Draft (Kabanata 2)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang pag-aaral ng kasaysayan ng mga wikang pambansa ay isa sa mga paraan upang

mapabuti ang kaalaman ng mga mag-aaral sa mga wikang pambansa. Sinasabing ang paggamit
ng wika bilang paraan ng pakikipag talastasan sa Pilipinasat bilang parte ng sistema ng
edukasyon ay dapat pagyamanin at paunlarin habang tumatagal ang panahon. Karamihan sa
mga mag-aaral ay hindi interesado sa pag-unlad o kahit na pinagmulan ng Tagalog. Dapat
baguhin ng mga mag-aaral ang kaisipang ito at dapat silang maging bukas at matiyaga sa pag-
aaral ng kasaysayan ng wikang pambansa dahil ito ang magiging pundasyon ng kanilang pag-
aaral, trabaho at pagiging Pilipino.
“Magandang pag-igihin at palakasin ang pagtuturo nito sa elementary at high school at
pag-isipan mabuti ang curriculum na ipapaloob kung isasabatas ang pagtuturo nito sa kolehiyo.
Ito ay upang hindi maging paulit ulit, bagkos ay mapalakas at mapaigting ang pagmamahal natin
sa ating wika at panitikan,” (Escudero 2018)
Sa pahayag ni Ki (2018), isang manunulat ng PhilNews, mahalagang pag-aralan ang
kasaysayan ng wika upang maunawaan at malaman kung saan ito nagsimula, ano ang
pinagmulan nito, at bakit ito umiiral. Ang isang dahilan ay upang malaman ang tungkol sa mga
pinagmumulan ng kaalaman, ideya at impormasyong nauugnay sa mga wikang ginagamit
ngayon.
Ang paggamit ng wika sa pakikipag talastasan ay dapat tuloy-tuloy at dapat pang mas
paunlarin sa pagtagal ng panahon bilang batayhan ng iba pang wikang ginagamit sa pilipinas
batay sa (Art. XIV, Sec. 6) ng Philippine constitution.
Ayon kay Lillian Margaret Viñas (2020), isang manunulat sa De La Salle Lipa Lavoxa
Publications Group, angkop lamang na pahalagahan ang kasaysayan wikang Filipino at wastong
paggamit ng mga salita higit sa sistema ng edukasyon na humuhubog sa mga estudyante. Ang
paglinang tungkol sa kasaysayan ng wikang Filipino ay isang kontribusyon upang mapahaba ang
umiikling oras ng wika.
Nakasaad sa Artikulo XIV, Seksyon 7 ng Philippine Constitution na ang pakikipag usap,
pagbibigay utos o instruksyon ay dapat nakasaad sa Filipino at iyan lamang maliban na lang
kung inatas ng gobyerno na gumamit ng ingles. Ang paggamit ng rehiyunal na wika ay nag
sisilbing pansuporta lamang sa pambansang wika.

REFERENCES:
Purificacion, M. (2021, July 1). Removal of Filipino subject in college unconstitutional -
senators. Journal Online. Retrieved December 13, 2022, from
https://journal.com.ph/removal-filipino-subject-college-unconstitutional-senators/
Ki. (2021, February 19). Kasaysayan ng wika – bakit mahalaga ang kasaysayan ng Wika?
Philippine News. Retrieved December 13, 2022, from
https://philnews.ph/2021/02/19/kasaysayan-ng-wika-bakit-mahalaga-ang-kasaysayan-ng-
wika/#google_vignette
Villmora, J. (n.d.). Impact of access to land on food security and poverty: The case of philippine
agrarian reform[11] - e.a. guardian. Retrieved December 3, 2022, from
https://www.fao.org/3/j0415t/j0415t08.htm
Ang Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas, 1987: GOVPH. Official Gazette of the Republic of
the Philippines. (n.d.). Retrieved December 13, 2022, from
https://www.officialgazette.gov.ph/constitutions/ang-konstitusyon-ng-republika-ng-
pilipinas-1987/

You might also like