Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

John ( Joshue ) - main actor. A son, a friend, and a lover.

He’s ambitious and


a very resilient person.

Supporting Actors:

Nanay ( Mikaella )- A very workaholic mom. An OFW- caregiver from


Dubai for almost ten years now.

Tatay ( Christian )- A doctor and a front liner for three years now. He’s been
a mother and a father to his son for almost ten years now. Though he is close
to his son, but there’s still a transparent boundary for the both of them.

Luke ( Kyle Cyrus ) - John’s childhood best friend. He’s been there to John
always. A listener, a one call away friend, and a partner’s in crime for almost
13 years.

Bea ( Desiree ) - A very mischievous person. A friend of John and Luke


since elementary days.

Kelsea ( Kath) - John’s girlfriend for almost three years. John’s other half,
best friend, sister, and mostly, his life for almost three years.

Rick ( Joseph ), Carl ( Janet ), & Bert ( Lia )- John’s classmate who’s
making fun of him. They are the campus crush who’s making John’s life
miserable.

Reporter ( Jersey )
AHON SA LUNOD

Scene 1
SCENE NG PARENTS AND JOHN
-Nagvivideo call si John and Nanay habang kakauwi lang ni Tatay galing sa
trabaho. Nasa hapagkainan sila nang biglang tumawag si Nanay.

[BGM ringtone]

TATAY
Oh anak, Kamusta na kayo ni Kelsea? Matagal tagal na rin kayo, ‘no?

TATAY
Oh, tumatawag yung Nanay mo sa’yo, hindi mo ba sasagutin?

*Sinagot ni John ang tawag ng kanyang Nanay na parang walang excitement


na nakikita sa kanyang mukha.*

JOHN
Uhm… yes ‘Nay? Napatawag po kayo?

NANAY
Kanina pa ‘ko tumatawag sa’yo ‘nak, bakit ‘di mo sinasagot?
Mangangamusta lang naman akodahil hindi mo sinend yung grades mo last
time. Kung hindi ako ang kakausap sa’yo ‘nak, hindi mo talaga ‘ko
kakausapin ‘no?

JOHN
Sorry po ma.. ‘nalimot ko lang naman po sa dami rin ng ginagawa ko sa
school.
NANAY
Pagsabihan mo ‘yang anak mo, ni hindi na nga niya ako kinakamusta dito.
Parang hindi mo na ‘ko namimiss anak. Hindi niyo alam ang sakripisyong
ginawa ko para sa’yo, para makapasok ka sa magagandang school at mabigay
ang mga kailangan mo. Halos magkandakuba na kami ng Tatay mo mabigay
lang yung kinabukasang gusto naming para sa’yo.

TATAY
Anak, hindi ka namin pinalaki ng Nanay mo para ganyan na lang ang iasal
mo sa amin. Ni hindi mo na kami kinakausap, puro pag se-cellphone na lang
inatupag mo. Isa pa ha? pagod ako galing ospital ‘nak puwede bang ‘wag mo
na pasakitin ang ulo ko?

*Nag dabog si John sa hapagkainan at tila napuno sa kanyang magulang.*

JOHN
Ano ba ‘yan, hindi talagang puwede kumain nang mapayapa dito sa bahay
‘no? Gusto ko lang naman kumain, Nay, Tay. Kaya ayaw kong sagutin yang
tawag mo e, puro na lang mga litanya niyo naririnig ko. Hindi naman ako
nagpapabaya ng pag-aaral e, pero hindi niyo naman nakikita efforts ko diba?
Kasi lagi kayong busy sa mga trabaho niyo.

TATAY
Alam mo naman kung bakit kami busy, ‘di ba? Para sa’yo rin naman yun.
Kung ganyan ka lang din naman sana hindi na naming ‘to lahat ginawa para
sa’yo!

NANAY
Wala kang kwentang anak, demonyo! Sana hindi ka na lamang naming
naging…
*Ibinaba ni John ang tawag nang kanyang nanay at umalis siya ng
hapagkainan dire-diretso sa kanyang kwarto na may bigat sa puso.*

[TRANSITION FROM BAHAY TO SCHOOL]


-From door ng kwarto ni John sa door ng classroom nila.
CLOSE UP YUNG CAMERA SA DOOR KNOB AND SA KAMAY
Open door sa kwarto ni John pero pag close ng door, classroom scene na.

Scene 2

JOHN
Sorry po sir, I’m late
CARL
Top student pero nalelate, ‘sus!

