng Imperyalismo.

Pangsilang Pananaw

Patukoy sa iba at hindi sa kapwa

Halimbawa: “Ganito sila, ganito ang ugali nila, o ganito ang mga tagalabas o banyaga”

Ang Pantayong Pananaw sa Kasaysayan

● Bago makaugnay ang mga dayuhang Espanyol noong ika-16 na dantaon wala pang iisang
Pantayong Pananaw sa buong arkipelago, wala pa ring nasyong Pilipino.

● Zeus Salazar bilang isang Marxista


Superstructure / Hegemonya

Ang nasyong Pilipino ay nabuo lamang sa bahagi ng Kapilipinuhan na nalantad nang husto sa
Kanluran (nabahiran, kung hindi man talagang nabago ito). Nabuo ito sa pagsusumikap ng mga elite
ng bahaging Kristiyano ng kolonyang Espanyol
Elite: Mga akultaradong grupo ng tao nagsimula: ladino (mga natuto ng Espanyol)

- ginawang tagasalin at tagatulong ng mga prayle sa ebanghelisasyon. Kanluranin sa


proseso ng akulturasyon .

● Ika-18 na dantaon

: Unti-unting pumasok nang mas maramihan ang mga akulturado o ladino sa sistemang
kolonyal ng mga Espanyol: eskriba, abu-abugado, at sekular na pari. Sekular na Pari vs Prayle

● Ika-19 na dantaon:

Ladino - Sekular na Pari – Ilustrado

Pantayong Pananaw sa Kasalukuyan

Sa larangang pangkalinangan, ang pagkatatag ng nasyon ng mga elite ay nagbunga ng pagkakahati


ng kapilipinuhan—ang dambuhalang pagkakahating pangkalinangan:

(1) Ang kultura at lipunan ng akulturadong elite na ang wika ay Ingles at Espanyol (ladino=paring
secular=ilustrado=pensionado/Fullbrigh scholars=makabagong intelektuwal, na napapalooban
ng lahat ng klase ng iskolar, kapwa manunulat, at iba pang padala o panauhin sa Estados
Unidos, Hapon, at iba pa.)
(2) Ang kalinangan at lipunan ng bayan na ang pangkalahatang wika ng ugnayan ngayon ay
Tagalog o Pilipino, at maging mga wikang rehiyonal.

Pantayong Pananaw

“Ang buod ng Pantayong Pananaw ay nasa panloob na pagkakaugnayugnay at pag-uugnay ng


mga katangian, halagahin, kaalaman, karunungan, hangarin, kaugalian, pag-aasal, at karanasan ng
isang kabuoang pangkalinangan – kabuoang nababalot at ipinapahayag sa pamamagitan ng isang
wika; ibig sabihin, sa loob ng isang nagsasariling talastasan/ diskursong pangkalinangan o
pangkabihasnan.”

Closed Circuit – isang nakapanid na pag-uugnayan/pakikipag-ugnayan. Ito ay nangyayari lamang


kung iisa ang code o pinagtutumbasan ng mga kahulugan.

Ang pinakabuod ng Pantayong Pananaw sa agos ng ating kasaysayan ay ang pangyayaring dahil
sa kolonyalismo’y nawala o unti-unting nalilimutan ang mga kasanayan o kultura ng maraming mga
grupong etnolingguwistiko sa ating bayan.
Kalinangang Bayan:

Kinalabasan ng proseso ng pagkabuo ng mga pamayanang Pilipino sa isang Bayang Pilipino, ang
Inang Bayan ng Himagsikan 1896. Mula ang lahat ng ito sa pakikiharap, pakikitunggali, at
pakikipag-ugnay ng mga kalinangang Pilipino sa isa’t isa.

Pagkalito Ng Mga Elite

1. Lagi na lamang suliraning ang identidad: “Sino ba ako?” “Ano ba tayo?” “Ano/Sino ba ang
Pilipino?”

2. Kinakailangan nilang gawing ibayong ideal ang mga Pilipino kapag inihahambing nila ang mga ito
sa mga banyaga sa pamamagitan ng kategoryang intelektuwal at pangkultura ng mga dayuhan.

3. Ang lagi nilang pamumuna at pamimintas sa inaakalang tunay na Pilipinong pag-uugali.

Mga Hamon sa Indibidwal na Iskolar sa Larangan ng Araling Pilipino

● Pagsasanay ng Sarili sa Pagbabasa sa Wikang Filipino

● Paghubog sa pagsusulat ng libro at artikulo sa Wikang Filipino

● Paggamit ng Wikang Filipino sa Talakayan

● Wikang Filipino – Hindi mababang uri ng Gawain

Yunit III

Aralin 1 : Ebolusyon ng Wikang Pambansa

Sa mensahe ni Pang. Manuel L. Quezon sa unang Pambansang Asamblea noong 27 Oktubre


1936, sinabi niyang hindi na dapat ipaliwanag pa, na ang mga mamamayang may isang
nasyonalidad at isang estado ay “dapat magtaglay ng wikang sinasalita at nauunawaan ng lahat.”

Ang totoo, una nang naitadhana sa Saligang Batas ng Biak-na-Bato noong 1897 ang pagsisikap
na magkaroon tayo ng opisyal na wikang gagamitin sa pakikipagtalastasan ng mga Pilipinong mula
sa iba’t ibang dako ng bansa na may sari-sariling din namang wika.

Ang Saligang Batas ng Biak-na-Bato noong 1897 ay nabuo matapos ang pag-aalsa ng mga
Pilipino laban sa pamahalaang Espanyol noong 1896. Itinatadhana ng Saligang Batas na “Ang
wikang Tagalog ang siyang magiging wikang opisyal ng mga Pilipino.” Bunga ito ng malakas na
paniniwala ng mga Pilipinong lider noon na makakamit ang kasarinlan ng mga Pilipino sa
pamamagitan ng pagkakaroon ng isang wikang nauunawaan ng lahat.

Pinagtibay noong 1901 ng Philippine Commission sa pamamagitan ng Batas Blg. 74 na


gawing panturo sa mga paaralan ang wikang Ingles sa kabila ng mga pagtutol ng mga mambabatas,
mamamahayag, at mga gurong Pilipino. Si Teodoro Kalaw, isang mamamahayag ay nagbigay ng
puna sa patakaran ng mga Amerikano sa pagpapagamit ng Ingles sa mga paaralang Pilipino. Taong
1925, lumabas sa isang survey ng Monroe Educational Survey Commission na mabagal ang
pagkatuto ng mga batang Pilipino kung Ingles ang wikang panturo sa paaralan. Kaya naman, ang
mga mababatas na Pilipino ay nagpanukala ng batas pangwika noong 1931 gaya ng Panukalang
Batas Blg. 577 na nag-utos sa kalihim ng Public Instruction na gamitin bilang panturo sa mga
paaralang primarya ang katutubong wika mula taong panuruan 1932–1933. Sa mga panahong ito
naging masalimuot ang usapin hinggil sa wika. Hindi malaman kung ano ang magiging wikang
opisyal ng mga Pilipino—Espanyol, Ingles, o Tagalog.

