Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Maging Masunurin bilang Anak ng Dios

Intro

Ang anak ay dapat sumunod sa magulang. At kung sino ang sinusunod mo yan ay patunay kung sino
talaga tatay mo. Kung sinusunod mo ang Dios patunay yan na ikaw ay tunay ng Anak ka ng Dios. Ibig
sabihin kasama ka na sa pamilya ng Dios. Kung ayaw mong sundin ang Dios ibig sabihin ang Diablo pa din
ang tatay mo.

Bakit kailangan sumunod sa Dios?

1. Binuhay ka ng Dios sa Espiritu. Eph. 2:1-2

Ang patay espiritwal ay di susunod sa Dios.

Eph 2:1-2 TAB 1 At kayo'y binuhay niya, nang kayo'y mga patay dahil sa inyong mga pagsalangsang at
mga kasalanan, 2 Na inyong nilakaran noong una ayon sa lakad ng sanglibutang ito, ayon sa pangulo ng
mga kapangyarihan ng hangin, ng espiritu na ngayon ay gumagawa sa mga anak ng pagsuway;

2. Bilang mga anak tutularan natin ang Dios . Eph 5:1-6

Eph 5:1-6 TAB 1 Kayo nga'y magsitulad sa Dios, na gaya ng mga anak na minamahal; 2 At magsilakad kayo
sa pagibig, gaya rin naman ng pagibig ni Cristo sa inyo, at ibinigay dahil sa atin ang kaniyang sarili, na
hain at handog sa Dios upang maging samyo ng masarap na amoy. 3 Nguni't ang pakikiapid, at ang lahat
ng karumihan, o kasakiman, ay huwag man lamang masambit sa inyo, gaya ng nararapat sa mga banal; 4
O ang karumihan man, o mga mangmang na pananalita, o ang mga pagbibiro, na di nangararapat: kundi
kayo'y magpasalamat. 5 Sapagka't talastas ninyong lubos, na sinomang mapakiapid, o mahalay, o
masakim, na isang mapagsamba sa mga diosdiosan, ay walang anomang mamanahin sa kaharian ni
Cristo at ng Dios. 6 Huwag kayong madaya ng sinoman ng mga salitang walang kabuluhan: sapagka't
dahil sa mga bagay na ito'y dumarating ang galit ng Dios sa mga anak ng pagsuway.

3. Mabuhay hindi sa kasalanan kundi sa kalooban ng Dios. 1 Pedro 4:1-2

1Pe 4:1-2 TAB 1 Kung paano ngang si Cristo ay nagbata sa laman, ay magsandata rin naman kayo ng
gayong pagiisip; sapagka't siya na nagbata sa laman ay nagpapatigil sa kasalanan; 2 Upang huwag na
kayong mangabuhay sa laman sa inyong nalalabing panahon sa mga masamang pita ng mga tao, kundi
sa kalooban ng Dios.
4. Binautismuhan sa kamatayan ni Kristo at mabubuhay sa panibagong buhay. Rom. 6:4

Rom 6:4 TAB Tayo nga'y nangalibing na kalakip niya sa pamamagitan ng bautismo sa kamatayan: na
kung paanong si Cristo ay nabuhay na maguli sa mga patay sa pamamagitan ng kaluwalhatian ng Ama,
ay gayon din naman tayo'y makalalakad sa panibagong buhay.

5. Ang tunay na Kristyano ay iaalay ang buhay sa Dios. Romans 12:1

Rom 12:1 TGLULB Kaya hinihikayat ko kayo, mga kapatid, alang-alang sa habag ng Diyos, na ialay ninyo
ang inyong mga katawan na isang buhay na alay, banal, katanggap-tanggap sa Diyos. Ito ang inyong
nararapat na paglilingkod.

May pagpapala sa sumusunod sa Dios.

Deuteronomy 11:27-28

Deu 11:27-28 TAB 27 Ang pagpapala, kung inyong didinggin ang mga utos ng Panginoon ninyong Dios, na
aking iniutos sa inyo sa araw na ito; 28 At ang sumpa, kung hindi ninyo didinggin ang mga utos ng
Panginoon ninyong Dios, kundi kayo lilihis sa daan na aking iniuutos sa inyo sa araw na ito, upang
sumunod sa ibang mga dios, na hindi ninyo nangakilala.

Merong gantimpala sa pagsunod sa Dios.

Revelation 22:12

Rev 22:12 TAB Narito, ako'y madaling pumaparito; at ang aking ganting-pala ay nasa akin, upang bigyan
ng kagantihan ang bawa't isa ayon sa kaniyang gawa.

You might also like