TAGIS

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

TAGIS-TALINO 2022

1. Isang larong elektroniko na may interaksyon Video Game


2. Isang instrumentong ginagamit para makapag-text at makatawag Cellphone
3. Isang instrumentong ginagamit sa pagbabasa ng ebook Tablet
4. Isang software application na ginagamit para makabuo ng isang presentasyon na maaaring maglaman ng iba’t ibang
media Powerpoint
5. Kilala sa tawag na electronic mail, isa sa pinakamabilis na paraan ng paghahatid ng komunikasyon Email
6. Pinakatanyag at pinakamadalas na ginagamit na word processor Microsoft Word
7. COVID 19 - Corona Virus Disease 2019
8. Ano tawag sa mga maling impormasyon na ikinakalat sa social media - Fake News

9. computer -ay isang teknolohiyang nagbibigay sa atin ng maraming impormasyon.

10. pakikiisa at pagiging positibo sa gawain - ay isang magandang kaugaliang nararapat pahalagahan at
panatilihin ng bawat isa.
11. Bakit kailangan ang pagkamahinahon kapag may ginagawang proyekto ang iyong pangkat?
A. Upang maintindihan ang ideya ng bawat isa nang mapabilis ang ginagawang proyekto
B. Upang lalong mapatagal ang ginagawang proyekto
C. Upang bigyan ng malaking marka ng guro
D. Upang purihin ng guro
Ang internet ay naging malaking bahagi ng ating buhay. Nakatulong ito sa mga estudyanteng kagaya natin sa
paggawa ng mga gawain natin sa school o sa mga research. Nakapagpalawak ng bokabularyo sa mga estudyanteng
gumamit ng internet sa pamamagitan ng panunuod ng YouTube, paggamit ng mga search engines tulad ng Google.

ang internet ay nagpapadali ng pananaliksik natin sa mga bagong impormasyon para sa pag-aaral natin.

Ang paggamit ng internet ay isang mahusay na komunikasyon kahit saang lugar sa mundo. Ito ay mahusay ring
gamitin sa mga takdang-aralin na nakapagdagdag ng impormasyon.

Ang social media naman ay nagagamit sa pakikihalubilo sa lipunan at kapwa sa pamamagitan ng mga elektronikong
kasangkapan tulad ng computer, cellphone, tablet at iba pa na pwedeng ibahagi ang iyong mga ginagawa, mga
larawan, musika, mga aktibidad, mga gusto at ayaw, mga video at marami pang iba na pwede mong maisip.

Ang YouTube ay nagagamit nating instrumenting makapanood ng mga balita, napapanahong isyu at educational
videos na maaaring makatulong sa atin na magiging mulat sa pangyayari sa kasalukuyang lipunan.

Ayon sa Education 643 (2016), ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang
mabago ang takbo ng ating buhay. Matibay ang edukasyon kung ito ay pinagsamang katalinuhan at pag- unawa bunga
ng mga pormal na pag-aaral tungkol sa iba’t ibang asignaturang tinuturo sa atin ng mga guro at ng ating mga
magulang. Ito ay kailangan ng ating mga kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging sandata sa buhay para sa
kanilang kinabukasan.
Ayon sa kasabihan, “Ang tunay na anyaya, sinasamahan ng hila”. Kaya ang pagiging aktibo sa pakikilahok sa
mga gawain sa paaralan, paggawa ng takdang-aralin sa tamang oras, pag-aaral ng mga aralin, at paggamit ng mga
makabagong teknolohiya nang may kabuluhan sa pag-aaral ay magiging gabay upang maabot ang mithiin sa buhay.
Ang pagkakaisa ay makatarungang kilos. Bakit? Kasi, sa pakikiisa, ibinibigay mo sa kapuwa kung ano ang nararapat.
Kung kaya mahalaga ito sa pagtatapos ng anumang gawain. Patunay na may pagkakaisa sa pangkat ang pag-iral ng
pagtutulungan, pakikilahok at pagkukusa.
Ang pakikilahok o kooperasyon ay pahayag ng pagsuporta sa ikatatagumpay ng gawain.
Ang sumusunod ay mga katangian ng taong matapat:
1. Pagiging maunawain at matapat sa pakikipag-usap
2. Pag-iwas sa tsismis o kuwentong walang katotohanan
3. Paggalang sa usapang dapat tuparin
4. Pagtatago ng lihim na ipinagkatiwala ng iba
5. Pagbibigay ng puri na mula sa puso
6. Pagsasabi ng totoo, kahit nakasasakit, ngunit makatutulong upang magbago ang sinabihan.
Ang pagsasabi ng katotohanan anumang bunga nito ay nagpapakita ng katatagan ng loob upang labanan ang mga
hamon sa buhay at maituwid ang mga pagkakamali.
Malakas na pagyanig ng lupa na nagiging sanhi ng pagkasira ng mga bahay at gusali. Lindol
• Pagbagsak at pagbulusok ng malalaking bato at lupa dahil sa malakas na ulan. Landslides
• Malakas na hangin at ulan na nagdudulot ng malawakang pinsala. Bagyo
• Mataas na lebel ng tubig na dulot ng malakas at walang tigil na pag-ulan. Baha
• Labis na pagtaas ng tubig sa dagat na bumulusok sa kalupaan. Tsunami