Sa panunungkulan ni dating Pangulog Manuel Luis Quezon ay nadama niya ang hirap sa
pakikipagtalastasan sa mga mamamayan ng Pilipinas na hindi marunong umunawa ng Ingles at
Espanyol. Kaya naman ipinaglaban ng mga delagado [na hindi Tagalog] sa Kumbensiyong
Konstitusyonal noong 16 Agosto 1934 ang pagkakaroon ng sariling wikang Pambansa. Kabilang
dito sina Felipe R. Jose (Mountain Province), Wenceslao Q. Vinzons (Camarines Norte), Tomas
Confesor (Iloilo), Hermenegildo Villanueva (Negros Oriental), at Norberto Romualdez (Leyte).
Makikita sa ibaba ang ilang mga pahayag ni Kgg. Felipe R. Jose na sinipi mula sa kaniyang
talumpating binigkas sa Kumbensiyong Konstitusyonal na may pamagat na “Kailangan ang
Sariling Wikang Pambansa.”

Ipinahayag ni Pang. Manuel Luis Quezon sa Unang Pambansang Asamblea noong 27 Oktubre
1936 na ang mga mamamayang may isang nasyonalidad at isang estado ay “dapat magtaglay ng
wikang sinasalita at nauunawaan ng lahat.” Taóng 1935 nang suportahan niya ang pagsisikap na
magkaroon ng isang wikang Pambansa. Ipinanukala sa kaniya ng isang pangkat na binubuo nina
Lope K. Santos, Cecilio Lopez, Sofronio Calderon, Jose N. Sevilla, at iba pa ang isang mungkahi
tungo sa pagkakaroon ng isang wikang Pambansa.

Pinagtibay ang Batas Komonwelt Blg. 184 noong 13 Nobyembre 1936. Alinsunod dito,
itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) “na mag-aaral ng mga diyalekto sa pangkalahatan
para sa layuning magpaunlad at magpatibay ng isang wikang batay sa isa sa mga umiiral na wika.”
Humirang ang Pangulong Quezon noong 12 Enero 1937 ng pitong palaaral na mga Pilipino na
siyang kauna-unahang bumuo sa pamunuan ng nasabing tanggapan. Sila ang gumawa ng pag-aaral
sa mga umiiral na katutubong wika sa buong bansa. Pinamunuan ito ni Jaime C. de Veyra (Waray),
at kinabibilangan ng mga kasaping sina Santiago A. Fonacier (Ilokano), Filemon Sotto
(Sebwano), Casimiro F. Perfecto (Bikol), Felix S. Salas Rodriguez (Panay), Hadji Butu (Moro),
at Cecilio Lopez (Tagalog).

Mula sa pagkakahanay ng mga taong bumuo sa lupon na gagawa ng pagaaral upang piliin
ang wikang Pambansa, makikita na sila ay mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas at nagsasalita ng
ibang mga wika. Kaya masasabing sa ginawang pamimili ay hindi nangibabaw ang tinatawag na
“regionalism.” Inihanda ng lupon ang sumusunod na pamantayan sa pagpili ng wikang magiging
batayan ng wikang Pambansa:

1. Ginagamit na nakararaming Pilipino, lalo na sa Maynila na siyang sentro ng kalakalan.

2. Ginagamit sa pagsulat ng pinakadakilang panitikang Filipino.

3. Wikang may pinakamaunlad na balangkas at mayamang mekanismo at madaling


matutuhan ng mga mamamayang Pilipino.

Wikang Tagalog ang nakatugon sa pamantayang ito. Tampok sa pagpili sa Tagalog ang
pagkilala rito na ginagamit ito ng nakararaming bilang ng mga mamamayan, bukod pa ang mga
kategorikong pananaw ng mga lokal na pahayagan, publikasyon, at manunulat. Noong 30
Disyembre 1937, sinangayunan batay sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na pagtibayin ang
Tagalog “bilang batayan ng wikang Pambansa ng Pilipinas.” Ngunit nagkabisa lamang ang
nasabing kautusan pagkaraan ng dalawang taon—30 Disyembre 1939.

Taong 13 Agosto 1959 naman nang magpalabas ng Kautusan Pangkagawaran Blg. 7 ang kalihim
ng edukasyon na si Jose E. Romero na nagaatas na tawaging “Pilipino” ang Wikang Pambansa.

Ipinatupad ang Linggo ng Wika, sa bisa ng Proklamasyon Blg. 12 na nilagdaan ni Pangulong


Ramon Magsaysay ang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula Maro 2–4 Abril.
Nakapaloob pa sa panahong saklaw ang pagdiriwang ng Araw ni Balagtas (Abril 2). Sa bisa naman
ng Proklamasyon Blg. 186 na nilagdaan pa rin ni Pangulong Magsaysay bilang susog sa
proklamasyon noong 1954, inilipat ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo na Wikang Pambansa
sa 13–19 Agosto bilang paggunita naman sa kaarawan ni Manuel Luis Quezon na kinilalang “Ama
ng Wikang Pambansa.”

Isinalin sa wikang pambansa ang pambansang awit nang ilang beses bago naging opisyal ang
pambansang awit noong 1956, at binuo ang Panatang Makabayan noong 1950. Nagpatuloy pa rin
ang mga pag-aaral sa iba pang mga wikang katutubo sa bansa. Itinampok ang lingguwistikang pag-
aaral sa wikang pambansa at mga katutubong wika sa Pilipinas noong panahon ni Cecilio Lopez.
Pagsapit sa termino ni Jose Villa Panganiban ay isinagawa ang mga palihan sa korespondensiya
opisyal sa wikang pambansa. Nailathala ang English-Tagalog Dictionary; at pagkaraan ay
tesawro-diksiyonaryo.

Taong 1956, buwan ng Pebrero nang rebisahin ang Lupang Hinirang at Panatang Makabayan at
ipinagamit ito sa mga paaralan. Sa mga panahon ding ito nirebisa ang bersiyon ng Pambansang
Awit sa pangunguna ng noon ay kalihim ng edukasyon, Gregorio Hernandez, Jr. Lumabas
pagkatapos ang sirkular 21 na nilagdaan ng noon ay direktor ng mga paaralang bayan, ang
pagtuturo at pag-awit ng pambansang awit.

Taong 13 Agosto 1959 naman nang magpalabas ng Kautusan Pangkagawaran Blg. 7 ang kalihim
ng edukasyon na si Jose E. Romero na nagaatas na tawaging “Pilipino” ang Wikang Pambansa.
Hangarin sa paggamit ng “Pilipino” na maiwasan ang usapin Tagalog ang wikang Pambansa.
Mahalagang mailinaw na batayan lamang ng wikang pambansa ang Tagalog sa mga panahong ito at
ang wikang pambansa na batay sa Tagalog ay tatawaging Pilipino. Kaya naman, inilahad sa isang
kautusang pangkagawaran na iniutos ng Kagawaran ng Edukasyon noong Nobyembre 1962 ang
pagsasa-Pilipino ng mga sertipiko at diploma ng mga paaralan. Sa ibaba ng mga salitang Pilipino ay
ang salin ng mga salita sa wikang Ingles. Ngunit, hindi lahat ay sang-ayon dito. Naging malaking
hamon sa pagpapalaganap ng wikang pambansa ang pangyayari noong 1965 na pagsasampa ni
Inocencio Ferrer ng kasong sibil laban kay Direktor J.V. Panganiban at mga kagawad ng SWP.
Nagsampa rin ng kaso ang Madyaas Pro-Hiligaynon Society at iba pang tagapagsalita ng wikang
Sebwano laban sa ‘Pilipino” na para sa kanila “puristang Tagalog” ang terminong ito. Ngunit
nanalo ang panig ng SWP at ayon sa korte kinikilala nila na pagpapayaman sa mga katutubong wika
ay kaugnay na proseso ng pagpapaunlad sa wikang pambansa.

