Mapeh 5 Quarterly Exam

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF OLONGAPO CITY
ILALIM ELEMENTARY SCHOOL
14th Macaraeg St., New Ilalim, Olongapo City, Zambales

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA


MAPEH 5

Pangalan: ________________________________________ Baitang: _________________ Petsa_______

MUSIC (MUSIKA)

Panuto: Piliin ang titik ng pinaka-wastong sagot. Isulat ang sagot bago ang bilang.

_____ 1. Ang dalawang eighth notes ay katumbas ng ilang bilang?


a. 1 b. 2 c. 3 d. 4

_____ 2. Ito ang humahati sa isang staff upang magkaroon ng mga measure.
a. lines b. spaces c. G – clef d. Barline

_____ 3. Ano ang gamit ng time signature sa isang musical piece?


a. ito ang gabay kung gaano ang lakas ng isang awitin.
b. ito ang gabay kung ilan lamang ang nota at pahinga na maaaring ilagay sa isang
bar.
c. ito ang gabay kung gaano kabilis ang isang tugtugin.
d. wala sa nabanggit.

_____ 4. Pag-aralan ang pagkakahati ng mga nota sa ibaba gamit ang barline.
Anong time signature ang dapat na nakalagay dito?

a. b. c. d.

_____ 5. Ilang half note ang maaaring ilagay sa isang bar may 4/4 time signature?
a. tatlo b. isa c. apat d. dalawa

_____ 6. Ang pambansang awit ng Pilipinas (Lupang Hinirang) ay may kumpas na_____
time signature.
a. b. c. d.

_____ 7. Alin sa mga sumusunod ang may wastong kahulugan ng mga simbolong rest
o pahinga sa isang musical piece?
a. ang rest o pahinga ay walang tunog.
b. tulad ng mga nota, ito rin ay may sariling bilang.
c. gumagamit ng simbolo upang matukoy ang rest o pahinga.
d. lahat ng nabanggit.
_____ 8. Alin sa mga sumusunod na awitin ang may 6/8 time signature?
a. IES Hymn b. Lilim (Victory Worship) c. Lupang Hinirang d. Paraluman

_____ 9. Alin sa mga sumusunod na grupo ng mga nota at pahinga ang may katumbas na
apat na bilang.

a. c.

b. d.

______ 10. Alin sa mga sumusunod na simbolo ang G-clef?

a. b. c. d.

______ 11. Saang bahagi ng staff makikita ang G clef?


a. Sa unahan ng staff b. sa huli ng staff c. sa itaas ng staff d. sa ibaba ng staff

______ 12. Kung pagsasamahin ang isang half note, isang quarter rest, at dalawang eight
note, ilang bilang ang katumbas nito?
a. tatlo b. anim c. dalawa d. apat

SAGUTIN ANG TANONG:


13. Bakit Hindi maaaring gamitin ang whole note sa 3 / 4 time signature?

______________________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________________.

ARTS (SINING)

_____ 14. Ito ay isang uri ng payak o simple na tahanang kinagisnan noon ng mga Pilipino.
a. Bungalow b. Bahay kubo c. Torogan d. Palasyo

_____ 15. Ito ay gawa sa kahoy at nakatayo sa malalaking poste. Makikita ito sa timog ng
Pilipinas tulad ng Marawi. Ang mga taong nakatira dito ay may pinakamataas na antas sa
lipunan tulad ng “Datu”.
a. Bungalow b. Bahay kubo c. Torogan d. Palasyo

_____ 16. Ang “Manunggul Jar at Calatagan Ritual Pot” ay ginamit ng ating mga ninuno
upang ilagay ang mga buto ng kanilang mga yumao. Alin sa mga sumusunod ang
paniniwala nila sa paggamit nito?
a. ginagamit ang banga sa ikalawang paglilibing patungo ang kaluluwa sa huli nitong
hantungan.
b. pinaniniwalaang ang mga namatay ay magbabalik muli.
c. ang kaluluwa ng mga yumao ay patuloy silang gagabayan sa araw-araw.
d. wala sa nabanggit.

_____ 17. Ito ang mga dahilan kung bakit mahalaga ang mahusay na pencil shading sa isang
iginuhit, maliban sa isa.
a. upang maging kaaya-aya sa paningin.
b. dahil sa pencil shading, makakabuo ng 3-dimensional na pigura.
c. ang pencil shading ay nagbibigay kulay sa iginuhit.
d. ito ay ginagamit upang makita ng husto ang totoong pigura.
_____ 18. Ito ay sinaunang kalakalan o palitan ng paninda na hindi ginagamitan ng pera o
salapi.
a. Barter system b. Barker system c. Barko system d. Bar system

_____ 19. Suriin ang mga larawan. Alin sa mga ito ang HINDI ginamitan ng crosshatching
technique?

a. b. c. d.

SAGUTIN ANG TANONG:


20. Ano ang mabuting dala ng Galleon trade o palitan ng kalakal na dala ng
mga kastila noong unang panahon?

________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

PHYSICAL EDUCATION (EDUKASYONG PANGKATAWAN)

_____ 21. Sa Philippine Physical Activity Pyramid,


saan nabibilang na bahagdan ang gawaing
paglilinis ng tahanan?
a. isang beses sa isang linggo
b. isang beses sa isang buwan
c. araw – araw
d. apat na beses sa isang linggo

_____ 22. Anong health related fitness ang nalilinang sa pagtakbo?


a. Flexibility b. Muscular endurance
c. cardio-vascular endurance d. lahat ng nabanggit

_____ 23. Ang larong patintero ay kilala rin sa tawag na ___________________.


a. tubigan sa ilalim ng buwan c. harang – harangan
b. maligo sa ilalim ng buwan d. tubigan sa ilalim ng tulay

