Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ARALING PANLIPUNAN 6

1ST SUMMATIVE TEST


2ND QUARTER

Pangalan: _____________________________________________ Iskor: __________

I. Tukuyin ang inilalarawan ng bawat pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa patlang.

______1. Ano ang ginamit na paraan ng mga Amerikano upang makuha ang tiwala ng mga Pilipino?
A. Makataong Asimilasyon
B. Pamahalaang Militar
C. Pamahalaang Sibil
D. Asamblea ng Pilipinas
______2. Ang uri ng pamahalaang itinatag upang mapigilan ang pag-aalsa ng mga Pilipino.
A. Pamahalaang Sibil
B. Pamahalaang Merritt
C. Pamahalaang Schurman
D. Pamahalaang Militar
______3. Maraming Pilipino ang lumahok sa pamahalaan sa ilalim ng pamahalaang sibil sa bisa ng patakarang ______________.
A. Pilipino Muna
B. Pilipinisasyon ng Pilipinas
C. Pilipinas ay para sa mga Pilipino
D. Makataong Asimilasyon
______4. Sino ang kauna-unahang gobernador militar ng Pilipinas sa ilalim ng Estados Unidos?
A. William H. Taft
B. Wesley Merritt
C. William Mckinley
D. Jacob Schurman
______5. Ang uri ng pamahalaan na ipinalit sa Pamahalaang Militar.
A. Pamahalaang Sibil
B. Pamahalaang Taft
C. Pamahalaang Militar
D. Pamahalaang Schurman
______6. Ano ang tawag sa ipinanukala ni Senador John Spooner noong 1901?
A. Susog John
B. Susog Spooner
C. Batas John
D. Batas Spooner
______7. Sino ang nagsilbing kumakatawan sa pangulo ng Estados Unidos sa pamahalaang militar?
A. Gobernador Sibil
B. Pangalawang Pangulo
C. Gobernador Militar
D. Pangulo
______8. Alin sa mga sumusunod ang ipinangako ng Pamahalang Sibil sa pamumuno ni Gobernador Taft?
A. Pagpapahalaga ng mga karapatang sibil at pagsasanay sa malayang pamamahala sa sarili.
B. Pagpaparami ng magsasaka
C. Pagpapadami ng sundalong Pilipino
D. Pagbibigay ng libreng pabahay
______9. Ito ay patakaran na ipinatupd ng mg Amerikano upang masupil ang diwang Makabayan ng mga Pilipino.
A. Pasipikasyon B. Kooptasyon C. Sedition Law ng 1901 D. Brigandage Act ng 1902
______10. Ito ay batas na nagbabawal sa mga Pilipino na magtayo o bumuo ng mg samahan at kilusang makabayan.
A. Reconcentration Act ng1903 C. Sedition Law ng 1901
B. Brigandage Act ng 1902 D. Flag Law of 1907

II, Panuto Piliin sa kahon ang tamang sagot.

Pasipikasyon William Howard Taft


Batas sa Watawat Reconcentration Act
11 taon Wesley Meritt
12taon Brigandage Act
________11. Ito ay batas na nagbabawal sa paggamit at paglabas ng lahat ng bandila.
________12. Ito ay batas na nagdala ng epidemya, at gutom sa maraming Pilipino dahil sa pwersahang pagpapatira sa mga Pilipino sa
mga kabahayan upang maputol ang tulong na pagkain at suporta sa mga gerilya..
________13 Ito ay bilang ng taon kung saan pinawalang bisa ang Batas sa watawat ng 1901.
________14. Siya ang itinalagang Gobernador Heneral ng Pamahalaan Sibil.
________15 Ito ay patakaran na may layunin na supilin ang damdaming nasyonlismo.

III. Enumeration
16-18 Mga Patakarang Kooptasyon
19-20 Mga pagbabagong Pangkabuhayan

You might also like