Sa bisa naman ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 na nilagdaan ng dating Pang. Ferdinand


E. Marcos noong 1967 ay ginamit ang Filipino sa pagpapangalan sa mga gusali, edipisyo, at
tanggapan ng ating pamahalaan. Bling susog sa ganitong hakbangin ng Pangulong Marcos,
nagpalabas naman ng isang Memorandum Sirkular noong 1968 si Kalihim Tagapagpaganap
Rafael Salas na nagpapahayag na pati ang mga letterhead ng mga kagawaran, tanggapan, at
sangay ng pamahalaan ay nararapat na ring isulat sa Filipino na may kalakip na teksto rin sa Ingles.
Sa pamamagitan ng Memo Sirkular Blg. 227, ang noon ay Kalihim ng Edukasyon Ernesto
Maceda ay nag-utos na ang mga pinuno at kawani ng mga tanggapan ay dumalo sa mga seminar na
idaraos kaugnay ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187.

Naging wikang panturo naman ang wikang pambansa sa mga paaralang primarya sa bisa ng
Resolusyon Blg. 70 na lumabas noong 1970. Ang hakbanging ito ay sinundan ng paghaharap ng
Kilusang Pilipino ng Pambansang -AP: Wika, Kultura, Edukasyon, Midya, Kasarian at
Pananaliksik 36 Lupon sa Edukasyon na ipatupad sa lahat ng kolehiyo at unibersidad—pribado at
publiko ang paggamit ng Pilipino bilang panturo sa mga kursong Rizal, Kasaysayan ng Pilipinas at
Pamahalaan noong 25 Pebrero 1970.

Mayo 1973 nang tanggapin ang pagsang-ayon ng Kalihim ng Katarungan Vicente Abad Santos
hinggil sa pagiging opisyal ng Pilipino bilang wikang Pambansa sa Bagong Konstitusyon. Ang
“Pilipino” na ibinatay nang malaki sa Tagalog ay maghuhunos na “Filipino” alinsunod sa atas ng
Saligang Batas 1973 na ang Batasang Pambansa ay dapat gumawa ng mga hakbang tungo sa
paglinang at pormal na adopsiyon ng isang panlahat na wikang pambansa na tatawaging Filipino.
Kasabay nito ang pagiging asignatura at midyum ng pagtuturo sa lahat ng antas ng pag-aaral. Sa
taong ito ay pinagtibay rin ang Resolusyon Blg. 73-7 ng Pambansang Lupon sa Edukasyon na
nagsabing ang Ingles at Filipino ay isama sa kurikulum mula unang baitang ng mababang paaralan
hanggang sa kolehiyo—sa lahat ng paaralang pribado at publiko. Ang Resolusyon Blg. 73-7 ang
nagluwal sa Patakarang Bilingguwal sa Edukasyong Pilipino.

Noong Hunyo 1974, nilagdaan ni Kalihim Juan L. Manuel ng Kagawaran ng Edukasyon at


Kultura ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 na nagtatakda ng mga panuntunan sa
pagpapatupad ng patakarang edukasyong bilingguwal sa mga paaralan na magsisimula sa taong-
aralan 1974–1975. Inilabas naman noong Oktubre 1975 ng Surian ng Wikang Pambansa ang
isang aklat na may pamagat na “Mga Katawagan sa Edukasyong Bilinggwal.” Layunin nito na
makatulong sa mabilis na pagpapalaganap ng bilingguwalismo.

Lumabas naman noong 1978 ang Kautusang Pangministri ng Kagawaran ng Eduaksyon na


siyang nag-utos ng pagkakaroon ng 6 yunit na Filipino sa lahat ng kurso sa tersiyarya at 12 yunit
ng Filipino sa mga kursong pang-eduaksyon. Nang sumusnod na taon, 1979, ipinag-utos din ng
kagawaran na sa mga kursong Medisina, Dentista, Abogasya, at Paaralang Gradwado ay
magkakaroon na rin ng Filipino sa kanilang kurikulum.

Sa pagtatayang ginawa ng Surian ng Wikang Pambansa, batay sa ulat ng Tanggapan ng


Pambansang Sensus at Estadistika noong 1970, 1975, at 1980, isandaang bahagdan (100%) ng
mga mamamayan ang gagamit ng Filipino sa kanilang pakikipagtalastasan. Inaasahang mangyayari
ito sapagkat sa mga taong ito ay maraming mga palatandaan ng unti-unti nang tinatanggap ng
marami ang paggamit ng wikang sarili sa pagtalakay sa mga mahahalagang isyu sa bansa.

Noong 1986, naging katuwang ang SWP sa paghahanda ng salin ng Saligang Batas ng 1986, at sa
naturang batas din kinilalang ang pambansang wika ay “Filipino.” Sinasabi sa batas na, “habang
nililinang ang Filipino ay dapat itong payabungin at pagyamanin nang nakasalig sa mga
katutubong salitang umiiral sa wikang Filipino at iba pang wika.”
Noong Enero 1987, sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 na nilagdaan ni Pang.
Corazon Aquino ay nalikha ang Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP) na pumalit sa SWP.

Artikulo XIV, Seksiyon 6

Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang mga wika.

Artikulo XIV, Seksiyon 7

Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino,
at hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong
na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong sa mga wikang panturo roon.

Artikulo XIV, Seksiyon 8

Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing
wikang panrehiyon, Arabic, at Kastila.

Kaugnay nito, nilagdaan naman ni Pangulong Corazon Aquino noong 25 Agosto 1988 ang
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 na nag-aatas sa lahat ng kagawaran, kawanihan,
tanggapan, ahensiya, at instrumentaliti ng pamahalaan na na magsagawa ng mga hakbang na
kailangan para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na transaksiyon, komunikasyon, at
korespondensiya.

Samantala, nangangahulugan naman ang Seksiyon 6 na ang “Filipino” ay nangangailangan ng


isang ahensiyang pangwika na magtataguyod sa nabanggit na simulain na dapat itong payabungin at
pagyamanin nang nakasalig sa mga katutubong wika ng bansa. Ang “Filipino” ay hindi na ang
“Pambansang Wika” na nakabatay lamang nang malaki sa Tagalog, bagkus idiniin ang
pangangailangang payabungin ito sa tulong ng mga panrehiyong wika sa Pilipinas, bukod pa ang
tinatanggap na mga salita sa ibang internasyonal na wika. At upang “mapayabong” ang
pambansang wika ay kinakailangan ang isang institusyong pampananaliksik, na may mandatong higit
sa itinatakda ng “pagsusuri” ng mga wika. Makikita sa ibaba ang presentasyon ng konsepto ng
Tagalog, Pilipino at Filipino.

Pigura 1: Konsepto ng ebolusyon ng wikang pambansa mula Tagalog patungong Pilipino hanggang
sa maitadhana ang Filipino.

Artikulo XIV, Seksiyon 9

Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na binubuo ng mga
kinatawan ng iba’t-ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, maguugnay at
magtataguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili sa
Filipino at iba pang mga wika.

