Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Group 4

PAGPUPULONG SA BARANGAY

PUNONG BARANGAY JAMAICA


KALIHIM ANDREA
KAGAWAD YASMIN
JONALYN
MARY ROSE
MARK ENDY
KEN CALVIN
MARK LEO

Punong Barangay (Jamaica): Upang pormal na simulan ang ating pagpupulong, lahat tayo ay magsitayo at
magdasal sa pangunguna ni Kagawad Yasmin Rose Toso.

Kagawad (Yasmin):
Sa ngalan ng ama, anak at espirito santo,
Panginoon Maraming Salamat po dahil matagumpay kaming nakadalo sa pagpupulong na ito. Nawa'y maging
matagumpay rin at maayos ang aming pulong. Sana gabayan at bigyan niyo po kami ng karunungan para
makapag- isip ng mabuting paraan para masulosyunan ang agenda ng pulong na ito. Ito lamang ang samu't
na dalangin namin, sa pangalan ni Hesus, Amen.

Punong Barangay (Jamaica): Maari na po kayong umupo. Bb. Andrea, paki- lista na po ang lahat ng dumalo
sa pagpupulong na ito. Sumagot po kayo kapag natawag ang pangalan ninyo.

Kalihim (Andrea): *roll call* ("Naririto po!")


Ang mga dumalo ay sina:
Bb. Yasmin Rose Toso, Bb. Jamaica Puzon, Bb. Jonalyn Ompad, Bb. Mary Rose Daño, G. Mark Endy
Gasta, G. Mark Leo Hida, G. Ken Calvin Arong at Bb. Andrea Quinte

Kalihim (Andrea): Ngayon ay opisyal nang magsisimula ang ating Pagpupulong sa oras na 2:00 ng hapon.

Punong Barangay (Jamaica): Ang pagpupulong na ito ay tungkol sa opinyon at mungkahi ng bawat isa ukol
sa paghahanap ng panggagalingan ng pondo sa ating nalalapit na pista ng Lapu-Lapu. Kung sino man sainyo
ang may maiimungkahi ay maari ng magtaas ng kamay para sa indibidwal na pagsasalita.

*Nagtaas ng kamay sina Bb. Jonalyn, Bb. Andrea at G. Mark Endy*


Kagawad (Mark Endy): Minumungkahi ko po na tayo ay magsagawa ng Solicitation upang makibahagi ang
mga mamamayan ng Lapu-Lapu sa pagtatayo ng pondo para sa nalalapit na pista.

Punong Barangay (Jamaica): Maraming Salamat Kagawad Mark Endy.

Kagawad (Jonalyn): Maari po tayong magsagawa ng Fun Run upang makibahagi ang lahat sa pagtatayo ng
badget sabay na rin mag-enjoy at makapag exercise. Napapanahon itong gawain kaya tiyak na maraming
kabataan ang sasali.

Punong Barangay (Jamaica): Maraming Salamat Kagawad Jonalyn.

Kalihim (Andrea): Kapitan, maaari rin po ba akong mag mungkahi ng aking suhetsyon?

Punong Barangay (Jamaica): Maari.

Kalihim (Andrea): Tutal patok naman sa kabataan ang fun run, maari natin ito lagyan ng twist at gawing
Chroma o Colored Fun Run. Maraming maaudyok na sumali sapagkat hindi lang mapupuno ng iba't ibang
kulay ang paligid kundi pati na rin ang mga tumatakbo.
Punong Barangay (Jamaica): Maraming Salamat Bb. Andrea.

Kagawad (Yasmin): Maaari rin po tayong mag tayo ng Garage Sale at Sari- Sari store kung saan lahat ng
benta ay mapupunta sa pondo ng ating barangay.

Kagawad (Mary Rose): Maaari rin tayo mag tayo ng food stalls kung saan maraming pagpipilian ang lahat na
pwedeng kainin. Mahilig ang lahat sa pagkain kaya pwede natin ito itayo tuwing hapon kung saan maraming
tao sa plaza.

Punong Barangay (Jamaica): Maraming Salamat Kagawad Yasmin at Kagawad Mary Rose. May iba pa
bang suhestyon? Yun na ba ang lahat?

Kagawad (Jonalyn): Kapitan sa tingin ko po ay wala nang ibang suhestyon. Iminumungkahi ko po na isarado
ang pagbibigay ng suhestyon.

Punong Barangay (Jamaica): Sa limang suhestyon na inyong ibinigay kung saan magkakaroon tayo ng
solicitation, magsasagawa ng fun run o colored fun run, mag tayo ng garage sale at sari sari store, at mag
lagay ng food stalls, tayo po ay magkakaroon ng botohan upang mapag desisyonan kung ano ang ating
pipiliin.

Kagawad (Mark Leo): Sumasang-ayon po ako sa Chroma o Colored Fun Run sapagkat mukhang mas
makakaakit ito hindi lang sa mga kabataan kundi pati na rin sa mga matatanda. Tiyak na mae-engganyo ang
karamihan na sumali.

Kagawad (Ken Calvin): Ako naman ay sumasang-ayon sa pagpapatayo ng iba't ibang food stalls dahil
mukhang mas mahilig ang masa sa kainan at street foods. Tiyak na papatok rin ito.