_____ 24. Ginagawa ang zipper test upang malaman ang flexibility o lambot ng kalamnan ng
isang indibidwal. Ilan ang iskor kung magdikit lamang ang dulo ng mga daliri kapag ginawa
ito?
a. 2 b. 0 c. 1 d. 4

_____ 25. Sa larong badminton masasabing mahusay ang iyong eye – hand coordination
kung___________________.
a. naiilagan ang shuttlecock
b. naiiwasan ang shuttlecock
c. tinatamaan ang shuttlecock
d. nakokontrol ang raketa
_____ 26. Sa larong patintero, masasabing foul o taya ang kalaban kung _________________.
a. naabot o nakalabit ang buhok o dulo ng damit.
b. nakalabit bago pa makapasok sa kabilang kahon.
c. lumagpas sa linya sa gilid ng court.
d. lahat ng nabanggit.

______ 27. Ang sumusunod ay nagpapakita ng HINDI mahusay na pag-uugali sa larangan ng


sport maliban sa isa.
a. tumatanggap ng pagkatalo kahit naging mahirap ang mga naging ensayo.
b. nanggugulo sa laro upang makalamang sa kalaban.
c. sinisisi ang mga kakampi kung matalo sa laban.
d. niyayabangan ang iba dahil sa pagka-panalo sa laban.

_____ 28. Alin sa mga sumusnod ang nagpapakita ng HINDI magandang pisikal na
kasanayan?
a. paglilinis ng tahanan. c. pagsali sa mga laro
b. paglalakad o pagbibisikleta d. pagpupuyat dahil sa online games

______ 29. Sumakit ang katawan ni Ralph kinabukasan matapos siyang maglaro ng
badminton. Ano ang naging posibleng dahilan nito?
a. marami kinain na Chiken joy si Ralph.
b. wasto at kumpleto ang gamit niya sa paglalaro.
c. uminom siya ng sapat na tubig matapos maglaro.
d. dahil siya ay excited, nakaligtaan niyang mag warm-up at stretching bago maglaro.

_____ 30. Kayang-kayang buhatin ni Marlon ang isang timba ng tubig mula sa ibaba ng
gusali, paakyat sa ng kanilang silid-aralan nang walang hinto. Anong health related physical
fitness ang kanyang ipinakita?
a. Muscular Strength c. Muscular Endurance
b. Eye – hand Coordination d. reaction time

_____ 31. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng may mahusay na reaction
time?
a. masalo ang cellphone bago ito mahulog.
b. makatakbo ng mabilis papuntang paaralan.
c. maabot ang dulo ng pintuan.
d. wala sa nabanggit

_____ 32. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng wastong pag-uugali kung nagpapalaro si
Sir Lucas sa quadrangle ng school?
a. sumigaw-sigaw nang malakas.
b. lumibot-libot sa hanggang sa likod ng school.
c. mag-iyakan at magdrama-drama
d. sumunod sa lahat ng instruction ni Sir Lucas para hindi magalit si ser.

SAGUTIN ANG TANONG:


33. Kung ikaw ay hindi makasali sa mga laro sa paaralan dahil ikaw ay may
karamdaman, ano ang maaari mong gawin upang makatulong sa iyong mga kaklase
at guro?

_______________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________.
HEALTH (EDUKASYONG PANGKALUSUGAN)

_____ 34. Nakakaramdam ng lungkot si joel nung siya ay hindi nabilhan ng laruan. Ngunit
madali niya itong naunawaan matapos ipalaiwanag sa kanya ng kanyang ina. Anong aspeto
ng kalusugan ang ipinakita ni joel sa sitwasyon?
a. Kalusugang Pisikal c. kalusigang emosyonal
b. kalusugang mental d. kalusugang sosyal

_____ 35. Masusing pinag- iisipan ni luis ang kanyang mga i-uupload sa facebook bago niya
ito i-post. Ito ay nagpapakita ng isang taong may malusog na ______________.
a. damdamin b. pangangatawan c. isipan d. pakikipag-ugnayan

_____ 36. Ano ang pinaka-mainam na gawin kung nakikita mong hindi maganda ang
impluwensya ng ilan sa iyong mga kaibigan?
a. iiwasan ang sila kung alam mong hindi mo kayang kontrolin ang iyong sarili.
b. ipapakita at ituturo ang mga wastong pag-uugali kung alam mong kaya mong
sitwasyon.
c. magtatanong sa mga pinagkakatiwalaang mga tao tulad ng mga magulang at guro
tungkol sa ano ang nararapat na gawin.
d. lahat ng nabanggit.

_____ 37. Dapat pinipili ang magiging kaibigan.


a. Mali b. tama c. depende d. walang pakialam

_____ 38. Ang pang-aasar at pambubully ay magkaiba ng ibig sabihin. Alin sa sumusunod
ang nagsasaad ng bullying.
a. Ito ay nagdudulot ng hindi magandang pakiramdam sa isang tao.
b. Ito ay paulit -ulit na ginagawa.
c. nagdadala ito ng maraming perwisyo at problema.
d. lahat ng nabanggit.

_____ 39. Ano ang HINDI nararapat mong gawin kung makaranas ng pambubully mula sa
isang tao?
a. Sabihin sa magulang upang mabigyan agad ng aksyon.
b. gantihan ang nambubully.
c. huwag pansinin ang taong nambubully.
d. subukang kausapin at kaibiganin ang taong nambubully.

SAGUTIN ANG TANONG:


40. Nakita mong puro malalaswa at may pahiwatig na mga kabastusan ang
mga post sa facebook ng isa mong kaklase. Ano ang dapat mong gawin sa sitwasyon
na ito?

________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________

Inihandan ni:

Ralph Fael P. Lucas


Guro

You might also like