Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 17

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikapitong Baitang

Unang Markahan – Modyul 1: Inaasahang Kilos at Kakayahan sa Panahon ng


Pagdadalaga o Pagbibinata
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda
ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig


Komite sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat : Jonnavie Marie P. Moreno


Editor : Vivien F. Vinluan, Jay-ar S. Montecer
Tagasuri : Perlita M. Ignacio,RGC, PhD, Josephine Z. Macawile
Tagaguhit : Rema A. Domingo
Tagalapat : Raneth A. Yago (Technical)

Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin


OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Education Program Supervisors
Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)
Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Edukasyon sa
Pagpapakatao
7
Unang Markahan
Modyul 1 para sa Sariling Pagkatuto
Inaasahan Kilos at Kakayahan sa
Panahon ng Pagdadalaga o Pagbibinata
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 7 ng Modyul


para sa araling Inaasahan Kilos at Kakayahan sa Panahon ng Pagdadalaga o
Pagbibinata!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa Dibisyon ng Pasig City na pinamumunuan ni Ma. Evalou Concepcion A.
Agustin, OIC Schools Division Superintendent at sa pakikipag ugnayan sa Lokal na
Pamahalaan ng Pasig sa pamumuno ng butihing Alkalde na si Hon. Victor Ma. Regis
N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang modyul na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo lalong lalo na ang 5 Cs (Communication, Collaboration,
Creativity, Critical Thinking and Character) habang isinasaalang-alang ang kanilang
mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 7 ng Modyul
1 para sa araling Inaasahang Kilos at Kakayahan sa Panahon ng Pagdadalaga o
Pagbibinata.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang Modyul.
PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.
BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga
na unang paksa.
ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito.

MGA PAGSASANAY
Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na dapat sagutan
ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na
dapat bigyan halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay, nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Sa modyul na ito ay tatalakayin ang:

1. Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan (more mature


relations) sa mga kasing edad (Pakikipagkaibigan)
2. Pagtanggap ng papel o gampanin sa lipunan

Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang:

A. nailalahad ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili;


B. naiuugnay ang sariling karanasan batay sa paksa; at
C. nakabubuo ng mga hakbangin sa pagpapaunlad sa sarili at wastong
pakikipag-ugnayan sa kapwa
PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Basahin at unawain mabuti ang mga tanong. Piliin ang wastong sagot sa
mga pagpipilian.

1. Alin sa mga sumusunod ang inaasahang kilos ng isang nagdadalaga o


nagbibinata?
a. Naging malinis sa katawan at paligid
b. Nagkakaroon ng maayos na ugnayan sa iba.
c. Nagkakaroon ng pagbabago sa katawan at pag-uugali
d. Lahat ng nabanggit

2. Bakit kailangan maunawaan ng isang bata ang pagbabagong nagaganap sa


kaniyang sarili?
a. Hindi mabigla sa pagbabagong nagaganap.
b. Malaman ang gagawin sa ibat’ ibang bagay.
c. Sabihin ito sa kaibigan na nakakaranas din nito.
d. Maguluhan sa mga pagbabagong nagaganap sa sarili.

3. “Ang pagdadalaga o pagbibinata ay isang yugto ng buhay na kailangan


maranasan ng isang tao.” Ang pahayag na ito ay nangangahulugang
a. Ito ay swerte na kailangan matamo ng isang tao.
b. Ito ay hamon sa buhay na kailangan malampasan.
c. Ito ay pagtahak sa susunod na kabanata ng iyong buhay.
d. Ito ay indikasyon ng pag-unlad ng iyong sariling pisikal na anyo, pag-iisip
at pakikitungo.

4. Alin sa mga pagbabagong nagaganap sa pakikitungo sa pamilya ang


kailangan maranasan ng isang kabataan?
a. Pagtaas ng tangkad
b. Pagiging malinis sa katawan
c. Pumipili ng bagong kakaibiganin at sasabihan ng saloobin.
d. Maramdamang may halaga sa mundo at may nakikinig sakanya.