Sa bisa naman ng Proklamasyon Blg. 1041 noong 1997, sa atas ng Pangulong Fidel V. Ramos
ay ipinahayag ang 1–31 Agosto nilang Buwan ng Wikang Pambansa.

Taong Hulyo 2009, inilbas ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 74
na may pamagat na “Institutionalizing Mother TongueBased Multilingual Education (MTB-MLE).

Ebolusyon ng Alpabetong Filipino

Maaari nating ugatin ang kasaysayan ng ortograpiya ng wikang Filipino mula sa sinaunang panahong
gumamit ang mga Pilipino ng katutubong paraan ng pagsulat na tinatawag na baybáyin. Sinasabing
napakahalaga ng baybáyin dahil isa ito sa mga natatanging malinaw na ebidensiya na taglay na
sariling kultura at talino ng mga sinaunang Pilipino, bago pa dumating ang mga Espanyol.

Larawan 1: Mga karakter sa sinaunang paraan ng pagsulat ng mga Pilipino—ang Baybayin.


(Larawan mula sa KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat 2015)

Bilang patunay na baybayin talaga ang tawag dito,


maraming mga unang pag-aaral sa sinaunang pagsulat ng
mga Pilipino ang bumabanggit na tinawag itong baybayin
ng mga sinaunang Pilipino at hindi alibata. Halimbawa ay
ang pag-aaral ni Pedro Andres de Castro na may
pamagat na Ortograpiya at mga tuntunin sa Pagsulat sa
Wikang Tagalog at ang pag-aaral ni Trinidad Pardo H.
de Tavera na may pamagat na Contribucion para el
Estudio Antiguos Alfabetos Filipinos (Mga ambag sa Pag-aaral ng Sinaunang Alpabeto ng mga
Filipino) noong 1884.

Sa pag-aaral ni Trinidad Pardo de Tavera noong 1884, ipinakita niya ang iba’t ibang katutubong
paraan ng pagsulat sa iba-ibang wika sa bansa, hindi lang ang sa Tagalog. Kinuha niya lahat na mga
sampol at nakaipon siya ng apat sa Tagalog, dalawa sa Ilokano, dalawa sa Bisaya, isa sa
Pangasinan, isa sa Kapampangan, at dalawa mula sa talâ ng Lingguwistang Aleman ngunit
hindi pa nalalaman kung anong wika sa bansa ang pinanggalingan.

Ngunit mula noong ika-16 Siglo, unti-unting naging romanisado ang baybayin o ang paraan ng
pagsulat ng mga Pilipino nang turuan tayo ng alpabetong Espanyol o abecedario.

Kung kailan marami nang Pilipino ang marunong bumasa at sumulat sa paraang ito, sila Rizal din
ang nakapansin na parang maraming mali sa paraan ng pagsulat na iyon. Parang hindi angkop sa
tunog ng mga Pilipino ang mga ginagamit na karakter. Kaya sila din ang unang nagsulat ng reporma
sa ortograpiya o orthographic reform. Ang una nga dito ay Sobre la nueva ortografia de la
lengua tagala (1890). Ipinanukala niya rito ang paggamit ng K at W; pagsasaayos ng pantig na GUI
at QUI; at pagsasaayos ng diptonggo na AO. Noong nakadestiyero siya sa Dapitan, isinulat naman
niya Estudios sobre la lengua tagala na nalathala noong 1899. Kasáma sa mga panukala niyang
reporma sa ortograpiyang Tagalog ang alpabetong may limang patinig at labinlimang katinig. Ang
mga titik na ito ang naging batayan ng abakada na binuo ni Lope K. Santos nang kaniyang sulatin
ang Balarila (nalathala, 1940). Idinagdag sa orihinal na mga titik ng baybáyin ang katinig na R at
ginawang lima ang patinig: A, E, I, O, U kayâ dalawampu (20) ang mga titik ng lumaganap na
abakada hanggang sa panahong tinatawag ang Wikang Pambansa na wikang Filipino.

Hindi isináma sa abakada ang mga letra para sa mga tunog na C, CH, F, J, LL, Ñ, Q, RR, V, X, Z.
Nanatili ang mga ito sa mga pangngalang pantangi, gaya sa Carmen, Pacheco, Fullon, Jaro,
Magallanes, Cariño, Quirino, Barrameda, Vizcaya, Maximo, at Zamboanga. Ngunit marami sa
mga salitang hiram sa Espanyol at nagtataglay ng naturang mga titik ay tinapatan ng mga tunog sa
mga titik ng abakada, gaya ng nagaganap na noong paghiram sa mga naging palasak na salitang
Espanyol. Ang iba pang gabay sa pagsulat, gaya ng kung paano gamitin ang ng at nang, kung kailan
nagiging R ang D, o kung bakit nagiging U ang O sa dulo ng salita kapag inulit, ay hinango sa mga
tuntunin mula sa Balarila ni Lope K. Santos. Ang makabuluhang mga tuntunin ay tinipon ng Surian
ng Wikang Pambansa makaraan ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Pinamagatan itong Mga
Batayang Tuntuning Sinusunod sa Pagsusuring Aklat (walang petsa) na inihanda ni Bienvenido
V. Reyes sa isang hiwalay at nakamimeograp na polyeto at naging gabay ng mga guro, manunulat,
at editor.

Lumabas ang iba’t ibang mga gabay sa orograpiya gaya ng nabuo noong 1976 at nalathala sa
anyong mimeograp noong 1977 sa pamagat na Mga Tuntunin ng Ortograpiyang Filipino.
Makikita dito ang pagbabago sa abakada na naging tatlumpu’t isa (31) ang mga titik sa
pamamagitan ng dagdag na labing-isang (11) titik. Bunga ito ng napagkasunduan sa isang serye ng
mga simposyum noong 1976 at ikalawa ang lumang Patnubay na Sinusunod sa Pagwawasto ng
mga Aklat Babasahin na noon pang dekada 60 ginagamit. Dahil sa dami ng mga titik ng bagong
alpabeto ay tinawag itong “pinagyamang alpabeto”; ngunit sinundan ng mga puna na lubhang
pinarami ito kaysa kailangang mga bagong titik.

Pagkatapos ng muling pagsusuri dito, binago itong mulo at nalathala noong 1987 ang Alpabeto at
Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas na may
dalawampu’t walo (28) ang mga titik. Idinagdag dito ang mga titik na C, F, J, Ñ, Q, V, X, at Z.
Pinalaganap din ang isang “modernisadong alpabeto” na ipinababása ang mga titik sa paraang
Ingles, maliban sa Ñ mulang alpabetong Espanyol, gaya ng sumusunod: A /ey/, B / bi/, C /si/, D /di/,
E /i/, F /ef/, G /dyi/, H /eyts/, I /ay/, J /dyey/, K /key/, L /el/, M /em/, N /en/, Ñ /enye/, NG /endyi/, O /o/,
P /pi/, Q /kyu/, R /ar/, S /es/, T /ti/, U /yu/, V /vi/, W /dobolyu/, X /eks/, Y /way/, Z /zi/. Ngunit may mga
usapin sa ispeling na hindi pa nasagot sa nabanggit na patnubay.

