Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Lara Angela Ledesma 12 AHS-C

Rain Heart Vasquez 12 AHS-C


Ang sikat ng araw ang nakapagpagising sa anak ni Nanay Melita na si Jonah. Dali-dali
niyang niligpit ang kanyang higaan at bumaba na papunta sa kanilang kusina.
Jonah: Inay, gising na po ako.
Nanay Merlita: Mabuti naman kung ganoon. Halika't tulungan mo ako maghanda para
sa ating almusal.
Jonah: Ano ang ulam natin ngayon, inay?
Nanay Merlita: Tuyo, Itlog, at ampalaya Jonah. Maganda ang ampalata para sa iyong
tiyan sapagkat maraming itong nutrisyon.
Napangiwi nalang at hindi nasumagot si Jonah at tumulong nalang sa paghahanda ng
kanilang almusal. Pagkatapos niyang kumain ay lumabas agad siya ng kanilang bahay
at pumunta sa tindahan dahil balak niyang bumili ng chichirya. Pagkabalik ni Jonah sa
kanilang bahay ay agad siyang pinagsabihan ng kanyang Manay Merlita.
Nanay Merlita: Hay nako anak, ang aga-aga puro chichirya ang kinakain mo at wala
naman iyang sustansya. Kung ako saiyo ako ay kakain ng gulay at kanin upang mabilis
ako mabusog at masustansya pa ang aking kinakain.
Jonah: Minsan lang naman to kasi inay at hindi ko po gusto yung ulam natin ngayong
umaga.
Nanay Merlita: Kumain ka na ng agahan dahil pupunta tayo sa pulong na idadaos sa
Brgy Hall ng Brgy Alijis tungkol sa tamang nutrisyon ng mga bata at tiyak na marami
kang malalaman doon. Tiyak na marami ka roong matutunan at malalaman tungkol sa
mga masusustansyang pagkain.
Jonah: Eh inay hindi naman po ako mahilig sa gulay eh ang pangit kaya ng lasa non.
Nanay Merlita: Kaya nga susubukan natin pumunta doon baka magustuhan mo na ang
gulay. Jonah: Eto na po inay magbibihis na po ako!
(Pagkarating nila)
Nanay merlita: Maghanap ka nga ng mauupuan at makakarinig tayo ng ipinupulong nila
anak.
Jonah: Dito po nay may malapit na pwesto sa harapan. Nagsimula na ang pagpululong
at marami ang sinabi nito tungkol sa mga masusutansyang mga pagkain at ano ang
mga benipisyyo niyo sa kanila.
Jonah: Inay bakit po kailangan natin kumain ng gulay?
Nanay merlita: Upang tayo ay maging malusog at maging malayo sa sakit anak.
Jonah: Totoo po ba na ang sabi sa pagpululong na ang gulay daw po ay mas
nakakabuti kesa naman po sa mga chichirya?
Nanay merlita: Oo naman anak, yung chichirya ay walang naidudulot na maganda sa
ating katawan at dahil dito baka tayo ay magkasakit pa dahil sa asin at mamantika ito.
Jonah: Nakakatakot naman na po kumain ng mga chichira! Eh yung softdrinks po inay
totoo po ba na may masamang dulot rin po sa atin yon?
Nanay Merlita: Mas mainam pa na uminom na lang ng tubig araw araw anak at walong
basong tubig kada araw dahil ito ay nakakatulong sa paglinis ng ating katawan.
Jonah: Nanay andami ko pong natutunan ngayong araw dahil sa pagpululong! Nanay
gusto ko po ipagluuto mo ako ng tinolang manok yung may kasamang malunggay!
Nanay Merlita: Aba naman anak, bakit ayaw mo na ba sa chichirya? nakakapanibago
naman. Sige ipagluluto kita.
Jonah: Mas mainam po pala na pangalagaan natin ng wasto ang ating katawan at
kumain ng masustansyang pagkain araw-araw. Iwasan ang pagkain ng chichirya at
softdrinks para hindi magkasakit at maging malusog ang ating katawan.
Nanay merlita: Umuwi na tayo at ipaghahain kita ng gusto mong tinolang manok anak!
Mabuti naman at ikaw ay natuto na.

S- Tindahan, Brgy. Hall


P- Nanay Merlita, Jonah
E- Mas gusto na ni Jonah ang pagkain ng masusustansya kaysa chichirya.
A- Nagsimula sa pagtatalo, napunta sa nag tatanong at napunta sa nagpapaliwanag
K- Pormal na pag-uusap
I- Ito ay Pasulat
N- Tungkol sa nutrisyon
G- Nagsasalaysay at nagpapaliwanag

You might also like