Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

“Ang Masayang Paglalakbay sa Lungsod ng Naga City”

BY: JOSHUA MAQUIÑANA

Sa sobrang tamad kong tao wala akong oras pumunta sa ibang lugar at magbakasyon. Kaya
naman dito nalang tayo sa lungsod Naga kung saan ako pinanganak maglakbay at magsaya ng
ating mga nakakatamad na pamumuhay. Tara Samahan akong malaman ang kagandahan ng
Naga. Ang Naga City ay isa sa mga Chartered City ng Pilipinas. Ang ibig sabihin ng-chartered
city ay isang lungsod o munisipalidad ng Pilipinas na nagtataglay ng natatanging hanay ng mga
batas na bumubuo sa legal na pundasyon ng lokal na sistema ng pamahalaan nito. Kilala rin ang
Naga city sa tawag ng Puso ng Bicol o “Heart of Bicol” dahil Ang Lungsod ng Naga ay kilala
bilang Puso ng Bicol para sa pagiging sentro ng komersyo at kalakalan, kultura, at relihiyon sa
rehiyon. Dito mo mahahanap ang pinakamahusay na mga unibersidad at institusyong pang-
edukasyon sa rehiyon, na gumagawa ng mga propesyonal na may pinakamataas na rating.

Dahil ang mga mamamayan ng naga ay mga relehiyosong tao itampok natin ang isa sa pinaka
matandang mga simbahan dito sa Naga City. Ang Naga Metropolitan Cathedral.

Ang simabahang ito ay itinayo pa noong taong 1595. Mahigit kumulang 427 taong gulang na ito
at dumaan na samga maraming panahon. Dahil kilala ang mga Pilipino bilang mga relehiyosong
tao, maraming beses na renovate ang simbahang ito upang ma preserve pa sa mga darating na
henerasyon. Di naman ako katoliko ngunit masasabi kong isa itong simbahan na ito sa pinaka
magandang simbahang natitira sa bicol region. Dako naman tayo sa kainan dahil nakakagutom
ring maglakbay.

Isa pa sa mga tampok na kainan o restaurant sa naga ang Mama Sarah’s Lettuce Garden sa
barangay ng Pacol at meron rin silang branch sa Magsasay avenue sa naga parin. Ang restaurant
na ito ay sikat at tampok sa mga tao dahil sa kagandahan ng lugar at bagay na bagay ang pagkain
kanilang siniserve sa mga customers. Isa sa mga dahilan kung bakit ito binalikbalikan dahil lahat
ng kanilang offered food ay may lettuce, healthy na pagkain ang sinserve nila kaya naman na
tampok at binalikbalikan ito sa mga turista pati narin sa mga taga naga. Sa totoo lang di pa ako
nakakain dito pero base sa mga nakasalamuha ko ay masarap at babalikbalikan talaga sila ng

mga customer at hindi masasayamg amg bayad dahil sulit dito.

Dahil tapos na tayo sa kainan dako naman tayo sa isang lugar kung saan maaliwalas at pedeng
pede mag date kasama ang nobyo o nobya. Kadalasan itong ginagamit ng mga estudyante bilang
venue para sa mga role playing at iba pang school projects. Ito ang Naga Ecological Park o
tinatawag rin Eco Park. Sa halagang 20 pesos na entrance fee ay maari kanang makapasok sa
dito at isama ang buong pamilya para mag picnic at mag family bonding. Dahil sa maaliwaslas
ng lugar mag kakaroon ng oras ang mga turista lalong lalo na ang pamilya na makapag usap usap

at muni muni habang linalanghap ang ihip ng hangin.


Syempre hindi pwedeng mawala ang tourist spot sa listahan. Dako naman tayo sa tampok na
puntahan ng mga kabataan para maligo at mag relax ay ang Inarihan Falls.

Makitid ang daanan dito at medyo malumot sa unahang parte nito, pero sulit rin naman pumunta
dito dahil libreng libre lamang maligo dito, pamasahe at damit lang kailangan makakapag
swimming at relax kana with friends or family.

Ang naga city ay tanging lugar sa bicol kung saan matatagpuan ang ibat’t ibang malls, kaya
naman mas makikita mo ang mga tao doon kaysa sa mga tourist spot na aking nabangit sa
talatang ito. Bilang isang manglalakbay ay hindi maiituturing na tourist spot ang naga city mas
makikita pa ito bilang isang business district dahil pinapalibutan ito ng mga commercial
buildings. Bilang lamang sa kamay ang mga maaring mapuntahan dito para mag kaya naman
hindi ito mairekomenda bilang isang vacation area.

You might also like