Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

01 eLMS Activity 5 (Essay

Sagutan ang mga sumusunod:

1. Ano ang wika?


    Sa pinakapayak nitong kahulugan, ang wika ay isang sistema ng kumunikasyon na
ginagamit ng mga tao. Ito ay koleksyon ng iba’t-ibang simbolo at mga salita na
nagpapahayag ng kahulugan. Ito ay nagsisilbing behikulo upang maipahayag natin ang
ating mga kaisipan, mga saloobin at nararamdaman. Maaring maihayag ang wika sa
pamamagitan ng sulat o pananalita, maituturing din na wika ang kumpas ng kamay o
sign language.

2. Ano ang opisyal at panturong wika?


Ang wikang opisyal ay itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng
pamahalaan. Ibig sabihin ito ang wikang maaring gamitin sa anumang uri ng
kumonikasyon, lalo na sa anyong nakasulat, sa loob at labas ng alinmang sangay o
ahensiya ng gobyerno.
Ang wikang panturo naman ang opisyal sa wikang ginagamit sa pormal na edukasyon.
Ito ang wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa mg eskwelahan at ang wika sa
pagsulat ng mga aklat at kagamitang panturo sa mga silid aralan.

3. Paano nakatutulong ang pagiging multilingguwal ng isang tao?


Nakakatulong ang isang taong multi-lingual sa pamamagitan ng mga sumusunod;
Unang una sa lahat, kapag hindi naiintindihan ng ibang taong kakilala niya ang
lengwahe ng kanyang kausap ay maaari niyang ipaliwanag ang sinasabi ng kausap
nito. Ikalawa, nagagamit ito sa pag-aaral (English, Filipino) at nagiging daan upang
mapaunlad ang kanyang sarili at maaaring maging daan upang makatulong siya sa
pag-unlad ng bansa. At ikatlo, nakakatulong ka sa mga taong gustong matuto ng ibang
lengwahe.

4. Sa 01 Video 2, Masasabi mo bang monolingguwal, bilingguwal, multilingguwal


ang paraan ng pagsasalita ng host ng palabas pantelebisyon na natunghayan?
Magbigay ng patunay.

Para sa akin masasabi kong Bilingguwal ang ginamit na wika sa bidyong aking
napanood, napansin ko na gumamit rin sila ng wikang ingles pero hindi ganon kadalas
kasi mas ginamit nila ang wikang Filipino keysa Ingles.
5. Paano mo ilalarawan ang paraan ng pagsasalita ng kanyang mga bisita?
Ang mga bisita ay gumagamit naman nang wikang tagalog mas at hindi
sila masyadong nag iingles lalu na yung host.

6. Batay sa narinig mo sa host, masasabi mo bang ang salitang ginamit niya


sa pagbo-broadcast  ay kaniyang unang wika? Bakit oo, bakit hindi?

Opo, dahil si Arnold Clavio ay ipinanganak sa Tondo Manila at pagkaka alam


kong lingguwahe doon ay wikang tagalog, pagkaka-alam ko lang naman po ehe.
(correct me if I’m wrong ma’am uwu)

You might also like