5. Sa paanong paraan mapapaunlad ng isang kabataan ang kaniyang sarili?


a. Pagkakaroon ng maayos na kaibigan.
b. Pagkakaroon ng maayos na pag-iisip.
c. Pagkakaroon ng responsibilidad at gawain.
d. Pagkakaroon ng respeto sa ibang kasarian.
BALIK-ARAL

Naalala mo pa ba ang iyong huling aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao


noong ikaw ay nasa ikaanim na baitang pa lamang?
Gawain: Hulaan mo!
Panuto: Tingnan ng maayos ang mga larawan, suriin ang pagkapare-parehong
ipinapahayag na mensahe at may mabubuo kang isang salita.

https://www.google.com/search

Sagot:
Tinalakay ninyo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kapayapaan sa sarili
(inner peace). Dagdag pa, tinalakay rin ninyo ang pagpapaunlad ng pagkatao batay
sa aspekto ng ispiritwal. Ang mga paunang kaalaman mo tungkol sa inyong pinag-
aralan ay magagamit upang mapalalim ang pag-unawa sa paksang tatalakayin at
maiuugnay mo ito sa kasalukuyang nagaganap ma pagbabago saiyong sarili.
ARALIN

Inaasahang Kilos at Kakayahan sa Panahon ng Pagdadalaga o


Pagbibinata

Tingnan ang sarili, ikaw ba ay may napansing pagbabago sa iyo? “Ikaw ba ay


masipag na sa mga gawaing bahay simula noong natuto kang gawin ang mga ito?”
“Naging malinis ka na ba sa iyong sarili simula noong ikaw ay turuan ng iyong
magulang at kaibigan? “Pumipili ka na rin ba ng iyong magiging kaibigan at
sinasabihan ng iyong saloobin?” Minsan naman ay naguguluhan ka ba sa mga
bagay-bagay na nagbabago sa iyo? At minsan ay may mga bagay kang di lubos na
maunawaan na nangangailangan ng sagot. Ang mga iyan ay mabibigyang linaw sa
modyul na ito.
Narito ang ilan sa mga pagbabagong naganap o nagaganap saiyo. Mahalaga
na masagot mo ito batay sa iyong karanasan. Pansinin at suriin ang mga larawan at
ilahad ang pagkakaiba ng mga ito.

NOON NGAYON

https://www.google.com/search

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

NOON NGAYON

https://www.google.com/search

____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Maraming pagbabago ang napansin at napapansin mo sa iyong sarili batay


na rin sa ilang halimbawa katulad ng nasa larawan. Maraming pagbabago ang
nangyayari na rin sa iyo katulad ng kung paano ka nakikitungo sa iyong magulang,
kapatid, kaibigan at sa ibang tao. Kailangan mong masuri ang mga bagay na
nagbabago sa iyo upang lubos mong maunawaan ito.
Sa ganitong yugto ng buhay, ikaw ay nakararanas na ng tinatawag na
adolescent stage.

Gawain
Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang mga pagbabagong nararanasan sa sarili
kaugnay ng mga inilahad na larawan.

Mga Pagbabagong Nararanasan

Nagdadalaga/ Nagbibinata
Hal. Madalang na ang paglalaro sa labas

Ang mga inilahad mong pagbabago ay ilan sa mga halimbawa ng nararanasan sa


pagpasok sa yugto ng adolescent stage.

Adolescent Stage
Ito ay ang pagbabagong nagaganap sa panahon, edad at pisikal na kaanyuan
mula sa batang gulang. Ito ay yugto sa buhay na kailangan maranasan upang
maging handa ng maging ganap na dalaga o binata ang isang bata.

https://www.google.com/search

Ano ang mga pagbabagong nagaganap sa iyo sa paraan ng pakikitungo mo sa


iyong sarili, kapatid, magulang, kaibigan, at sa ibang tao?
Tingnan at unawain ang grapikong ito upang mabilis na maunawaan ang
pagbabagong nagaganap sa paraan ng iyong pakikitungo.
Pakikipag-ugnayan sa Iba

https://www.google.com/search

Narito ang ilan sa mga pagbabagong naganap o nagaganap sa iyong sarili na


kailangan mong malaman;
Gawain
Panuto: Sagutan ang Checklist, lagyan ng tsek ang mga pagbabagong nararanasan
batay sa aspekto ng pakikipag-ugnayan sa iba.

Pagbabagong Nararanasan Nararanasan Di-Nararanasan

1. Mayroon ng isang kaibigan sinasabihan ng


problema.

2. Nagiging mahilig sa isang bagay at nagiging


paboritong gawain ito.
3. Nauunawaan ang ibang gawain, nais at hilig ng
ibang kasarian.

4. Nagiging tahimik sa loob ng tahanan at


nauubos ang oras sa paggamit ng cellphone.

5. Nagkakaroon ng paghanga sa ibang kasarian.

MGA PAGSASANAY

Gawain 1: Pagtukoy sa mga Palatandaan ng Pagbabago sa Sarili


Panuto: Piliin at isulat sa patlang ang salitang dapat o di-dapat ayon sa mga
palatandaan ng pagbabago sa sarili na nararanasan ng nagdadalaga at nagbibinata.