Punong Barangay (Jamaica): Dahil jan, ang pinal na pagbobotohan ay ang pagsasagawa ng Colored Fun
Run at pagpapatayo ng iba't ibang food stalls. Hindi ko na isinali ang pagsasagawa ng garage sale at sari-sari
store sapagkat maari lamang itong mahulog sa pagbebenta sa mga food stalls. Paki taas ang kamay sa mga
sumasang-ayon sa Colored Fun Run.

*Raise hand: Mark Leo, Ken Calvin, at Jonalyn*

Punong Barangay (Jamaica): May tatlong boto para sa Colored Fun Run paki taas naman ang kamay sa
sumasang-ayon sa pagpapatayo ng iba't ibang food stalls.

*Raise hand: Mark Endy, Yasmin, at Andrea*

Punong Barangay (Jamaica): May tatlong boto rin para sa Food Stalls. Dahil nagkaroon ng parehas na
bilang ang mga boto ng pagpipilian, ako nalang ang pipili kung ano ang ating dapat gawin. Ang aking napili
upang maging tayuan ng pondo para sa Araw ng Lapu-Lapu ay ang Colored Fun Run dahil nakikita ko na ito
ang uso at maisasagawa natin ito sa isang araw na parang kasiyahan. Karamihan rin sa ating barangay ay
mga kabataan at madalas kong napapansin na nagsasama-sama sila sa malalaking pangkat. Tiyak na mae-
engganyo silang sumali at mauudyok natin ang masa na maging aktibo sa pangangalaga ng kanilang
kalusugan sabay na rin sila'y matutuwa sa pagtakbo kasama ang kanilang mga mahal sa buhay o mga
kaibigan kalakip ng iba't ibang kulay.

Kalihim (Andrea): Dahil sa boto ng ating Kapitan, ang napiling mungkahi ay ang pagsasagawa ng Fun Run.
Magkano ang magiging Registration Fee para dito?

Kagawad (Yasmin): Kailangan natin magpa print ng magkakatulad na t- shirt para sa simbolo at maari na rin
maging souvenir ng Fun Run na ito kaya inimumungkahi ko na maging Apat na daan ang registration fee.

Kagawad (Mark Leo): Idagdag pa ang pangpakulay o Color Packets na kakailanganin upang maging makulay
talaga ang Fun Run. Iminumungkahi ko na gawin itong apat na daan at limampung piso.
Kalihim (Andrea): Idagdag rin natin ang plastic na shades para hindi maging sagabal ang colored powder sa
kanilang mga mata at sabay na rin sa uso kaya gawin natin limang daang piso ang registration fee.

Kagawad (Jonalyn): Kailangan natin magpa print ng magkakatulad na t-shirt para sa simbolo at maari na rin
maging souvenir ng Fun Run na ito kaya inimumungkahi ko na maging Apat na daan ang registration fee.

Kagawad (Ken Calvin): Masyado namang mahal ang Limang Daang Piso. Maari na siguro ang tatlong daan
at limampung piso.

Punong Barangay (Jamaica): tatlong daan at limampung piso ang ating gagawing registration fee. Tatlong
daan ka tao ang ating target na dadalo sa Colored Fun Run na ito.

Kalihim (Andrea): Ito na po ang listahan ng ating gagastusin:


Colored Packets ay 40 Php/Kilo. Estimated na 50 kilos ang ating kukunin kaya ito ay mahuhulog sa Dalawang
libong piso.
Ang plastic shades naman ay sampung piso kada isa at dahil Tatlong daan ang ating target ito ay nasa
kalahatan ng Tatlong libong piso.
Para naman sa pagpaparinta ng mga T-shirt, ito ay mahuhulog sa Dalawampung Libong piso.
Sa kabuuan, Dalawampu't limang Libong Piso ang ating kailangan.

Punong Barangay (Jamaica): Maari natin gamitin ang nakaraang pondo ng barangay upang maging
panimulang puhunan. Ayon sa ating Treasurero ay mayroong Tatlumpu't Libong Piso ang barangay. Tatlong
daang ka-tao ang ating target na sasali kaya maaari tayong maka ipon ng isang daan at limang libong piso
mula sa aktibidad na ito.

*Pagtatapos*

Punong Barangay (Jamaica): Doon na po nagtatapos ang ating mga adyenda. May nais po ba kayong
idagdag na tatalakayin, suhestiyon o bayolenteng reaksiyon mula sa napagusapan?

*walang kikibo*

Kagawad (Mark Endy): Mukhang wala na pong nais na idagdag at pagtutol. Gayunpaman, inimumungkahi ko
po na pagbotohan natin na itindig ang pagpupulong na ito.

Punong Barangay (Jamaica): Kung payag kayong itindig ang pagpupulong na ito, itaas po ang inyong mga
kamay

*all raises hand*

Punong Barangay (Jamaica): Dahil lahat po ay nagtaas ng kamay, ititindig ko po ang pagpupulong na ito.
Tayo ay magkikita ulit sa susunod na pagpupulong para sa pinal na preparasyon ng Chroma o Colored Fun.

You might also like