Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

ANG FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA AT MGA PARAAN NG

PAGDEVELOP NITO

1934 Konstitusyonal Kumbensyon, mainit ang balitaktakan nang talakayin ang isyu
tungkol sa wika.

Saligang Batas 1935, Artikulo XIII, Seksyon 3:

“Ang Pambansang Asemblea ay gagawa ng mga hakbang tungo sa


pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga
umiiral na katutubong wika. Hanggang hindi nagtatadhana ng iba ang b atas, ang
Ingles at Kastila ay patuloy na gagamiting opisyal.”

Ang Asembleang Konstitusyonal na ito na binubuo ng mga hirang na delegado


mula sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas ay nagging makiling sa kabuluhan ng bernakular
na wikang pambansa bilang, “simbolo ng kalayaan at bilang tanikala na magbibigkis
sa kaluluwa ng baying Pilipino.”

Sa pangunguna ni Pangulong Manuel L. Quezon, isa sa mga sinaunang batas


na naisagawa ay ang Batas Komonwelt Blg. 184 na inaprobahan noong Nobyembre
13, 1936. Layunin ng batas na ito ang lumikha ng isang institusyong pangwika na
mangangasiwa sa pagkakaroon ng wikang pambansa. Ang institusyong ito ay
tinaguriang Surian ng Wikang Pambansa.

“Mahalaga sa isang bansa at sa mga mamamayan nito na magkaroon ng isang


wikang bibigkasin at maiintindihan ng lahat. Ito ay mabibigkis sa mamamayang
Pilipino upang magkaroon ng pambansang pagkakakinlanlan at pagkakaisa.
Maisakatuparan lamang ang mga bagay na ito kung magkakaroon ng isang wikang
pambansa batay sa isa sa mga katutubong wika ng Pilipinas. Hindi madaling proseso
ang magsagawa ng ganitong pagpili sa wikang pambansa kaya marapat lamang ang
Surian ng Wikang Pambansa.”

Si Jaime C. de Veyra ang nagging unang tagapangulo ng SWP samantalang


sina Cecilio Lopez, Santiago Fonacier, Filemon Sotto, Felix S. Salas, Casimiro S.
Perfecto at Hadji Butu naman ang nagging unang mga miyembro.

Naging gampanin ng SWP ang mga sumusunod:

1. Gumawa ng pag-aaral tungkol sa mga pangunahing wikang sinasalita ng


hindi bababa sa kalahating milyong Pilipino;
2. Gumawa ng komparatibong pag-aaral sa bokabularyo ng mga pangunahing
wikang ito;
3. Pag-aralan at malaman ang ponetiko at ortograpiya ng Pilipinas;
4. Gumawa ng masusing komparatibong pag-aaral ng mga panlapi sa
Pilipinas;
5. Pumili ng katutubong wika na gagawing batayan para sa ebalwasyon at
adapsyon ng pambansang wika.

Wala pa halos isang taon nang ipasa ng mga kagawad ng SWP noong Nobyembre 17,
1937 ang resolusyong nagpapahayag na “Ang wikang Tagalog ang magiging batayan ng
Wikang Pambansa.” Ayon sa kanila ang kanila ang wikang Tagalog ang lubos na nakatugon
sa mga hinihingi ng Batas Komonwelt Blg. 184.

Sa bias ng kautusang tagapagpaganap Blg. 134 noong Disyembre 30, 1937,


ipinoklama ng Pangulong Quezon na ang wikang Tagalog ang magiging batayan ng wikang
pambansa. Magkakabisa ang proklamasyong ito dalawang taon matapos itong mapagtibay.

Sa ilalim ng panukala ni Jaime C. de Veyra, nakapg-palimbag ang SWP ng


diksyunaryo na may titulong “A Tagalog English Vocabulary” at “Ang Balarila ng
Wikang Pambansa.” Ang balarilang ito ay buung-buong kay Lope K. Santos na naging
kagawad na Tagalog ng SWP. Ito ay nagdaan sa pagsusuri ng isang lupong nagsipaghanda at
saka ipinailalim sa pagpapasya ng SWP. Dito ipinakilala ni Lope K. Santos ang Abakada na
may 20 titik: A-B-K-D-E-G-H-I-L-M-N-NG-O-P-R-S-T-U-W-Y.