RICK
Pa’no puro paninipsip lang naman sa teacher alam niyan.

CARL, RICK & BERT


HAHAHAHA TOP SIPSIP

*dahandahan na inurong ni Bert ang upuan ni John, agad naman napansin ni


John ito at inayos ang kanyang upuan habang nakatingin ng masama sa
tatlo.*

BEA
Kayo nga sumisipsip pero hindi pa rin nagtatop, pa’no top bano kasi kayo

LUKE
Just stop guys, ‘wag mo na patulan yang mga yan. Don’t stoop down on their
level.
BERT
Mamaya kayong mga nerd sa’kin.

[BGM ring bells] CUT BLACK

*Nag-aabang si Luke, Rick and Bert habang kumakain mag-isa si John.


Pinuntahan nila si John. Si Rick ay napatigil habang nakikipagpicture sa mga
girls.*

Scene 3

BERT
Anong sinasabi ng best friend mo kanina, huh?

LUKE
Why so scared? Hindi ka naman naming gugulpuhin ulit dito, duh, daming
makakakita.

BERT
Look at those girls na gustong gusto kami makausap at makapicture, tingin
mo sisirain namin reputation naming just for you?

RICK
Oh, hi loser. Nice to see you again. Baka mamaya magsumbong ka na naman
sa girlfriend mo, e alam mo namang hindi ka rin papanigan no’n. Number 1
fan ko pa man din ‘yon.

*Nawalan ng gana kuumain si John kaya naman nagligpit na lamang siya ng


gamit at nagwalk-out, pero sinusundan siya ng tatlo.*
KELSEA
Babe, nandito ako!

JOHN
Akala ko sasabayan mo ‘ko kumain, hindi na nga ko sumama kela Luke e.
Andito ka la-

KELSEA
OMG Babe! Kasama mo si Rick! Oh hi Rick, naaalala mo ko ? pwede ba ko
mag papicture uli sayo? Ang gwapo mo talaga

RICK
Oo naman,bakit hindi? Ikaw pa ba, e malakas ka sa’kin

*Habang nagpipicture sila, bigla namang hinatak ni John si Kelsea.


Nagtawanan lang ang tatlo habang palayo si John at Kelsea.*

KELSEA
What are you doing John? Alam mo namang before pa lang naging tayo, avid
fan na ako ni Rick. So bakit mo’ko pinahiya around him?

JOHN
Babe, hindi ba ako yung pinapahiya mo around those bullies na walang
ginawa kung hindi magpaimpress sa girls, at kayo, sobrang naloloko ng tatlo
knowing na mga masasama silang tao

KELSEA
Mygod, you’re over reacting again. Ang OA mo naman John, kaya ka
naaasar e kasi hindi mo alam kung pa’no sumakay sa mga trip nila.
JOHN
Mag three years na tayo Kelsea, at sa mga taon na ‘yon inintindi mo ba’ko?
Puro ka lang naman Rick. Girlfriend kita kapag wala siya sa paligid,
sinusuportahan at pinapakinggan mo’ko ‘pag wala sa harap niya. Pero kapag
nandyan na siya, ano mo na lang ba ‘ko?

KELSEA
See? You’re overreacting again. So ano? Nagseselos ka? I get it, John. May
pinagdadaanan ka lalo na sa family mo but please ‘wag ka magspread ng
negativity, okay? And if that’s what you feel, e ‘di mag break na tayo!

JOHN
So ganon ganon na lang? Magwawalk out ka na lang?!

*Habang papalayo si Kelsea ay papalapit naman si Luke at Dave kay John na


siyang napanood ang lahat ng nangyari. *

BEA
Men, ba’t ganon umasal si Kelsea?

LUKE
Don’t let it slide, John. Baka mamaya tuluyan na talaga ni Kelsea ang
pakikipagbreak niya sa’’yo just because of Rick. Gusto mo ba sundan natin?

JOHN
Okay lang guys, hayaan na natin siya. Alam naman niya ang dami kong
problema ngayon at nagkasagutan kami ng mga parents ko, kaso wala e,
parang mas importante pa yung fan girling niya kaysa sa nararamdaman ko.
LUKE
If that’s the case, pahupain niyo muna yung galit niyo sa isa’t isa. In that way,
makakapag compromise rin kayo

BEA
Tara na ba guys? Let’s go to our class na?

LUKE
Mauna na kayo, I just need to meet someone

Scene 4
-Naghihintay sa labas ng gate si Luke nang bigla niyang Nakita ang tatlong
bullies.