Kung kaya’t may mga sumunod pang nailabas na mga gabay ang KWF mula noong itadhana ng
1987 Konstitusyon ang Filipino bilang wikang pambansa gaya ng sumusunod

2001 – muling nagkaroon ng rebisyon sa alpabetong Filipino. Itinaguyod nito ang leksikal na
pagpapayaman ng Filipino sa pamamagitan ng pagluluwag sa panghihiram ng salita at pagsasalin,
karamihan mula sa Ingles at Espanyol, gamit ang walong karagdagang letra ng alpabeto, ang mga
letrang c, f, j, ñ, q, v, x, z.

● Oktubre 9, 2006 – sa kahilingan ng KWF, ang DepEd ay nagpalabas ng isang memorandum na


pansamantalang nagpapatigil sa implementasyon ng “2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa
Ispeling ng Wikang Filipino”
● Agosto, 2007 – inilabas ng KWF ang borador ng Ortograpiya ng Wikang Pambansa.

● Mayo 20, 2008 – inilabas ng KWF ang Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Pambansa.

Taóng 2013 nang maglabas muli ng bagong gabay sa Ortograpiyang Pambansa ang KWF na
siyang ginagamit hanggang sa kasalukuyan.

Mungkahing babasahin:

1. De las Lenguas de las Filipinas (1604) / Padre Pedro Chirino

2. Hinggil sa mga Wika sa Filipinas Salin ni Virgilio S. Almario

3. The Language Situation in the Philippine Islands (1931) / Dr. Cecilio P. Lopez Ang Sitwasyong
Pangwika sa Filipinas Salin ni Kriscell Largo Labor

4. Kailangan ang Sariling Wikang Pambansa (1934) Kgg. Felipe R. Jose

5. Shall the Philippines Have a Common Language? (1931) / Vice Governor George C. Butte Dapat
Bang Magkaroon ng Wikang Panlahat ang Filipinas? Salin ni Michael John E. De Juan

6. Si Rizal hinggil sa isang Wikang Filipino (1937) Pangulong Manuel Luis Quezon.

Katangian ng wikang Filipino bilang Isang wikang Pambansa

Ang pag-isahin at pagbuklurin ang lahat ng mga Pilipino sa buong Pilipinas ay ang unang
napakahalagang gampanin ng Wikang Filipino. Malinaw itong ipinahihiwatig ng konstitusyon ng
Pilipinas mula nang itadhana ang pagiging wikang pambansa ito.

Filipino ang mahahalagang katangiang dapat taglayin ng isag wika upang makapagpatuloy at
manitiling mabisang behikulo sa ugnayan ng sambayanang Pilipino. Ang mga katangiang ito ay ang
sumusunod:

1. Ang Filipino ay nakabatay sa mga wikang umiiral sa bansa

2. Ang Filipino ay buhay, dinamiko, at nagbabago

3. Ang Filipino ay intelektuwal

4. Ang Filipino ay moderno at episyente

5. Ang Filipino ay batay sa kultura

Ang Filipino ay nakabatay sa mga wikang umiiral sa bansa

Malinaw na nakasaad sa konstitusyon na ang Filipino ay pagyayamanin at pauunlarin salig sa mga


umiiral na wika sa Pilipinas. Sa simula pa lamang ay taglay na ng wikang Filipino ang katangiang ito
sapagkat pinakanukleo nito ang Tagalog na isa sa mga katutubong wikang umiiral sa bansa. Sa
patuloy na paggamit ng wikang Filipino bilang wikang pambansa, nagsisilbi itong lingua franca o
wikang komon sa mga tagapagsalita ng iba’t ibang wika sa Pilipinas.
● Mga salitang pumasok sa talasalitaan ng Filipino bunga ng pang-arawaraw na paggamit nito ng
mga Pilipino sa buong bansa.

Pakbet – mula sa Ilokano; putahe ng iba’t ibang gulay na iginisa sa kamatis, kaunting tubig, at
bagoong. Payyo – mula sa mga wika ng Ifugaw; tumutukoy sa bukirin ng palay na iniukit na tíla
hagdan-hagdan paakyat sa bundok, mas kilala ito sa pangalang hagdanhagdang palayan.
Uswag – mula sa Sebwano, Hiligaynon, at Waray; nangangahulugang pagsulong tungo sa higit na
mahusay, higit na ganap, o higit na makabagong kalagayan.
Katarungan – mula sa terminong Hiligaynon, Sebwano, at Kapampangan na tarong na ibig
sabihin ay wastong pag-iral ng batas o pagbibigay ng karapatdapat na pasiya.

Ang Filipino ay buhay, dinamiko, at nagbabago

Sa patuloy na paggamit ng mamamayang Pilipino sa wikang Filipino, patuloy itong nagkakaroon ng


mga pagbabago. Hindi masamang bagay ang pagababago sa isang wika. Isa itong natural na
penomenon. Hindi buhay ang wika kung hindi ito gumagalaw o kumikilos kasabay ng pagkilos ng
mga taong gumagamit nito. Isang halimbawa na lamang ng mga pagbabagong naganap sa wikang
pambansa ay ang paghuhunos nito sa “Filipino” mula Filipino at Tagalog. Sapagkat hindi na lamang
batay sa Tagalog ang wikang pambansa, marapat nang tawagin itong “Filipino” na kung titingnan
ang kasalukuyang alpabeto at ortograpiya nito ay nagtatampok na ng mga representasyong letra at
karakter ng mga katutubong tunog.

Ang Filipino ay Moderno at Episyente

Moderno at episyente ang wika kung nakatutugon at nakasasabay ito sa pangangailangan ng


kasalukuyang panahon. Ang pagkakaroon ng modernisadong alpabeto ang nagpapakilala sa wikang
Filipino na kaya nitong tumugon sa hamon ng makabagong panahon.

Ang Filipino ay Intelektuwalisado

Intelektuwalisado ang isang wika kung ito ay nagagamit hindi lamang bilang wika ng tahanan, wika
ng lansangan, wika ng malikhaing panitikan, kundi bilang wika rin ng agham, teknolohiya, at iba pang
mataas na antas at sopistikadong lawak ng karunungan (Santiago, 1990).

Kung pagbabatayan ang historikal na pagtingin sa wikang pambansa, maituturing na nagsimula ang
intelektuwalisasyon ng wikang pambansa noon pang 1937 nang sinisimulan ang pagpili sa wikang
pambansa at maipalimbag ang unang balarila sa Tagalog. Nagkaron din noon ng Tagalog wordlist
ang SWP. Ang pagkakabuo rin ng mga diksiyonaryo ng SWP at LWP noon ay mga panimulang
gawain para sa intelektuwalisasyon ng wikang pambansa.

Iba pang tunguhin ng wikang Filipino

Batay sa Medyo Matagalang 2017–2020 ng Komisyon sa Wikang Filipino, hangarin ng institusyong


pangwika na ito at maituturing din na malaking hamon sa Filipino ang estandardisasyon at
armonisasyon para sa matagal nang nilulunggating maging sagisag ito ng diwang maugnayin hinggil
sa pangangalaga ng mga katutubong wika ng bansa.
Sa kasalukuyang kalagayan ng Filipino na sapagkat
malaganap na sa bansa ay ginagamit ng marami bilang
pangalawang wika, nagkakaroon ito ng iba’t ibang
varayti. Dahil dito, mas madali ang pagiging istandard sa
pasulat sa halip na sa pasalita.

