Filipino: Unang Markahan - Linggo 2 Akdang Pampanitikan NG Mindanao

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

7 FILIPINO

Unang Markahan - Linggo 2


AKDANG PAMPANITIKAN ng MINDANAO

1
FILIPINO 7
UNANG MARKAHAN-SANAYANG PAPEL blg. 1.2
PAHAYAG sa PAGBIBIGAY ng mga PATUNAY

Mahalagang Paalala:

Gamitin ang sanayang papel nang may pag-iingat.


Huwag sulatan ng kahit anong marka ang bawat bahagi nito.
Gumamit ng sariling sagutang papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang
bawat pagsasanay. Pagkatapos mong sagutin lahat ang mga
pagsasanay, ibalik ito sa iyong guro o tagapagdaloy kalakip ang
iyong sagutang papel.

I Paksa:
Pahayag sa Pagbibigay ng mga Patunay

II MELC at KOWD:

✓ Nagagamit nang wasto ang mga pahayag sa


pagbibigay ng mga patunay F7WG-Ia-b-1

III Alamin Natin:

Ang talaga, sadya, totoo, tunay nga, at iba pang kauri nito ay
mga pahayag/salitang nagbibigay patunay. Karaniwang ang mga ito ay
sinasamahan ng ebidensiya o batayan. Maaaring gamitin ang mga
katagang gaya, kahit pa, sapagkat, kasi, dahil at iba pa.

Mga halimbawa:
1. Tunay ngang nakalulungkot ang mag-isa gaya ng
naranasan ni Ina nang ang kaniyang mga anak ay umalis na
sa kaniyang piling.
2. Talagang nakababahala ang lagay ni Ina kahit pa
makalabas siya ng osptial ngayon sapagkat matanda na
siya.
2
3. Sadyang hindi maipinta ang lungkot sa mukha ni Ina sapagkat
tila nakalimutan na siya ng kaniyang mga anak.
4. Totoong dapat nating pahalagahan ang ating magulang dahil
sila ang nagbibigay-buhay sa atin.

Sa pagbibigay ng patunay, karaniwang pinaikli na lamang ang


sagot. Pinatutunayan na lamang ang pahayag, kaya hindi na inuulit ang
sinasabi ng kausap. Gaya nito:

Nakawiwili ang aklat na ito.


A, totoo iyan.
Talaga.
Tunay nga.

IV Mga Gawain

Gawain 1: Piliin sa pangungusap ang ginamit na pahayag/salita na


nagbibigay-patunay. Isulat sa sagutang papel.

1. Tunay ngang nakababahala ang kasalukuyang sitwasyon


ng pandemya dulot ng COVID-19.
2. Talagang ang laki ng pagbabago sa sistema ng edukasyon
ngayon.
3. Sadyang nakatatakot ang walang tigil na paglaganap ng
virus.
4. Totoong dapat na ipagmalaki ang kabayanihang ipinakikita
ng mga frontliners kontra COVID-19.
5. Karapat-dapat na paghandaan ang bawat araw na lumilipas
sapagkat hindi na ito maibabalik muli.

Gawain 2
Kapanayamin ang ilang frontliners (maaaring opisyal ng
barangay, BHW o tanod) sa inyong lugar tungkol sa mga paraan at
health protocols upang maiwasan ang paglaganap ng bagong variant
ng COVID-19. Pagkatapos ay sumulat ng pangungusap na
nagsasalaysay tungkol dito. Gumamit ng mga pahayag/salita na
nagbibigay-patunay. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

Talagang 1. _____________________________________________.
Tunay 2. _____________________________________________.
3
Sadyang 3. ___________________________________________.
Karapat-dapat
4. ____________________________________________.
Totoong 5. ____________________________________________.

V Magagawa Mo!
Gumamit ng mga pahayag/salita na nagbibigay-patunay sa paglalahad
ng iyong sagot sa tanong sa ibaba. Isulat sa scroll ang iyong sagot.
Gayahin ang kasunod na pormat sa sagutang papel.

Bakit mahalaga ang paggamit ng mga


pahayag/salita na nagbibigay-patunay
sa pagsasalaysay o paglalahad ng
impormasyon?

Pamantayan sa pagmamarka:
✓ Wasto at angkop ang pahayag
✓ Kalinisan sa pagsulat

VI Sanggunian
Panitikang Rehiyonal 7, Kagamitan ng Mag-aaral, Modyul 1,
ph. 20-22

You might also like