_______________ 1. Nakakagawa ng mga pagpapaplano at pangarap para sa


hinaaharap.

_______________ 2. Nagagalit kapag nararamdaman ang labis na paghigpit ng


magulang
_______________ 3. Nagkakaroon ng maraming kaibigan at nababawasan ang
pagiging labis na malapit sa iisang kaibigan sa katulad ng
kasarian.
_______________ 4. Hindi nagbibigay ng respeto sa ibang kasarian at kaibigan.
_______________ 5. Magtatanim ng sama ng loob sa magulang kapag nagkakaroon
ng hindi pagkakaunawaan.
_______________ 6. Pinauunlad ang sarili at ang mga bagay na nais batay sa gusto,
hilig at interes.
_______________ 7. Inaalagaan ang sarili at pinapaunlad lalo na ang pag-aaral.
_______________ 8. Mahihiya na maghayag ng saloobin at ideya tungkol sa mga
bagay-bagay.
_______________ 9. Pipiliin ang kakaibiganin at sasabihan ng problema upang di
maligaw ng landas.
_______________ 10. Patuloy na maglaro sa labas at huwag sundin ang mga
sinasabi ng magulang o pamilya.

Gawain 2: Pag-uugnay ng mga Pagbabagong Nagaganap sa Sarili batay sa


Karanasan
Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod na pahayag ng hindi bababa sa dalawang
pangungusap. (2 puntos bawat tanong)
1. Bakit mahalaga na malaman mo ang mga pagbabagong nagaganap sa iyong
sarili?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
2. Sa paanong paraan mo mapapaunlad ang iyong sarili batay sa aspekto ng
pagpili ng kaibigan?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
3. Bakit kailangan pa rin ng patnubay ng magulang sa yugtong ito ng isang
kabataan?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
4. Bakit mahalaga na makilala ang sarili at pansariling nais at interes sa
panahon na pagdadalaga o pagbibinata?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
5. Ano ang kahalagahan ng pagtanggap ng responsibilidad para saiyong sarili?
Ipaliwanag.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Gawain 3

Panuto: Punan ang patlang ng bawat tanong. Piliin ang wastong sagot mula
sa kahon.

1. Ang pagdadalaga o pagbibinata ay isang na kailangan


maranasan ng isang tao.
2. Ang sa pagbabagong nagaganap sa sarili ang unang
hakbang upang mapaunlad ito.
3. Ang sa sarili ay mahalaga upang hindi masaktan at
makaranas ng hindi magandang pangyayari.
4. Natututo ng pumili ng ang isang nagdadalaga o
nagbibinata.
5. Ang labis na ng nararamdaman ay makakadulot ng
negatibong pag-iisip at ugnayan sa pamilya.

Yugto Pagtanggap Pagsisikreto


Pag-iingat kaibigan Pamilya

PAGLALAHAT

Pangalagaan
at unawain
ang
nagbabago
saiyong sarili.
Unti-unting Pumili ng
napapaunlad ang maayos na
paraan ng
pakikitungo sa kakaibigan at
kapwa at sa iba sasabihan ng
pang karanasan. saloobin.

Inaasahan
Kakayahan ng
isang Kabataan

Huwag
Nararanasan ng
mahihiyang
isang bata ang
magtanong at
yugto ng adolescent
magsabi ng iyong
stage upang ganap
saloobin saiyong
na maging na
mga magulang o
dalaga o binata.
pamilya.
Huwag mabibigla
sa mga
pagbabagong
nagaganap at
napapansin sa
sarili bagkus
ayusin at
pagyamanin ito.
PAGPAPAHALAGA

Panuto: Punan at isulat ang mga paunang hakbang na gagawin upang mapaunlad
ang mga pagbabagong nararanasan sa sarili.

Dear Diary,
Narito ang mga gagawin kong hakbang upang mapaunlad ang sarili
at ang pagbabagong nararanasan ko…

▪ ____________________________________________________
▪ ____________________________________________________
▪ ____________________________________________________
▪ ____________________________________________________
▪ ____________________________________________________

Ang mga paunang hakbang na isinulat mo ay makatutulong upang mapalago


at mapaunlad ang sarili sa ibat’ibang bagay.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahin ng mabuti ang mga tanong at isulat sa patalang ang T kung ang
pangungusap ay tama at M kung ang pangungusap ay mali.

__________1. Ang lahat ng tao ay nakakaranas ng tinatawag na pagbabago sa sarili


mula sa batang gulang o "Adolescent Stage".