Mga babasahin hinggil sa Intelektuwalisasyon ng


Filipino

1. Pambansang Wika at ang Isyu ng Intelektuwalisasyon


ni Dr. Jose Abueva (1992)

2. Intelektuwalismo at wika ni Renato Constantino 2015

3. Ang Gamit at Kahalagahan ng Wikang Filipino sa Pagtuturo ng Agham: Panayam kay Prop
Fortunato Sevilla III nina Wennielyn Fajilan at Reynele Bren Zafra

4. Agham sa wikang Filipino, bakit hindi? Ni Tomas U. Santos nasa The Varsitarian

Ang Filipino ay batay sa kultura

Maraming salita na hindi maisalin sapagkat wala silang katumbas sa ibang wika. Dahil sa ganitong
pagkakataon, napipilitang humiram ng salita mula sa ibang wika sapagkat hindi komon ang salita sa
kultura ng wikang patutunguhan.

Sa kontekstong Pilipino, makikita ang mga salitang kakabit ng kultura na pagpapahalaga sa pamilya
at kamag-anakan. Halimbawa, sa mga salitang may kinalaman sa mag-anak, hiniram natin ang mga
salitang “kuya,” “diko,” “sangko” bilang katawagan sa mga kapatid na lalaki; at “ate,” “ditse,”
“sanse” para naman sa mga kapatid na babae. Sa mga termino para sa mag-anak pa rin, mayroon
tayong “biyenan,” “manugang,” “bayaw,” “hipag,” “bilas” na ang katumbas lahat sa Ingles ay
“in-laws.”

YUNIT IV

Aralin 1 Kahulugan at Konsepto ng Kultura

Ang wika ay kadikit ng kultura. Hindi maihihiwalay ang Filipino bilang wika sa Pilipino bilang kultura.
Batay sa papel na isinulat ni Gaileo Zafra (2016) ang wika ay nasa lahat ng aspekto ng kultura.
Kumakatawan ito sa lahat ng anyo ng karunungan at konsepto ng kultura gaya ng produkto, praktika,
tao, pamayanan, at pananaw. Maging sa iba’t ibang larang tulad sosyolohiya, agham, sining, at
marami pang iba. Unawain ang dayagram sa kasunod na pahina.

Pigura 1.
Konsepto ng Kultura Kultura bilang atip ng karunungan Pilipino.

Mayroon dalawang uri ng kultura (Delmirin, 2012):

1. Materyal na kultura - uri ng kultura na tumutukoy sa mga bagay na nakikita at nahahawakang


pisikal. Nabibilang dito ang mga kasangkapan, kasuotan, kagamitan, bahay, at pagkain.

2. Di-materyal na kultura - uri ng kultura na tumutukoy sa paniniwala, kaugalian, panitikan, musika,


sayaw, relihiyon, pamahalaan, tradisyon, at katutubong karunungan ng isang grupo o indibidwal.
Wika ang may malaking bahagi sa usapin ng kultura. Wika ang nagbibigay ng katuturan sa lahat ng
konsepto na mayroon ang kultura.

Mula naman sa depinisyon ng kultura ni Patrick R. Moran sa kaniyang aklat na Teaching Culture:
Perspectives in Practice (2001), “Ang kultura ay isang patuloy na nagbabagong paraan ng
pamumuhay ng isang grupo ng mga tao o pamayanan, binubuo ng pinagsasaluhang mga praktika o
gawaing nakaugnay sa pinagsasaluhang mga produkto, batay sa pinagsasaluhang mga pananaw sa
mundo, at nakalugar sa tiyak na mga panlipunang konteksto” (Salin ni Galileo Zafra mula sa
kahulugan ng Kultura ni Patrick Moran).

Produkto. Tumutukoy ito sa lahat ng bagay na nilikha ng mga miyembro ng kultura, kasama na iyong
mula sa kapaligiran at iyong inangkin mula sa banyagang kultura. Saklaw nito ang mga
nahahawakang bagay tulad ng kagamitan, pananamit, gusali hanggang sa mas komplikado ngunit
dinaranas pa ring mga likha tulad ng iba’t ibang sining hanggang sa mga institusyon tulad ng pamilya,
edukasyon, ekonomiya, politika, at relihiyon. Produkto rin ng kultura ang wika.

Praktika. Mga ginagawa ng mga miyembro ng kultura nang mag-isa man o magkakasama. Kabilang
dito ang paggamit ng wika at iba pang anyo ng komunikasyon, mga gawaing iniuugnay sa mga
grupong panlipunan, at paggamit ng mga produkto Halimbawa: Pagmamano sa mga matatanda ay
bahagi ng kultura na karaniwang ginagawa pa rin ng mga Pilipino sa panahon ngayon. Bahagi ito ng
kultura ng mga lahat ng Pilipino na nagpapakita ng pagbibigay galang sa mga matatanda

Pananaw. Mga persepsiyon o pagtingin (kung ano ang nabubuong idea batay sa obserbasyon),
paniniwala (kung ano ang ipinapalagay na tama at mali), pagpapahalaga (kung ano ang ipinapalagay
na mabuti at masama), at saloobin na nagiging batayan ng paglikha ng mga produkto at gumagabay
sa mga tao at pamayanan sa paglikha at pagdanas nila ng kultura. Ang mga pananaw na ito ay
maaaring hayag o nakatago. Pinagmumulan din ang mga ito ng kahulugan at siyang nagbibigay ng
natatanging pagtingin o oryentasyon sa buhay—isang pananaw sa daigdig.

Pamayanan. Tumutukoy sa mga tiyak na panlipunang konteksto at grupo ng mga taong


nagsasagawa ng mga panlipunang gawain. Saklaw nito ang malalawak at pabago-bagong hugis na
mga pamayanan tulad ng bansa, kasarian, lahi, relihiyon, uri, henerasyon hanggang sa mas makikitid
na pagpapangkat gaya ng lokal na partidong politikal, samahan, pamilya. Ang mga pamayanang ito
ay sabayang umiiral sa loob ng isang pambansang kultura at may iba’t ibang ugnayan sa isa’t isa:
separasyon, kooperasyon, kolaborasyon, tunggalian.

Tao. Tumutukoy sa mga indibidwal na miyembro ng kultura at mga pamayanan. Nananahan ang
kultura sa mga indibidwal na tao at sa iba’t ibang panlipunang grupo o pamayanan para isagawa ang
kanilang pang-arawaraw na buhay. Ang kultura, kung gayon, ay kapuwa indibidwal at kolektibo. Ang
paglahok nila sa kultura ay hinuhugis ng iba’t iban salik gaya ng kasarian, edad, uri, lahi, etnisidad,
edukasyon, relihiyon.

Wika. Sa ganang una, ang wika ay kakabit na ng lahat ng idea at konseptong umiiral sa kultura at
tao. Bawat wika sa bansa ay may impresyon ng kanilang identidad o kultura. Mababakas sa
ginagamit na wika ang mayamang kasaysayan, panitikan, at kultura ng isang etnolingguwistikong
pangkat. Karaniwang sa paggamit ng wika mababakas ang lipunang kinabibilangan ng isang
indibidwal gaya ng paraan ng pagsasalita (punto at tono) at pagpapakahulugan sa mga salita.

