Professional Documents
Culture Documents
Retype Baldovino
Retype Baldovino
Retype Baldovino
Q Itong huling uwi niya kasi itong taon na ito, nagdala lang siya ng?
A Christmas basket po at cash saka mga face shields po.
Q Pero ang mga uwi niya bago iyan, sabi mo, hindi na siya nagtatagal. Doon sa duration ng
weekends.
A Opo.
MS.AGUILBA:
At this juncture, the witness is crying.
PROS.OPIANA:
Q Kailan nangyari iyang unang pag-uusap tungkol sa annulment o nullity?
A Ma'am ano po eh, 2019.
Q Phone. May phone po siya, doon nag-uusap po sila tapos ang sabi po ng kausap niya,
kakausapin ako.
Q Nagkausap ba kayo?
A Ma'am, ano po, nasa first floor po kami, pinaakyat niya ako sa third floor, doon po
ipinasa niya po ang phone niya sa akin.
Q Okay, nagkausap kayo ni Mary Jane, ang sinasabi ni Mary Jane, buntis siya.
A Opo.
Q Ngayon?
A Sabi ko po, ano kumain ka ng masusustansiyang pagkain kasi ano, ma'am eh, iyong
pagbubuntis, sabi ko, para malusog iyong anak niya, ano, ma'am.
Q Lumalabas, pinasa ng asawa mo iyong phone niya sa iyo ay ang nakausap mo isang
nagngangalang Mary Jane.
A Opo.
Q Ano naman ang nasabi ng asawa mo noong ganung sinasabi ni Mary Jane na buntis siya?
A Ma'am, ano po, hindi niya po deneny. Hindi niya po - inaccept po niya. Inaccept niya po
na anak niya iyon.
PROS.OPIANA:
COURT:
Witness made a smashing motion with the tablet.
PROS.OPIANA:
Q Sabi mo, 2018,nangyari iyan.
A 2018,2019, ma'am kasi ano po eh, ang pangyayari na sumunod eh, aakyat po siya ng
Baguio. Parang iikutan lang kami para lang eremind sa akin na annulment tapos pag hindi
ako pumapayag, nagagalit po siya ganun po, maingay po siya.
Q So sabi mo, noong mga huling uwi mga gaano na siya kadalas umakyat ng Baguio?
A Mga ano pa rin po, weekends pa rin. Ma'am, hindi ko po matandaan iyong week days eh.
Weekends pa rin po, ma'am, pero ano na lang po siya, umiikot na lang.
Q Sabi po kanina, sasabihan ka niyang annulment at iyong gusto iyang magyari. Ano iyong
gusto niyang mangyari?
A Na ano po, maghiwalay kami tapos po pag hindi daw po kami maghihiwalay, iyon pong
bahay namin, parang kukunin daw po iyon na pambayad doon sa babae kasi po, para
pong ano eh, sabi niya, may 75 million na sinisingil sa kanya. Sabi ko saan mo kukunin
iyan. Kahit iyong bahay, limang milyon, walang halagang ganyan, sabi ko. Iyon bang ano
po, kasi ako po iyong nagmando sa pagpapatayo ng bahay. Syempre po, dugo't pawis ko,
paghihirap lahat lahat po, ako iyong nag ano doon. Kaya sabi ko, ano iyon, pupulutin mo
lang kami sa kalsada kung nangyari iyong sinasabi niya?
Q Isa isahin natin para hindi magulo iyong kwento. Sabi mo, umaakyat siya ng Baguio pero
hindi na siya naglalagi ng bahay. At nagpupunta diyan, ang sasasbihin lang sa iyon, iyog
annulment at iyong gusto niyang mangyari, ibig sabihini iyong paghihiwalay ninyo.
A Opo.
Q Ano iyong pakiramdam na pagkatpos ng matagl ninyong pagsasama, dalawang anak na
nakapagtapos na, na ganyan iyong sasasbihin sa iyo ng asawa mo?
A Ma'am hindi na po ako makakapagpatulog. Hindi na po ako, nakakain tapos hindi na rin
po ako naglalabas.
Q Ano iyong pakiramdam?
A Balisa na po ako, noon eh, hindi ko na po niintindihan kung anong iisipin ko.
XXX
Q Paano mo na confirm?
A Ma'am, nahuli ko kasi siya eh.
Q Na?
A Sabi niya ano, magpark ka sa parking lot tapos susundan kita. Ipapark ko iyong sasakyan
ko at sasakay ako sa sasakyan mo, sabi niya, ma'am eh noong na receive ng anak ko,
iyon, ano po, dali dali po akong nagbihis, tapos sabi ko, dito lang kayo, titignan ko si
papa niyo, sabi ko. Noong una, ma'am ano eh…
Q Ibig sabihin, mula Baguio pumunta ka ng Subic dahil lang sa text na iyan?
A Opo
Q Kasama lang?
A Ma'am, kasi ano, kagigising nila, palabas sila ng barko na sakto lang silang mag-
aalmusal.
Q Nakita ka?
A Opo.
Q Anong nangyari?
A Ma'am, bigla niya akong hinawakan tapos iyong babae biglang tumakbo sumakay doon
sa sasakyan niya.
Q So ibig sabihin, ang sinasabi mo kanina, kinimkim mo lahat iyong mga pambababae ng
asawa mo?
A Opo.