Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

0000000000000000000000000

St. Rita’s College of Balingasag


Balingasag, Misamis Oriental
SY 2019-2020

LEARNING PLAN
Asignatura : Filipino
Taon at Seksyon: grade 10 Petsa: Hunyo 25, 2019
Paksa: ang 12 diyos-diyosan ng griyego Markahan: Una

Paglilipat ng Layunin:

Ang mga mag-aaral sa kanilang sariling kakayahan ay inaasahang makabubuo ng kritikal na


pagsusuri sa mga isinagawang kritik sa mga panitikang Mediterranean at magagamit ng wasto ang mga
gramatikang Filipino sa pakikipagkomunikasyon na nakapaloob dito.

Pamalagiang Pag-unawa:

Ang kakayahang makabuo ng kritikal na pag-iisip hingil sa mga panitikang Europeo-Asyano sa


Mediterrenean ay may malaking epekto sa mga kabataang Pilipino lalo na sa paraan ng kanilang
pakikipagkomunikasyon sa panahon ngayon.
Mahahalagang Katanungan:

 Paano nakakaapekto ang mga panitikan sa Mediterreanean sa inyo bilang mga kabataan?
 Bakit nagkaroon ng kanya-kanyang straktura ng wika sa pakikipagkomunikasyon ang bawat tao sa buong daigdig?
Panimulang Gawain

Pagbabalik-aral: pre-assessment

Pokus: ang 12 diyos-diyosan ng griyego

Pagganyak: pagpapakita ng larawan


Susubukang hulaan ng mga mag-aaral ang pangalan ng mga diyos-diyosan na ipapakita ng
guro.

Pangkatotohanang Antas:

> naranasan niyo na bang makabasa ng mga kwentong bayan tungkol sa mga diyos-
diyosan?

Paglalahad ng Paksa

Nalalaman ng mga mag-aaral:

Kaalaman:
Ang iba’t-ibang paniniwala ng mga griyego at ang mga sining nito.

Kasanayan:

Naipahahayag ang mahahalagang kaisipan sa napakinggan kwentong Mediterranean


Stratehiya/Pagkatang Gawain:

Pakikinig sa kwento ng mga Diyos-diyosan: pakikinggan ang ilang mahahalagang kwento ng


mga diyos-diyosan sa griyego
Pangkatang Gawain: magkakaroon ng 4 hanggang 5 pangkat. Ang bawat pangkat ay pipili ng
isa sa 12 diyos ng griyego ay sila ay inaasahang makakagagawa ng isang maikling batas na
angkop at tungkol sa napili nilang diyos-diyosan

Pagpaplawak ng konsepto:
Sa anong paraan ninyo maipatutupad ang mga alituntunin sa ating kapaligiran?

Pagsasanib

Core value/Related value: Pagsisikap/pagtulong sa kapwa


Paano mo matutulungan ang iyong bayan tulad ng isang mabuting pinuno sa inyong
komunidad?

Across discipline: CL
Iisa lang ang ating Panginoon, Paano mo maipakikita ang pagpapasalamat sa kabutihan na
kanyang ginawa?

Social Orientation:
Bakit kailangan nating ipakita at ipagmalaki sa lahat ang katangian nating mga Pilipino
bilang masunurin sa mga alituntunin ng bayan?

Biblical Passage: 1Samuel 1:20


Huwag kayong lumihis sa pagsunod sa Panginoon kung kayo ay maglilingkod ng buong
puso sa kanya

Pagtataya

Sa isang buong papel ay gumuhit ng isang larawan na nagpapakita ng paburito mong diyos-
diyosan.
1. Bakit ito ang iyong napili?
2. Kung ikaw ay magiging isa sa kanila, ano ang gagawin mo para sa mga tao na naniniwala sayo?

Paglalahat / Paglalahat:

Paano nakapapekto sa panitikan ng buong mundo ang kwentong isinulat ni Homer?

Kasunduan: Kagamitan/Sanggunian:
Pluma 10
kartolina
Basahin ang kwento ni Pygmalion at Galatea.
Kung babasihan ang kwento, maniniwala ka ba sa
tunay na pag-ibig?

REMARKS

Iniwasto ni: Ipinasa ni:

Gng. Loue A. Joseph Rhon Adolf C. Gonzales


Koordineytor ng akademik Guro
Sinuri ni:

S. Ma. Lilibeth E. Monteclaro, RVM


Punong guro

You might also like