Aralin 2 Pagdalumat sa Kulturang Popular

Laganap ang usapin ng kulturang popular sa bansa. Bahagi pa rin ng pagaaral ng kultura ang
kulturang popular bilang isang kritikal na pagsusuri sa nagbabagong kultura dulot ng globalisasyon at
neoliberalismo. Ang kasalukuyang karanasan natin sa lipunan bilang tagatangkilik ng mga produkto
at serbisyo ay bahagi ng sistemang nagpapabago sa takbo ng buhay tao.

Kultura at Kulturang Popular Masalimuot at masaklaw ang pag-aaral ng kultura sa bansa. Hindi
lamang limitado sa konsepto ng pista at iba pang nakaugaliang gawain ang idea ng kultura. Gaya ng
pagtalakay sa itaas hinggil sa usapin ng kultura, saklaw nito ang lahat ng aspekto ng lahat ng umiikot
na idea sa tao mula sa wika hanggang sa mga produkto, kilos, at pananaw indibidwal man o grupo.

Ang Katangian ng Kulturang Popular

Paano at kailan nga ba nagiging popular ang kulturang popular? Sa palasak na termino ng mga
milenyal, nagiging popular ang isang tao, bagay o pangyayari kapag ito ay viral at trending mas
kinakagat/pinapanood ito ng nakakaarami. Tunay na hindi maiiwasan ang kulturang popular. Habang
nasa mall, naglalakad sa parke, sa palengke, sa paaralan, sa simbahan, at kahit maging sa loob ng
tahanan. Maaaring maunawan ang katangian ng kulturang popular batay sa sumusunod:

1. Kulturang Popular ay nakaugat sa panitikan ng bansa

Sa kanluraning bansa partikular sa US, sa midya ipinapalagay na nagsimula ang konteksto ng pag-
aaral ng kultura. Midya ang higit na nakakaimpluwensiya sa gawi, at kilos ng tao (Devilles, 2015).

1. Kulturang popular bilang bahagi ng sosyolohiya

Ang pag-aaral ng kulturang popular ay maiuugnay rin sa larang sosyolohiya. Binibigyan diin nito ang
estruktura ng lipunan sa lente politikal puwersa bilang gahum. Para maging popular ang isang
kultura, kailangan nito ng plataporma para makilala ang isang bagay o gawi.

2. Kulturang popular bilang produkto ng midya

Ayon sa iskolar na si Rolando Tolentino, midya ang dahilan kung bakit nagiging popular ang
kulturang popular.
3. Ang kulturang popular bilang bahagi ng Araling Kultural

Bahagi ito ng Araling Kultural sapagkat saklaw nito ang lahat ng aspektong kinasasangkutan ng tao
na kabilang sa isang lipunan. Sa artikulo ni Gary Devilles, ipinaliwanag niya sa apat na bahagi ang
pag-aaral sa kulturang popular bilang bahagi ng Araling Kultural.

4. Kulturang popular bilang gahum (hegemony) at kontra-gahum (counterhegemony).

Sa Pilosopiyang Markista, maipapaliwanag ang kulturang popular bilang gahum na lumalaganap sa


lipunan. Tumutukoy ito sa dominanteng pananaw, idea, praktika, at produkto na itinatakda ng mga
naghaharing uri sa lipunan—na kalaunan ay tinatanggap na pamantayan sa lipunan.

Iba’t ibang anyo ng Kulturang Popular

Ang iba’t ibang anyo ng kulturang popular ay tutukuyin batay sa apat na eksena ng pag-aaral ni
Rolando Tolentino na Kulturang Popular, Imperyalistang Globalisasyon at Gawang Kulturang. Ang
mga anyong ito ng kulturang popular ay pamantayang nabuo dulot ng impluwensiya ng mga
naghahari at gitna uri sa lipunan.

1. Komodifikasyon ng Luho Bilang Pangangailangan.

Ipinakita sa bahaging ito na hindi na lamang basikong pangangailangan ang nais ng tao bilang
komoditi. Ipinaliwanag ni Tolentino na sa kulturang popular, itinuturing na ring komoditi ang luho. Ilan
sa mga ibinigay niyang halimbawa ay ang gadgets tulad ng cellphone (maaaring basahin ang artikulo
ni Rolando Tolentino upang malaman ang iba pang uri ng luho na komoditi na sa tao).

2. Politika ng Tunay, Politikal sa Tunay

Ang kulturang popular ay hindi lang materyal na konsepto na nasasalat. Maaaring ding maituring na
anyo ng kulturang popular ang politikal na aspekto. Ang paggamit ng retorika ay salik sa pagtangkilik
sa pananaw ng mga makakapangyarihan at naghaharing uri. Kalimitan ay gumagamit din ng dahas
upang puwersahang baguhin ang pananaw ng katunggaling ideolohiya.

3. Intelektuwal Bilang Ubod ng Gawaing Kultura.

Ito ang anyo ng kulturang popular na laban sa mga namamayaning kapangyarihan. Ayon kay
Tolentino, kung ang politika ay tumutukoy sa pamamalakad ng pamahalaan na nilalahukan ng palitan
ng pabor, ang politikal ay katawagan sa transformatibo tungo sa mas egalitaryong kaayusan
hanggang sa anti-estado. Maaring isipin ang kultura-kultural sa ganitong pagpapakahulugan: na ang
kultura ay tumutukoy sa ideolohiya at praktis ng namayaning kapangyarihan ng estado at negosyo,
at ang kultural ay ang transformatibong panlipunan.

4. Kultural Bilang Gawaing Politikal

Ayon kay Tolentino ang kultural na pananaw sa politikal na isyu at kaganapan bilang paraan ng
konsolidasyon ng muestra at pagkilos. Binigyan-diin din niya ang gawaing kultural bilang politikal sa
antas ng aktibismo. Tulad ng pagwewelga ng mga manggagawa, at iba pang grupong kultural at
politikal na nais ipaglaban ang kanilang karapatan at paantasin ang kamalayan ng masa; at imulat
ang lipunan sa realidad.

YUNIT V

Aralin 1 Si Dr. Rolando B. Tolentino (Bayograpiya)

Gentrifikasyon ng Divisioria at Shopping ni Dr. Rolando B. Tolentino

Isa sa sikat na pamilihang dinarayo sa Maynila ang Divisoria na mayroon naglalakihang mga mall
tulad ng 168 Shopping Mall, 999 Shopping Mall, Tutuban Commercial Center, 11/88 Mall, Divisoria
Mall, Lucky Chinatown Mall, at Dragon 8 Shopping Center kung saan ay bagsakan ng iba’t ibang
produkto.

Sa lugar din ito matatagpuan ang mga produkto nagmula sa Norte at Timog tulad ng mga gulay,
prutas at espesyalisadong tanim na bawang, sibuyas at maipagmamalaking niyog ng Bikol. Kilala rin
ang lugar na Divisoria sa mga negosyanteng nagtitinda ng mga halamang gamot mula sa bansang
Tsina na higit na mura ang halaga kapag binili. Sa pagpunta sa lugar na ito tunay na maraming
mapipili na magagamit sa mga tahanan, paaralan, ospital, industriya, simbahan at pamahalaan.