LUKE
Rick, can we talk?

RICK
Wow, ang tapang mo ah? Why would I talk to a nerdy loser?

LUKE
Gusto ko lang makipag-usap ng masinsinan about sa girlfriend ng best friend
ko

CARL
Luh nangingielam sa girlfriend ng best friend niya oh

RICK
Bakit ano ba meron kay Kelsea?
LUKE
Pwede mo ba siyang layuan, please just give us peace? Wala naman kaming
ginawa sainyo para unti unting sirain relasyon nilang dalawa

CARL
Oh relasyon nilang dalawa… dalawa.. so ba’t nakikisawsaw ka?

LUKE
Cause I don’t want to see John hurting. Marami na siyang problema, ba’t baa
yaw niyo siyang tantanan?

RICK
E pa’no kung ayaw ko? I love watching you guys frustrated just because of
me

LUKE
Bakit ang babaw mo, Rick? I am asking you, please, just leave us alone.
Kahit ako na lang ang i-bully niyo palagi, ‘wag niyo lang galawin si John at
pansinin si Kelsea

RICK
Bakit ba ang kulit mo Luke? E ayaw ko nga di ‘ba?

LUKE
Dahil lang don kaya ayaw mo kami lubayan?

RICK
Not just because of that Luke

LUKE
So bakit nga?!
RICK
Because I like Kelsea too!

LUKE
What the heck?!

*Hinamon ni Luke ng suntok si Rick ngunit pinagtulungan siya ng tatlo*


Scene 5
-Binuksan ni John ang TV pagkauwi niya. Habang nakabukas ang TV ay
patuloy naman niyang cinocontact si Luke.

[BGM phone rings]


BEA
Have you talked to Luke? Wala pa rin daw siya sabi ng mom niya

JOHN
Hindi ko nga siya macontact e. Tintext and cinacall ko na siya kanina pa,
nung una nagriring pa kaso ngayon cannot be reached na

[BGM breaking news]

REPORTER
Isang binatilyong nagngangalang Luke de Los Reyes ang isinugod sa ospital
nang namataan siyang bulagta sa isang kalye sa Quezon City. Puno siya ng
pasa sa katawan, habang namamaga naman ang kanyang mukha. Dead on
arrival ang binatilyo habang hinahanap naman ang mga suspek

JOHN
Tama ba narinig ko, Luke de Los Reyes?

BEA
what the- I need to call tita
[BGM ring toot too: end call]
JOHN
Why Luke? Bakit pati ikaw iniwan mo ‘ko?

Scene 6

JOHN
Why should I hire you?

BERT
Because from the past years, I learned so many lessons. But one thing that
stuck in my mind was that respecting one another is priceless, thus, it does
not lessen you anything but it gives benefit to other people

JOHN
Well then, just wait for our HR to call you for your final interview

*Naghintay si Bert kay John sa labas ng office ni John*

JOHN
Why are you still here?

BERT
Nakikilala mo pa ba ‘ko?

JOHN
Of course. Kayo yung nagbigay ng impyerno sa buhay ko
BERT
I’m deeply sorry, hindi ko naman intensyon na gano’n ang mangyari sa inyo
ni Kelsea, at lalo na kay Lu-

JOHN
Please don’t say his name

BERT
I’m sorry. Ngayon na kakalaya ko lang, gusto ko itama lahat ng pagkakamali
ko. Sobrang successful mo na ‘no?

JOHN
Yes, hindi naman ‘tong yaman na ‘to para lang sa akin, ito yung pangarap
naming dalawa ng best friend ko. Kahit na wala na siya dito, tinupad ko pa
rin ang dream niya

BERT
Sorry, sorry talaga. Six years nang nakalipas
pero ngayon ko pa lang masasabi ‘to. Condolence, and I’m sorry. Nandoon
ako no’ng nangyari yo’n pero wala akong ginawa, natakot lang din ako e.
Maloko ako, pero I know my limit. That time, sa huling hininga niya,
kapakanan mo pa rin ang inisip niya. You’re lucky to have a best friend like
Luke

JOHN
I did not know what happened back then, pero ngayon na nalaman ko na, I
didn’t regret to put this building and this business just for him. Gano’n siguro
yung connection naming sa isa’t isa, palagi namin inuuna ang isa’t isa

BERT
You’re lucky to have that circle of friends

JOHN
I am lucky to had someone like Luke even just for a span of time

THE END

You might also like