Bibliya o Batas

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

BIBLIYA O BATAS?

LAKANDIWA:
Isang maaliwas na araw sa inyo aming guro at sa ating mga madla
Ako ay nanggaling pa sa lugar ng mga marites o mga chismosa
Isang simpleng dalaga na ang ganda’y tila isang prinsesa
Ako pala si Binibining Cyra ang inyong lingkod na lakandiwa (bow)

Isang karangalan ang inyong ma-imbitahan sa ganitong balagtasan


Sa patimpalak na patalasan ng isipan at panay ang talakan
Itong ating mga kalahok ay tunay daw na magka-ibigan
Ngunit ngayon ay magkalaban sa ating tanghalan

Isang seryosong isyu and kanilang paglalabanan


Bibliya o batas? Alin ang dapat na paniwalaan?
Ang ating una sa pasiklaban, salubungin natin ng hiyawan na may kasamang palalpakan

BATAS:
Kaibigan o aking kaibigan ikaw atay nangangatog at pinagpapawisan
Kalma, di kaba makapag-antay maging talunan?
Ito na… ito na… at aking ng sisimulan

Bibliya o bibliya isang laos na paniniwala


Walang basehan sa mga bagay at puro lamang mga salita
Langit, lupa, impyerno ang puro paalala
Magiging mabait? Ngunit aabusuhin ka ng kapwa
Batas ay pinag-aralan, pinagugulan ng panahon at pinag isipan
Bago ipatupad sa ating mga mamamayan

Kayo’y gumising at buksan ang mga isipan


Binuhay tayo sa mundong ibabaw upang siyay pagsilbihan
Gawin ang kabutihan upang mapunta sa kanyang kaharian
Tanong ko lang sa iyo aking kaibigan, kung tayo ay tunay nga niyang mahal
Bakit may impyerno kung saan tayo ay magdurusa at mahihirapan ng walang katapusan?

BIBLIYA:
Ako’y kinikilabotan sa iyong mga salitang binanggit
Ang diyos mo bay na sa ilalim ng lupa o nasa taas ng langit?
nakasaad sa bibliya na ginawa ng diyos ang mundo sa loob ng pitong araw
Nakasulat sa makalumang mga libro at mga templo
Mga salita ng diyos at kanyang pagmamahal sa ating mga tao

Batas? Isang tunay na kahangalan!


Hindi pantay, mga mahihirap ay walang karapatan
Palaging nagwawagi ang mga taong mayayaman
Maraming tao ang uhaw sa hustisya sa ganyang kabulastugan

Pagbibigyan kita aking kaibigan, ito ang impyerno!


Lugar ng mga makasalanang taong tulad mo
Sarado ang iyong isipang nilamon na ng dilim ng mundo
Pagiging makabansa at demokratiko, walang utang na loob!
Magsimba ka muna at humingi ng tawad sa diyos!

LAKANDIWA:
Teka! Teka! Nag-iinit na ang labanan dito sa ating tanghalan
Parehong may punto at magagaling ang ating mga kalahok sa balagtasan
Aking mga madlang minamahal, isigaw ang inyong mga panig
Bibliya o batas? Isigaw nang kanilang marinig! (pa singgita ang audience)

Di ko na ito patatagalin pa, dahil alam kong gusto nyo pa


Kaya het na! batas o bibliya ay maglalaban na!
Ipagtanggol ang inyong panig, hinaing nyo’y iparinig
Ito!na Simulan na ang sunod na bahagi ng balagtasan!
BATAS:
Hangal na kung tatawagin mang tunay na hangal
Ngunit tila isang bulag ang taong naniniwala sa isang
Taong di kalianman nasilayan ng ating mga mata
Isang taong sinsamba ngunit di ito mahagilap

BIBLIYA:
Nakatawang isipin na ang mga taong dapat mulat sa realidad ay bulag
Hindi mulat sa mga problemang batas ang may pakana at gawa
Mga taong walang konsensya at awa sa kapwa nila
Mga politikong ginagawang negosyo ang batas

BATAS:
Yan ba? Yan ba ang itinuro saypoo ng bibliya?
Ang manghusga at magbigay hatol sa kapwang di mo kilala?
Nakasaad sa inyong libro ang mga maling gawaing kasalukuyan mong ginagawa
Yan ba ang epekto? O sadyang nakikisabay ka lng sa uso ngunit di ka nagbabasa?>

BIBLIYA:
Hinay-hinay sa pagsasalita aking kaibigan
Di mo ata alam na baka ang batas iyong kinakampihan
Ang wala sa tama at binibilog ang iyong munting isipan
Kung ikaw ang magiging pangulo kawawa ang bansa at mamamayan

LAKANDIWA:
Taman na! sumasakit na ang aking ulo sa inyong talakan
Lubos niyo kaming pinahihirapan kung sino ang magwawagi sa tanghalan
Ito ay hindi ko lamang hatol, kundi ito ay hatol ng lahat ng madla

Idadaan natin ang pagpili ng kampyonato sa balagtasan


Sa pamamagitan ng sigawan at palakpakan
Tingnan ang aking kamay at pumalakpak sa kung sinong sa tingin nyo
ang matalino at may punto!
Ito kaya ay ang panig ng batas!!
O ito ay aping ng bibiliya??
Kitang-kita at klarongklaro kung sino nag nanalo
Isang maligayang pagbati sa ating reyna/hari ng balagtasan ___________

Ako muli si Binibining Cyra ang inyong lakandiwa


Nag iiwan ng katagang “pag nasa katwiran, ipaglaban mo!”
Magandang araw at marami pong Salamat…

You might also like