Professional Documents
Culture Documents
Lesson Plan 4
Lesson Plan 4
Ika-limang Baitang
I. Layunin:
Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
a. Natutukoy ang mga hayop na maaaring alagaan gaya ng manok, pato,
itik,pugo o tilapia.
b. Masusunod ang wastong pangangalaga ng hayop.
c. Maipakita ang kahalagahan ng pag-aalaga ng hayop.
II. Paksang-Aralin
a. Paksa: Mga hayop na maaring alagaan gaya ng manok, pato, itik, pugo, at
tilapya
b. Sangunian: Curriculum Guide sa Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan 5, EPP5AG-0g-15
c. Kagamitan: Larawan, Visual aids, Powerpoint Presentation at Laptop
III. Pamamaraan
A. Pangunahing Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagstek ng liban
4. Pagtatakda ng mga tuntunin sa silid-aralan
1. PAgganyak na Gawain:
Panuto: Lagyan ng araw ( ) ang patlang kung ito ay hayop na maaring
alagaan at makapagkikitaan at bituin ( ) kung hindi.
1. Tilapia
2. Bayawak
3. Manok
4. Pugo
5. Itik
2. Balik Aral
Gabay sa Pagtatanong
1. Ano ang iyong natutunan sa nakaraang leksyon?
2. Mayroon pa bang mga tanong tungkol sa ating nakaraang leksyon?
Panuto: Isulat ang T kung Tama ang isinasaad na pahayag at M kung Mali. Gawin ito
sa iyong kuwaderno.
1. Ang maingat na pagpaplano ay kailangang gawin kung mag-aalaga ng
hayop upang lubos at tiyak na mapakinabangan.
2. Sa paggawa ng plano, mahalagang pag-ukulan ng pansin ang hayop na
aalagaan at uri, maging lugar, klima, at pakinabang na dulot nito.
3. Sa maliit at makipot na bakuran dapat alagaan ang manok.
4. Dapat isaalang- alang ang klase ng pagkain na ibibigay sa alagang manok.
5. Ang produktong galing sa manok ay puwedeng ibenta at ikonsumo ng
pamilya.
A. Panimulang Gawain
1. Pagganyak: Magpabasa ng tula tungkol sa “Ang Aking Maamong Manok”.
Gabay sa pagtatanong:
1. Anu ang pamagat ng tula?
2. Ilang saknong meron ang tula?
3. Anong hayop ang inaalagaan ang inaaagaan sa tula?Sino sa inyo ang
may manok?
4. Ano ang dulot ng pag-aalaga ng manok na nabanggit sa tula?
1. Pagsusuri
a. Anu-ano ang mga hayop na maaring alagaan?
b. Napagkakakitaan ba ang mga hayop na nabanggit sa aralin?
c. Madali lang ba itong alagaan?
d. Ano ang iyong kaalaman na nalaman tungkol sa pag-aalaga ng hayop na may
dalawang paa at pakpak o isda habang nakikinig sa ating aralin?
e. Bakit kaya may mga tao na gustong mag-alaga ng hayop?
f. Anu-ano ang mga pakinabang na makukuha ng pamilya sa pag-aalaga ng
hayop?
2. Paglalahat
a. Bakit mahalaga ang pag-aalaga ng hayop na may dalawang paa at pakpak o
isda?
b. Bilang isang mag-aaral ano ang iyong masasabi sa pag-aalaga ng mga hayop
na maaaring pagkakakitaan?
3. Paglalapat
Pangkatang Gawain Ang klase ay mahahati sa tatlong grupo. Bawat grupo ay
magtatalaga ng representante upang magpaliwanang sa harap ng mga kaklase. Pipili
ang bawat grupo ng isang larawan ng hayop na pwedeng alagaan at ipapaliwanag. (15
minuto)
IV. Ebalwasyon
Panuto: Tukuyin kung anong produkto ang maaring mapagkakakitaan sa pag-aalaga
ng hayop na may dalawang paa at pakpak o isda. Piliin ang angkop na sagot sa kahon.
Sagutan sa isang buong papel.
A. karne B. itlog C. Kanin
V. Takdang Aralin