Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Aralin #6

ANG INSTRUMENTAL, REGULATORYO, AT


INTERAKSIYUNAL: MGA GAMIT NG WIKA
“Gamitin ang wika tungo sa mabuting pakikipagkapwa”

Sa araw-araw, nagagamit natin ang wika batay sa iba’t ibang sitwasyon. Ang
sitwasyong ito ang magtatakda sa mga taong kasangkot sa komunikasyon kung paano uugnay sa
sinomang takda o nais na kausapin o bigyan ng mensahe. Nagbanggit si Michael A.K. Halliday (1973) ng
kategorisasyon sa gamit ng wika sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Narito ang tatlo sa mga
binanggit niyang tungkulin ng wika upang lalong mas maging mabisa ang komunikasyon gamit ang ating
lokal na kultura batay sa kinabibilangang TRACK.

INSTRUMENTAL

Ginagamit ang wika para mangyari o maganap ang mga bagay-


bagay at pinagagalaw ng mga gumagamit ng wika ang kanyang
kapaligiran.

Mga Inaangkupang Sitwasyon:

 Pagtataya
 Panghihikayat
 Pagmumungkahi
 Pag-utos/Pakiusap
 Pagbibigay ng Punto
 Pagpapangalan/Pagbabansag

Tiyak na Sitwasyon:

 Pagsulat ng liham sa oras na ikaw ay maghahanap ng trabaho


Pagpapahalaga:

 Mahalagang maipakita ang paggalang sa paggamit nito (hal. Paggamit ng paki-/maki- sa paghingi
ng pabor)

INTERAKSIYUNAL

Tumutulong sa atin upang lalong mapabuti, mapalawig, at higit na


mapatibay ang ating pakikipag-ugnayan sa kapwa. Ginagamit ang
wika sa pagpapanatili ng ugnayang sosyal sa tulong ng pormulasyong
panlipunan tungo sa malalim na pakikipag-ugnayan.

Mga Inaangkupang Sitwasyon:

 Pagbati
 Pagbibiro
 Panunudyo
 Pagtanggap
 Pag-aanyaya
 Pagpapaalam
 Pagkukumustahan

Tiyan na Sitwasyon:

 Pakiki[agkumustahan sa mga kaibigan gamit ang iba’t ibang social networking sites gaya ng
Facebook

Pagpapahalaga:

 Bahagi ng mabuting pakikipagkapwa ang paggamit natin ng wika.

REGULATORYO

Ginagamit ang wika upang gumabay at kumontrol sa kilos at pag-uugali ng mga


tao. Higit na nakikitang makapangyarihan ang wika dahil nagagawa nating
kumontrol sa pamamagitan ng paggamit nito kung ano ang dapat at hindi dapat
gawin ng ating sarili kasama ang mga taong nasa kapaligiran natin.

Mga Inaangkupang Sitwasyon:

 Pagtutol
 Pagsang-ayon
 Pagtatalumpati
 Pagsagot sa telepono
 Pagbibigay-panuto/diresksiyon
Tiyak na Sitwasyon:

 Pagsasagawa ng isang gawaing pinatnubayan ng mga hakbang

Pagpapahalaga:

 Hamon sa ating ang pagsunod sa kung ano ang tunay at kung ano ang mabuti kung kaya’t
malaking tulong ang wika upang mapaalalahanan at magabayan ang bawat isa.

Hindi na bago sa atin ang mga binanggit na sitwasyon sa pang-araw-araw na paggamit ng wika.
Mahalagang maunawaang hindi sapat na alam lang natin sa kung ano-anong mga sitwasyon ito
magagamit. Hamon pa ring magamit ang wika nang may tamang asal at pagtatampok sa ating mga lokal
na kultura na kapaki-pakinabang sa magiging karera o hanapbuhay sa kinabibilangang TRACK.

- Mula sa TUON-DUNONG: Komuniksyona at Pananaliksik sa Wika at kulturang Filipino.


- Nina: J.R. Ipaz at V.M. Villanueva, Ph D.

You might also like