__________2. Walang mga palantandaan na nangyayari sa pagbabagong nagaganap


sa sarili.

__________3. Ang isang bata ay nagiging maingat na sa kaniyang sarili habang


nakakaranas ng pagbabago sa kaniyang katawan.
__________4. Hindi naihahayag ng isang bata ang kaniyang saloobin at problema
dahil sa hiya.

__________5. Unti-unting natuto ang bata na kumilatis ng tao upang maging


kaibigan.

__________6. Hindi nagkakaroon ng lakas ng loob na magbigay ng kaniyang saloobin


o ideya ang isang nagdadalaga o nagbibinata.

__________7. Nagkakaroon na ng interes sa ibang kasarian ang isang


nagdadalaga/nagbibinata.

__________8. Hindi kailangan maging handa ang isang bata sa pagbabagong


magaganap sa kaniyang sarili sapagkat dadaan lang ito sa kaniyang
buhay.

__________9. Nagkakaroon na ng responsibilidad sa mga bagay-bagay ang isang bata


sa yugtong ito.

_________10. Hindi na basta nakikipag-away at nagsasabi ng hindi kaaya-aya sa


kaibigan at kapatid.

II. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong nang di bababa sa dalawang
pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa patlang sa ibaba ng bawat tanong.

1. Bakit pumipili ka na ng iyong mga kakaibiganin at sinasabihan mo ng iyong


saloobin? Ilahad.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Bakit kailangan maging handa at tanggapin ang pagbabagong nagaganap sa
sarili?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Sa paanong paraan maipapakita ng pagbibigay ng galang sa ibang kasarian?
Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
SUSI SA PAGWAWASTO

o talata)
II. (Sariling sagot

10. Di-Dapat 10.Tama


9. Dapat 9. Tama
B 5. 8. Di-Dapat 8. Mali
7. Dapat 5. Pagsisikreto
A 4. 6. Dapat 4. Kaibigan 7. Tama
5. Di-Dapat 3. Pag-iingat 6. Mali
C 3. 5. Tama
4. Di-Dapat 2. Pagtanggap
C 2. 3. Dapat 1. Yugto 4. Tama
2. Di-Dapat Gawain 3 3. Tama
D 1. 1. Dapat (Sariling sagot o talata) 2. Mali
Pagsubok Gawain 2 Gawain 1 1. Tama
Paunang I.
Pagsasanay
Gawain
Panapos na

Sanggunian
Matienzo, Marynole. “Modyul 1. Mga Angkop at Inaasahang Kakayahan at Kilos Sa Panahon
Ng p...,” July 3, 2016. https://www.slideshare.net/MarynoleMatienzo/modyul-1-mga-
angkop-at-inaasahang-kakayahan-at-kilos-sa-panahon-ng-pagdadalaga-pagbibinata.
https://www.google.com/search?q=dove+peace+symbol&tbm=isch&hl=en&chips=q:dove+p
eace+symbol,g_1:clipart:zDabxjE-
Lo8%3D&hl=en&ved=2ahUKEwjqxe3d0vfpAhUKAaYKHRLzDR0Q4lYoAHoECAEQFQ&biw=1903
&bih=898#imgrc=Sr1IT1c2nHfIsM

https://www.google.com/search?q=peace+sign+hand&tbm=isch&ved=2ahUKEwjQhbCP0_f
pAhUZAKYKHRFmC_EQ2-
cCegQIABAA&oq=+peace+sign&gs_lcp=CgNpbWcQARgCMgUIABCxAzICCAAyAggAMgIIADICCAA
yAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADoHCAAQsQMQQzoECAAQQzoGCAAQBxAeULacB1is3QdgtPEHa
ABwAHgAgAFkiAG_CJIBBDEyLjGYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZw&sclient=img&ei=1wfhXpC
-LpmAmAWRzK2IDw &bih=898&biw=1903&hl=en&hl=en#imgrc=gksxJRdsT4TqhM
https://www.google.com/search?q=playing+basketball+clipart&tbm=isch&ved=2ahUKEwid
ve-dgdfpAhXuxYsBHfLcCe8Q2-
cCegQIABAA&oq=playing+basketball+clipart&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyAggAMgIIADICCAAy
AggAMgIIADICCAAyAggAMgYIABAFEB4yBggAEAUQHjoECAAQQ1DfGFimImClJWgAcAB4AIABX4g
BtwWSAQE4mAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWc&sclient=img&ei=AuvPXp20Mu6Lr7wP8rmn-
A4&bih=947&biw=1903&hl=en&hl=en#imgrc=QAKcwIv5QSAXGM

You might also like