Ang sistema sa pagbebenta ng mga produkto dito ay ibinabagsak sa mga pangunahin mga bodega o
mga mayayamang negosyanteng Pilipino at Intsik ang mga kalakal at produkto na mula sa iba’t ibang
lugar – mapaloob man o labas ng bansa. Ikalawa ang paninda ay iaalok ng mas mura kumpara sa
ibang lugar upang mapagkakakitaan din ng ibang tao na ibebenta naman sa mga malalayong
rehiyon.

Fantasya sa Loob ng Mall

Halina sa Mall! Isa sa mga pangunahing libangan ng mga tao sa kasalukuyan panahon ang
pagpapalamig at pamimili sa loob nito. Bago pa man magkaroon ng mall sa Pilipinas ay mga kinilala
ng mga Teatro o sinehan sa bansa na nagsisilbing palamigan at panlibangan ng mga Pilipino. Ilan sa
mga puntahan noon ng mga Pilipino ang mga kinilalang teatro sa Maynila tulad ng Life Theater na
naitatag noong 1941 at nasa pagmamay-ari ng mga kilalang pamilyang Villonco buhat sa Malabon na
may malaking karanasan sa pamamalakad sa industriya ng teatro. Dinarayo ang teatro na ito dahil sa
mga pelikulang ipinalalabas at nagiging blockbusters sa takilya. Kilala rin ito dahil sa malawak nitong
espayo at sa de-airconditioned nitong loob na nagbibigay ng kaginhawahan sa mga manonood.
Samantala, noong 1953 naitatag din ang Globe Theater na katabi rin ng Life Theater na ngayon ay
ginawang tindahan na lamang ng mga gamit pang-elektroniko sa kahabaan ng Quezon Boulevard o
mas kilala sa tawag ngayon na “Raon”. Ang dalawang sinehan na ito ang ilan sa mga kinilala sa
buong bansa dahil sa mga de-kalibreng palabas ngunit ng nagsulputan ang mga naglalakihan mall sa
kaMaynilaan tulad ng SM, Robinsons, Ayala Malls, Glorietta, Starmall, Market-Market, Festival Mall at
kung ano-ano pang mall ay unti-unting nawala sa industiya ang dalawang teatro na pinilahan noon ng
mga Pilipino na nais maglibang at magpahinga.

Sa Pilipinas, naitayo ang unang mall noong 1972 na tinatawag na SM Carriedo na matatagpuan sa
Quiapo, Maynila. Ang unang Mall na ito ay nasa pagmamay-ari ng negosyateng Pilipino-Intsik na
kilala bilang si Henry Sy. Batay sa mga kuwento ang mall ay nagsimula lamang sa produktong
sapatos at mga damit na ibinebenta sa loob ng establisyemento na di naglaon kinilala sa buong ka-
Maynilaan ang mga produktong ibinebenta rito.

Taon 1976 naman naipatayo ang dalawang matagal ng mall sa Pilipinas na air-conditioned at
modernong shopping mall sa bansa – ito ang Harisson Plaza na matatagpuan sa Malate, Maynila at
Ali-Mall na matatagpuan sa Cubao, Quezon City. Ayon sa mga kwento ang mga malls na ito ay
dinudumog ng mga tao lalo na kapag kapaskuhan dahil sa mga magagara at imported na produktong
mabibili rito. Sa malls din ito unang nagkaroon ng mga sinehan, amusement park at mga carnivals na
lubos na nagpapaligaya sa mga karaniwang Pililipino na nagnanais ng panangdaliang aliw at
libangan sa buhay.

Ang mall, aminin man natin o hindi ay bahagi na ng ating kultura bilang mga Pilipino. Dahil sa mga
malls, binabago nito ang estado o kalagayan ng isang indibidwal sa panahon na siya ay naglilibang at
naguubos ng oras sa loob nito. Naitatago ng isang kapus-palad ang kaniyang sarili sa loob ng mall
dahil nakukulong nito ang tunay na kalagayan ng isang mamimili mula sa mababang uri papunta sa
tinatawag na gitnang-uri.

Samantala, bukod sa pagkakakulong ng isang tao sa kaniyang sarili sa loob ng mall ay may mga
pangyayaring nagaganap na diskriminasyon at mababang pagtingin sa mga tao sa loob nito.

Mapapansin sa loob ng mall na nagkakaroon ng dibisyon ang mga tao sa mga establisyementong
kanilang pinupuntahan. Magkakasama ang mga maliliit na kainan sa isang lugar na mas tinatawag na
“food court” para sa mga maller o mamili na nagnanais na murang pagkain samantala, kapag naman
mga mamahaling at may class na pagkain ang nais kainin ay mapapansin na ang mga restaurant ay
may sariling pwesto at kaaya-ayang espasyo’t tanawin. Makikita rin sa loob ng mall ang isang
malawak na animo’y tiangge gaya ng Department Store para sa mga gamit sa katawan tulad ng mga
damit at burloloy, para naman sa mga pagkain at groceries nariyan ang isang tila malawak na
pamilihan o palengke tulad ng Hypermaket. Nakatutuwa lamang na ang mga naglalakihang mga
espasyong ito sa mall ay nagbibigay ng mga serbisyong kaginhawahan sa katawan dahil sa malamig
nitong temperatura.

Ipinapakita rin ng mga malls ang matinding seguridad sa loob nito, mapapansin na bago pumasok sa
mall ang isang ordinaryong maller ay kakapkapan at itse-tsek muna ang katawan at ang ilang mga
personal na gamit nito (frisking) upang masigurado na ang papasok sa loob ng mall ay walang
gagawin na masama habang siya ay namimili o naglilibang dito. Sa isang banda, ang mga
mayayaman naman tulad ng mga artista, politiko, prominenteng tao, negosyante ay hindi
nakakaranas nito bagkus ay binibigyan pa ng seguridad na sila ay bantayan upang mapangalagaan
sa mga masasamang tao na posibleng nakapasok sa loob ng mall.

Ang mga ganitong pangyayari at fantasya sa loob ng mall ay maaring makita sa naging dalumat ni
Morales-Nuncio na Pagbabakod, Pagbubuklod at Pagbubuklod

3 Klasipikasyon ng Syudad ng Mall mula sa Pananaw ni Morales-Nuncio Pagbabakod,


Pagbubukod, at Pagbubuklod

Pagbabakod
➢ Neoliberal na aspekto ng mall.

➢ Saloobin ng mga konsumer sa mall.

➢ Pader ng mga malls na sumisimbolo sa uri ng pamumuhay.

➢ Pagkontro sa mentalidad ng konsumer gamit ang midya.

➢ Pantay na distribusyon para sa mayaman, burges, at mahirap.

Pagbubukod

➢ Bunga ng pagbabakod at pagbubukod.

➢ Ang mga espasyo sa industriya na pamilihan ay may politikal na isyu.

➢ Naiaayos ang pagbubukod bilang sentro nang pagkakapantay-pantay sa lipunan.

Pagbubuklod

➢ Ang kalalabasan ng pagsasama ng aspektong pagbabakod, pagbubukod at pagbubuklod ng


klasipikasyon ng tao sa lipunan.

➢ Sekswalidad na kayarian tungkol sa espasyo ng mall sa lipunang ginagalawan.

➢ Identidad ng mga konsumer na Pilipino hinggil sa globalisayon ng bansa.

➢ Maayos na kompetisyon ng consumer sa loob ng mall.

You might also like