Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

Pagsasalin bilang Disiplina

PAGSASALIN BILANG DISIPLINA

Bilang isang “disiplina”, dito makikita ang pagbabago ng tingin tungo


sa pagsasalin bilang isang “agham at sining” na sa pamamagitan ng:

Konsepto ng pagsasalin ng Kanluran

Sa mga siping sanaysay naipapakita ang kasaysayan ng


pagsasalin sa Pilipinas.
PAGSASALIN BILANG DISIPLINA

Dalawang dahilan kung bakit hindi hinaharap ng Akademya ang pagsasalin ayon
kay Rolando Tinio:
(Halaw mula sa “Taksil daw ang Tagasalin?” Isang Pag-unawa sa Pagsasalin bilang
Disiplina ni Michael Coroza)

• Kawalan ng halaga at kalidad bilang gawaing akademiko

• Hindi ito nakikitang kapantay ng orihinal na pananaliksik o pagsusulat.

• Hindi nakikitang “marangal na gawain” kung ikokompara sa “orihinal na pag-akda.

• Hindi nangangailangan ang pagsasalin ng primera klaseng pag-iisip na may kakayahang


bumuo ng orihinal na pananaw na tanging katwiran para sa orihinal na pag-akda
PAGSASALIN BILANG DISIPLINA

Ayon pa kay Tinio, binabalewala ng ating mga akademiko ang


katotohanan na ang higitkumulang sa kalahati ng lahat ng intelektuwal
na pagsulong sa daigdig ng mambabasa sa Ingles ay nangyari lamang
dahil sa isang sistematikong proseso ng pagsasalin sa Ingles ng mga
banyagang akda. Nalilimutan nila na hindi sa Ingles orihinal na sinulat
ang marami sa mga aklat na pinagaaralan at itinuturo nila.
(salin ni Coroza)
PAGSASALIN BILANG DISIPLINA

“Kailangang malaman ng sinumang nais maging tagasalin ang mga


kondisyon at suliraning humuhubog sa isang akda—ang mga
ideolohiko, lingguwistiko, at sosyokultural na sangkap na nagsisilang sa
kahit isang maikling sulatin—gayundin ang mga posibleng katulad na
puwersang aapekto sa kaniya sa pagsasalin ng naturang akda”
(Almario, 2015) pg. 26
PAGSASALIN BILANG DISIPLINA

Sa ilalim ng disiplinang ito:

a. Idinidiin o mas binibigyang pansin ang pag-aaral sa pagsasalin bilang


proseso at produkto ng kritikal na paglilimi.
PAGSASALIN BILANG DISIPLINA

 Eugene Nida – “makabuluhan ngunit hindi sapat”

 “wido” at ang simplistikong aplikasyon ng hakang pagsasalin batay sa linggwistika

 Pangarap na “Permanenteng tumbasan”

 Mga responsableng tagasalin lámang ang makagagarantiya ng pag-iwas ng “pagtataksil” sa


orihinal.
• Dapat nakikita ang may-akda bilang awtoridad na pinangangamuhan ng tagasalin.
• Krimen ang paglabag o paglihis sa “tunay na kahulugan” ng awtor
• Isang halimabawa ng krimeng ito si Etienne Dolet (Pranses, 1509-1546) na nabitay
dahil sa maling pagsasalin diumano ng isa sa mga diyalogo ni Plato, ang Axiochus.
PAGSASALIN BILANG DISIPLINA

Ang mga sanaysay na tinipon at isinalin sa bahaging “Sipat


Kanluran” ay may layuning itanghal ang development ng teorya
ng pagsasalin mula sa mahigpit na pamantayan ng “katapatan”
sa panahon ni Dryden hanggang sa higit na masalimuot na
saligang teoritiko ng pagsasalin sa pananaw nina W. Benjamin
at R. Jakobson.
PAGSASALIN BILANG DISIPLINA

 Tagasalin sa Filipinas (Isang pagpupugay ni Almario)

• Nagbubuhat sa kanilang sariling karanasan ang kanilang mga haka at halimbawang


suliranin.

• “Kapag tinitigan ang kanilang paglalahad, nakatanghal ang kailangang sigasig at


tiyaga anumang uri ng teksto ang isinasalin”

• Nakatutuwa ring masilip na ipinapahayag ng ating mga tagasalin sa pamamagitan ng


kanilang aktuwal na paraan ng pagsasalin ang iba-ibang pamamaraan at pananaw na
ipinapatnubay sa pagsasaling Kanluranin.
PAGSASALIN BILANG DISIPLINA

Ilang suhestiyon ni Almario ukol sa pagpapaunlad ng pagsasalin:

• Kailangang sundan pa ito ng mga dagdag na babasahín at sanggunian ng tagasalin.

• Kailangan din ang teksbuk na maaaring gamitin sa pahakbang-hakbang na pagtuturo ng


pagsasalin sa mga palihan at asignaturang pampaaralan.

• Kasalukuyan: mga papasok na tagasalin ------ hindi eksperto sa isinaling aklat sa agham
at teknolohiya.
(Pangangailangan: patnubay ng espesyal na diksyunaryo sa kasaysayan, susing
salita sa bawat larang ng karunungan at mga bilinggwal na talasalitaan)
PAGSASALIN BILANG DISIPLINA

 Noong 1991, ipinanukala ni Almario ang pagtatakda ng teknikal na kahulugan kahit sa


karaniwan nating ginagamit na mga salita upang makilala ang ordinaryong salita mula sa
mga katumbas na mga tiyak at teknikal na konsepto.

Halimbawa:
(mga salita o terminong magsisingkahulugan at nagkakapalitan)
katulad
kapara
kagaya
kamukha
kawangis
kawangki
kahambing
PAGSASALIN BILANG DISIPLINA

 Sa gayon, nagpanukala ako na gamitin ang “paghahambing” katumbas ng


comparison, “pagtutulad” para sa metaphor, “pagwawangis” para sa simile,
“pagwawangki” para sa analogy. Pinalawak ko pa ito sa mga kaugnay na
salita, gaya ng “pagtutumbas” para sa equivalence/correspondence at
“tumbasan” para sa equation; “panggagaya” para sa imitation at
“panggagagad” para sa parody.
PAGSASALIN BILANG DISIPLINA

PANUKALA UKOL SA PAGSASALING TEKNIKAL:

Panukala ng isang “listahan” ng mga salitang pantumbas sa


mga isinasaling salitang teknikal.

Ang listahan ay maaaring pagsimulan ng isang bokabularyong


bilingguwal sa isang larang o disiplina at bukod sa mabilisang
masasangguni ay magpapairal ng konsistensi sa pagsasaling
teknikal.
PAGSASALIN BILANG DISIPLINA

 “Altrasadong bokabularyo ng wikang Filipino” ------ hindi maaaring gawing dahilan sa


pagsasalin ng mabibigat ng salitang teknikal.

 Inferiority complex at ang kariktan ng Ingles laban sa Wikang Filipino.


PAGSASALIN BILANG DISIPLINA

”Kung hindi maihanap ng katumbas, hiramin. O lumikha ng katumbas”


(Almario, 2015) pahina 28

(Mataas na kaalaman sa agham at teknolohiya) = (Mataas na paraan ng pagsasalin) +


(Magiging malusog at aktibong kasangkapan ang ating pagsasalin sa pagpapaunlad
ng wikang Filipino.)
PAGSASALIN BILANG DISIPLINA

Go choshu arigatogozaimashita!
(Maraming salamat sa pakikinig)

Ciao!
(PAALAM!)

You might also like