Noong 1940, ipinag-utos ang pagtuturo ng wikang pambansa sa lahat ng pampubliko


at pribadong paaralan sa buong bansa.

Kaalinsabay ng kautusang ito ang pagbubuwag at pagtatapos ng tungkulin ng SWP sa


dahilang nagampanan na nito ang lahat ng gawaing iniatang ditto. Hindi na kailangan pang
magdaos ng mga sesyon ang SWP maliban na lamang kung ipaguutos ng Pangulo.

Ngunit sa bisa ng Batas Komonwelt Blg.50 muling ibinalik ang SWP. Naging
panibagong hamon sa SWP ang pagdating ng mga Hapon nang sumiklab ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.Hulyo 19, 1942 ibinaba ang Order Militar Blg. 13 na nagdeklara sa
mag wikang Hapon at Tagalog bilang opisyal na mga wika ng Pilipinas.

Nang maupong pangulo si Jose P. Laurel, ipinagutos niyang ituro ang wikang
pambansa sa lahat ng paaralan sa Pilipinas sa bias ng Kautusang Tagpagpaganap Blg.10.
Ipinag-utos din nya ang pagpapalit ng pamagat ng Pambansang Awit sa “Diwa ng Bayan” at
sa pagsasalin ng titik nito sa wikang Tagalog na ginawa ni Lope K. Santos na siya nang
Direktor ng SWP.

Pinasigla ni Lope K. Santos ang pagsusulat sa wikang pambansa. Nagdaos ng mga


seminar at pasanayan sa paggamit ng wikang pambansa sa UP, PNS at iba pa. Ang mga
dokumento at patalastasan ng pamahalaan ay isinalin at ang opisyal na Gazette ay inilathala
sa Wikang Pambansa.

Simula Hunyo 4, 1946, nagkabisa ang Batas Komonwelt Blg. 570 na nagproklama na
ang wikang pambansa na tatawaging Wikang Pambansang Pilipino ay isa nang Wikang
Opisyal.
Noong Hulyo 1946, pumalit si Jose Villa Panganiban bilang Direktor ng SWP.

Pagkalipas ng ilang buwan, nagbitiw si Panganiban sa kanyang tungkulin. Humalili si


Julian Cruz Balmaceda, isang manunulat at mananaliksik noong Hulyo 28, 1947.

Siya ay nakapagpalimbag ng mga panayam at inumpisahan din ang paggawa ng


diksyunaryong Tagalog.

Halos dalawa’t kalahating buwan pa lamang sa puwesto si Balmaceda nang siya’y


bawian ng buhay noong Septembre 18, 1947. Kaya’t noong Disyembre 29, 1947 ay hinirang
ni Pangulong Roxas si Cirio H. Panganiban bilang Direktor. Ipinagpatuloy ni Cirio
Panganiban ang diksyunaryong pinasimulan ng kanyang sinundan. Pinasimulan din niya ang
paghahanda ng mga Ispesyalisadong Talasitaan, tulad ng Legal Terms, Arithmetical and
Geometrical Terms, at iba pa.

Marso 26, 1954, nilagdaan ni Pnagulong Ramon Magsaysay ang Proklamasyon Blg.
12 na nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula Marso 29
hanggang Abril 4 taun-taon, gayundin ang pagdiriwang ng Araw ni Balagtas tuwing Abril 2.
Makalipas ang isang taon nilagdaan ni Pangulong Magsaysay ang proklamasyon Blg. 186 na
nasususog sa Proklamasyon Blg.12 na ililipat ang petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika
simula Agosto 13 hanggang Agosto 19, taun-taon.

Naging masasakitin si Cirio H. Panganiban kaya hinirang ni Pangulong Magsaysay si


cecilio Lopez. Binigyang diin ni Lopez ang linggwista at pinasigla ang makabagong
linggwistikong pag-aaral sa wikang pambansa at iba pang mga katutubong wika sa Pilipinas.

