Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pangalan: Pineda Justin Kyle L.

Petsa: October 28 2022


Taon at Seksiyon: BSC3C AAH 101b

Gawain 1
Sagutin ang sumusunod na mga tanong.
1. Bakit mahalaga ang wika, kasaysayan, at kultura sa paghiraya ng nasyon?
Ang wika, kasaysayan at kultura ay lubos na bahagi ng nasyon sa kadahilanang ang bawat
nasyon sa ibat ibang bansa ay mayroong magkakaibang tinataglay nito. Ayon kay Anderson ang
nasyon ay isa lamang imahinasyon ng tao kung saan ito isinilang o nagmula, Marahil ang
paghihiraya ng tao na kung san sila spesipikong ipinanganak ay nararapat nilang taglayin ang
nabuong wika, kultura at kasaysayan sa kanilang bansang sinilangan. Marahil na ito ay salungat
sa pananaw ni Anderson na nagsasabing marapat na ang bawat tao ay kaylangan lamang
magkaroon ng pantay pananaw. Nagiging mahalaga ang wika, kasaysayan at kultura dahil ito
ang nagsisilbing dugo na dumadaloy upang mabuhay ang isang nasyon na ginagalawan ng mga
tao. Kung wala ang mga ito maaring hindi matanaw na isang nasyon ang isang lugar o bansa.
Dito nagkakaroon ng pareho parehong kaunawaan ang mamayanan kaya at tumitindig ito bilang
isa.

2. Paanong nagbago ang iyong pagtingin sa mall bilang isang ideyal na espasyo pagkatapos
ng lektura sa klase?
Dito ay masasabi kong ang mall ay isang imahe ng mapanlinlang na kaginhawaan upang ang
bawat taong mangongonsumo ay magkaroon ng pagka akit na pumunta o mamili ditto. Sinasabi
sa lektura na ang mall ay dimo kakikitaan ng mga negatibong imahe, Gaya na lamang ng mga
produktong nasa loob nito karamihan ay nagmula sa ibang bansa o branded upang magkaroon
ng isang mapanlinlang na sistema. Nasasaad din dito na ang entrance ng mall ay mayroong
hindi nakikitang timbangan upang makapasok sa loob na ito. Ayon kay tolentino ang mall ay
mayroong malinis na kapaligiran, walang basura, may mga palamuti o halaman sa loob nito,
may flash ang toilet at mabango na nagtataglay ng positibong imahe. Ang bawat nakapaloob
dito ay plinano at hindi aksidenteng nangyari lamang. Kaya para sa akin ang mall ay isa lamang
simbolo ng mapanlinlang na kaginhawaan at ang tanging nakikinabang ng mas malaki nito ay
kung sino ang may ari at mayroong hindi pantay na sistema sa mga mang gagawa nito, Tulad na
lamang ng salitang kontraktwal kung saan ang bawat mang gagawa ay walang 13 month pay,
permanenteng trabaho, bonus at karagdagang benipisyo.

You might also like