Rizal Assessment 5

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Unit 4 Lesson 5

Ang buhay ng ating Pambansang Bayani

Ang buhay ni Dr. Jose Rizal, ang ating pambansang bayani ay mahalagang ating

malaman at aralin. Matatalakay at napag-aralan sa leksiyon 5 ang naging buhay at kasaysayan ni

Rizal. Ipinanganak si Rizal ng may karangyaan sa buhay. Ika-pitong anak siya nina Francisco

Rizal Mercado at Teodora Alonso Realondo, mayroon silang dalawang lalaki at siyam na

babaeng anak. Noong kabataan ng kanyang Ama na si Francisco, lumipat sila sa Calamba at

doon siya natutong magsaka ng tubo at bigas para sa mga Dominikong Prayle. Kinalaunan sila

ay naging isa sa mga mayayamang pamilya sa Calamba. Gayundin ang kaniyang Ina na

nanggaling sa isang mayamang pamilya.

Noong kabataan ni Rizal ang kanyang Ina na si Teodora ang may pinakamalaking

impluwensiya sakanya. Siya ang naging unang guro ni Rizal, itinuro sakanya ang kahalagahan

ng pagsisikap, pagtitiwala sa sarili at pagtratrabaho. Maaga rin siyang namulat at

naimpuwensiyahan tungkol sa pagiging aktibista. Isa din inspirasyon at impluwensiya kay Rizal

ang kaniyang kapatid na si Paciano. Siya ang naatasan na gumabay sa pag-aaral ni Rizal, dinala

niya sa Biñan si Rizal at pinag-aral sa Ateneo Municipal at Universidad de Sto. Tomas ngunit

naisipan ni Rizal na magtungo sa Espanya at duon ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral.

Nakakamangha ang dedikasyon ni Rizal sa pag-aaral na dapat isinasabuhay ng mga

kabataan ngayon. Ilan lamang sa mga larangang tinapos ni Rizal ay ang Medisina, Agham,

Sining, Pilosopiya at ophthalmology. Bihasa din siya ibang wika gaya ng Espanyol, Ingles,

Latin, at Pranses. Marami din siyang napuntahang bansa noong patungo siya sa Espanya at

ginamit niya ang pagkakataong ito upang mas lumawak pa ang kaniyang kaalaman. Sa
pamamagitan ng kaniyang paglalakbay ay mas natuto siya sa sistema ng pulitika na nangyayari

sa Pilipinas. Ginamit niya ang kaniyang talino sa paglaban sa mga dayuhang nanakop sa ating

bansa. Hindi siya gumamit ng dahas bagkus panulat, tinta at papel ang ginamit niyang

kasangkapan upang labanan ang mga mapang-aping at mapang-abusong mga Espanyol. Ilan sa

mga kilalang akda ni Rizal ay ang “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo”. Makikita din sa

aralin 5 ang kasaysayan ng mga ninuno ni Rizal at kung paano nabuo ang kaniyang pangalan na

José Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda. Bilang Pilipino ipinagmamalaki ko ang tapang,

talino, husay at makabayan ng ating Pambansang Bayani.

You might also like