Ang pagbibigay ng tulong sa panahon ng kalamidad ay mahalaga upang makapagligtas ng buhay.


Ang pagbibigay ng babala o impormasyon ay nakatutulong din para sa kaligtasan ng marami.
Ang pagmamalasakit sa kapuwa ay hindi dapat naghihintay ng kapalit dahil kusang-loob mong ginawa ito, at bukal
sa loob mo ang pag-aalay ng pagtulong sa iyong kapuwa. Sapagkat sa ginawa mong pagtulong, may kapalit itong
kabutihan at ito ay kinalugdan at kinatuwaan ka ng Diyos.
Isang pandemya na nararanasan ng buong mundo _______ COVID 19
Sila ang mga taong tumutulong o umaagapay sa mga taong may sakit o nagbibigay serbisyo sa panahon ng
pandemya_________ Frontliners
1.Ano ang tawag sa pandemyang nararanasan natin ngayon? COVID 19

2.Bakit kailangan nating sundin ang mga protocols ng gobyerno tungkol sa COVID-19? UPANG TAYONG LAHAT
AY MAMUHAY NG LIGTAS AT MATIWASAY
3.Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong upang maiwasan ang pandemyang COVID-19? SUNDIN ANG
MGA HEALTH PROTOCOLS
4.Paano mo maipapakita ang iyong pagmamalasakit sa kapuwa? WALANG HINIHILING KAPALIT KAPAG
TUMULONG
Ang Rehiyon ng Davao ay nagpatupad ng Enhanced Community Quarantine bilang pagsunod sa mandato ng
gobyerno upang maiwasan ang paglaganap ng sakit na COVID-19. Ipinagbabawal ang mga May edad ng 21 pababa
at 60 pataas na lumabas sa kanilang bahay.
Ang pagkakaibigan ay isang uri ng samahan na nabuo ng isang magandang samahan.
Copyright Law – BATAS NA HINDI PWEDENG ANGKININ ANG GAWA NG IBANG TAO.KAILANGAN
ANG PAGKIKILALA SA TAONG MAY AKDA NITO.
Cyberbullying – ITO AY ISANG MEDIA O TEKNOLOHIYA NA SINISIRAAN ANG KAPWA TAO.
Republic Act 10627 o Anti- Bullying Act of 2013 – batas tungkol sa pagsira ng kapwa o cyberbullying.

netiquette – ginagamit na mga salita sa online communication.


Ang pagiging bukas-palad ay pagbibigay ng kung ano ang mayroon ka nang bukal sa
kalooban.
Ang paggalang sa iba ay susi sa pagkakaroon ng maayos na pagsasama ng bawat isa. Ang paggalang sa ating
kapuwa ay maaaring maipakita sa maraming paraan tulad ng pagbibigay konsiderasyon sa pangangailangan sa oras,
lugar, at panahon ng iba, ang pakikinig sa taong nagsasalita at nagpapaliwanag ay nagpapakita rin ng paggalang.

Ang pagsasabi ng katotohanan ay nagpapakita ng iyong pagiging matapat. Ito ay sumasalamin sa iyong pagkatao
kung saan nakaakibat rin dito ang lakas ng loob upang tanggapin ang anumang magiging bunga ng iyong pag-amin sa
katotohanan.
Paano mo malalaman ang katotohanan?
A. pagtatanong sa kahit sino
B. pagsangguni sa taong kinauukulan
C. pakikinig sa sabi-sabi ng iba
D. pagbabasa ng fake news
Saan karaniwang nagmumula ang impormasyong nakakalap sa ating paligid?
A. Mula sa usap-usapan ng mga kapitbahay
B. Sa mga pang-araw-araw na nangyayari sa ating paligid
C. Sa balita, patalastas na nabasa o narinig, at sa telebisyon
D. Mula sa sinasabi ng matalik na kaibigan

Ang pagninilay ay ang pag-iisip ng mabuti kung ano ang mabuting gagawin sa isang bagay o sitwasyon. Tinatawag
itong pagmumuni-muni, pagkukuro-kuro, pagbubulay-bulay.

You might also like