Dahil sa kakulangan ng pondo, nagbitiw sa tungkulin si Lopez noong Mayo 25, 1955.
Humalili si Jose Villa Panaganiban bilang Direktor. Binalikat niya ang pagsasalin at
pagsasaliksik. Naging bunga nito ang paggamit ng wikang pambansa sa mga diploma,
pasaporte at iba pa. Nailathala ang English-tagalog Dictionary at sinimulan ang talasalitaan
ng walong pangunahing wika ng Pilipinas.

Noong 1959, ibinaba ng Kalihim Jorge B. Romero ng Edukasyon ang Kautusang


Pangkagawaran Blg.7 na nagsasaad na ang wikang pambansa ay tatawagin nang Pilipino
upang mailagan na ang mga mahabang katawagang “Wikang Pambansang Pilipino” o
Wiakang Pambansa batay sa Tagalog.

Nagretiro si Jose Villa Panganiban noong 1970, kung kaya’t hinirang ni Pangulong
Marcos si Ponciano B.P. Pineda bilang Direktor na dati nang nanunungkulang katuwang na
Direktor ng SWP.

Nagkaroon ng bagong tungkulin ang SWP sa bago nitong pamunuan. Sa kauna-


unahang pagkakataon, nagkaroon ng mga komite ang SWP. Komite sa Gramatika at
Leksikograpiya, Edukasyon at Kultura. Popularisasyon at mga Suliranin, Paglalathala at...
Instradardisasyon. Malaki ang naging tulong ng mga komiteng ito sa mabilis at malawak na
pagpapalaganap ng wikang pambansa.

Noong Oktubre 4, 1971, pinagtibay ng sanggunian ng SWP ang pinagyamang


alpabeto na binuo ng 31 na letra
(A,B,C,CH,D,E,F,G,H,I,J,K,L,LL,M,N,Ñ,NG,O,P,Q,R,S,T,U,V,W,X,Y,Z).

Mabilis ang progreso ng wikang pambansa kahit na masalimuot na pangyayari ang


hinaharap nito. Ito ang isin asaad sa saligang Batas 1972, ang Saligang Batas na ito ay
opisyalna ipalalaganap sa Ingles at sa Pilipino, at isasalin sa lahat ng diyalektong sinasalita ng
mahigit sa limampung libong tao, gayundin sa Kastila at Arabik.

Ang Batasang Pambansa ay dapat gumawa ng ,mga hakbang tungo sa paglinang at


pormal na adapsyon ng isang panlahat na wikang pambansa na tatawaging Filipino.
Hulyo 10, 1974. Nilagdaan ng Kalihim ng Edukasyon at Kultura ang Kautusang
Pangkagawaran Blg.25 na nagtatakda ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng Patakarang
Edukasyong Bilinggwal sa mga paaralan na nagsimula sa taong-aralin 1974-75.

“Ang Edukasyong Bilinggwal ay nangangahulugan ng magkahiwalay na paggamit ng


Pilipno at English bilang midyum ng pagtuturo ng mga tiyak na asignatura. Dapat masunod
ang magkahiwalay na gamit o paggamit ng Pilipino at English sa pagtuturo.”

Ang SWP ay nagdaos ng mga salingkurang pagsasanay, seminar, gawaing-


kapulungan at iba pang kauring gawain tungkol sa bilinggwalismo para sa mga pinuno’t
tauhan ng lahat ng tanggapang pampamahalaan, sa lahat ng guro, propesor, pinuno’t
tagapangasiwa ng mga paaralan.

Ayon sa Saligang Batas ng 1987. Art.XIV, Seksyon 6: “ang wikang pambansa ng


Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang ito’y dapat payabungin at pagyamanin pa salig
sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.

Sagisag rin ng pagkakaroon ng modernisasyon ng wikang pambansa, pinagtibay


noong 1987 ang Bagong Alpabetong Filipino na may titik:
A,B,C,D,E,F,G,H,I,J,K,L,M,N,Ñ,NG,O,P,Q,R,S,T,U,V,W,X,Y,Z.

