Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

FIL 201

FILIPINO SA PILING LARANG AKADEMIK

Unang Mini-Task:
Pagsusuri ng Teksto

 Pambansang Wika at Isyu ng


Intelektuwalisasyon
 Ang Pagong at Ang Kalabaw

Ipinasa nina:

Derek Aites
Ronnie Apdian
Benedict Devibar
Nash Gaddi
Juan Peligrino
Samantha Tagab
Melissa Ua-o
Bjosch Verallo

Bilang ng Pangkat: 4

Ipinasa kay: Jasmin Sabellita


FIL 201
FILIPINO SA PILING LARANG AKADEMIK

Unang Mini-Task:
Pagsusuri ng Teksto 1
Pambansang Wika at Isyu ng Intelektuwalisasyon

INTRODUKSYON

Ang kwentong pinamagatang “Pambansang Wika at Isyu ng Intelektwalisasyon”


ay isang uri ng sulatin na nabibilang sa akda ng akademikong sulatin. Ito ay isang
sulatin na nagtutungkol sa pambansang wika at isyu ng intelektuwalisasyon, na
nagpapaloob ng kaalaman sa mga mambabasa tungkol sa isyu ng
intelektuwalisasyon.

KATAWAN

Ang kwentong pinamagatang “Pambansang Wika at Isyu ng Intelektwalisasyon”


ay isang Akademikong Sulatin dahil ang liham ay tungkol sa wikang pambansa at sa isyu
ng intelektwalisasyon, na may layuning ipaalam sa mga mambabasa ang tungkol sa
isyu. Ang laayunin ng tekstong ito na ipaalam sa mga mambabasa ang tungkol sa ating
pambansang wika at ang isyu ng intelektwalisasyon. Higit pa rito, ipinapaalam nito sa
mga mambabasa ang tungkol sa background ng paksa, tulad ng mga ugat nito at kung
paano ito tinalakay ng iba. Ang mga katangiang tinataglay ng teksto ay ang pagkaroon
ng malinaw na layunin, malinaw na pananaw, at may pokus. ito ay dahil malinaw na
tinukoy ng teksto kung ano ang gustong talakayin at pag-usapan ng artikulo.
Naglalahad din ito sa atin ng impormasyon tungkol sa mga isyung nauukol sa wikang
Filipino bilang midyum ng intelektwalisadong wika. Ang mga katangian ng teksto ay ang
pagkakaroon ng mga katangian ng pagiging maikli at malinaw. Nagbibigay din ito sa
atin ng impormasyon tungkol sa Unibersidad ng Pilipinas at kung paano ito
nakaimpluwensya sa paglikha ng "Sikolohiyang Pilipino," isang compilation ng mga
master's theses at disertations mula 1974 hanggang sa kasalukuyan. Naimpluwensyahan
nito ang mga manunulat na magsulat sa Filipino, na nagbigay-daan sa kanila na
makalaya mula sa mga dayuhang teorya at makabuo ng mga orihinal na ideya para
sa pagsusuri ng lipunang Pilipino.

KONGKLUSYON

Sa paguunawa sa sulatin na “Pambansang Wika at Isyu ng Intelektuwalisasyon”


ito ay isang impormatibong sulatin. Ito’y isang uri ng sulatin na nagkakapaloob ng
malinaw na layunin at pananaw sa isyu ng intelektuwalisasyon. Ang isyung
intelektuwalisasyon ay nagpapaloob na dapat bigyan diin ang pagpalawak sa
kaalaman at dapat ding tingnan ito sa aspekto ng kung paano mabubuo ang mga
ideya’t kaisipang higit na aakma sa ating realidad at pagkatao. Ito ang kalagayan ng
ating bansa sa kasalukuya. Ang pagtingin na ang paggamit ng sariling wika ay
nangangahulugang pagkakaroon ng mas mababang antas ng intelektuwalidad.
FIL 201
FILIPINO SA PILING LARANG AKADEMIK

Unang Mini-Task:
Pagsusuri ng Teksto 2
Ang Pagong at Ang Kalabaw

INTRODUKSYON

Ang kwentong pinamagatang “Ang Pagong at Ang Kalabaw” ay isang


kwentong nabibilang sa akdang pabula kung saan ang mga hayop ay ang mga
pangunahing tauhan. Ito ay isang malikhaing pagsulat na hindi gumagamit ng pormal
na pagsusulat. Ang isang tunggalian at resolusyon, na sinusundan ng isang kasabihan
na nagbibigay aral, ay isa sa mga katangian ng tekso.

KATAWAN

Bilang isang pabula, ang pangunahing layunin ng kwentong ito ay libangin ang
mga manonood at maihatid sa kanila ang isang mahalagang aral sa pamamagitan ng
diyalogo ng mga tauhan. Ang tungkulin ng tekstong ito ay iparating sa mga
mambabasa ang kahalagahan ng pagiging mapagkumbaba at huwag maging
mapanghusga. Ipinakita ito sa paraan ng isang kwento kung saan ang mga tauhan ay
hayop. Sa huli, maiintindihan ng mambabasa na walang mabuting mararating ang pag-
iisip ng masama. Sa mga katangian, ito ay malikhain dahil ito ay isang gawang piksyunal.
Ito rin ay wasto, may malinaw na pananaw, may pokus at lohikal ang organisasyon.
Makikita natin na walang mali sa bokubularyo na ginamit sa kwento ang angkop ito sa
teksto at sitwasyon. Malinaw ang pananaw at may pokus ito dahil ipinaliwanag din nito
ang dahilan sa bawat kilos ng mga tauhan. Katulad ng plano ni Pagong para maisahan
niya si Kalabaw. Malinaw din ang pokus dahil ipinakita ang karma sa huli sa
pamamagitan ng sakit na nararamdaman ni Kalabaw sa pagsipa niya kay Pagong ng
hindi pa rin siya natauhan. Panghuli, maayos ang organisasyon dito dahil magkasunod-
sunod ang mga pangyayari. Hindi nakakalito ang teksto dahil lahat ng pangungusap ay
magkaugnay.

KONGKLUSYON

Sa pangkalahatan, ang tekstong “Ang Pagong at ang Kalabaw” ay isang


magandang halimbawa ng isang Pabula. Una, kahit ito ay isang malikhain na sulat,
matagumpay pa rin itong ipinarating sa mga mambabasa na walang mabuting
maidudulot ang pagiging mapanghusga at ang hindi pagiging mapagkumbaba.
Ipinakita rin nito ang karma nang masaktan si Kalabaw nang hindi pa siya natauhan.
Wasto rin at maayos ang pagkasulat ang pabulang ito. Ito ay wasto, malinaw ang mga
layunin nito, at maayos ang organisasyon. Walang mali sa bokabularyo at makikita na
maayos ang pagpili ng salita ng may akda. Malinaw ang layunin dahil may malinaw ito
na layunin dahil ipinakita nila ang kahalagahan ng mga aral ng mabuti. Huli, maayos
ang organisasyon dahil madaling masubaybay ang mga pangyayari dahil tama ang
pagkakasunod-sunod ng mga pangungusap.

You might also like