Dumating ang panahong hindi na angkop ang pangalan ng SWP dahil ibana inaatas
ditto. Kaya, sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 na nilagdaan ng
Pangulong Aquino noong Enero 1987 ay nilikha ang LWP o Linangan ng mga WIka sa
Pilipinas. Binubuo ang Lwp ng isang Direktor, kasama ng Pangalawang Direktor at nang
limanhg sangay nito. Ito ang mga sangay ng pananaliksik at panitikan, preserbasyon at
promosyon, at pampangasiwaan.

Agosto 25,1988, nilagdaan ni Pangulong Aquino ang Atas ng Tagapagpaganap Blg.


335 na nag-aatas sa lahat ng mga kagawaran/kawanihan/ahensya/opisina/instrumentality ng
pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang na kailangan para sa layuning magamit ang
Filipino sa opisyal na mga transakyon, komunikasyon at korespondensya.

Alinsunod pa rin sa pagpapatupad ng Saligang batas ng 1987 Art.IV, Seksyon 9.


Itinatag ang Komisyon sa Wikang Filipino noong Agosto 14, 1991 sa bias ng Batas
Republika Blg.7104 na nilagdaan ng Pangulong Aquino. Ang KWF na nasa ilalim ng
tanggapan ng Pangulo ay may pangkalahatang layuning magsagawa, mag-ugnay at
magtaguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at preserbasyon ng
Filipino at iba pang mga wika sa Pilipinas.

Nagkaroon ng anim na sangay ang KWF: ang Dibisyon ng Leksikograpiya. Dibisyon


ng Linggwistika, Dibisyon ng Pagsasaling wika, Dibisyon ng Ibang mga Wika at Literatura
ng Pilipinas, Dibisyon ng Impormasyon at Publikasyon, at Dibisyong Pampangasiwaan.

Misyon ng KWF: Magbalangkas, mag-ugnay at magpatupad ng mga programa at


proyekto sa pananaliksik upang higit pang mapabilis ang pagsulong at pagbulas ng wikang
Filipino bilang midyum ng pangkalahatang talastasan at gayundin ng mga layuning
intelektwal. Kakamabal ng pagpupunyaging ito ang mga gawain ng pangangalaga at
pagpapanatili ng iba pang mga katutubong wika ng bansa.

Bisyon: Magawa ang Filipino na isang modernong wikang magagamit na mabisang


kasangkapan sa kabuuan ng pambansang pagpapaunlad.

Si Ponciano B.P. Pineda pa rin ang nahirang bilang punong Komisyoner at kinatawan
sa Tagalog. Kasama niyang nanumpa sa tungkulin ang iba pang mga komisyoner noong
Marso 20, 1992 na sina: Ernesto Cubar-Ilokano, Teresuta G. Maceda- Cebuano, Nita P.
Buenaobra- Bilokano, Andrew Gonzalez- Kapampangan, Florentino Hornedo- Ivatan, Angela
P. Sarile- Hiligaynon, Bonifacio P. Sibayan- Kankanay.

Binigyan ng depinisyon ng KWF ang Filipino sa pamamagitan ng Resolusyon Blg.1-


92 noong Mayo 13, 1992 na sinusugan naman ng Resolusyon Blg. 96-1, noong Agosto 1996.

“Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas- bilang wika
ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino
ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng mga paghihiram sa mga wika ng
Pilipinas at mga di-katutubong wika at sa ebolusyon ng iba’t ibang barayti ng wika para sa
iba-ibang sitwasyon, sa mga nagsasalita nito na ma’y iba’t ibang salitang sosyal, at para sa
mga paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag.”

Bilang tugon sa batas Republika Blg. 7104, Seksyon 14, itinatag ng KWF ang mga
Panrehiyong Sentro sa Wikang Filipino o PSWF sa bawat etnolinggwistikong rehiyon na
nakabase sa isang pang estadong unibersidad o kolehiyo na magpapatupad sa lahat ng mga
programa at proyekto ng KWF.

Ang pagtatag ng mga RSWF ay pinagtibay noong Mayo 9,1994 ng Board of


Commisioners.

1997- nilagdaan ni Pangulong Ramos ang Proklamasyon Blg.1041 na nagpapahayag


ng taunang pagdiriwang tuwing Agosto 1-31 bilang Buwan ng Wikang Pambansa.

You might also like